Hi mommies, im back! At eto ang pagbabalik na hindi nakakatuwa! Haha! As usual, may samaan na naman kami ng loob ni MIL.
Start tayo last January.
JANUARY: My mom amd I had a conflict, it was a simple reason lang naman. But, since parang naipon na rin galit ko dahil lagi niya rin ako napapagalitan, my hubby and I decided to leave my mom's house. At first, i thought it was easy. To think that we only had 21thousand savings in our account. And some extra money in our pockets. Akala ko nung una madali, na kahit may hinanakit din ako sa byenan ko eh makakatagal ako doon. Fastforward. For thre months that we stayed there, it was not easy! Noong una, sige sabihin natin na OO. Nandoon ng nagbenta ako ng preloved clothes na pambata para kahit paano may pnggastos pa rin kami. Pero hindi ito nagclick. Hanggang umabot na sa punto na nagbenta ako ng fishball, kwek kwek, etc. Pero hindi ho naging kawa awa ang tingin ko sa sarili ko. I took it as a challenge. For me kasi, as long as kasama ko ang mag-ama ko, walang mahirap gawin. Meron naman kaming pwedeng matuluyan aside sa house ng byenan ko. Meron sariling bahay mother ko, same din kaai kami ng province ng hubby ko. Pero mahirap kasi mag start from scratch. Nakarating sa mother ko yung mga nangyayari sa amin sa probinsya. And I know nasasaktan sya. Dahil nga naman, dito pwede ako maging prinsesa basta asikasuhin lang mga negosyo.
Sobrang hirap mommies. Pero kinaya ko parin sa loob ng 3months, kahit na minsan e nagkakaroon na rin kami ng pagtatalo mag asawa. Dala na rin ng problemang pinansyal. Fastforward ulit.
MARCH: Hindi ko na isasali ang maliliit na detaild. Dito na tayo sa climax. Tanda ko ang date, March 13. Birthday kasi iyon ng Tita ko. Umaga noon ng nagpaalam ako sa asawa ko na punta na kami agad mag ina sa house ng Tita ko since sabi ko eh magtitinda pa ako sa hapon. Pumayag naman sya. So ayun na nga. Mga bandang 3pm na kami umuwi. Pinipilit ako ng Tita ko na maguwi daw ng konting handa. Pero sabi ko wag na, dahil hindi ho ako sanay nag uuwi ng pagkain talaga galing sa handaan. Pangalawa, hapon talaga kasi ang celebration. By 3pm, wala pa po bisita, so nahihiya naman ako na bawasan ang handa. Eh di hinatid na kami ng Tito at Tita ko. Pagdating ko sabi ko sa asawa ko bakit hindi niya pa inilalabas yung paninda namin? Sa akin naman, para lang makita na rin mg mga tao para may mga bumili na. Ang sabi ng asawa ko maaga pa naman. Pero hindi ko alam na tinake na un ng byenan ko na parang nainis na siya. So eto inilabas na namin ang la mesa. Sunod ko tinanong asawa ko kung naitupi niya na yung mga damit na natigil ko tupuin noong umaga dahil nga may pinuntahan kami. Hindi sumagot asawa ko so inulit ko. Sabi niya hindi pa. Thrn nagpaalam siya na uuwi at maliligo muna. So ako muna naiwan magbantay sa tinda namin then si baby ko kiniha muna sakin ni MIL. After few minutes, narinig ko umiyak baby ko. So napatakbo ako. Dahil alam ko naman difference ng iyak na guyom sa iyak na nasaktan. Mother's instinct diba.? Then pagpunta ko sa loob sya namang paglabas ng byenan ko karga ang anak ko. Sabi ko ano po nangyari. Sumagot siya na ang itsura parang naiinis. Sabi niya ewan ko baka nauntog sa upuan. So kinuha ko agad si baby ko. Unintentionally talaga, tinanong ko baby ko na alam ko naman hindi sasagot dahil 13months pa lang sya noon. Yung para bang inaamo ko lang siya para madivert na attention niya. Narinig ko yinanong ako ng byenan ko, sabi niya ANO? Yung parang naiinis. So hindi ko na lang pinansin. Lumabas kami, pumunta kami dun sa tinda namin. Then maya maya parang nagiba na mood noya. Fastforward. Bandang 6:39pm sa sobrang inis ko at umiiyak na talaga ako, nilayasan ko asawa ko. Pero wala naman ako dalang damit tsaka babalik din ako. Pumunta ako sa tita ko at naglabas ng sama ng loob. Naiwan ko baby ki dahil pinapatulog yata sya ng byenan ko noon. Past 8pm nung umuwi na ko sa hoise ng byenan ko. Tapos maya maya nagsasasabi na siya. Kaya kinonfront ko na siya, pero in a nice way. Sabi ko: ano po bang problema niyo? Bakit kanina pa po kayo ganyan? Sagot niya sakin: ikaw ano bang problema mo?! Basta dami niya sinabi. Hanggang sa lumbas na sa bibig ko na kung ganyan kayo lalayas nalang ako sa bahay niuo. Sagot niya sakin, eh di lumayas ka. Aalis na dapat ako nun, pero syempre di ako pinayagan ng asawa ko. Ang ending nakipag ayos nalang ako. Kasi inisip ko na lang na nanay yun ng asawa ko eh. Hanggang last April11 nung ihatid kami.ng asawa ko dito sa bahay ulit sa Las Piñas, nandoon pa rin ying pakiramdam ko na hindi na talaga mapapalagay ang loob ko sa byenan ko. By the way, si hubby nga po pala nasa Dubai na. At diyan magkakaroon ng panibagong gulo.
