Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3 ... 9

Author Topic: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?  (Read 76602 times)

abbynilo

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
  • Me and my baby bea
    • View Profile
    • http://abn.multiply.com//

in my experience yes, it started when i gave birth, i'm living in my parents house since nsa abroad c hubby and pregnant ako that time, when i gave birth ni isa sa side ng hubby ko wala, actually pumunta sila after a week n mnganak ako, cesarian ako nun and that time naiwan pa yung bby ko sa hospital due to some complications, wala kming katulong sa bhay parents ko lang and my brother, to think nung pumunta sila e isang jeep sila sobrang hiya ko sa parents ko nun kc syempre sa pagod nila at puyat nung nanganak ako mghahanda p sila pra sa mga IL's ko, sana inisip din nla yung kalagayan namin wala n nga sila maitulong sa amin financially kahit helping hand man lang sana, kasi wala pa rin d n ako ngask nkakahiya naman kc sa knila i'm just waiting for them to volunteer, alam naman siguro nila n wala ang anak nila dito kaso ni isang suporta wala ako nakuha sa knila, but everytime n may problema sila sa hubby ko lumalapit kc nga nsa abroad, its very unfair to me kc im not asking naman for a financial help just a simple helping hand lang db, BTW my hubby is from batangas i know the traits of the batangenos with regards to family ties, kaso iba ang nakikita ko ngayon parang wlang support ang to think n asawa ko ang sumusoporta sa knila. Juz a share for u guyz!!!
Logged

mommy_of_2

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 637
  • My kids are my life..my happy ever after..
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #1 on: July 09, 2009, 12:49:49 am »

I know how you felt mommy,halos same situation tau,the only difference lang eh sa ILs ko ako 2mira nung nsa abroad c hubby while im pregnant with my eldest,ok naman sa kin c MIL by the way wala c FIL sa bhay coz seaman siya,the thing lang na knsama ng loob ko is pnapauwi ko na c hubby after 6mos,un talaga usapan namin ni hubby para andito siya pagnanganak,ayaw ni MIL,I know iniisip din niya future namin siyempre mas my money kng nsa abroad,but ayoko siyempre like ko andun c hubby sa tabi ko when I gave birth,in the long run,ako din ang nasunod..hehe
Logged
So there's this boy who stole my heart, he calls me "MOM"

Ara

  • Guest
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #2 on: July 09, 2009, 09:08:32 am »

share ku lang... ako wala akong sama sa kanila.. siguro lucky nako dahil nagkaron ako ng mabuting IL kahit na inaaway nila ako... when I gave birth (sept 18, 2008) nsa abroad yung hubby ko.. pagdating ko ng bahay yung ML ko na nag asikaso sakin hanggang sa pampaligo ko.. sya nagaalaga ng baby ko kapag kumakain ako... sayang nga lang she died last dec 26... buti kahit papano naalagaan niya yung baby ko.. I really miss my ML.. :(
Logged

soumy01

  • Guest
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #3 on: July 09, 2009, 09:15:50 am »

ako wala rin. mahal nila ako.
ngayon nga naiisip ko nagusto kong umuwi sa nueva (considering na bahay yun ng mga inlaws ko) parang gustong magbakasyon sa kanila kaso may pasok si husband ayaw magpaiwan dito , sabi ko iwan na lang sya dito. ganon ako kclose kay nanay. siya nagalaga sa akin nung malapit na akong manganak saka nung nanganak ako.
bil ko lang malaki ng topak asar ako don. hehe pero civil na kami ngayon.  :P :P
Logged

mariann

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 859
  • enjoying motherhood to micah and iza
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #4 on: July 11, 2009, 04:33:25 pm »

hay naku, kaisa-isang in-law ko hindi pa kami magkasundo.  si MIL!

ang sama ng loob ko lumipas na. somehow, i have learned to forgive so that i will have the peace of mind.  kaya walang kibuan na lang now.
« Last Edit: July 12, 2009, 04:23:26 pm by mariann »
Logged
mariann[move]

imrhea

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 65
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #5 on: July 11, 2009, 05:14:42 pm »

