Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 8 9 [10] 11

Author Topic: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)  (Read 85109 times)

twelvth_goddess

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 615
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #135 on: May 08, 2013, 09:04:56 pm »

Arlyn M. from Leyte; 19

Yaya namin to for 1 year and 4 months. Ni-refer samin ng kapitbahay ng in-laws ko sa Binangonan. Mabaet naman and masipag mag-trabaho. In fairness, wala ko masabe sa trabaho niya dahil mabilis kumilos and may kusa. Nakuha niya din loob ng anak ko. Akala ko magtatagal sya samin talaga kase we treated her talaga as part of the family. Binibigyan ng branded clothes, binibilhan ng vitamins and snacks, kasama sa mga out of town trips and eat outs, the works. Pero for the second time as an employer, I had to realize na KAHIT ANONG MAGANDANG PAKITA MO SA TAONG MAKITID AND MABABAW ANG PAG-IISIP, HINDE KA DAPAT MAG EXPECT NG RESPECT AND DECENCY.

So etong Arlyn na to, bihira mag-off so pag may times na nagpapaalam na uuwi sa ate niya sa BInangonan, pinapayagan ko mag-overnight kase nga bihira naman gawin. Ok sya the entire time she was with us, never na-late sa pag uwi, until last weekend. So nag-off sya ng Saturday dapat babalik ng Sunday ng hapon. Around 3pm Sunday, nag-text saken na hinde daw sya makakauwi kase sinama daw sya ng kuya niya sa probinsya dahil namatay daw lola niya kaya mga 4 days daw syang hinde makakauwi. Pupunta daw yung ate niya sa bahay namin para kumuha ng ilang pirasong damit. So sa galit and pagkabigla ko, tinawagan ko. Sabe niya non lang daw nila nalaman na namatay yung lola niya. Nasa Tuguegarao daw sya kase nag-advance daw yung kuya niya. Pinakausap ko sa husband ko. Sabe niya Saturday night pa daw sila andun kase sunday daw sila pupunta ng leyte kung nasan yung lola niya. So sabe ng husband ko, akala ko ba ngayon lang namatay eh bakit kagabe pa lang nasa Tuguegarao ka na tapos hinde ka nagsabe. So the story was skeptical and uminit ulo ng asawa ko so sabe niya mamaya tayo mag-usap. 5 minutes after, I redialled the phone and cannot be reached na ang number.

Iniisip ko pa non kung pababalikin ko or hinde. Nadala na kase ko sa una kong yaya na nung pumalya ng isang beses and pinagbigyan ko, dun na nagsunod-sunod. So I was torn kase nga matino naman to and we can't afford to not have a yaya cus my husband and I are both working. Pero naisip ko, wag na pabalikin kase pinagsinungalingan na ko. Pag uwi ko, nagkwento na yung 2 nieces ko na medyo close dun sa yaya na minsan napapalo daw ni Arlyn yung anak ko sa bum area especially pag ayaw matulog. Dito talaga nag-init ang ulo ko. NEVER namin napalo ang anak ko, ni sa kamay, ni tulak, wala, NEVER. Tapos sya na palamunin lang namin dadampian niya ng kamay ang anak ko?? Kaya pala nagtataka ko before kung bakit may unexplain sudden bruises ang anak ko sa legs or sa likod. I bathe my toddler kase chance ko yon to check her body eh. Lageng ewan daw. Ilang beses ko sya na-warningan before na pag nasaktan ang anak ko dahil sa kapabayaan niya, talagang malilintikan sya saken. So I told my husband na ayoko na makita yung Arlyn na yan, dahil so help me Lord baka mapatay ko sya.

When I read the stories here, naisip ko na ang kapal ng mukha ng mga helpers na magkaron ng kasambahay bill eh samantalang dapat employers ang dapat magkaron ng rights againts abuse from helpers. Sabe ng husband ko, masyado ko mabaet sa helpers kaya naabuso ako. Mahirap maging maid, wala silang right na tamarin to do chores cus that's exactly what they're being paid to do and it's a very tough job. Also, kaya ko mabaet sa kanila dahil nakikisama ko and ayoko i-treat niya na iba ang anak ko. All this time, balewala pala efforts ko kase ganon din ginawa niya. I felt so betrayed and sa totoo lang pag nakita ko sya ngayon masasaktan ko talaga sya. Hirap sa mga taong to, sila na nga may kelangan ng pera, sila pa hinde marunong makipag kapwa tao. No wonder ganyan na lang ang buhay nila.
Logged

violet.crumble

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #136 on: May 22, 2013, 10:55:34 am »


 KAHIT ANONG MAGANDANG PAKITA MO SA TAONG MAKITID AND MABABAW ANG PAG-IISIP, HINDE KA DAPAT MAG EXPECT NG RESPECT AND DECENCY.

When I read the stories here, naisip ko na ang kapal ng mukha ng mga helpers na magkaron ng kasambahay bill eh samantalang dapat employers ang dapat magkaron ng rights againts abuse from helpers. Sabe ng husband ko, masyado ko mabaet sa helpers kaya naabuso ako. Mahirap maging maid, wala silang right na tamarin to do chores cus that's exactly what they're being paid to do and it's a very tough job. Also, kaya ko mabaet sa kanila dahil nakikisama ko and ayoko i-treat niya na iba ang anak ko. All this time, balewala pala efforts ko kase ganon din ginawa niya. I felt so betrayed and sa totoo lang pag nakita ko sya ngayon masasaktan ko talaga sya. Hirap sa mga taong to, sila na nga may kelangan ng pera, sila pa hinde marunong makipag kapwa tao. No wonder ganyan na lang ang buhay nila.

