Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 15 16 [17]

Author Topic: communicating with kids in english  (Read 118546 times)

aimeecastro

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
  • single mom and PROUD!
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #240 on: October 28, 2012, 07:24:34 pm »

naiinis din ako sa mga mommies na sobrang mag-implement ng rules na english lang dapat. i watched eat bulaga dati, That's My Boy yata. Yung bata pilit na nag eenglish kahit alam mong pilit. Inask nina Joey bakit di n alang mag tagalog, bawal daw sabi nung mommy niya. Ayun pinagsabihan nina Joey. hahaha. kahiya talaga. Yung mommy feeling naman kasi. Papahirapan pa anak. Tsk!

I have a daughter, very fluent sa tagalog, she knows english din pero not very fluent kasi bata pa naman. =)
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #241 on: October 28, 2012, 09:21:52 pm »

patok ang bilingual - ok sa english at tagalog.  kinakausap ng lolo at lola sa tagalog mga anak ko tapos kami kinakausap namin sa english.  kasi naman nung puro english eh hirap na hirap yung bata sa filipino subject as in low point  :(
Logged

khaitoe

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #242 on: January 14, 2014, 12:45:22 am »

My 3 year old son speaks English at home. We make sure everybody speaks to him in english even the households. Ang reason namin ni hubby is for him to follow instructions at school easily since mode ng communication sa school ay englsh. And also for him to understand the cartoons he is watching and learn from them.
Pero!!!
Whenever he plays with other kids na Tagalog, we make sure he also respond in Tagalog para hindi sha layuan ng other kids. Now, he is so fluent in both language.
Logged

Nanay ni Liam

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #243 on: January 14, 2014, 09:27:55 am »

Mom ko naman suggested that we speak sa mga anak/pamangkin namin in english and tagalog.
Wag daw puro English kasi may mga kalaro sila na tagalog ang salita and besides we live in Philippines.
Kaya mixed ang language sa bahay. Tagalog, english, kapampangan. Natatawa ako dati sa 2 pamangkin ko kasi hindi sila marunong mag-kapampangan dati, so may accent sila  :D so we made it a point na kausapin pa din sa native language kasi ayaw din naman namin mamatay ang culture namin. Feeling makabayan? Hehe!
They like watching english movies and videos naman. Napansin ko din naman na pag may sinasabi ako sa mga kapatid or magulang ko na nakaharap mga bata lalo pag about sa mga pamangkin ko like yung need mabawasan ang pagka spoiled brat nung isa okaya hindi pwedeng sumama sa mall yung bata  in english ko sasabihin, pinapalo ako ng pamangkin ko kasi naintindihan naman pala niya  ;D

Multi language is ok kasi pag bata pa, madali nila matutunan basta exposed sila sa language na mga yun.
Hindi lang advisable yung multi language pag may special needs sa cognitive yung bata or delayed speech.
Logged

twelvth_goddess

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 615
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #244 on: January 14, 2014, 12:42:36 pm »

My husband and I speak to our 3-year old daughter in English, pero minsan may Tagalog din. Her yaya speaks with her in Tagalog, sometimes in English din. Pero I dont force everyone to speak to her in English because I would rather they do it in Tagalog as long as they use polite words. Ayoko ng ie-english nila tapos mali naman.

My daughter is very fluent in English, even her expressions. She understands Tagalog din and can speak it a little pero medyo slang ang Tagalog niya. Ok lang bata pa naman sya and she will develop pa her language. I just dont want na English lang ang alam niya.
Logged

irenek

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #245 on: January 15, 2014, 11:17:19 pm »

In my opinion, English and tagalog are both important. We live in Canada and my baby just started talking. She's talking in English because that's what she hears everywhere. But, I talk to her in two languages. It sounds silly but, I say the English first then the tagalog translation... all the time.
Logged

cool mommy2009

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #246 on: January 16, 2014, 05:50:54 pm »

hi mga pretty mommies :D baby ko naman mas nsanay sa tagalog, but now eto mega practice na kami mag english kasi mlpit na sya pumasok sa big school and also gamay naman na niya tagalog eh so ngayon gsto ko naman din sya mging fluent sa english :D
ayoko naman yung mgaling mag english lang daughter ko tpos hindi naman sya mkaintindi man lang ng tagalog diba..
parang un sister in law ko, nhihirapan sya sa son niya kc puro palakol grades sa filipino kc db marami tyong malalalim na tagalog words like.. wika, panghalip pandiwa etc. so ayun, ngayon mega tutor sya sa tagalog subject.
mas masaya kung fluent sya sa tagalog and fluent din sa english, kc talagang most of her classmates, pure english speaking eh hehe :D
Logged

lhoenjhoie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #247 on: February 16, 2014, 12:15:05 am »

Hello mommies!

