Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 7 8 [9]

Author Topic: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?  (Read 56956 times)

je_anne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #120 on: March 25, 2013, 10:41:40 am »

Sis NanaylovesAJ - natawa naman ako sa kuwento mo. Wala talagang pakialamanan. Ganyan din ang naging issue ko nung naghahanap kami ni hubby ng names para sa mga babies namin. Kapag may gusto kami, biglang hihirit MIL ko, na bakit yan, etc. etc. Dead-ma na lang ako kasi nakakairita na.

Well anyway, after almost 2 years of living with my IL's , medyo nasasakyan ko na ugali nila. I've learned to be insensitive sa mga comments nila. Mahirap talaga kapag dinidibdib ko kasi medyo taklesa talaga MIL ko. I know she means well naman (SOMETIMES) pero minsan super rude na. I just gave birth 4 months ago and  syempre mukha pa rin akong preggy ngayon. I started to eat less and exercise more, pero bigla ba naman humirit. "Mukhang di ka na papayat". Ewan ko nairita talaga ako. Pakialaman ba naman pati weight ko. Parang hopeless case na daw ako....

Hay I just can't wait to get our own house. SIguro pag malaki-laki na mga babies ko and puwede na iiwan sa yaya nila....
Logged

mommyjm

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 60
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #121 on: April 11, 2013, 02:30:27 pm »

Hello mga sis... Hope you can help me dito sa problem ko with my FIL.

Si yaya kasi nagsumbong sa akin, hinihipuan daw sya ng FIL ko and this time sa dede na niya. Pero medyo confused din si yaya kung joke lang ba yun or totoo. So nakiusap sya sa akin na kung pwede wag na sya sumama everytime pupunta kami sa house ng FIL ko. At first, parang di ako makapaniwala...

Then I remembered, dun sa previous yaya ko, meron kasi akong nabasa na sulat dati na ayaw na ayaw daw nila magpunta dun sa house ng FIL ko kasi manyak daw. But they never confided naman to me regarding this. So I called up the previous yaya to ask and she told me na kaya daw lagi sila nag alibi dati na di sila makakasama dun sa house ng FIL ko is because hinihipuan daw sila. E di bale tatlo na silang nagsabi nun sa akin.

And this week lang, tumawag yung MIL ko sa akin. May sasabihin daw sa akin regarding kay yaya. Kesyo yung yaya ko daw malandi. Then pinakausap ako sa FIL ko, sabi niya inakit daw sya ni yaya kaya niya pinatulan pero wala naman daw nangyari sa kanila kasi old na etong FIL ko and wala ng capacity... So I asked him, bakit ngayon lang niya sinabi? E yung first time 5 months ago na. Ang reason pa sa akin, sayang daw kasi ng binayad namin sa agency... So sabi ko, e di po ba alam nyo naman na replaceable si yaya. Yun pa nga po and una nyong tanong sa akin kung pwede palitan pag di namin gusto. Tapos di nakasagot FIL ko. Sabi na lang niya, kasi nadadamay na anak ko. Sabi daw kasi ni yaya sa kanya magsusumbong daw sya sa BIL ko kasi bf niya yun.

According sa kwento ni yaya, twice na daw sya nahipuan ni FIL. Yung una sa husband ko sya nagsumbong. Eh eto naman si hubby, di naniwala kaya di na sinabi sa akin. Tapos nga etong 2nd time, sa akin na sya nagsabi.
Ang sama sama talaga ng loob ko sa FIL ko. Imagine, pag out of the country ako, pinapakiusapan pa naman namin sya na magstay sa house... Yun pala nagtake advantage sya sa mga maids ko.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3213
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #122 on: April 11, 2013, 09:50:31 pm »

@mommyjm
Hindi naman aamin ang in-laws mo pero feel ko your MIL has heard of a similar story long ago. Pag ganito kasi ang behavior, chances are may history na yan, ayaw lang nila tanggapin. The point is, you are aware na and they know that kaya ingat na sila. With respect to your maid, you make the apology nalang and it's up to her kung gusto pa niya i-take to the next level (formal complaint). I believe she deserves due respect kahit maid lang siya.
« Last Edit: April 11, 2013, 11:16:36 pm by toughmom »
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

je_anne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #123 on: April 29, 2013, 09:56:25 am »

Can I just rant?

