Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 6 7 [8] 9

Author Topic: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?  (Read 57070 times)

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1153
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #105 on: June 27, 2012, 08:22:30 am »

same topic merged
Logged

redfox_0314

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #106 on: June 27, 2012, 11:27:41 pm »

yun family ng husband ko sobrang gagaspang ng ugali. ang pinagugatan kasi nito yun bilas ko. Yun asawa ng brother ng husband ko. Akala mo kung sino mag reynahan dun sa bahay. Puros sita pa ang ginagawa sa akin pati sa katulong ko. eh kahit sila nakikinabang sa katulong ko tapos panay sila reklamo. Pag naglagay ka ng food sa ref, kung hindi bawasan , ubusin tapos walang aamin.
Yun mga sachet ng shampoo na ginamit nila sa banyo kung saan saan sinisiksik. hindi man lang matapon pagkatapos gamitin. Nakakadiri sila, mga pa sosyal pero kadiri naman. Ang masama pa mag uusap usap sila sa bisaya sa harap ko, eh hindi ko maintindihan kasi half-japanese ako at iba ang life style na kinalakihan ko. Pero dahil mahal ko ang asawa ko pinakisamahan ko sila nag pakumbaba ako. Hindi ako nagpakita ng dis respect sa kanila pero anong ginawa nila sa akin at sa mga anak ko? Yun MIL ang FIL ko favorite nila yun SIL at yun first apo kahit na yun baby girl namin ni hubby eh nanalo sa mga contest at napapakita na sya sa TV. Pati motor ng asawa ko ginawa nilang service samantala ako hindi ko man lang mapakinabangan. Minsan mag pasundo ako ke FIL pinaasa lang ako. Pero pag yun Bilas ko nag request, kahit pa madaling araw gigising sya at maliligo pa bago ihatid gamit ang motor ng hubby ko. Kinawawa na nga nila si hubby, 3 months palang sa abroad hiningian na nila ng pera. Sabi pam paopera ni MIL. Pero bago ma operahan naka bili ng tig 22k na sofa.

Lahat ng tulong ginawa na namin sa kanila. Sinusupplyan ko sila ng gamot nila now dahil may clinic si MOM sa Bgy. Hall niya. Pero mas ok parin si BIL at si BILAS sa kesa sa akin. Palaging may competition between me and Bilas. I dont mind naman kasi hindi ko need makipag competition sya kanya. I have a stable job, good husband, loving son and baby girl, im an athlete.

Anong problema nila???
Logged

ilovekendra

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
  • my life. <3
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #107 on: July 03, 2012, 11:43:20 pm »

Ako rin, every time my husband asks me if kelan kami punta sa province, lagi kosinasagot na hindi ko alam. And lam niyo ba mga sis, birthday ko kahapon and wala ako nareceive na pagbati kay MIL. Impossible na hindi niya naalala yun dahil magkabirthday kami ng BIL ko! Pero okay lang, eh di bastusan na lang talaga diba! Hahaha
Logged
I am a MOM, and i'm proud of it!

jvcav08

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 93
  • friends starts from being stranger.....
    • View Profile
    • Beauty and home care products..
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #108 on: July 04, 2012, 06:07:32 pm »

yes..sobrang samang experience..laging nakakampi ke hubby..to the extend na nambabae si hubby me nag advice pa na "be carefull relationship are wonderful at first! potek!! ganun talaga advice..kaya bago ako nagbigay ng distance sinulatan ko silang lahat as in bonggang sulat na naglabas ng sama ng loob...
Logged
life isnt perfect...u can make it less complicated if you just let some simple imperfections go....

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #109 on: July 06, 2012, 09:58:04 am »

they are nice naman to me until early this year when my MIL borrowed my daughter for a month. Nagsimula nong yaya ng anak ko dinala sa place ng gf ng brother in law ko yung anak ko ng hindi nagpapaalam sa akin. Nagalit ako kasi to the fact na hindi ko alam ang place ibig sabihin hindi ko rin alam kung safe ang anak ko dun. Hanggang sa humaba na at pinagtulungan nila ako lahat. I was not given the chance to defend myself since i was here in Manila. Masama ang loob ko sa asawa ko kasi kahit di niya sabihin she's against on my disposition. Lahat sila naniwala sa yaya ng anak ko na kesyo pinagmumura ko daw sila lahat and all. After what happened, everything change. Hindi ko na sila masyadong kinakausap. Nagkaroon kami ng gap lalo na ng mother in law ko na dati rati were very close. Last month yung yaya ng anak ko pinalayas ko dahil sa sama na rin ng ugali. When they learned what happened, sabi ko sa kanila. Ngayon, sino ang masama ang ugali sa atin? Ako na nanindigan sa prinsipyo ko at alam kong tama o kayo na one sided at basta basta naniniwala ng walang basehan? Ayun natahimik sila lahat. Pero hindi na mababalik yung dati naming pagsasamahan. Nawalan na ako ng gana sa kanila lahat.
Logged

tashasabs

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 284
  • 타사 ❤
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #110 on: July 07, 2012, 08:42:04 am »