I feel for you, sis.  Ganyan din ako. Pinapagalitan ako ni hubby kasi sobrang bait ko daw sa mga maid.  Kala ko when you show them kindness, they will give it to you in return.  Pero sila, they see it as a sign of weakness, an opportunity to take advantage of someone.
Logged

chichiime

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #137 on: May 28, 2013, 06:13:43 pm »

I would like to give everyone a fair warning about a yaya I got from SP.
Her name is Analyn, from Fairview QC, 25 years old. She's married to a man who claims to currently looking for work in Australia/NZ. Mahaba na straight ang buhok niya hanggang bra line siguro yun. May braces siya at medyo mataba.

So kinuha ko siya last week lang. May nag post ng number niya and I desperately needed help, so I told her na I'm offering her work. Iba iba kwento niya. Sabi sa post kung saan ko nakuha number niya na kaya sya naghahanap ng work dahil papaaralin niya pa mga kapatid niya. Sabi niya sakin nung nagkita kami for the first time, dahil naman ito sa wala na siyang ginagawa sa bahay nila. At nung bandang huli, dahil naman daw sa madami silang utang ng asawa niya at kelangan nila ng pera. ANO BA TALAGA? Ewan ko pero WARNING ko sa inyo wag kayo maniwala sa taong to.
Wala pa siyang isang linggo sakin, maayos naman trato ko sa kanya, ako pa ng provide ng toiletries niya dahil yun request niya. Pero wala na akong naabot kundi kasinungalingan. Pagkatapos ng birthday party ng anak ko, nagpaalam na magdday off daw, payag naman ako diba. Pero hindi na ako binalikan. Hindi nagtext hindi sumagot sa napakadami kong tawag sa kanya.
Masaklap pa dito, nangutang siya ng pera sakin. 300 pesos lang naman pero yung pera na yun magagamit ko pa sana sa ibang bagay na mas importante, pero dahil madali akong kausap at mabait siya nung nakipagusap siya sakin, pumayag ako. (Take note, NEVER ako nagpapa-advance o nagpapahiram ng pera sa mga yaya na nadaanan ko na, dahil budgeted lahat sakin.) Dinala niya yung toiletries na binigay ko sa kanya. Grabe.
Buti nalang talaga hindi ako pumayag na pahiramin siya ng mas malaki. Dahil humihiram pa sya ng 1000 sakin dahil daw mapuputulan na sila ng kuryente pati pambayad din daw sa rent nila. Kung isa ako sa mga amo na nagpapahiram lang ng pera ng basta basta edi nawalan na sana ako ng malaking pera.

Mga mommies, mag-ingat lang kayo, dahil ako sinuwerte lang. Buti toiletries at 300 lang nawala sakin, pero pag nagkataon baka mas malaki pa yun..
Logged

twelvth_goddess

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 615
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #138 on: May 30, 2013, 11:53:22 pm »


I feel for you, sis.  Ganyan din ako. Pinapagalitan ako ni hubby kasi sobrang bait ko daw sa mga maid.  Kala ko when you show them kindness, they will give it to you in return.  Pero sila, they see it as a sign of weakness, an opportunity to take advantage of someone.

That's true sis. Imbes na maging grateful sila sa mabaet na amo, they see it as a winning opportunity to take advantage. Grabe talaga mga tao ngayon.
Logged

paula2020

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #139 on: June 03, 2013, 01:13:37 pm »

True mga mommies ang hirap magtiwala sa mga yaya/helper! Lalo di naman natin kilala sila. Kung kilala nga e nanakawan pa tayo! What more kung di talaga kilala!

BEWARE OF: A. J. DEOCARIZA

I got her from J. FERNANDEZ OF CALOOCAN with a referral fee of P 1,400.00

Nilimas ang tindahan pera at cellphone sa tindahan namin, kinuha pa ang pera ko sa envelope.
she stayed for 2 nights at nagyoyosi pa sa kwarto niya which is katabi lang namin.

Tsk tsk! ang hirap!

Thank God walang nangyari masama sa mga bata!

This post has been modified. Full name not allowed.
« Last Edit: June 03, 2013, 06:52:49 pm by Mommyjazz »
Logged

Stay.at.home.mom.

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #140 on: June 25, 2013, 12:56:51 am »

Beware of C. L. Lachica from Bacolod City, Negros Occidental. Age: 24 DOB: March 24, 1989, payat, around 5'1 ang height. maputi.

