Ang SUbic Bay Freeport Zone (SBFZ) kasi malaking area sya na yung ibang part e considered Bataan na, yung iba Olongapo then yung iba Zambales. Actually may mga entry/exit points na sa mga lugar na yung banda. Ang main gate ng SBFZ, as in main thoroughfare e sa Olongapo City makikita, Yung Zoobic Safari at Ocean Adventure, may daan from Olongapo City, pwede rin from Tipo or from Morong. Pero mas okay na alamin nyo na lang yung from Olongapo City.
explain ko sis yung mga areas ha.
Hotels Subic Bay Freeport Area- dito kasama yung Subic Park Hotel sis. kasama dito mostly yung mga hotel businesses within SBMA. may parts kasi ang SBFZ na medyo bundok na banda. like yung Binictican Housing pati yung sa may Cubi. yung Zoobic Safari at Ocean Adventure kasi sa may bundok na rin na part, lagpas pa yun nung Subic International Airport.
Hotels Barretto, Baloy Area (Outside SBFZ)
- medyo nalilito ang mga tao dito. hehe kasi yung Subic Bay Freeport Zone, iba pa sa tinatawag na Subic, Zambales. may bayan kasi sa Zambales na Subic din ang name. may isang gate na ang exit is going to Subic, Zambales pero parang nalalayuan ako kung dito kayo magstay. Maraming mga beach resorts din in this area like yung Baloy Beach (sikat din ito na beach resort).
Olongapo City Accommodations
- may mga hotels din kasi within Olongapo City, dito kasama yun. compared sa hotels sa Subic Bay Freeport area, mas malayo sila ng mga 1-5kms, depende kung saan yung nakuha niyo na location.
Housing Accommodations
- sa SBFZ kasi sis, puwede kang makakuha nang bahay for lease ng ilang years like yung Dad nila Gretchen Barretto na former chairman ng SBFZ e may house dun. parang vacation house nila. may iba naman na pwedeng i-rent over the weekends. fully-furnished na houses yun sis ha. dati yung family namin, mga 20 kami, ganito ang kinukuha, kasi may sariling kitchen na may ref at stove at mga 3 bedrooms na. tipid kasi pwedeng magluto na lang kami, at centralized aircons pa yun ha. not sure lang kung ganun pa rin. Binictican housing yung pinupuntahan namin, para siyang subdivision na housing units. bundok area din siya sis kaya lang I don't recommend it kasi from there e kelangan nyo talaga ng sasakyan papunta sa lahat ng gagalaan.
anyway, nagets mo ba sis? hehe if may budget kayo at talagang Zoobic Safari at Ocean Adventure lang ang ipinunta nyo, I suggest na sa Camayan Resort kayo mag-book sis. walking distance lang yun ng Ocean Adventure tapos 5-10mins lang to Zoobic Safari. beachfront yung Camayan Resort ha.
pero kung balak nyo rin mag-duty free at iexperience ang night life ng Subic or Olongapo, best bet na yung Subic Park Hotel. mga 20mins walk sya papunta sa Freeport Duty free then 15mins drive to Royal or Puregold. going to Zoobic Safari or Ocean Adventure, siguro mga 30-45mins drive naman.
hope this helps
