Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3

Author Topic: Teaching your kids how to save  (Read 17778 times)

cheiz

  • Guest
Teaching your kids how to save
« on: March 21, 2008, 01:00:14 am »

I just want to share a technique on how to encourage/teach your kids to save money. This technique was thought by my aunt. By the way, walang kid yung aunt ko so she is quite a spoiler, but with a growing family such as ours medyo she told me that its quite getting expensive giving gifts to all the pamangkins and the apos. SO, last new year (where we held our usual family reunion) she gave all the kids (by categories ha) a piggy bank (dapat uniform sizes per age bracket). Her rule is at the end of the year dapat i-surrender sa kanya yung piggy bank and her maid will open and count the money inside and note it down. kung sino yung may pinaka madaming na save i dodouble niya yung amount ng na save. So when we had our reunion last january one of our niece made about 4,000 savings so she was so happy she was able to bring home 8,000 pesos. Since then it became a yearly thing with our family.

It was fun and encouraging, so not my younger cousins and pamangkins are all looking forward to our next reunion to see who was able to save more money. Whats the consolation for those who lost? Atleast they were able to save. By the way, my aunt also advices us na kung sino man yung nanalo let them spend their saving kung saan nila gusto gamitin anyways, its their savings.

Hope I was able to share something! ;) 
Logged

MommyPhie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 193
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #1 on: April 03, 2008, 03:10:43 pm »

Thats a good idea mommy Cheiz, siguro even with our own kids lang pwede rin gawin yung contest. Start giving them piggy banks na then on Christmas eve it would be one of the most exciting thing to do aside from opening the gifts. My 2 y/o daughter also have a piggy bank, when her lolos/lolas or somebody gave her money nilalagay niya dun. Minsan nga lang pag nakikita niya coin purse ko talagang uubusin niya yung laman to put it on her Ms. Piggy ;D. One of my pamankin, she's 4 y/o pag binibigyan ng pera deretso sa tindahan e (katabi lang kasi nila yung store) I dont know if its late na para turuan ng tamang pag value ng pera.  But with your shared idea mommy Cheiz, I think effective yun. Thanks!

gabneth

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 265
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #2 on: April 03, 2008, 11:41:51 pm »

    well, maganda nga idea yan... siguro pwede din gawin yan sa mga inaanak no?  kung magkano ma isave nila doblehin ng ninong at ninang....try ko gayahin yan sa mga pamangkin at inaanak namin ni hubby... thank you sa pag share.....
Logged

momynako

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #3 on: May 09, 2008, 10:56:56 am »

just want to ask lang when can i possibly teach my child how to save? at what age?
sympre for babies diba tyo nagsasave for them.
ako every payday i see to it that i'll be able to set aside atleast 500 per payday para sa savings so its 1000 a month, tpos yung mga money na napamaskuhan niya or mga binigay sa kanya. derecho din sa savings niya.
Logged

mitch

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 348
  • i love my kids so much
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #4 on: May 09, 2008, 12:51:47 pm »

hi momynako try mo at early as u can like mga 3years old puede mo na sya turuan mine kasi ganyang age ko sya tinuruan eh,,ginagawa naman namin ni hubby binilhan din namin sya nnag alkansya yung superman,everytime na may pera sya gave from his lolo and lola or minsan mga friends namin ni hubby or mga tito ,tita niya nilalagay niya agad dun tas sinasabi niya kasi bibili daw sya nang car pag laki niya kaya  ngayon palang ipon na sya tas nakikita niya kasi ako pag may mga barya ako na sukli nilalagay ko din sa alkansya ,,so nawiwili sya gumaya sa akin siguro ok nga din yung ikaw yung gagayahin nang anak mo di ba?

yetsky

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 131
  • ALWAYS BE A BLESSING TO OTHERS!!!
    • View Profile
    • http://maietsky.multiply.com
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #5 on: May 09, 2008, 07:06:22 pm »

galing naman idea, pwede ba i adapt, kakatuwa yun... tuwing christmas kasi sa family reunion me nagbibigay din ng money depende sa age... aba kahit ba pabente bente malaki rin pag naipon di ba... last christmas  medyo malaki na kolek ng mga anakis ko, eh mautak na marunong na magcompute di na sinusurrender kay mommy, hehe, so what i did, yung half binili namin ng gusto nila, then yung half nag open kami savings  sa BDO ( 500 lang naman opening) sa pangalan na nila yung me passbook, then every payday nagdedeposit kami kahit 100 or plus pa para sa december me pamasko na rin sila then pinapakita rin namin sa kanila yung passbook nila, no atm muna for kids...
Logged

i♥

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 140
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #6 on: May 12, 2008, 06:06:51 am »

mommy yetsky, yung sa BDO ba na account ng kids mo withdrawable, kasi sympre gsto ko rin naman na for example kapg christmas, yung naipon nila atleast half dun eh mabili nila ng gusto nila.
tska need ba sila kasama kapag mag open ng account?

thanks


Logged

gabneth

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 265
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #7 on: May 12, 2008, 09:35:50 pm »

  ang metrobank meron din po fun savers ang tawag ... may card..... pero di po ATM, parang discount card lang sa ibang establishment na accredited nila and may insurance po at passbook.....500 din po yata ....
Logged

i♥

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 140
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #8 on: May 13, 2008, 11:22:47 am »

