Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: adenomyosis (anyone who can share)  (Read 6188 times)

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 366
    • View Profile
adenomyosis (anyone who can share)
« on: January 08, 2016, 02:09:14 pm »

just recently i was diagnosed by my OB na may adenomyosis daw ako, anyone of you mommies who can relate?

for long every time na mag mens ako super sakit sya especially in my second-third day but then tolerable ko naman, in severe cases nadadala naman sa mefenamic/hot compress but this last two months inaabsenan ko na talaga sya at hirap na ko bumangon sa morning sa sobrang sakit niya. got really worried so pinaTransV ako ni OB and then ayun na nga its adenomyosis daw.

if i want a permanent treatment removal daw ng matres but then again dahil isa pa lang anak ko dapat talaga syang pag isipan pa. while buying time and para na din hindi sya lumala dapat daw hindi na muna ako mag mens so its either ill go for injectable or mag buntis, im waying my options pa kasi since i gave birth natural planning method lang kami.

looking forward na may magshare na mommies  :)
Logged

jayce

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: adenomyosis (anyone who can share)
« Reply #1 on: February 01, 2016, 05:17:20 am »

hi. ang case ko is almost same with you. i have adenomyosis for several years na and i have also one child. It is getting bigger and the pain was unbearable. Since the time i knew, I decided to immediately to get pregnant. However, i had three miscarriages. I also tried to be treated with pi;;s for six months to prevent the rate of increase. So my advice if you plan to have another baby do it soon...If you can try also the injectable. At the end, if the pain really increases, decision has to be made by you.Take care and pray.
Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 366
    • View Profile
Re: adenomyosis (anyone who can share)
« Reply #2 on: February 10, 2016, 01:48:15 pm »

thanks for replying sis, got my first shot of injectable na (my husband and i opted for it rather than pills for the very reason na madami daw long term effect ang pills) as of the moment kasi we are not that financially ready to have another baby, monthly check up ako for 3 months to monitor the effect of it sakin then later on a yearly ultrasound to monitor naman yung paglaki, fervently praying na sana hindi naman sya lumala.
Logged

enerycmay

  • Guest
Re: adenomyosis (anyone who can share)
« Reply #3 on: February 10, 2016, 04:08:16 pm »

Hi Mommies,
ask ko lang kung sino ang taga Marikina or Masinag.
Need ko sana ng lying in na malapit sa house namin.

Thanks.
Logged

mommy_chiel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: adenomyosis (anyone who can share)
« Reply #4 on: February 17, 2016, 11:10:08 am »

Hi mommies! Sa experience ko po wayback 1 palang yung anak ko and now he is 9 yrs old may adenomyosis daw ako. Yes super sobrang sakit as in every month may absent ako sa work, then after 5 yrs na sundan yung panganay ko sabi pag nag ka baby na mababawasan yung pain pag may mens kana. Nawawala naman sya minsan and Oo nakukuha sa mefenamic but then last 2015 super sakit talaga so I went ulit sa OB para mag painjectable first time ko yun kasi wala naman akong ginagamit na contraceptive before so after 3 months na wala 1 month naman ako nagkaron medyo may pain padin sya pero hnd ganon kasakit. Sabi ko sa OB na try ko na lahat ng pain killers mefenamic, tramadol, buscopan venus well minsan natalab ang mefenamic. Advise niya sakin pag sabayin ko daw yung buscopan venus and mefenamic also if feeling nyo magkakaron na kayo try nyo uminom ng mefenamic 3 days before kayo mag mens as sa experience ko effective naman sya. Well last month effective naman sya at less pain. Maybe you can try this mga sis baka makatulong to lesser the pain. Well as of today meron ako at less pain also nasa office ako at hindi nag absent :)
Logged

iamkiara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
  • im wiser now :)
    • View Profile
Re: adenomyosis (anyone who can share)
« Reply #5 on: February 22, 2016, 05:48:24 pm »

hi sis I can relate. ako adenomyosis and adenomyoma yun akin. Pinapili ako ng OB ko kung injectables or pills, pills yung pinili ko and hindi ko nga nararamdaman yung pain, kaya lang tumataba ako, one year ako nagpills and nagsabi ako na magstop muna ako sa pills at itry ko muna na kayanin ng mefenamic, and thank God hindi na ganun ka painful yung dysmenorrhea ko and hindi na sobrang lakas yung mens ko, 6 months na akong hindi nagpipills. and every 6 months nakatrans v ako for monitoring kung lumalaki yung mayoma and kung kumakapal yung adenomyosis. What I do is less pork/meat, dairy products, sweets. kung dati nag jujuice ako and soft drinks ngayon bihirang bihira na, pero hindi ko kayang igive up yung cake and chocolate :) kaya binawasan ko yung iba.  I read kasi na nakakalaki ng fibroids yung mga yan. and I'm taking now mx3 2x a day. Last transv ko nung January hindi nagbago yung size niya, atleast hindi lumaki... HOpe it helps.. ANg good luck din.. Meron din pala yung OB ko na nirecommend na pills kaya lang uber sa mahal nasa 2k sya, hindi carry ng budget ko pero nakakaliit daw talaga. yung nga lang sympre hindi agad agad mga  1 year din bago mo Makita yung effect niya.
Logged