Nakuha namin sya thru agency, may nbi clearance naman sya kaya kampante na loob namin. pumasok sya as all around maid, 4000 yung starting salary. pero since may 2 pa syang kasi dito, luto lang ginagawa niya mostly n ayos. inuutos lang niya sa dalawang yaya yung mga iba.

ok naman sya nung una, sumasagot sagot lang, tapos nagsimula na kming mawalan ng mga kung ano ano. since tatlo sila, mhirap mambintang kaya wala ring nangyari.  puro parinig nalang kami. at least alam ng kumuha na napapansin namin.

last thurs, biglang nagtxt sa akin. sabi niya alis na daw sya kinabukasan.sabi ko d puwede kasi may kontrata pa sya at sabi sa kontrata one month written notice. sabi niya kht d na daw niya kunin sahod niya ok lang bsta makaalis lang sya kasi pinapauwi na daw sya sa knila ng papa niya kasi daw d alam ng papa niya na nagtatrabaho na sya at nung nov lang daw sya naoperahan.

since nagpupumilit sya, pnaalis ko na dn. chineck ko ang bag. may nakita akong mga maliliit na gamit namin pero d ko na pnansin.

pagkaalis niya, ayun na nagsimula na ang sumbungan portion ng 2 yaya. sya pla yung kumukuha ng mga nawawala dto. klepto ata sya. mula sa vitamins ng mga anak ko na gummy bears to mga baon nila sa school like chuckie, yakult, biscuits n cupcakes, sya kumukuha lahat, sabi lang niya ang bata nag uubos. pati mga yogurt nila at silk sa ref sya pla nag uubos, pati mga doritos ng panganay ko knukuha. tapos tuwing may pinapabili pala kming ulam like sa baliwag sa baba, kinukunan niya muna ng portion bago ihain samin, tapos itatago niya. parang patay gutom. pare pareho naman kami ng ulam. ok lang sana kung hanggang dun lang.

pati pla mga gamit ko pinagkukuha, kung type niya, kukunin niya lang agad, sabihin pa niya sa 2 na isa isa daw sila. d ko lang alam kung pano niya nilalabas yung mga gamit. siguro tuwing bibili sya ng gulay sa baba iniisa isa na niya mga gamit. basta basta lang kasi sya bumababa ng walang paalam. eh nsa kwrto lang naman ako lagi, d nalang magpaalam. may mga gnagawa palang kababalaghan.bka inaabot sa boyfriend niya kada baba niya.

tapos yung pondo na bnbgay ko dto sa bahay yung pambili ng gulay, mineral water, etc, ginagastos niya tapos ililista lang niya ng kunwari bumili sya tubig o gulay, o kaya isang putol ng cabbage lang binili niya, ililista niya 35. eh 10 lang un,buo daw binili niya, mga ganung pagdodoktor magaling sya dun, tuso talaga tong si Cariel na to. pati pla mga alkansya ng mga bata knukuha niya laman,

napansin ko dn pla mga branded yung mga gamit niya, may pantalon pa syang cotton on na worth 1199. tapos panay pa ang bili ng kung ano ano tuwing dayoff niya, sya rin yung gnagawang pautangan ng 2 yaya, hanggang 2k pa ha. ang daming pera diba? tingin ko kumukuha din sya sa wallet ko ng pera.

nawawala dn yung IPOD WATCH ng asawa ko, malamang sya dn un kumuha kasi nsa cabinet lang un at sya yung naglalagay ng damit dun pagkatapos malabhan.

ito pa, pati sariling kasamahan niya ninanakawan, yung una nawalan ng 300 yung isa, tapos ngyn naman bago umalis, kinuha dn yung padala ng kapatid ng isang yaya na 500. pambirthday daw sana yun ng yaya. takot kasi yung 2 sa kanya kaya ngyn kng nagsisilabasan.

kumuha pa daw ng buhok namin at picture para daw ipakulam niya kami. nananakot siguro para d magsumbong.
sinasabi pa na sana maghiwalay daw kami mag asawa o may mamatay daw isa sa amin.

bagong member ako dito pero concerned lang ako kasi baka makabiktima ulit. pinagkatiwalaan namin sya, pinakisamahan at ganun gagawin niya? pati mga katrabaho niya nanakawan pa niya?

may pamilya sya sa tndang sora, dun daw sya pumupunta tuwing dayoff niya. added info lang bka makatulong. pero yan talaga tunay na name niya C.L.Lachica. nkita ko sa id niya at SSS.

ingat lang po mga sis. pls pass.

Logged

mommy_shark

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #141 on: August 08, 2013, 11:41:56 am »

