embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: 1 ... 6 7 [8]

Author Topic: living on our own - pagbukod expenses and concerns  (Read 89197 times)

jeuno

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 115
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #105 on: March 19, 2012, 12:07:28 pm »

^yun nga sis, magastos yung problem. pero lalong hindi kami matututo na magtipid unless kami na gumagastos ng lahat ng expenses diba? I mean, kasi madalas kapag andyan na llahat tine-take natin for granted, kaya nagiging maluho tayo. pero siguro kung tayo na mismo gumagastos sa lahat matututo na tayo manghinayang diba? :D
Logged

babylovealthea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 209
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #106 on: March 19, 2012, 12:14:58 pm »

pero siguro kung tayo na mismo gumagastos sa lahat matututo na tayo manghinayang diba? :D

not really.. my bro and his wife didn't learn it. its more on how we would really want to learn na magtipid. tsaka before you do it, make sure na meron na kayong naipon na emergency fund. mahirap mag ipon ng emergency fund kung gagawin nyo after na magmove out kayo. :)
Logged

jeuno

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 115
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #107 on: March 23, 2012, 02:48:32 pm »

thanks sis. yun nga iniipon ko ngayon e. gusto ni hubby at least 50k, e nagastos na namin money namin. magastos kasi si hubby, dami gusto, e ako naman di ko matiis na di pagbigyan. pero siguro nga ngayon pa lang kailangan ko na matuto na magtipid para pag bumukod kami ready na talaga ko.
Logged

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #108 on: March 24, 2012, 03:07:11 am »

Nung bumukod kami ni hubby, ang pera lang namin na extra ay 20k (walang naipon dahil panay hiram ang in laws kasi nga di naman kami nakabukod non) which yung 12k pinangdeposit at advance pa namin (mabait yung landlady). Ang binili lang namin non ay refrigerator - installment sa card. Yung mga ibang gamit - arbor ko nalang sa mom ko at mga gamit ko na nung dalaga ako. Pero nakasurvive naman kami (si baby may separate savings na di pwede galawin) maybe kasi pareho kami may work non, yung first 2 months tag tipid kasi pinaikot ko lang yung credit cards nung simula so pinay-off namin yun... and ngayon nakapagpundar na kami ng appliances at may ipon na. Siguro kung di kami nagbukod non - wala pa din kami ipon ngayon.

Mahirap lang nun kapag hapon to gabi si baby ililipat ko sa bahay ng mom ko kasi papasok kami sa gabi at matutulog sa hapon, mabuti nalang at dumating ang yaya namin na si Ate Beth, hulog sya ng langit! = )
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

jeuno

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 115
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #109 on: March 24, 2012, 12:34:49 pm »

^gusto ko nga sana sis yung malapit lang din sa mga kamag anak para may titingin tingin pa rin kay baby kahit papano. honestly kahit gaano ko gusto bumukod super takot din ako, ganun din husband ko. takot sya na magutom kami. kung appliances lang almost complete naman kami, ref and washing machine lang siguro kailangan iinvest, kasi mga gifts nung wedding namin madami. tapos syempre couch and bed. e yun palang mga yun kulang na 20k.
Logged

weddingsingermom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 66
  • Mom of three girls and a wife of a violinist.
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #110 on: April 21, 2012, 03:25:56 pm »

Mas ok ang nakabukod. Dati nakatira kami sa in-laws ko, dun kami dumiretso right after ng kasal namin. Then we decided to move-out nung ipanganak ko na yung panganay ko, kasi gusto na namingmasubukan yung kami lang, saka isaa pa kahit mabait yung biyenan ko e hindi ako at ease na yung mga kapatid ng asawa ko lagi nalang umasa sa kanya, although hindi siya yung panganay. Nagbibigay kami ng share sa kanila pero sabi nga ni hubby, hindi kami makakapagpundar ng sariling gamit saka baka masanay kami na nakasandig sa poder ng mom niya. Ang masasabi ko mas ok yung nakabukod kasi you set your own rules, natututo pa sa budgeting. Wala problema so far. My parents and my in-laws would visit us from time to time, andun yung sense na namimiss nila kami, at ganun din sila sa amin. Six years na kami nakabukod, dapat nga may sarili na kaming house kung hindi lang nagkasakit ng malala yung anak ko. We are renting until now, mababa lang naman rent kasi kabarkada ni hubby yung may ari ng house, 2500lang monthly, two bedrooms with dirty kitchen and laundry area with libreng garahe, wag lang walang nakatira sa house, laking tulong talaga plus ang mga bata lapit lang sa school. Hopefully after three more years makakuha na kami ng sariling house within the village pa rin. :) mahirap naman talaga sa umpisa yung bumukod lalo na maliliit pa mga bata walang yaya tapos parehas kami ng work, sa events kami e, maliit lang sahod, so yung mga sala set at dining set unti-unti naming napag-ipunan pati ref, kalan, washing machine, etc...we hire a babysitter everytime merong work. Nakasurvive din kami by God's grace. And by His grace din magkakaroon na rin kami ng bahay na masasabi naming amin talaga.
Logged

tashasabs

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 284
  • 타사 ❤
    • View Profile
Re: mahirap ba ang bumukod?
« Reply #111 on: April 30, 2012, 12:24:57 am »

Sa akin mas okay itong nakabukod kami. Di bale na kailangan magtipid dahil may mga gastusin kesa araw-araw akong stressed kasi di ko kasundo mga kasama ko sa bahay.  :)
Logged
Happy to be in #sabsuniverse.