Matagal akong in conflict with my in laws (parents-in-law, sister- and brother-in-law), two years din! Maliliit siya na bagay na lumaki dahil may kanya-kanyang opinions kami. Nakatira rin kami noon sa house ng in laws ko so stressed din ako noon.

Bumukod kami ni husband with our kids and I can say nakatulong 'to ng malaki kasi nawala yung stress na everyday ka makikisama. Then recently nagkaayos na kami, we were together just this June to celebrate yung dedication ng pangatlo namin saka birthday ng eldest apo (daughter ng sister-in-law ko). So far so good.
Logged
Happy to be in #sabsuniverse.

mommyYOW

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #111 on: November 06, 2012, 06:23:32 pm »

pa-share lang. medyo masama kasi ang loob ko sa in-laws ko eh, especially kay FIL and BIL.

Ang totoo nyan nasa US sila and sa Singapore naman kami nakatira. Kadarating lang namin from SG. We planned na dito sa Pinas manganak dahil wala naman mag-aalaga sa amin ng daughter ko dun pagkapanganak ko. So, dahil 7 months preggy na ako with a 2 yo daughter, hinatid kami ng husband ko dito sa Pinas. He stayed here bale 4-5 days lang. Oct.25th ng gabi kami dumating tas umalis din sya ng Oct.30th ng hapon. Nung Saturday, I received an email from my FIL na masama daw ang loob niya sa husband ko dahil hindi daw binisita ang "bahay" nila sa QC sa ilang araw na stay niya dito sa Pinas. So, sinabi ko sa husband ko yun and sinabi ko rin na may email sa kanya ang Daddy niya. Nung nabasa ni Husband yung email ng Daddy niya hindi rin daw sya naka-react agad. Ang totoo nyan nagulat sya sa email ng Daddy niya tas ganun nga ang sinasabi. Ang laman kasi ng email is "hindi man lang daw magawa ng husband ko na alamin ang nangyayari sa bahay", stating pa na parang "mas mahalaga pa kami kesa sa bahay na kinalakihan niya", "disapponted daw sya kasi hindi daw ginagampanan ng husband ko ang obligasyon niya sa pamilya nila bilang panganay na anak nila".  Kay BIL kasi nila nalaman na hindi pumunta si Hubby dun sa kanila. Masama ang loob ko sa kanya kasi hindi man lang niya inexplain sa parents nila kung bakit hindi kami nakapunta samantalang alam naman niya. Tska hindi niya man lang kami pinagtanggol na kahit nasa SG kami lahat ng concerns niya sa bahay eh alam namin. Kung tutuusin eh mas alam pa namin ng Kuya niya ang nangyayari sa bahay kesa sa Daddy nila.

Sobrang nakakasama kasi ng loob eh yung sinabi ng Daddy niya na may mas importante pa ba kesa sa bahay nila na kinalakihan nila. Eh bahay lang naman yun compare sa amin na tao, hindi lang basta kung sinu-sino dahil asawa't anak kami ng anak nila. Kelangan ba talaga mas pahalagahan ang bahay kesa samin na pamilya talaga ng anak nila. Lagi nilang pinaparamdaman sakin na hindi dapat kami ang priority ng anak nila. Buti na lang at hindi ganun mag-isip si Hubby ko at mas pinapahalagahan niya pa rin kami na mag-ina niya kesa sa sinasabi ng Daddy niya sa kanya.

Sorry sa haba ng kwento. Gusto ko lang i-release ang sama ng loob ko. Makakasama rin kasi kay Baby pag masyado ko kinimkim yung sama ng loob ko. God bless to all! :)
« Last Edit: November 06, 2012, 11:40:59 pm by mommyYOW »
Logged

a_sweet_12

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #112 on: March 19, 2013, 12:05:05 am »

Ako rin meron. I was so excited when I saw this post at binasa ko lang muna lahat bago nagreply. I think hindi na mbbasa ng ibang moms to, since medyo matagal ng walang post about dito. But let me share my experience, gusto ko rin mag vent-out....