JUNE: Since nasa Dubai na si hubby, kailangan namin mag stay muna dito sa bahay ng mom ko para at ease na rin ako at hindi na rin masyado magalala sakin mom ko. So eto na nga. Nitong june lang bago sumahid si mister, ngtext siya sakin na ang dami daw dapat bayaran. So napaisip ako. Sabi ko parang may iba pa siya tinutukoy aside sa Salary Deduction niya. SD po kasi ang pagpunta ni hubby sa Dubai. Nagreply siya sabi niya, kailangan daw kasi ng pngenrol nung kapatid nilang bunso, so nangutang sila at 2months yata nila babayaan. Basta ang toka ng asawa ko, 3k sa dalawang buwan. So 6k din un. Nagalit ako. Kasi feeling ko, pinass by nila ako. Sa isip ko, ok lang sana kung hindi pamilyadong tao ang asawa ko eh. Tsaka parang di ko naman alam ugali ng MIL ko.na mapang hingi talaga. Nagalit ako. Basta super galit. The next day,tinext ko byenan ko na parang wala akong idea.kunwari kung ano yung sinasabi ng asawa ko na naging utang niya. Sumagot byenan ko. Sabi niya ngoffer nga daw ninang ng asawa ko na magpahiram muna ng pangenrol then babayaran nila paunti unti. Sabi niya pa, wag daw sasama loob ko dahil hindi naman daw siguro masama kung magaabot sakanila asawa ko. So nagrepky ako, sabi ko: pamilyado na kasing tao ang anak niyo. Na sana agad din sinasabi sakin kung ano man ang ibinibigay saknila since asawa ko na yun eh. Tinext ko un in a nice way. Hindi na siya nagreply. After 2days, nagtext ulit ako. Sabi ko baka may gusto umorder ng soaps na balak ko ibenta. Humingi rin ako ng pasensya as usual. Ang sabi ko din ayoko.lang ng pinpass by ako. Nagreply ba naman, sabi niya: hindi ka namin pinapassby. Sana lang din bago ka magsalita isipin mo muna sinasabi mo. Siguro naman ang 5k na na padala kada buwan hindi malaking bawas sau. Sabi ba naman!!! Naimbyerna na talaga ako. Ganiyo sabi ko na talagang lumabaa na todong galit ko. Sabi ko, 5k kada buwan? Ang bigat.na po noon. Sa 5k na un pambili na ng gatas ng apo nyo yun sa loob ng isang buwan. Wala pa po doon ang diaper at vaccines. Sabi ko pa, kung ganyan ho mangyayati magttrabaho nalang ako par may panggastos kami mag ina. Nagreply sabi ba naman, bahala ka kung ano gusto mong gawin. Aba at sumobra na talaga! Nireply ko, maghahanap na nga lang ho siguro ako.mg trabaho. At kung ganyan ho, sa inyo ko nalang din po ipapadiretso ang buwanan na sweldo ng asawa ko. Nagreply, bastos daw talaga ako at huwag naraw ako mgtetext kung ganoon lang ang sasabihin ko.
Sobrang sama na ng loob ko ngayon mommies. Sumabog na ako. Sa mga hindi pa nakakaalam ng iba pang dahilan bakit sumabog na dibdib ko sa galit, read nyo nalang po previous post ko. Ayaw ko na siya makita talaga. Wala siyang utang na loob!!