Better to put your children at the daycare. At least they will learn how to socialize and communicate specially english. They will learn tagalog pag elementary level na sila.
« Last Edit: February 16, 2014, 09:30:59 pm by toughmom »
Logged

blackcloud

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #248 on: March 05, 2014, 08:01:40 am »

With my toddler, my husband and I speak to her in English while I have our yaya speak to her in Filipino. Even with things that we usually use english, such numbers and colors, I make it a point that the yaya talks to her in Filipino. I read that consistency is the key.  A child should associate you with a specific language.       

Yung eldest niece ko kasi 8 years old na, twice a week na nagtututor, hirap pa rin magtagalog. One time, nagreview kami sa isang exam niya, Ano, Ito, dito, Kanino hindi pa rin mastered.   She is a smart girl, honor roll in a very competitive school in the South. Palagi lang tagilid sa Filipino. Yung yaya kasi niya english din siya kausapin nung toddler siya. Then, in her school, the kids mostly speak english.  Very little exposure tuloy sa filipino language.
Logged

imeego

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 340
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #249 on: March 05, 2014, 08:54:55 am »

my son is 3 years old. we speak to him in Filipino, yun ang gusto namin ni hubby, na matuto muna sya ng Filipino para di sya mahirapan sa school. sa school naman, medium of instruction nila is english na and most of his classmates are english-speaking, so easier na for him to learn the language. i have a brother in law kasi na nasanay sa english and nung nag-school na halos bumagsak naman sa Filipino subjects niya, hirap na hirap sya kaya need pa nila ipa-tutor, sa schoool kasi nila, sobrang important ang native language...ayaw naman namin matulad sya kay bro in law na nag-eexcel sa ibang subjects tapos puro pasang-awa sa Filipino, eh pinoy naman kami ;D
« Last Edit: March 05, 2014, 09:00:06 am by imeego »
Logged

ashli

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #250 on: March 26, 2014, 02:11:47 pm »

both language  english and tagalog marunong na rin daughter ko. kaya lang main language niya english nauna ko kasi na introduce and nung 2 yrs old na sya saka pa lang yung tagalog.  english ako makipag usap sa kanya then daddy niya tagalog.
Logged

Nanay ni Liam

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #251 on: March 27, 2014, 10:15:19 am »

Excited na ko marinig dumaldal ng totoong salita si liam  :D
English-tagalog-kapampangan ko sya kinakausap. Medyo matrabaho lang kasi 3 beses ko sinasabi yung dapat kong sabihin, pero kapag naaalala ko lang. Hehe!
Hindi ako nagpu-pre english kase di ko naman kaya. Haha! Ayoko naman mag trying hard. Lol
Logged

layahasmin

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #252 on: March 27, 2014, 02:32:07 pm »

My eldest, who is now 12 and in high school, grew up speaking English. May American accent pa kahit dito lang naman sa Navotas lumaki, gawa ng mga cartoons na pinapanood niya. Hehe. Medyo nahirapan nga siya sa Filipino subject sa school pero nakakaintindi naman siya ng Tagalog. Nung Grade 2 or 3, fluent na rin siya mag-Tagalog dahil Tagalog naman ang salita ng classmates niya.

Yung 2nd son ko naman na 3 years old ngayon, marunong ng Tagalog, English at Bisaya. Pag kami ng Kuya niya ang kausap, English. Pag yung Papa niya and almost everyone else, Tagalog. Yung mga helpers, pinababayaan namin kung ano gusto nilang gamitin, Tagalog or English, as long as tama ang salita. Minsan bini-Bisaya rin nila, which is fine for us. Marami-rami na ring alam na Bisaya words yung anak ko. Pati ako nakakaintindi na rin. :)

Sa mga young moms na nag-aalala kung mahihirapan ang mga bata, don't worry. Kaya nila matuto ng multiple languages na sabay-sabay, lalo na kung simulan niyo silang turuan nang maaga. Pero gaya ng sinabi ng isang mommy dito sa thread, mas maganda kung ma-associate nila ang bawat language sa specific na tao. Kunyari si Mommy sa English, si Daddy sa Tagalog, sina Lolo at Lola sa Ilokano, si Yaya sa Bisaya, and so on. Don't underestimate the learning ability of a young child. :)
Logged

Nhetskii

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: communicating with kids in english
« Reply #253 on: March 27, 2014, 02:50:24 pm »

Nung una kahit trying hard hala! sige english ang salita ko sa baby ko... pero nung mga ilang months na sya, i found out sa mga mommy na teacher din sa school na di daw kailangan.. My boss na super tatalino at english speaking ang mga anak, sabi niya wala daw sa mga anak niya ang tinuruan o kinausap niya ng English nung mga bata o baby pa lang... kusa daw natuto nung nag schooling na... kaya ako pag naaalala ko lang mag english don lang ako nag e-eenglish pero mostly lalo yung daddy niya, tagalog sya kausapin.
Logged
Pages: 1 ... 15 16 [17]