I really really want to have a house of our own na. A couple of months back, I posted here that I've managed to be not too sensitive about the comments of my ILs especially my MIL. Pero promise, this couple of weeks naiinis na talaga ako.

Last night, over dinner, we were talking about mga raket this elections. My hubby and I are both lawyers kasi. My husband told them "bibili kami ng Innova". Hirit ba naman ng MIL ko, "Bakit Innova lang? Eh pareho kayong abogado."

I should have ignored her kaso nairita ako, sabi ko, "Kasi ang Innova, mura na at praktikal pa." Then she became quiet. Buti na lang andun yung FIL ko ang my hubby's siblings kaya hindi masyado napansin yung usapan namin. Naiinis kasi ako dahil ang MIL ko may pagka-inggitera talaga yan. Like yung sa anak ng mga pinsan niya naka fortuner, montero, etc.

Gusto ko sabihin sa kaniya, na kung hindi mo kami inoobliga na magbigay ng pera sa bahay niyo malamang nagkaroon na rin kami ng sariling house etc.

I feel kasi na parang dead weight ang MIL ko. Although, she is retiring soon, parang feeling ko mapupunta lang sa wala ang pera niya. Kaya after dinner humirit ako sa husband ko, wag na lang tayo bumili ng car, maghanap na lang tayo ng bahay.

Fed up na talaga ako living with them. Maraming mga ugali sila na ayaw ko matutunan ng mga kids ko. Kung baga bad example. Mga nuknukan ng chismoso't chismosa. Pati hubby ko na-acquire niya ang ugali nila. Parang lahat ng kamg-anak nila may problema. At feeling nila napak-perfect nilang lahat. Sensya na mga sis, napahaba kuwento ko.

Logged

kiz_me1109

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
    • View Profile

I'm really having a hard time adjusting with my SIL's attitude. We are living with my in laws for almost 4 years. And everytime andun si SIL e sobrang nas stress ako. She's a good example of a SIL from Hell. She makes our life more difficult because she's so selfish, self centered, immature and so tamad....

I just pray to God na sana e lumayo layo naman siya sa amin since may family na siya. But of course, wala naman ako say kung mas gusto niya tumira sa bahay ng parents niya kesa makasama husband niya.

Hubby and I agreed to move out by next year since yung school ng anak namin this year e nasa village lang. Right now, bumalik siya sa husband niya. Sana lang e matagal tagal pa bago siya bumalik. hehe
Logged
[enter]anne080809.blogspot.com[/center]

mayde77

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
  • www.bizandmoreph.blogspot.com
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #125 on: July 19, 2013, 02:31:44 pm »

Ako halos isumpa ko na at idalanging mamatay na ang MIL ko.
Masyado na talagang sukdulan ang galit ko sa kanya.
Buti pa yung ibang in laws pakialamera Lang sa bata pwede pang I manage pero paano na Kung halos di na nga nakakatulong manunulot pa Ng mga Tao mo na alam Mong badly needed mo para Lang I pasok sa anak nyang babae as yaya.Tapos sobrang hirap kina mag Alaga na halos dkna makapag work dahil Lahat Ng maids mo umalis dahil sa kanya.
Logged

momyk

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #126 on: November 26, 2014, 03:48:29 pm »

Hi , ým new here .. i dont know if this is the right place to post this ,, but i also have " in law " problems .. wala xe nkakaintindi ng pinagdadaanan q , no one wants to listen .. kahit advice lang ,, xe maxado ako mdaming tanong and nguguluhan ako .. lagi ako ngrereasearch ng kung anu2 pra maintindihan sarili q .. so here is my story