C. Tambago
 18yrs old from Masbate
Mukhang innocent and mukhang very nice.

She arrived April 26, 2013. We explained to her na mag aalaga siya ng 2 yrs old and maglalaba lang siya ng damit ng anak namin with konting linis lang ng bahay. We live in a studio type condo so sobrang liit lang ng bahay namin and halos walang lilinisin kasi wala pa kami gamit masyado.
April 27 may outing kami sa Laguna so sinadya namin na April 26 pa lang nasamin na siya para makasama siya sa outing. Medyo makilala sana namin siya and gumaan agad loob niya sa amin.
Okay naman yung first 2 weeks niya sa amin. Sobrang sipag at may kusa sa pag lilinis ng bahay. Super bait ko sa kanya na minsan ako pa nagffold ng clothes niya kapag hindi naaalis sa sampayan since ayoko ng damit na mabaho. Sabi nga ng husband ko masyado daw ako mabait kaya feeling naming inabuso. Sa first month niya na notice namin na mahilig siya mag text so sinita lang namin and nag stop naman siya magtext sa oras ng trabaho. Tapos unti unti na siya nagiging tamad. Minsan sasabihin niya “pwede po ba bukas na lang ako maglaba kasi tinatamad po ako”. Pumapayag naman kami pero para sabihin niya sa amin na tinatamad siya parang ang kapal lang ng face niya kasi halos wala na nga siya ginagawa maghapon. Ang dami nga rin pala niyang kwento tungkol sa sarili niya na sa tingin namin puro lies. Like may sakahan daw sarili nilang family sa province at tatay daw niya nakapunta ng Japan at 3 daw ang cellphone niya sa bag. So nag investigate kami. Nagtanong kami sa tita niya kung may sariling lupa sila sa probinsya..sabi ng tita niya wala daw sa pamilya daw yun sa mother side niya pero hindi sa kanila. Yung cellphone naman hinahanap naming pero wala naman siya mapakita. Bigla na lang umiyak at sinabing “ Naitapon ko po ata nung Saturday”. Seriously? Sinong matinong tao ang magtatapon ng cellphone sa basurahan. Kami pa tuloy ang nagmukang magnanakaw kasi nung una hindi niya mahanap tapos nung hindi na niya alam isasagot niya dinahilan na niya yung natapon daw niya. So since that incident hindi ko na nagustuhan yung yaya kaya naging strict na kaming mag asawa. Nasundan pa yan. May hikaw daw siya na hindi rin niya ma prove na meron siya. Since the lost cellphone incident tinatanong ko kung ano pang importanteng gamit meron siya sa bag. May hikaw daw siya at iniinsist ko na ipakita sa amin pero NR siya parati pag gusto naming Makita. Until one day hinanap ko talaga di ko siya tinigilan..sabi niya “binigay ko na po kay tita nagkita kami nung isang araw”. Na impossible mangyari kasi tita niya nasa Makati at Batangas. We’re from qc at wala man lang sinabi na magkikita sila.
Bumili rin kami ng extra phone para may pang text siya sa amin sa hapon. With tv and radio talaga pinili namin para sa spare time niya manood siya or makinig ng radio. We were very disappointed to find out na inabuso lang niya yung feature ng cellphone at maghapon lang pala nanonood ng tv. May one time nahuli ng husband ko mag 2pm nanonood lang ng tv na hindi pa naliliguan baby girl namin and di pa niya napapaubos yung lunch and di pa din nakakapag wash ng dishes. Hindi tuloy naming alam kung talagang napapaubos ang gatas at pagkain o tinatapon lang niya.

Galit nag alit ako that time dahil pinagkatiwala naming sa kanya anak naming tapos yun lang ang gagawin niya. Since first time naming magkaka yaya iniiwan pa namin si yaya and baby girl kay MIL (mga 3 blocks away lang from our condo) siguro mga 4x a week. So kung tutuusin halos wala siyang ginagawa as yaya dahil si MIL ang nagpapatulog at nagpapa kain sa baby girl namin. Masyado ata naging close si yaya kay MIL to a point na feeling naming mag asawa mas kinakampihan pa ni MIL si yaya na tamad at sinungaling. May incident kasi na pinagalitan ko si yaya at narinig ni MIL tapos sakin pa nagalit si MIL at kung ano ano na sinabi..Last incident nakita ko na may crack yung cellphone na provide namin sa kanya..tinanong ko siya kung kelan nangyari yun at sabi niya”3 days ago lang po hinulog ni Baby girl”. I asked saan at pano nagyari at sabi niya “Nung sinundo po kami ni ate H. (sis-in-law) sa bahay para pumunta sm don po nahulog ni baby girl”. EH yung sister in law ko naka alis na ng philippines 2 weeks prior nung conversation namin so lumalabas imbento lang yung 3 days ago niya. I confronted her at kung ano ano na naman ang dinadahilan.

Masama talaga loob ko dahil magaling magpaikot ng tao at mag imbento ng kwento yung yaya na yon. Tapos mas kakampihan pa siya ni MIL kesa sa amin mag asawa.

Mabuti na lang nagpaalam na siya at umalis na last Tuesday August 6, 2013.

By the way kami sana sasagot ng toiletries niya (soap, shampoo and toothpaste) pero ang dinedemand na sabon eh DOVE and shampoo niya PALMOLIVE only.  Kinukuto daw kasi siya sa Vaseline at Sunsilk. Pond’s lang ang facial wash na ginagamit niya.Hindi rin siya kumakain ng cheeze/chiz whiz. Gusto niyang palaman yung Nusica (nutella-like) kaya siya parati nakakaubos non sa amin. Hindi rin siya kumakain ng beef and veggies. Kapag 3 days na ulam sa ref at ininit niya parati niyang sinasabi “panis na ata po ito”.
Isa pang naging problem namin eh ang bagal bagal kumilos kahit ilan beses na namin sabihan na bilisan wala pa din nangyayari. Pag nasa CR siya ang tagal tagal.

BEWARE of this YAYA. Mukha talaga siyang ok sa una pero magaling siya magpaikot at sinungaling!  >:(


Logged

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #142 on: August 12, 2013, 07:25:43 pm »

Hay grabe na talaga ang mga yaya/kasambahay ngayon!  Dapat kung may kasambahay bill meron ding MOMMY EMPLOYER bill!  kapal naman ng mukha ng mga abusadong mga taong yan! grrrrr!!!   >:(
Logged

Leslie_Kiel

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 112
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #143 on: August 13, 2013, 03:22:50 pm »

S. "BABES" BRILA

She's 57 yrs old and is from Bicol.
Recently kasi I heard from the other yaya na meron daw kumukuha din sa kanya na maging yaya and all-around.
Di ko pa kasi sya napapa-blotter kaya I'll post it here muna.

