Ako rin meron. I was so excited when I saw this post at binasa ko lang muna lahat bago nagreply. I think hindi na mbbasa ng ibang moms to, since medyo matagal ng walang post about dito. But let me share my experience, gusto ko rin mag vent-out....
It all started mag bf-gf pa lang kami. Ayaw sakin ng parents niya dhil call center agent lang ako, while yung ex-gf niya is CPA. Huh? hindi nila alam ang heartaches ni hubby sa girl na yun, laging my 3rd party at si hubby nawalan ng confidence sa sarili dhil don.
Btw, hubby is an Accountant din but not board passer. Pinagtanggol ako ni hubby sa knila. Naging smooth din after a while. Shy type pa ako, muka kasi conservative yung family nila. Tatay niya sundalo, nanay niya nurse.
I got pregnant then, si hubby hindi pa ready at ang pressure nauwi sa 3rd party. Nakakatawa, yung problema niya hinanapan niya ng bagong problema. I don't know kung alam ni MIL yung issue bsta ang alam ko, alam nila na my problem kami. Kinausap niya si hubby, ang sabi niya willing daw sila ampunin ang bata, wag na daw kami magpakasal. Wow! Sobrang christian like yung ginagawa nila. hindi man lang nagtanong, if I wanted the child. If papa-ampon ko e di sa mom ko na lang. :-)
Then naging unemployed ako, since nahirapan ako sa pagbubuntis. Gusto ko din makilala talaga ang mga tao sa kanila, wala akong trabaho asa bahay lang nila hubby. The reason I decided to stay with him kasi I fought for him. Gusto kong maging buo ang pamilya ko. At least pag tinanong ng anak ko, asan tatay niya may maganda akong sagot na, pinili nyang sumama sa ibang babae kesa maging tatay mo. Hahaha! Buti na lang mabait si hubby, at ni-guide ni papa Jesus sa tamang landas. My whole pregnancy asa bahay lang nila ako, naging household helper ako. Actually tamad ako, donya ako samin. Pero for the sake of pakikisama, I cooked, wash the dishes, swept the floor. Basta gawaing bahay, ginagawa ko na. hindi naman un nakakapagod, so okay lang.

si FIL, madaldal makwento. One time sinabi niya saken, sa dami ng kwento niya eto ang tumatak tlaga. "Sana lang wag kang magsisi kay (name ni hubby), napakasama ng uagali" nagulat ako talaga. Bakit niya nasabi un? Parang hindi niya anak? Or akala niya ako anak niya dapat name ko binanggit niya. Sinabi ko un kay hubby, hindi rin niya alam kung bakit pero alam kong sumama loob niya. Siguro nga hindi sya katulad ng ibang anak, pero kung kelangan ng tulong ng mga magulang niya tumutulong sya. Btw, since nag-work si hubby sya na sumagot ng lahat ng utilities. Both may work pa ang parents niya, so magaan pa tlaga ang buhay. And hindi naman responsibilidad ng anak ang magulang. Ang alam ko ang responsibilidad ng magulang ang hindi natatapos. My own opinion, parents ko kasi hindi ako inobliga, I helped them in my own way.
We got married on may 8th month. Everything ng para kay baby, hubby and I bought it. Sweldo ni hubby lahat. Then nanganak nko, I gave birth sa lying-in, which is no big deal naman sakin. Since kakilala nila yung mga nurse, midwife at doctor don. Smooth din panganganak ko.