mommies ako until now nabwi2sit. surname kc ng SD ni rheon yung ginamit na surname. kulit kc ng parents ko kesha daw para hndi questionin baby ko pag nag aaral niya and para daw di nakakahiya n 2 kami ng ate kong naano. yung SD nagbbgay naman ng basic needs ni rheon like diapers, milks, cerelac. minsan inuutusan niya pa ako umutang sa mama ko??!!!! yung clinic check up/vaccines magulang ko nagbabayad. pati hospital bills and pambayad din sa pag iwan ng baby ko for 3 days doon dhil na-infect sya mom ko ang nagbayad. ultimo pang down payment mom ko. nangako kc parents ni SD na babayaran kami pagkaakyat ng lolo ni rheon sa barko but di naman sila nagbabayad. 6 months na and wala parin ni singkong duling na binabayad. binyag ng baby ko 5k lang + stroller binigay nila, nagsama pa ng maraming sabit mom ni SD!!!!! kapal noh??!!!! dami pang hininging souvenir!!! samantalang kami mga 35k nagastos namin. hndi man lang magbigay ng pang check up/vaccine yung baby ko! kaya i told them na never ko dadalhin baby ko s knila coz hndi sla tumupad sa usapan(payment on hospital bills). one more thing, nung buntis ako kinukulit ko c SD about pambayad sa hospital palaging nagagalit dahil paulit ulit daw ako!!! WT_???! ang kapal pa ng mukha ni SD kc nangu2tang ng 3k sa mom ko! kesha raw tubuan nalang daw! daming nagalit dito samin nung nalaman un. haller hindi bumbay mom ko noh! kesha raw hnhintay nila 35k advance payment sa father ni SD. nakuha na nila 35k na un d man lang sila nagbayad!

sensya na mga mommies kung mahaba msg ko. sama talaga loob ko eh.

ako nakipagbreak kay SD. kasi sa parents ko na siya umaasa. eh may magulang naman siya.

isa lang dumalaw sa family ni SD nung hospital ako. ate niya lang. nanghingi pa ng pandagdag sa pamasahe! tama ba yun?! yung father ni SD hndi man lang dumalaw samin bago umakyat ng barko(seaman kc). eh isa or 2 sakay lang papunta sa house namin. palaging dinadahilan di pa raw kaya maglakad ng mama ni SD kc may pilay daw. eh nakakalabas nga ng bahay un para magsugal! tsk3! puwede naman magtaxi. hay naku!
« Last Edit: July 11, 2009, 05:31:04 pm by imrhea »
Logged

mommylianne

  • Guest
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #6 on: July 14, 2009, 04:23:03 pm »

Hi mommies,

Here are the following reasons bakit medyo masama loob ko sa inlaws ko.

1. It all started sa wedding preparations. ang dami niya invites na di namin alam. tapos ako
   sinisisi niya bakit naglagay ako ng mga table designation kaya ayaw daw umupo ng mga bisita.
   pano wala sila sa listahan.

2. Di niya naturuan kumain ng maayos hubby ko. My hubby doesnt want to eat fish and vegetable.
   Sobrang pilitan pa. Tapos ngayon ako pinipilit nyang magpainom ng kung ano anong herbal
   supplements sa hubby ko. Tanong ko nga sana bakit di nyo naturuan kumain ng veg/fish?

3. Lagi nyang bine-baby ang hubby ko! Would you believe nung college kasama pa rin sa kwarto nila
    hubby ko. Tinukso ko lang hubby ko kaya humiwalay ng room.

4. Most of the time, FIL ko ang naglalaba at nagluluto for us. Nung 1 week bedrest ako at wala si FIL, puro prito ulam namin! Naiinis kasi ako minsan may comment pa sya na "KAYA KO YANG GAWIN, AYOKO LANG." Sanay kasi ako sa min na mom ko nagaasikaso sa daddy ko.

5. She keeps on insisting i should take mga herbal supplements now that i'm pregnant.
   Ayoko nga! I know what's best for me and i have the guidance of my OB. Bakit ba lagi nilang
   iniinsist yung gusto nila. Wala pa nga si baby pano pag meron na, baka pati baby ko
   painumin agad ng mga herbal capsules. Ang sakin lang naman, it all starts with proper diet.

Ewan ko ba mga mommies, pano kaya mababago takbo ng buhay ko. Pano ako magiging positive towards her everytime maiinis ako.I dont have any issue with my FIL kasi di sya makulit at hinahayaan lang niya kami biglang mag-asawa.

Logged

Chie77

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 647
  • HAPPY & CONTENTED
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #7 on: July 14, 2009, 07:52:58 pm »

NOPE.

