DocEon:
At least 2hours for ocean adventure. There are four attractions/show namely Walk on the Wild Side, Dolphin Friends Show, Sea Lion Marine Patrol Show, and Adventures of Olongapo Jones. Upon entry, binigyan kami ng flyer na may "schedule" kung alin yung mauunang show para sa amin depende sa kung anong oras ka pumasok.
Dumating kami 11 AM, naka-mark na #1 yun Olongapo Jones, pero nun andun kami, parang hindi masyado type ng son ko yun mga mascots na animals. Na-amaze lang sya sandali sa acrobats na talon nang talon pero other than that, nag aaya na sya maglakad. From the theater, natatanaw yun El Capitan Theater, yung theater for Dolphin Friends Show, eh sa sked namin, #4 pa sya at 1:15 PM. Pero nakasulat dun na may viewing ng 11:45 AM. Eh since nakikita namin na nagpupuntahan na yun ibang nagfield trip dun, nag assume kami na malapit na magstart kaya pumunta na din kami, para may maganda kaming seats.
So hindi na talaga namin sinunod yun sked na binigay sa amin. Nagskip nalang kami dun sa tingin namin interesting sa son ko. After that, nag sea lions kami, then pumasok kami sa Aquarium, ala Manila Ocean Park ang dating. Tas hindi na kami nakapunta sa Walk on the Wild Side kase sa mga nakita naming pics, parang magdidiscuss lang ata dun ng mga animals ala Kuya Kim (not sure), eh since pupunta naman kami ng Zoobic, hindi na kami pumunta dun.
Tas naglunch na din kami sa may parang cafeteria sa loob ng Ocean Adventure. Syempre pahinga konti, around 2 PM nasa Zoobic na kami.
Mommy France:
I suggest kung gusto mo talaga pumunta sa Zoobic pero hindi masyadong mainit, afternoon kayo pumunta. Like sa amin, around 2-2:30PM kami andun, pero pinaghintay pa kami para mapuno yun group namin sa tour. Siguro 3 na kami nagstart sa tour.
Mapuno naman sa Zoobic kaya hindi naman tirik talaga yun araw. Or siguro dahil December kami pumunta kaya medyo malamig lamig yun hangin. Though nakakapawis talaga yun tour dahil maglalakad ka talaga at konting sakay sa train/jeep.
This time, hindi na kami makapagskip. Hahaha! May mga areas kase na hindi pala interesting (like Forbidden cave na puro preserved animals lang naman). Tipong sana hindi nalang dinaanan. Syempre mas gusto namin yun main attractions na may live animals like Tiger Close Encounter, Croco Loco at Tiger Safari Ride. Pero masaya din yun Animal parade. Yun sa mga cave yun hindi masayado interesting.
Sharing some photos na hindi naman tirik yun araw sa afternoon.


Generally, nag enjoy yun son ko, as in pag pinakwento mo sa kanya yun Subic, ikwento naman niya yun mga nakita niya. Ang alam ko may Zoobic Night Safari din, nakikita ko kase sa mga tarp sa Zoobic. Hanap ka nalang siguro ng reviews online. Ang haba din kase ng byahe, 4-5 hours din. So sayang naman kung Ocean Adventure lang ang papasyalan sa Subic.