pagkauwi sa bahay, nahirapan ako kumilos at umakyat-akyat sa room namin. They decided na sa sala na lang kami mag-stay which is uncomfortable naman sakin. Maliit lang bahay nila, and not the typical sala na comfy talaga. So nag-iiyak si baby kasi wala pa akong breastmilk, ayaw ko rin iformula kaagad. Sermunan ba ako tungkol sa pagkain ko nung buntis pa ko. Sino bang namamalengke? Sino bang mas may alam? Wahahaha! Ok fine! My mistake. So nag-iiyak na nga si baby, ang akin lang tama na sermon kasi hindi siya nakakatulong sa pagpapatahan ko. After 2 days, hgubby and I decided na dun na lang kami sa mom ko mag-stay until maka-recover na ko kasi walang tao sa knila during daytime asa work. Then si hubby wala namang alam sa bahay. Nagpaalam si hubby the same day nung aalis na kami. No violent reaction, kundi ang liit-liit pa ng bata ibabyahe nyo na kaagad. Which again I don't care. I don't have a choice naman. Kay FIL lang kami nagpaalam kasi si MIL mas maaga umaalis for work. The same day, siguro nung nabalitaan na ni MIL na wala na kami sa bahay. Ngtxt sya sa mom ko, "Pagsabihan nyo yang anak nyo, sinungaling! yung damit niya nanganak sya nilabhan pa namin, tapos sasabihin niya hindi sya inaasikaso" OMG!!! Nagpantig ang tenga ko, at tlagang nagtatype na ko sa cp ko para replyan sya. Pinatigil lang ako ni hubby. While my mom, bahala sila. Mas kilala ko anak ko kesa sa kanila. Then she immediately change sim. Ayaw na daw niya makipag-usap sa ganong klase ng tao.
I asked hubby, ano bang paalam mo? Bakit ganon sinasabi nila. Ang pinag-usapan namin is nahihirapan akong kumilos dahil wala naman makatulong sa bahay dahil walang tao buong araw. Sinabi ko bang hindi ako inaasikaso? Maybe it sounds or means the same to them, pero hindi pa rin tama na tawagin agad akong sinungaling. Christian-like na naman sila. Born-again kasi sila, and sobra ang worship ng MIL ko. As in everyday in her fb status puro bible verses and etc. The hell I care, kung wala naman sa puso,kilos at salita mo. Para san ang pagigiging kristiyano db.
After hubby's paternity leave, umuwi sya sa kanila. Nag-usap sila, sinabi ni hubby ang point ko ang ng mom ko. Pero mas pinunto ni hubby, "Nay kungikaw kaya sabihan ang anak mo ng ganon, anong mararamdaman mo"? Naisip ko, no doubt nasabihan ka nga ng tatay mo ng masasakit na salita dati. Mapang-husga sila, at iisipin lang nila yung gusto nila, very close minded, conclusion na agad hindi pa alam buong story. That's what I noticed with them. Actually si MIL, mabait pero sunud-sunuran siya kay FIL parang wala na syang sariling pag-iisip.
Bumalik kami after a month, since first apo nila while sa side ko, pang 5 na. Then 2 lang sila magkapatid, while kami 5 din. I decided makikisama ulit ako, para maging in-tact ang family. 2 weeks lang ang tinagal namin. I don't know kung nananadya or walang pakialam. Nag-spray ng baygon sa bahay. Nagpahid ng gaas sa mga upuang kahoy.

we never came back after that. Visit lang ginawa namin ni baby. Si hubby sa kanila pa rin nag-stay since malapit sa work and graveyard shift sya. Umuuwi lang sya samin sa cavite, during weekends. For 2yrs ganon ang set-up namin. Visit lang during special occasions. yung MIL ko puro comment sa pic namin sa fb. While ako ni-hihide ko na yung album. Hahaha! Sobrang inis ko kasi tlaga. And they never asked for an apology. Although mukanh malabo un, pero if u realy are sincere db. No pride na dapat.
We recently came back kasi may partition na yung house, under construction pa rin so nagkikita pa rin kami most of the time. Pero I think they know their limits. medyo off din si baby ko sa knila, hindi kasi msyado kilala. 3yrs old na nga pero never sumasama sa kanila. I told her din not to ever go with them.
Naglagay lang ako ng wall sa pagitan namin, I don't know kung casual pa nga kami na matatawag. Basta hindi nila ako pwede pakialaman sa pagpapalaki sa anak ko. Dahil ni piso wala silang naibigay sa apo nila.
Bakit ba ayaw nila sakin, hindi nagugutom ang anak nila sakin, maganda buhay ng anak niya, maganda rin ang apo nila. Kung ayaw nila sakin, they can never ever borrow their apo from me. Madamot na kung madamot, but that's the only way I can do my revenge. (Evil laugh)
Nag-asawa na rin sister niya, and sad to say hindi rin dito tumira kasi hindi rin nila kasundo yung manugang nila. So wala rin silang apo, na nilalaro. Ay meron pala, apo sa pamangkin. Which happens to be their kaaway. So pag anjan na yung nanay ng bata. Goodbye na sa kanila. They should learn their lesson first.