It all started mag bf-gf pa lang kami. Ayaw sakin ng parents niya dhil call center agent lang ako, while yung ex-gf niya is CPA. Huh? hindi nila alam ang heartaches ni hubby sa girl na yun, laging my 3rd party at si hubby nawalan ng confidence sa sarili dhil don.
Btw, hubby is an Accountant din but not board passer. Pinagtanggol ako ni hubby sa knila. Naging smooth din after a while. Shy type pa ako, muka kasi conservative yung family nila. Tatay niya sundalo, nanay niya nurse.

I got pregnant then, si hubby hindi pa ready at ang pressure nauwi sa 3rd party. Nakakatawa, yung problema niya hinanapan niya ng bagong problema. I don't know kung alam ni MIL yung issue bsta ang alam ko, alam nila na my problem kami. Kinausap niya si hubby, ang sabi niya willing daw sila ampunin ang bata, wag na daw kami magpakasal. Wow! Sobrang christian like yung ginagawa nila. hindi man lang nagtanong, if I wanted the child. If papa-ampon ko e di sa mom ko  na lang. :-)

Then naging unemployed ako, since nahirapan ako sa pagbubuntis. Gusto ko din makilala talaga ang mga tao sa kanila, wala akong trabaho asa bahay lang nila hubby. The reason I decided to stay with him kasi I fought for him. Gusto kong maging buo ang pamilya ko. At least pag tinanong ng anak ko, asan tatay niya may maganda akong sagot na, pinili nyang sumama sa ibang babae kesa maging tatay mo. Hahaha! Buti na lang mabait si hubby, at ni-guide ni papa Jesus sa tamang landas. My whole pregnancy asa bahay lang nila ako, naging household helper ako. Actually tamad ako, donya ako samin. Pero for the sake of pakikisama, I cooked, wash the dishes, swept the floor. Basta gawaing bahay, ginagawa ko na. hindi naman un nakakapagod, so okay lang. :) si FIL, madaldal makwento. One time sinabi niya saken, sa dami ng kwento niya eto ang tumatak tlaga. "Sana lang wag kang magsisi kay (name ni hubby), napakasama ng uagali" nagulat ako talaga. Bakit niya nasabi un? Parang hindi niya anak? Or akala niya ako anak niya dapat name ko binanggit niya. Sinabi ko un kay hubby, hindi rin niya alam kung bakit pero alam kong sumama loob niya. Siguro nga hindi sya katulad ng ibang anak, pero kung kelangan ng tulong ng mga magulang niya tumutulong sya. Btw, since nag-work si hubby sya na sumagot ng lahat ng utilities. Both may work pa ang parents niya, so magaan pa tlaga ang buhay. And hindi naman responsibilidad ng anak ang magulang. Ang alam ko ang responsibilidad ng magulang ang hindi natatapos. My own opinion, parents ko kasi hindi ako inobliga, I helped them in my own way. :)

We got married on may 8th month. Everything ng para kay baby, hubby and I bought it. Sweldo ni hubby lahat. Then nanganak nko, I gave birth sa lying-in, which is no big deal naman sakin. Since kakilala nila yung mga nurse, midwife at doctor don. Smooth din panganganak ko. :) pagkauwi sa bahay, nahirapan ako kumilos at umakyat-akyat sa room namin. They decided na sa sala na lang kami mag-stay which is uncomfortable naman sakin. Maliit lang bahay nila, and not the typical sala na comfy talaga. So nag-iiyak si baby kasi wala pa akong breastmilk, ayaw ko rin iformula kaagad. Sermunan ba ako tungkol sa pagkain ko nung buntis pa ko. Sino bang namamalengke? Sino bang mas may alam? Wahahaha! Ok fine! My mistake. So nag-iiyak na nga si baby, ang akin lang tama na sermon kasi hindi siya nakakatulong sa pagpapatahan ko. After 2 days, hgubby and I decided na dun na lang kami sa mom ko mag-stay until maka-recover na ko kasi walang tao sa knila during daytime asa work. Then si hubby wala namang alam sa bahay. Nagpaalam si hubby the same day nung aalis na kami. No violent reaction, kundi ang liit-liit pa ng bata ibabyahe nyo na kaagad. Which again I don't care. I don't have a choice naman. Kay FIL lang kami nagpaalam kasi si MIL mas maaga umaalis for work. The same day, siguro nung nabalitaan na ni MIL na wala na kami sa bahay. Ngtxt sya sa mom ko, "Pagsabihan nyo yang anak nyo, sinungaling! yung damit niya nanganak sya nilabhan pa namin, tapos sasabihin niya hindi sya inaasikaso" OMG!!! Nagpantig ang tenga ko, at tlagang nagtatype na ko sa cp ko para replyan sya. Pinatigil lang ako ni hubby. While my mom, bahala sila. Mas kilala ko anak ko kesa sa kanila. Then she immediately change sim. Ayaw na daw niya makipag-usap sa ganong klase ng tao.