She only stayed with us for less than 2 months kasi nasobrahan na yung mga pinaggagawa niya.
First of, may pagka-pakialamera sya, yung shoes ko pinagsusukat niya which I had verbally told na ayaw na ayaw ko yung pinapakialaman yung gamit ko.
Then, prior pa sya dumating sya na nagdedemand ng iaadvance niya sa amin.  My husband already told her na di pwedeng malaki yung iadvance niya kasi di naman namin sya kilala pa and then we told her na bumyahe from bicol in the morning para masundo sya namin afternoon.  Yung ginawa niya is bumyahe ng gabi at nagpapasundo sa amin ng madaling araw on a working day.

Tapos, sinabi namin talaga na yung mga bata ang priority at second lang yung gawaing bahay.  Pero yung napapansin namin parati is yung isang yaya yung nagbabantay sa 2 kids ko at sya e nakaupo nanonood lang ng tv, or nakatunganga. 

Madami pa syang pinanggagawa like minura niya yung apo nung kapitbahay namin who is 7 yrs old and then nangungutang sa ibang yaya dun sa school ng bunso ko at sinasabing matagal na sya sa amin.

Yung pinakamaintindi e yung pinaggagawa niya sa anak ko.  Sinisigawan pala niya tsaka sinasaktan.  Nagsumbong na yung isang yaya at yung kapitbahay namin na parating iyak ng iyak yung panganay ko kasi nga sinisigawan at tinatawag daw na "Maldita" at "taran***o".  and then pag pinapalo daw e nagmamarka na yung kamay dun sa legs ng daughter ko.

And then the last straw is nung ayaw maligo nung daughter ko, crinumble daw yung mouth kasi ayaw sumunod sa kanya.  Kaya nagulat yung mga kapitbahay sa sobrang lakas ng iyak nung daughter ko considering na nasa CR pa yun ha.  Paglabas nila e may sugat na ng kuko sa mukha ko yung daughter ko.  This was relayed to me nung kapitbahay kasi di na daw nila matiis yung ginagawa sa anak ko at naaawa na daw sila dun sa bata.

Madami syang dahilan kung bat nagkasugat yung anak ko sa pisngi, iba iba na nga yung dahilan na sinasabi na na hindi na nagmamatach pero ayaw talaga nyang aminin kahit buking na sya.  Kesyo di daw sinisigawan, malakas daw yung boses pero nung sinabi ko na yung buong compound nagsumbong, di na sya umiimik.

At nung hinatid ko sa school yung anak ko tsaka ko nalaman na hindi pala niya nasusundo yung anak ko on time, her class ends at 1230 pero minsan daw 130 or 2pm na bumabalik, we don't know kung san nagpupunta bat ang sumbong nung isang yaya is that nakikipagchat daw sa kung kani-kaninong lalaki kahit married sya.

Be careful with her mommies, kasi d totoo yung mga pinagsasabi niya.  SInungaling sya at mahilig magbuhat ng sariling bangko.

If you need more details, do pm me.  I really don't want this to happen to any of the other moms out there.
Logged

jackie_0707

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 99
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #144 on: October 30, 2013, 10:14:22 pm »

Never transact with Treds Manpower.

They are just accommodating and friendly when you're processing a manpower from them, after that, they give least time for your concerns.
Logged

joanalpny

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #145 on: November 04, 2013, 08:43:05 am »

Walang tatalo sa ginawa ng maid namin. This maid we got e matagal ko ng kilala, she was my mom's secretary, I think 6 or 7 yrs ago, she got married so umalis n sya as secretary then naghirap sila kasi her husband had this sickness. She was my contact in the province whenever me and my friends were in need of a maid. Then sa Hirap ng buhay sabi niya nalang daw kunin ko and take note that she had to bring her 8 mo.old daughter with her. Pumayag ako since wala akong Yaya that time and I thought ok sya. When my mom heard that she's with me na she asked kung pwede niya kunin as caregiver for her husband kasi old na rin sila e. So she got all excited kasi Syempre mas Mataas sweldo niya dun. Uuwi daw niya anak niya pag kinuha n sya ng mom ko. Ako naman ok Lang kasi mag momorning shift na ako so I don't have plans na on hiring another maid because they're added problem for us Lang.

Eventually my mom decided n Hindi niya nalang kunin yung maid namin so Sinabi ko s maid. Dun na nagsimula as in sinasabi niya n wala n daw syang gana mag trabaho at uuwi na daw sya so I said ok Lang mag hanap ako ng replacement. Napansin ko nga na sobrang Tamad niya na. Magulo Lagi bahay, sinasagot sya ng pabalang,Laging tulog s sofa while breast feeding her baby at yung anak ko e 2x in a months time e nagka sakit ng ubot sipon kasi naman d niya na mo monitor Lagi basa ang likod ng anak ko.