Instead, im so THANKFUL that i have them as my in laws :)
Logged

anne22

  • Newbie
  • *
  • Posts: 38
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #8 on: July 14, 2009, 08:15:37 pm »

100% WALA!!! :)
Logged

kieragarie

  • Guest
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #9 on: July 14, 2009, 10:39:40 pm »

YES!!!!
Logged

happy_ako

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #10 on: July 14, 2009, 10:56:57 pm »

wala akong samang loop sa mga in laws ko
Logged

mommy daryl

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 158
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #11 on: July 15, 2009, 12:52:02 am »

sa FIL and MIL wala pero sa SIL meron.. hay naku!
Logged

doinks08

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #12 on: July 16, 2009, 03:26:46 pm »

share ko lang din mga mommies ang mga reason bakit masama ang loob ko sa FIL ko

Nag-start un before our wedding, lahat ng preparation for the wedding ako at ang parents ko ang gumawa, kasi si hubby nagwowork sa Malaysia, umuwi lang siya for the seminars at iba pang requirements tapos balik ulit sa Malaysia, tapos umuwi siya 3 days before the wedding na. One week bago ang kasal namin, nasa place na namin ang family ng hubby ko, since taga province sila at wala silang bahay sa Manila, naghanap ang kami ng mare-rent na house para sa 2weeks stay nila, nung nakahanap kami ng malapit lang sa min, nilinis na mabuti ng mother ko yung house, yung ibang gamit namin nilipat don para magamit nila. Tapos eto na, tumawag sa kin ang husband ko para sabihin na ayaw daw ng daddy niya dun sa kinuha naming house dahil mainit! at maghahanap daw siya ng iba! o Diba! I was in the middle of Mendiola that time, covering a rally, talagang nag-init ang ulo ko at napaiyak sa sama ng loob, todo effort ang parents ko para ayusin un tapos ganon ang sasabihin niya! Sana b4 kumilos na siya at naghanap siya ng matitirahan ng pamilya niya habang inaantay ang kasal namin, kaso wala namang effort from them kaya kami na ang gumawa ng paraan. Kinausap ng hubby ko yung Mommy niya at naconvince na huwag nang maghanap ng ibang place, dahil NAKAKAHIYA naman sa parents ko...

Few days b4 the wedding, a day b4 dumating sa bansa si Hubby, sinabihan ako ng parents ko na nagwala daw ang FIL ko as in nagsisigaw don sa house na nirent namin for them.. Dahil kesyo tinitipid ko daw ang side nila when it comes to wedding expenses!!!! My Gosh!!! syempre nagtimpi pa rin ako at di na lang kumibo pero masakit talaga sa loob,, unang-una lahat ng PERA na ginastos namin for the wedding ay pinag-combine na ipon ko para sa 5yrs kong pagtatrabaho at sweldo ni Hubby simula nang magwork siya sa ibang bansa.. So talagang nakakasama ng loob dahil wala naman kaming hiningi kahit singko from our parents.. kaya para sa kin wala siyang K na magsabi ng ganon. Anyway, pinalagpas ko pa rin un.

Nasundan yung galit ko sa kaniya at lalong nagkapatong-patong nung nagbuntis ako. Kabuwanan ko na, nagbakasyon sa Manila yung MIL ko, yung FIL ko kasi sa MANILA nagwowork at sa quarters nila nagsstay. Nakiusap siya na kung pwede dito daw muna sa house namin yung MIL ko dahil di pwedeng magstay sa quarters nila. So pumayag naman ako nung itinawag sa kin ni Hubby yung request ng daddy niya, dahil mabait naman ang MIL ko. Isa pa, sobrang bait din ng parents ko kaya kahit nakikipisan kami ni Hubby dito sa house ng parents ko, wala silang reklamo.