I asked hubby, ano bang paalam mo? Bakit ganon sinasabi nila. Ang pinag-usapan namin is nahihirapan akong kumilos dahil wala naman makatulong sa bahay dahil walang tao buong araw. Sinabi ko bang hindi ako inaasikaso? Maybe it sounds or means the same to them, pero hindi pa rin tama na tawagin agad akong sinungaling. Christian-like na naman sila. Born-again kasi sila, and sobra ang worship ng MIL ko. As in everyday in her fb status puro bible verses and etc. The hell I care, kung wala naman sa puso,kilos at salita mo. Para san ang pagigiging kristiyano db.

After hubby's paternity leave, umuwi sya sa kanila. Nag-usap sila, sinabi ni hubby ang point ko ang ng mom ko. Pero mas pinunto ni hubby, "Nay kungikaw kaya sabihan ang anak mo ng ganon, anong mararamdaman mo"? Naisip ko, no doubt nasabihan ka nga ng tatay mo ng masasakit na salita dati. Mapang-husga sila, at iisipin lang nila yung gusto nila, very close minded, conclusion na agad hindi pa alam buong story. That's what I noticed with them. Actually si MIL, mabait pero sunud-sunuran siya kay FIL parang wala na syang sariling pag-iisip.


Bumalik kami after a month, since first apo nila while sa side ko, pang 5 na. Then 2 lang sila magkapatid, while kami 5 din. I decided makikisama ulit ako, para maging in-tact ang family. 2 weeks lang ang tinagal namin. I don't know kung nananadya or walang pakialam. Nag-spray ng baygon sa bahay. Nagpahid ng gaas sa mga upuang kahoy. :( we never came back after that. Visit lang ginawa namin ni baby. Si hubby sa kanila pa rin nag-stay since malapit sa work and graveyard shift sya. Umuuwi lang sya samin sa cavite, during weekends. For 2yrs ganon ang set-up namin. Visit lang during special occasions. yung MIL ko puro comment sa pic namin sa fb. While ako ni-hihide ko na yung album. Hahaha! Sobrang inis ko kasi tlaga. And they never asked for an apology. Although mukanh malabo un, pero if u realy are sincere db. No pride na dapat.
We recently came back kasi may partition na yung house, under construction pa rin so nagkikita pa rin kami most of the time. Pero I think they know their limits. medyo off din si baby ko sa knila, hindi kasi msyado kilala. 3yrs old na nga pero never sumasama sa kanila. I told her din not to ever go with them.

Naglagay lang ako ng wall sa pagitan namin, I don't know kung casual pa nga kami na matatawag. Basta hindi nila ako pwede pakialaman sa pagpapalaki sa anak ko. Dahil ni piso wala silang naibigay sa apo nila.
Bakit ba ayaw nila sakin, hindi nagugutom ang anak nila sakin, maganda buhay ng anak niya, maganda rin ang apo nila. Kung ayaw nila sakin, they can never ever borrow their apo from me. Madamot na kung madamot, but that's the only way I can do my revenge. (Evil laugh)

Nag-asawa na rin sister niya, and sad to say hindi rin dito tumira kasi hindi rin nila kasundo yung manugang nila. So wala rin silang apo, na nilalaro. Ay meron pala, apo sa pamangkin. Which happens to be their kaaway. So pag anjan na yung nanay ng bata. Goodbye na sa kanila. They should learn their lesson first.
« Last Edit: March 19, 2013, 11:31:42 am by Mommyjazz »
Logged

a_sweet_12

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #113 on: March 19, 2013, 01:23:41 am »

Sorry sobrang haba na. Pang-MMK na nga lang ito. hehe! I know may mistakes din ako. hindi naman pwedeng sila ang makisama sakin. Pero this is the way I was raised b my parents. May dignidad at prinsipyo. Actually, mabait pa talaga ako nyan kasi ang sister ko lumalaban sa in-laws niya. :D ako I never say a word to them. Respeto na lang ang maibibigay ko sa kanila, magulang pa rin sila ni hubby.

They are forgiven, but not forgotten. :) in time siguro, magiging okay din ang lahat. Ayoko na lang muna ma-stress at excited kami for our 2nd baby... :)

Thanks for reading! Pasensya na po ulit sa kahabaan. :) nag-enjoy lang magkwnto. Hehe!
Logged

momchronicles

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
  • seafarer's wife, full time mom, part time blogger
    • View Profile
    • momchronicles.com
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #114 on: March 19, 2013, 11:56:37 am »

Hi mga sis! Love ako ng mga in-laws ko but there are times na hindi talaga maiiwasan ang conflicts, but i think that's part of the relationship talaga.  Nagkaka-conflict nga tayo with our parents, sa in-laws pa kaya?