Yesterday while we were eating bfast sabi ko Sknya parang Laging magulo dito s bahay, then she answered, e may bata e (she was pertaining to her baby) so binayaan ko Lang. Then she started picking up things, toys etc so I joked saying o nag ligpit ka ata. Then she answered, po nakakahiya naman sayo e.
Wow, just wow. So I asked bakit Ganyan ka sumagot? Then she started ranting and said she'll leave na, so I said it's ok you can leave now, ibalik m sakin yung 1k na pinamasahe mo. Because that's what we agreed upon and in fact it's in the law na pag Wala pang 6mos. The employer can deduct the fare from salary. E hindi ko na deduct since kaka sweldo niya palang. She answered bakit may kasatan ba tayo tungkol s pamasahe? Grabe!! I snapped that instant. I said umalis ka na dito, I got all her things cabinet and threw all in the floor. I guess it was my mistake na pinatulan ko pa sya that way, I think natakot sya at sabi niya papa barangay niya daw ako. Wow Lang ha! So I said to her pack her things and get out, sabi niya iiwan Lang daw niya anak niya sa kapitbahay then she'll go back to pack her things. I said no pack it now pag lumabas ka dito ayaw ko ng babalik kapa. She wanted to get out so I slammed the door so hard dahil ayoko pang pabalik balik sya. Ano yun aalis sya to make chismis at paawa s Labas then balik sya to pack her things no, I said pack your things now! Dahilan niya bitbit niya daw anak niya pano daw sya makakapag pack? Hello! Iniiwan niya nga Lang anak niya s floor pag nag huhugas or linis sya tapos ngayon pinapa pack n sya kelangan niya pang iwan s kapit bahay. Aba e naglumpasay sa sahig at nagsisigaw! Omg I even took her video while Habang nagwawala sya. Na kesyo ginawa niya lahat maglaba maglinis etc. e natural ano b Gagawin niya samin? Mag bakasyon? Nung nahimasmasan n sya ayun she packed her things while still ranting na kesyo daw masaya sya kahit na wala syang pera, babagsak daw ako and things like that, so I went out and straight to the barangay and filed a complaint. Maya maya she was there na din to file a complaint. Grabe sobrang kapal ng Mukha niya ayaw pumirma sa kasunduan na aalis syang walang reklamo and all! Gusto niya may hearing pa. Anong rereklamo niya?na sinabihan ko sya na madumi ang bahay? Wow ha!

Grabe talaga to think na nung nangangailangan sya ng work e I accepted her kahit na may anak sya and yung anak niya pa e sobrang lakas ng iyak pero pinag tyagaan namin lahat yun. When I went home from the barangay nakita ko d washing machine e mga damit niya nilabhan. Wow talaga sobrang kapal Lang!

Andun sya sa kapit bahay namin most probly making chismis. Then nun afternoon tumatawag s baba dahil nalimutan daw niya ID niya and yung slippers ng anak niya. Binigay ng husband ko at sabi niya pasensya na ha. Wow talaga!!!!! High blood to the max ako!! At eto pa tumawag sakin yung husband niya at nagbabanta na papa dswd daw nila ako! Wow talaga! Sobrang madami akong natulong sakanila. Eto Lang ang maid na Kung sumagot e wagas! I'm thinking of posting her pix s net because for sure mamasukan din to sa iba. Sobra scandalosa talaga!

KHAREN C.G. from BULAN SORSOGON
 Pati sa FB nangaaway.
« Last Edit: November 04, 2013, 03:44:37 pm by Mommyjazz »
Logged

american girl

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #146 on: November 04, 2013, 09:24:00 pm »

I just had an experience with my kasambahay this morning. This agency from Reposo St. in Guadalupe has given me a yaya who was sick. All members in the family got sick because of the viral she brought in the house. We treated her well by giving her the proper medicines but after 3 days she informed us that she is leaving because of her baby. This agency took 2 weeks to replaced her. The replacement was also a disaster. I just hope she will not be employed by anyone. She is Mary J. R., 20 yrs old with provinicial address in Iloilo. She left the house withpout permission because I asked her to clean the comfort room and placed her used clothes in the hamper instead of scampering them under her bed. Meron bang masama sa sinabi ko? She doesn't like to be told what to do by her amo. She talks ill behind my back according to our other kasambahay. She is lazy as well. Sumasagot ng sarcastic pag napagsasabihan. Pinagyayabang pa niya na 2 weeks lang sya tumatagal sa amo niya at lumalayas sya. I am so disappointed because the agency is not screening their applicants very well. Now I told them to give me the replacement soon and will not pay the fee because I am not at fault here. Nakakapagod kasi instead na sana no worries ka and paid a high fee, lalo ka lang napeperwisyo. We got the name and the contact of the agency through this site. I hope the administrator of smart parenting will remove them and not refer them to the readers anymore. It is not helping us. I hope that my story will be of help to other mothers out there.
Logged

luisaramos

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #147 on: November 27, 2013, 05:19:09 pm »