Nung dumating dito ang MIL ko, nadalas ang pagdalaw ng FIL ko dito sa house,, at naloka ako nung Bday ng MIL ko, nagdala siya dito sa bahay ng mga kasamahan niya sa trabaho at naginuman sila dito sa bahay!!!!! Inis na Inis ako, dahil unang una, walang nagiinom at naninigarilyo dito sa amin, kahit ang Father ko. Tapos pupunta siya dito kasama ang mga tropa niya at gagawing beerhouse tong bahay ng Parents ko!! Para bang hindi man lang siya magpakita ng kahit konteng respect at hiya sa magulang ko diba? Ilang beses naulit na nakikipaginuman siya dito sa bahay ng MAGULANG ko, at inaabot siya ng hanggang madaling araw!!! Minsan naman bigla na lang dadating ng dis oras ng gabi na lasing na lasing...Syempre naiistorbo sa pagtulog ang parents ko,, eh mas may edad na ang parents ko compare sa mga In laws ko. Hiyang Hiya ako sa parents ko everytime na dadating dito ag FIL ko.. Tuloy tuwing dadating siya di ko siya ganong kinakausap. yung parents ko pa nagsasabi sa kin na magmano daw ako sa FIL ko pag dumadating, kasi alam nila masama talaga loob ko.. Kung hindi lang dahil sa hubby ko, matagal ko nang inaway ang FIL ko dahil sa mga ginagawa niya, di ko matanggap na parang ipinapamukha niya sa MAGULANG ko na wala siyang SINISINO at hindi siya NAHIHIYA sa magulang ko.

Wala ding magawa ang Hubby ko at ang MIL ko, dahil eversince, hindi naman nila talaga nagagawang pagsabihan ang FIL ko, lahat sila sunod-sunuran, kahit mali na ang ginagawa, sunod lang sila ng sunod. Hindi kasi ako sanay ng ganon, dahil dito sa bahay kapag may nagkamali kahit Parents namin, pinagsasabihan naming magkakapatid. Napaka swerte ko at very understanding ang parents ko, alam ko di na rin sila natutuwa minsan lalo na pag napupuyat sila dahil sa pakikipag-inuman o pagdating dito ng lasi ng FIL ko.

Until now andito pa sa house ang MIL ko,, uuwi siya kapag pabalik na sa abroad ang hubby ko, kaya gabi gabi akong kakaba kaba na baka dumating na naman bigla ang FIL ko ng lasing o makipaginuman na naman dito sa bahay.

ISa pang inaalala ko, pag nagkaron na kami ng sariling house ng Hubby ko,, pano kung ganon din ang gawin ng FIL ko everytime na pupunta siya sa bahay namin diba? eh dito nga sa bahay ng PARENTS ko nagagawa niya un, eh di lalo na pag may sarili na kaming house ni hubby :( hay :(

Sensya na mga mommies,, ang haba ng kwento,, di ko kasi masabi lahat to sa hubby ko,, dito ko pa lang to nasabi lahat, kahit sa mga friends ko di ko pa na-open.. thanks!!!!!!!!!

Logged

mommy daryl

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 158
    • View Profile
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #13 on: July 16, 2009, 04:30:40 pm »

sis pag nagkaroon na kayo ng sariling bahay ni hubby mo, may right ka ng pagsabihan ang FIL mo dahil unang una, bahay nyo yun at hindi sa pera niya galing.  Pangalawa, wala shang karapatan na magdala ng kahit na sino sa bahat nyong mag-asawa.  Alam mo sis, may mga abuso talaga na ILs ang mahirap pa nito, hindi tayo basta basta pwedeng magalit o magcomment dahil baka mas lalong lumaki ang issue pero you have to tell your husband na kausapin ang FIL mo regarding sa ginagawa niya ngayon sa bahay ng parents mo.  He needs to make a stand now kung before hindi nila mapagsabihan ang FIL mo well ngayon na may sarili na shang pamilya at nakikitira pa kayo sa parents mo, dapat kausapin na niya ang tatay niya.  Nakakahiya talaga sa parents mo and I bet kahit yung MIL mo nahihiya na ren wala lang shang magawa kasi nga sunud sunuran.  Kung pwede mo nga lang ipa-barangay noh? hehe yun nga, talk to your husband and tell him that he needs to address the issue with your FIL.
Logged

ACI_GIRL (^.^,)

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 282
  • ACI_GIRL
    • View Profile
    • SWEET TREATS by: ACI_GiRL
Re: May sama ba kyo ng loob sa IL's nyo?
« Reply #14 on: July 16, 2009, 05:37:54 pm »

ako meron...  :(
kasi kahit itry ko i forget yung past and want to have e new begining...
lagi din nauuwi sa di maganda afterwards... maybe di niya talaga ako like...

kasi c hubby ang sana ay magbibigay sa kanya ng mabuting buhay kaso yung nga nag asawa yun ata yung reason niya... :-\
Logged
Cakes Cupcakes Cookies Chocolates Candies
for orders and inquiries sms us @09287741731

like us on Facebook>  Sweet Treats by: Aci Girl
follow us on instagram @sweetaci
Pages: [1] 2 3 ... 9