Nakitira kami ng husband q sa hauz ng ate niya , kinuha niya q sa lola q xe buntis n q sa 3rd child namin ,, hindi p kami kasal .. pero sa aklan nkatira ate niya sa in laws niya , ang kasama lang namin s bulacan (hauz ng ate niya) yung kuya niya n bakla .. grabe npka matapobre mapanlait nd mhirap pkismahan ,hindi sila mayaman , wala din work kuya niya niya pangit lang ugali ,, then after 2 months ngkacancer father nila kea umuwi ng zambalez kuya niya pra mgalaga ,, mgulo pamilya nila at nadismaya talaga ako nung nlaman q ,, hiwalay parents nila pero hindi legal na hiwalay basta ayaw lang mkita ng mother nila yung tatay nila , then after nun dumating ate niya at mga anak niya ,, xe may taning n tatay nila ,, at pra tumakas sa galit ng in laws niya xe may kabit sya ,, npka hirap ng ngingn sitwasyon q dun xe buntis ako at 2 kami pamilya nkatira dun ,, itinira p ng ate niya sa bahay niya yung lalake niya mgkakasama kami dun hbang nsa abroad asawa niya .. ewan q pero super kakaiba ang mga ugali nila .. yung mga anak niya pinag sasalitaan kami ng " nakikitira lang keo dito " at inuutos utusan ako .. pero dedma lang yung hipag q ,, bsta busy lang siya kakakwento kung ganundaw kasama asawa niya ,, prng pinag tatakpan niya pnlalake niya sa paninira sa asawa niya ,, nanahimik lang kami ng asawa q dhil nkikitira lang kami ,, ako n halos yung parang k2long ako lhat gumagawa sa bhay maliban s pglalaba ng damit nila .. then namatay tatay nila .. umuwi kami lahat sa zambalez kabwanan q na last yr un december anytime puwede n q mnganak ,, npka bully ng mga anak niya lage binubully mga anak ako ,, one time pinagalitan q anak niya xe sinabunutan yung anak q ,, ang kinagulat q galit n galit siya inmbes n humingi ng sory sa ginawa ng anak niya ngwawala siya at ngccgaw na prng wlang patay n nka burol ,, ang pnka kinagulat q din habang ngccgaw sya sa ilocano pra hindi q maintindihan ,, sa dame ng matatanda dun wala manlng sumaway skania n wag gumawa ng eksena at galangin ang patay ,, the wholw na nandun kami wala sila ginawa kundi mgaway away sa harap ng patay ,, to make the story short , after ng libing umuwi n kami s bulacan s hauz ng ate niya at nanganak n q january ,, pero magulo sila ng asawa niya ngtago siya kasama yung lalake niya at isang anak niya ,, iniwan niya yung isa s asawa niya at hindi ngpakita gang bumalik s abroad asawa niya , the worst part is 1 week lang ako ngphinga after giving birth ,, then ako n naging katulong nila tga luto at tga bantay sa mga bata hbng wala siya ,, nung nkaalis n asawa niya lunch at dinner lang siya umuuwi dun siya kasi ng lalake niya sa inuupahan nila xe paakyat n ng barko lalake niya ,, nagulat ako may isa png lalake pumunta sa hauz ex daw niya sbe ng anak niya ,, grabe talaga alam ng anak niya yung gnagawa niya and they think its ok .. xe yung turo niya ,, dpt dawperahan yung papa nila mgkunwari n may skit pra mgpdala ng malake ,, 5k ubos in one week pero halos smen nkikikaen ,, yung asawa niya ngtatanong sken kung puwede siya mkausap ,, xempre wala siya kea cnasabe q n wala siya dun n ngcmula yung galit at pgmamaltrato sken ,, ngsusumbong daw ako kea hindi ngpapadala asawa niya xe mukang pera daw ako at gusto q daw maangkin yung bhay nila ,, bgong pnganak ako pero ako n ngaalaga sa 5 bata , 2 anak niya , 3 anak q ,, tga luto atnutusan ng mga anak niya ,, mxado mdameng verbal at emotion pati psychological abuse gnawa niya smen , at araw2 hindi mwla s isip q un ,, 1 yr n baby q s january pero nand2 pdin yung pain ,, xe the whole time tahimik lang asawa q as if takot clang lhat sa ate niya paliban sa kuya niya bading n nkasabunutan niya after their father's wake ,, ewan q pero skania kampi asawa q ,, siniraan p niya momy q sa byenan q pra mgka bati sila pra mkahingi ng pera ,, ngeon cnasbe niya n thimik n sila dhil wala ako n gumulo sa pamilya niya ,, ako b talaga ? Umalis kami dun xe hindi n q nkatiis s ginagawa nila ng anak niya ngkasagutan kami ,, ngeon ,, lage pdin siya pinagtatangol ng asawa q ,, at ikakasal n kami sa december .. pero prng s mga ngyare prng ayoko n skanila ,, help naman guys ,, gusto q lang mlaman kung mali b talaga ako ? Sumbungera at pakelamera b q ? Xe lhat ng kmag anak nila yung ang cnasabe ,, dpt daw skania ako kampi ..
Logged