GorgeousChai

  • Newbie
  • *
  • Posts: 42
    • View Profile
Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« Reply #112 on: May 06, 2014, 03:38:38 pm »

subscribing. Plan namin to matagal na. Sana before year end matuloy.
Logged

greenstickman

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« Reply #113 on: May 12, 2014, 06:59:52 am »

Mahirap naman talaga bumukod. At dapat naman talaga naka-bukod ka kung may sarili kang pamilya.

Sabi nga ni Bro. Pete,

"Kung may asawa at anak ka at nakatira ka pa rin sa mga parents mo, MAGULANG ka."
 ;D

Maraming conflicts kung nakikipamahay ang pamilya mo sa mga magulang. Hindi maiiwasan ang conflict ng biyenan at manugang. Pati pagpapalaki sa bata issue. Not to mention yung mga usapin tungkol sa daily expenses.

Hanggat kaya na bumukod, dapat talaga bumukod para ma-realize ng mga magulang na hindi biro ang magkaroon ng sariling pamilya.
« Last Edit: May 12, 2014, 03:45:04 pm by toughmom »
Logged

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« Reply #114 on: March 01, 2015, 11:25:35 am »

Mas maganda talaga yung nakabukod agad ang mag-asawa kesa nakatira ka sa in-laws.

Ako, minsan naaburido na til now andito pa kami sa in-laws ko nakatira. Ang dami namin sa bahay. Yung 2 kapatid ng husband ko andito pati yung asawa ng ate niya dito rin nakatira. May hinuhulugan naman kaming bahay kaso hindi pa kami makakalipat kasi by December pa raw matatapos sabi ng Developer.

Hindi ka makakilos ng maayos kasi nga feeling mo daming nakamasid sa iyo tapos kapag may misunderstanding or argument kayong mag-asawa nakakahiya pa na marinig nila. Isa pa, syempre iba yung kinalakihan nila or kinasanayan. Kaya kung burara ang mga kasama mo sa bahay at ikaw hindi, mangungunsumi ka lang talaga.

Mahirap bumukod kasi solo nyo talaga lahat ng gastusin pero it's worth the risk at mas titibay pa ang samahan niyong mag-asawa.

Kung hindi ko lang sinusuportahan yung mom ko sa Bulacan, baka pinilit ko na ang husband ko na magrent kahit maliit lang na apartment, makaalis lang dito. Kaso hindi enough ang sweldo namin kasi nga ako pa rin ang in-charge sa gastusin ng nanay ko.  Don't get me wrong ha, ok. Lang sa akin na til now ako yung sumusuporta sa nanay ko kasi ako lang naman anak niya, pero minsan nakakapagod din pala. Di bale sana kung napakalaki ng sweldo ko. Hindi ako humihingi sa husband ko ng pera kasi hindi naman niya responsibility ang nanay ko.

Haay. . Kaya ako pag tanda ko gusto ko may ipon talaga ako para hindi ako magiging dependent sa anak ko. Kawawa din kasi kung may sarili ng family tapos ako hingi pa rin ng hingi. Kung may ibibigay ang anak, ok. Kung wala ok. Lang din. Basta wag rin siya maging dependent sa akin kapag may sarili na siyang family. hehe!

Logged

thesweetmom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
  • a super mom living the sweetest lifestyle :)
    • View Profile
    • My Blog
Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« Reply #115 on: May 17, 2015, 04:18:25 pm »

@faithyperry
you're right mommy! obligasyon nating mga nanay ang palakihin ang mga anak natin na maging alagad ng Diyos at maging maayos ang buhay nila balang araw. at never dapat natin silang obligahin na buhayin tayo when we get old. responsibilidad natin ang ating mga sarili. kaya't habang maaga, mag.save at mag.invest for the future.

for the expenses naman if you're living on your own na, depende yan sa kung anong lifestyle meron kayo or gusto niyo. importante talaga you set a budget and stick to it. list down your expenses and schedule your payables para you can track/monitor your money spending.
Logged

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 588
    • View Profile
Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« Reply #116 on: June 25, 2015, 06:44:07 am »

hi mga sisses. almost 2 years na akong nakatira sa bahay ng in-laws ko, although patay na parehas na parents niya andun naman mga kapatid niya and mga family neto. Andami namin and ansikip sa house.  Matagal na namin gusto mag move pero nagsunod kase ang anak ko and nagbibigay pa ako allowance sa parents ko plus pinagaaral ko pa yung kapatid ko sa high school kaya mahirap.

Pero this August plan na namin lumipat with 15k budget lang. Pagtitiisan ko nalang siguro yun kesa  makitira pa, ang hirap kase makisama e. Lalo na yung mga kasama nyo sa bahay na burara. Di ka rin makakilos and di makapag invest ng sariling gamit kase walang space.

Di ako makakilos nang maayos kase syempre may mga ibang tao. parang lugi pa kami sa hatian sa electricity and water kase palagi naman kami wala, wala din kami TV. electric fan and charger lang madalas namin gamit pero fair share sa hatian, ganun. lugi pa kami sa mga late magbayad ng bills kapag naputualn ng kuryente or tubig.

Baka kapag lumipat kami mas makatipid kami. Dito lang siguro kami lipat sa malapit sa work ko
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« Reply #117 on: June 25, 2015, 12:46:48 pm »

@ana mimi go lang. Mahirap sa umpisa, just don't expect na once nakalipat na kayo, totally peaceful na agad. May mga magiging unexpected expenses pa. Pero magiging maayos din ang lahat. Goodluck. Balita ha.
Logged

redberry12

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« Reply #118 on: February 27, 2016, 07:35:39 am »

Hindi ako nagback read but All I know is kapag bumukod. ALL the expenses ay shoulder mo full amount bills. Water, Electricity, Broadband , Association Bills Food etc. etc.
Logged
Pages: 1 ... 6 7 [8]
 

Close