Funsavers po... naalala ko lang din na wen i was a kid funsavers club member ako. Sa Solidbank pa yun dati, tpos nabili ng metrobank yung solidbank. hindi ko na maalala yung mga freebies kasi sobrang tagal na rin yun.. hehe...
pero kayo mga mommies, san ba mas ok mag open sa BDO or sa Metrobank Funsavers? ano ang perks sa BDO? sa Metrobank? difference nila?
thanks
Logged

gabneth

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 265
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #9 on: May 14, 2008, 12:22:39 am »

yong daughter ko kasi sa fun savers ko inopen ng account, yong youngest ko baka BDO o security bank.... pag aaralan ko pa din ....
Logged

yetsky

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 131
  • ALWAYS BE A BLESSING TO OTHERS!!!
    • View Profile
    • http://maietsky.multiply.com
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #10 on: May 14, 2008, 10:34:54 am »

mommy yetsky, yung sa BDO ba na account ng kids mo withdrawable, kasi sympre gsto ko rin naman na for example kapg christmas, yung naipon nila atleast half dun eh mabili nila ng gusto nila.
tska need ba sila kasama kapag mag open ng account?

thanks



hi, yes anytime pwede mo i withdraw basta 500 adb, pag 7 above sila na mag sign sa application dala ng school ids and picture, pag below 7 yung mommy ang authorized na signatory, just bring copy of birth certificate and bring the original plus the picture ng child...
Logged

rjsmom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 297
  • Hip-hop baby
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #11 on: May 14, 2008, 11:59:25 am »

Sa BPI and BPI Family Bank, you have two options for saving money for your child's future.  :)

One, you can open an "In Trust For" account ... this has your name and your child's name sa account. This is applicable to kids less than 10years old.

For 10 and above, they can already open their own Jumpstart account. It's an ATM-based account so they can withdraw money for emergencies.  :)

For more info, click the link below:

http://info.bpiexpressonline.com/bpiprod/prodserv.nsf/BPI+Deposits/JumpstartSavings
Logged

silverglint

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
  • my boys
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #12 on: May 28, 2008, 11:48:30 am »

Kami, we are the ones doing the saving for them. we opened an account for the boys sa metrobank, name ni eldest ko yng account pero ako pa muna yng signatory since 4 years old palang siya. pero based sa mga kwento ng mga mommies, siguro nga its about time we give him his own coin bank to save his money in. kc what we usually do is just give him coins para ilagay niya sa alkansya namin. enjoy naman siya doing it pero iba parin yng excitement na sa kanya mismo yng ipon hehe:)
Logged
Marketing Officer
Carplan Phils. Inc.
UG21-22 Cityland Pasong Tamo Tower, Chino Roces Ave.
Makati City

anjsh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #13 on: August 28, 2008, 01:42:33 pm »

na experience ko din yang ganyang idea sa lola ko...
pero lahat naman kami magpipinsan double the awards regardless kung isang daan lang naipon mo. Every December yan magbubukas na kami ng coinbank namin....
Yun nga lang yung money na pinangdoble niya naka save sa savings acct namin ( nasa 10 kaming mag cuzin nun, lahat kami binuksan ng savings acct ng lola ) 
so yung ginagagastos namin kung ano lang talaga yung naipon namin sa coin bank.


from grade 1 to grade 6 nakaipon din ako ng 18 k sa savings acct ko nun... dahil lang sa reward system. hehe....

by next year sisimulan ko na rin to dun sa panganay ko kasi grade school na sya. Right now kasi di pa sya binibigyan ng money pag pumapasok ng school.

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 483
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: Teaching your kids how to save
« Reply #14 on: September 18, 2008, 02:31:26 pm »

i was able to watch in Magandang Umaga Bayan the other day about this topic while on my way to Office...

as early as 3 years old, puwede na raw nating turuan ang mga kids to save  and budget...for example...give P1 (or kahit magkano) to your kid as daily allowance kz mga candies pa lang naman daw ang gusto nilang bilhin pag mga ganyan age pa lang (may value pa ba ang P1  hehe,), ask your kids what they want to  buy...then tell your kids daw na dapat di nila uubusin yong allowance nila, they can buy candies/goodies pero dapat kahit 30% of their allowance dapat nilang i-save, ilalagay nila sa piggy/coin bank, then may be 10% din for charity...at yong older than 3 years old, aside don sa daily allowance and saving, pag may gusto silang ipapabili na medyo expensive, dapat daw mag-effort muna sila to have it like, clean their rooms, etc...dapat daw kz maiisip ng mga kiddos at early age na di libreng nakukuha ang pera, pinaghihirapan...

di raw kz natutong magbudget at save ang mga kiddos pag di natin sila bibigyan ng pera as allowance...

my husband and i talked na i-open ng account si jana naka-ITF lang...dapat 2 accounts, yung 1 account, yong idi-deposit is yong galing sa amin and the other 1 is yong perang nari-receive ni jana from other sources, lolas, titos, ninangs, etc. at kasama na rin yong maiipon niya sa coin bank niya.  at 7-month, we bought coin bank na for her to practice or exercise her hand-eye-coordination at the same time, may savings pa sya (syempre, sterilize muna namin yong P5/10 coins, wash at buhusan ng boiling water at di sya iniiwang maglaro non na walang adult, baka isusubo)...sa ngayon, pag naka-drop sya ng coin, itutumba niya alkansya niya at titingnan niya ang bottom part, siguro iniisip niya na makikita niya roon yong na-drop niya, nakakatuwa, nag-iisip na pala little girl namin...
Logged
Pages: [1] 2 3