I want to share our unbelievable expereinces with Yaya's over the past 2 years.  Yaya Cirsty from Bicol told our house help when my 1 year old girl was crying "hayaan mo sya.. iiyak naman yan pag nagutom".  I also found out that when ever she feeds my baby e sinasalaksak niya ng spoon.. kakagalit.  Next, Dona and Jona from Mauban Quezon - I noticed that my baby got thinner.  Eventually found out that she is not feeding my baby.  Just gives her milk.  They also consume the food I buy for my baby like cookies etc.  Next yaya = Jackie from Valenzuela.  She is just 17 yrs old.  So she never gave too much attention to my baby.  Whenever I get home I see my baby really dirty, messy hair and reallyexcited to see me (akala ko namiss lang ako.. indi pala maganda experience sa yaya niya).  SO other than ala syang pakialam sa baby ko.. I noticed that her mom always visits her at home and gives her mom somehting.  After a while, we realized that we are missing quite a lot of jewelries already.  Un na pala ang mga inaabot niya sa nanay niya.  the most recent yaya: Rose An G. G_____.  She was a house help and her main obligation is to wash dished, help my mom out when cooking, clean the house.  She does not do anything else.  Whenever you ask her, her response is "ala po ate" or "di ko alam" etc. kakainis kasi ala syang alam na kahit ano.  Yaya May Ann C.  she is the yaya of my daughrter and they were working for us at the same time.  At first tYaya May was good. She attennded to my baby and took care of her (btw, she is the sister of our househelp in Batangas who is very good and is on her 3rd year in BS IT - pinapaaral namin).  SO I guess may kaba etong si May but eventually she became lazy and started not to care.  I catch her sleeping on our bed as if she owns it.. using our pillows and blankets etc while my baby is on the floor playing by herself.  she also does not clean our room.  Kahit walisin man lang.  Kelangan iutos pa.  Last thrursday, I received a call from my sister telling me "alam mo bang may lalake sa bahay".... boylet ng yaya namin... the boys did not go out when they were asked to.. when the policemen came chaka lang isla lumabas because ala na silang choice..  the cops were ready to assult.  So based on the investigation.. the boylets were in our house for 2 consecutive nights already.  The night they were caught was supposed to be their 3rd night.  so un mga katulong kaya pala nag kukukong sa kwarto.. at alang pakiaalam sa mga trabaho nila.  Good thing the boys were jailed already!  Beware...  Si Rose Ann G_____ ay husler and I heard she is already a Yaya for another person.  SO please beware...
Logged

Mamcy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Yaya Watch List / Beware of these yaya's
« Reply #148 on: December 30, 2013, 01:38:31 am »

Hi mga mommies!

I have experienced a lot of yayas so far from agencies and you need to WATCH OUT for the following:

Recently Agency from  LES Lynx Employment services based in QC 
Name of yaya: F. SORIA  from ALBAY pero sabi niya di daw siya umuuwi based daw siya sa CAVITE with her husband
42  y.o /  4'11 ang height  / fair
salary: P4000
Fault: Not accountable for her own mistakes. Magaling magdahilan,  mahirap turuan at may pagkabingi. -Selective memory.

Etong yaya na ito may pag ka sosyalera. Di daw sya kumakain ng peanut butter at bumibili ng sariling apple juice at milk.

Naka 6 months sya sa akin dahil sa  pag tiis at pagbibigay sa kanya at dahil mahirap maghanap ng yaya pinagtiisan ko, besides ang pumipigal lang sa akin na palayasin siya ay ang husband ko.

This yaya is so ma pride- not accountable for her own mistakes. Magaling magdahilan,  mahirap turuan at may pagkabingi. -Selective memory.

Naumpog ang anak ko sa concrete floor at kung anong dinahilan niya kesyo may kinuha daw siya nadapa daw.  Sabi ko trabaho niya na bantayan ang bata, alalayan dahil natural na malikot sila. Obviously kapabayan niya ito. Ni sorry wala man lang akong narinig. Sisimangutan ka pa. Ang laki ng bukol sa noo ng anak ko sobrang gigil ko talaga pinipigilan ko lang ang sarili ko pero pinalagpas ko ito.

Madaming kapalpakan na pinalagpas ko dito pero ang last straw. May bidet kami sa toilet bowl, the one that sprays your behind to clean it, biglang nabuksan immediately after bathing my baby. Tinawag ko siya tinanong ko bakit basa ang floor at tissue at naiwang nakabukas ang bidet? Sabi niya di daw niya alam. So sabi ko baka naman hindi mo napansin nabuksan ng bata. Aba ang lola pinagpilitan pa niya sa akin na hindi daw, hindi daw pwede mangyari yon kasi hawak niya ang bata. OMG, hindi ko na nga siya ang pinagbintangan mega explain pa ako sa kanya na sabi ko POSIBLE nagalaw ng bata hindi niya nakita aba mega insist ang yaya. So nakaka high blood talaga di ba? So sabi ko kung hindi ang husband ko hindi ako hindi ikaw hindi ang bata sino e di multo???! Nakikipag talo pa sa akin so sabi ko o sige para matapos ang usapan Ako na lang ang mag so sorry, sorry yaya ha pasensya ka na. O san ka nakakita na ang amo ang nag so sorry sa yaya na obvious naman na kapabayaan nanaman ng yaya di ba? 

After that incident narinig niya na nagtatwag ako ng mga agencies. Pinigilan ko ang sarili ko na right there and there palayasin ko siya so kinuwento ko sa husband ko ang pangyayari. Tamang tama the next day day off niya. So bago siya umalis sabi miya kung pwede daw niya akong kausapin kasi narinig daw niya akong nag tatawag sa agencies. So sabi ko so? Aalis ka na humihingi ka ng last pay mo? So sabi ko o sige! Binasa ko agad ang contract niya, Sabi don pwdeng ma forfeit ang last pay kapag walang abiso written one month notice na aalis o mag re resign siya. So bago ko siya pinalabas of course I have to check up her belongings. Biruin mo pinag iisipan niya na pala ito that night. So pina sign ko siya  na voluntary siya na immediate resignation without prior one month notice. Eto nanaman ang pag ka selective hearing niya. Nun lumabas na siya ng gate. Aba kumatok uli. So syempre galit na ako bakit! Aba ang kapal ng mukha hinihingi niya ang last pay niya which is 6 days pa kasi kaka end lang niya ng contract ng 4th. Akala niya siguro yung pina sign ko sa kanya eh amount of last pay na ibibigay ko sa kanya which I explained to her before she signed na nakasabi don vlountary immediate resignation. So sabi ko aba nakalagay sa contract mo na pwedend ma forfeit ang sweldo mo kapag wala kang one month notice. Tapos nag dahilan nanaman tapos na daw contyract niya so sabi ko E BAKIT MO KO PINANGUNGUNAHAN? (she based it from overhearing me when  I was calling agencies) So after non sinara ko na ang gate. Ang kapal talaga nitong yaya na ito.