I'm sharing my blog post on how I deal with my in-laws and the lessons I learned from them.  Hope you'll find some inspiration here. :)

http://momchronicles.com/lessons-i-learned-from-my-in-laws
Logged

momi95

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #115 on: March 20, 2013, 02:57:43 pm »

Sis a_sweet_12, talagang binasa ko from start to finish. Me mga ganung in-laws talaga. Walang manugang na maayos sa kanila. My mom always tell me, "hindi pwedeng 2 ang reyna sa iisang bubong." Kaya bibihira daw talaga ang magkasundong mag in-laws. Yung iba, patalikod kung ayawan ang manugang nila. Pag nagkaroon naman ng apo, ang lola ang laging me tamang pagpapalaki. Lahat ng gawin ng nanay ni baby, me comment ang MIL. Just hope dumami na ang mga MIL at FIL na magiging kasundo ang manugang sa mundo....
Logged

a_sweet_12

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #116 on: March 20, 2013, 10:56:20 pm »

thanks for reading mommymom. Pasensya na sa typo, hindi ko narin kaya i-edit sa haba. Hehe! Uu nga sinabi rin sakin ng friend ko yan, hindi pwede 2 ang reyna... :-)  suwerte ng ibang moms na mabait ang mga IL's kung trato sila parang anak na din.

1 year na rin ang situation namin is kanya-kanya na lang para tahimik ang buhay. :-)  ok naman ako, minsan stressed sa kanila pero binabalik ko rin sa kanila ang stress ko. Hahaha!

Logged

sassy023

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • " no matter what happen i will always love you!.
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #117 on: March 21, 2013, 10:27:01 am »

hello mga sis share ko lang din yung sa akin my in laws are sometimes they get me mad kasi minsan nangengelam sila sa mga bagay bagay na hindi ko gusto lalo na pagdating sa anak ko. at first, nung time na nalaman nilang buntis ako ok lang so we have no choice kundi magpakasal at dito tumira sa house nila. since, wala kaming sariling bahay ng hubby ko dito kami sa kanila. til nanganak me ayoko lang yung masyado silang mapamahiin kung anong ano ginagawa sa bata nakakairita. bukod dun money matters minsan pag hindi nakakbigay ang hubby ko nagagalit sila bilang pakikisama ginagawa ko lahat tumutulong din ako sa house since my work ako. pero na overcome ko naman mabait naman sila pero kahit anong bait naman ng biyenan mo may mga times padin na hindi mo magugustuhan ang ugali nila kaya para walang gulo hindi na ako nag rereact nakakainis talaga. hayz
Logged
sassy023 ;)

NanaylovesAJ

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 91
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #118 on: March 21, 2013, 11:12:12 am »

Haizz

Ako naman sa SIL ko once,.. nung nanganak ako sa first child ko.. they ask my husband kung ano name ni baby so sinabi ni husband.. imagine kung ano sabi "Ang Baho Naman ng Pangalan" pabulong niya sinabi pero narining ko..hindi na lang ako nagreact gusto ko talaga siya awayin nung time na yun gusto ko sabihin,"walang pakialaman, mag-anak ka sarili mo para maganda pangalan".. ciempre naisip ko pa din si husband... hay samantalang siya nga eh matandang dalaga! haizz pag naalala ko yung naiinis talaga ako. tapos pag ndun kami sa province sa house ni hubby for vacation.. since special si baby so lahat ng family niya. "dapat kasi ganyan.. dapat ganun... kundi ganyan yan dapat ganito. dapat hindi ganyan, kung nuon pa ganito... " minsan gusto ko na magwalkout..
« Last Edit: March 21, 2013, 11:26:12 am by NanaylovesAJ »
Logged

sassy023

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • " no matter what happen i will always love you!.
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #119 on: March 21, 2013, 04:18:49 pm »

hi sis NanaylovesAJ ehhehe i know what you felt sis. based from my experienced ganyan na ganyan madaeng bawal ang putik hehehhe nakakairita when it comes to pangengelam sa anak nakakainis heheh ala magawa eh kundi sige na nga lang wag lang yung hindi na talaga pwedeng gawin. mahirap kasi pag nag away pa eh kaya kahit papano magpakumbaba nalang tayo sa mga biyenan natin sshowed them a good manners kahit nakakairita na hahaha
Logged
sassy023 ;)
Pages: 1 ... 6 7 [8] 9