Prior to this yaya, I still have to look for the old records of the agency but her name is
K. ANTIDO from VISAYAS
dark around 5'2 in height medium built
salary: P4000
Fault: Mahaba ang kamay/ I lost money
   
Ito naman naka more than a year siya pero umabuso sa kabaitan naming mag asawa. Even prior to the kasambahay bill I allowed her once a week day off pwedeng overnight. aside from other perks.

Eto dahil sabi ko before I took her, focus lang siya sa bata, hindi siya obligadong maglinis ng bahay. Aba ni walis hindi man lang magkusang magwalis. No wonder panay ang balik ng kuliti ng anak ko kasi sabi ng doctor due to molds & mildew. Nakakahalata tuloy na maalikabok ang bahay parati. panay ang nood ng telenovela niya. Panay ang text at gamit ng phone.

Napansin ko na lang nawalan ako ng pera na dapat pang sweldo ko sa kanya. We have to go to my baby''s check-up the next day so I left it sa diary na kung saan dun ko siya pinapa pirma when she gets her salary. Siguro nakita niya yun at pinakelaman niya. Kasi wala naman ibang kukuha nun o wala akong ibang suspetsa kundi siya dahil siya lang ang naiiwan kasama ang bata sa bahay. 

Siyempre wala na akong tiwala at kahit wala akong proof, wala akong ibang pag bibintangan kundi siya dahil siya lang ang naiiwan sa bahay kasama ang baby. May duda na ako kaya might as well lay her off baka kung ano pa lalo ang mangyari.

Now I got another yaya mas mahal at ang singil P4500. I have no other choice kasi nga eto ang kapalit ng yayang makapal ang mukha, first one I mentioned. Hopefully, I pray to God na ok ito. Pero tulad ng sabi ng mga mommies dito lahat sa umpisa ok. Actually habang tumatagal lalabas na ang sungay ng mga yan.

Basing from experience, getting a young yaya, matigas ang ulo, mahirap turuan, di sumusunod sa simple instructions, malakas kumain etc. Kapag old naman ganun din mahirap turuan, slow, bingi. 

I hope you read my post mommies to give you warning and avoid being a victim of this yaya's. of course they will make promises and say all the good stuff, pero once you are hooked lalabas na ang tutoong kulay at baho nila.


Mamcy
Logged

Iamrem

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Yaya Watch List (full name and photo not allowed)
« Reply #149 on: February 23, 2014, 01:25:23 pm »

Hello mga mommies! First time ko lang mag post dito pero lagi kong binabasa ang mga forum dito.
Share ko lang ang karanasan ko sa yaya.

Aimee C. ang name niya, 18 yrs old galing Iloilo, nirefer sa amin ng lolo at lola ko. Okay siya nung simula e, laging kong kinakausap para malaman ko ang life story niya, syempre para makilala ko pa siya ng lubos. Okay din siya sa bata. I did my research, yung tatay niya pala e may kaso at nakakulong. Paid killers at nang ambush ng pulitiko sa iloilo. Ang name ng tatay niya ay si M. Caborubias. Anyway, Okay naman sana siya, di ko pinagsasabihan, lagi kong pinapalagpas sa mga nababasag nyang mga gamit. Pinagsabihan ko lang siya nung nakita ko ang bottle ng baby ko na may molds na dahil di niya inaayos ng hugas. Tapos yun palagi ang gamit niya sa pag papa dede sa baby ko. Buti na lang at di nagkasakit ang anak ko na 4 month old by that time. Tapos nung november 13, 2013, 8pm, malapit nako sa bahay nang tumawag ang kapatid ko, di pa daw bumabalik tong Aimee, sabi may bibilhin lang daw sa labas, e 30mins na. Yun pala, lumayas, hinintay lang magsleep si hubby kasi 1AM ang shift niya, tapos ang bata, iniwan sa isa pang katulong, lalabas lang daw saglit. Ayun, pag uwi ko, tiningnan ko yung lagayan ko ng money pambayad ng bills, wala na ang 3K and ang cellphone na pinagamit ko sa kanya para pag tumawag ako, dinala niya din. And then I found out, na siya rin ang kumuha ng pera sa wallet ko na 2k. May utang pa siya samin na 4k dahil sa cash advance, ipapadala niya daw sa tatay niya sa kulungan.

Hay! Kung sino pa tong mga mahihirap at walang kaya sa buhay, sila pa tong mga walang pakialam sa trabaho. Sila na nga ang binibigyan ng pangkabuhayan e, nang ilalagay nila sa mga bunganga nila para mabuhay sila.
Tapos magrereklamo sila sa gobyerno kesyo hirap na hirap sila sa buhay, e pag nabigyan mo ng trabaho, choosy pa. Gusto nila de-opisina din sila e mga wala namang pinag aralan.

Sana mga sis, makatulong to sa inyo. Baka may kumuha pa ulit sa kanya at ganun din gawin.

PS, Meron pa akong picture niya at Police Blotter. PM lang kung gusto nyo makita.
Logged
Pages: 1 ... 8 9 [10] 11