gara gara

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #127 on: July 13, 2017, 02:16:04 pm »

Wala ako masabi sa kabaitan nila ILs, my MIL is mabait talaga.. mother talaga... un nga lang.. since we live sa house ni MIL, naiilang talaga ako.. then it came to a point na isa sa mga away namin ni hubby, pilit siya nagtatanong anong problema.. I was mad so ayaw ko magsalita, but she kept on asking, assuming.. Eh with her assumption may mga bagay sya na nasabi which, well na-absorb ko talaga, plus, eto pa si hubby, galit na galit dahil binastos ko daw nanay niya, and what if gawin din daw yun sakin...
Sakin lang, magsasalita din naman ako kung bakit, wag lang sa panahon na  andun yung intense emotion.
Super iwas ako ngaun sa MIL ko, bukod sa nahihiya ako andun na din lahat.. Yung sama ko din ng loob, yung reaksyon ni hubby, yung limited space ko, lahat...
so now, I really don't know how to make amends kasi in the first place, hindi naman kasi kay MIL intended yung anger ko, sa hubby ko talaga, it just so happened na, nag-fusion sila ni hubby.. :/
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3213
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

Gabriella Gee

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #129 on: November 21, 2019, 06:16:56 am »

Hello Sis,

I can relate sa situation mo. I am about to give birth soon to our second child pero wala man lang offer mula sa biyenan about helping us or whatsoever. I don't want to ask for help from her kase  mas okay if they would offer voluntarily instead of asking them. We are just civil to each other kase ang dami nangyari di maganda in the past. yung MIL ko kase thinks that my husband is her investment. She did a lot of nasty things in the past pero sinusubukan ko na kalimutan. Ang pinakagrabe ay yung pinatira niya sa pamamahay ko yung younger na anak nyang lalaki or bayaw ko kasama yung gf niya. Wala silang work kaya tinanggap namin ng hubby ko sila sa pamamahay ko unknowlingly na bastos at walang modo yung gf at kapatid ng asawa ko. Bukod pa dun may katamaran kase bunso, wala na ngang work tamad pa. yung biyenan ko hindi man lang marunong humingi ng paumanhin sa amin sa inasal ng anak niya. Feeling niya siguro pagmamayari niya yung pamamahay ko at may karapatan sya na ganun gawin niya sa amin. Umalma ako sa asawa ko at pinaalis namin ang kapatid at gf niya nung may work na sila. Doon nakahinga ako ng maluwag. Ngaun na nandito na kami sa ibang country at malayo na sa kanila mas may peace of mind ako. Pero since yung MIL ko nakatira sa isa nyang anak which is 5 hour away from us nagiisip na naman ng paraan para perwisyuhin kami. Ngapplano magimbita ng bisita pagkatapos ng panganganak ko.Kaya ang ginawa ko hindi ko sila pinayagan na dumalaw sa looban ng 30 araw after ng pangaganak ko. Gusto ko malayo sa biyenan ko kase puro perwisyo lang ang dala niya. Mas mabuti pa talaga na kami kami lang magasawa at mga anak namin, tahimik ang mundo and masaya.
Logged

felena loy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Ever had conflicts or sama ng loob with in-laws? How did you manage it?
« Reply #130 on: July 29, 2020, 04:50:20 am »

Wala,
dahil sila na yung tumatayong second parent ko happy ako kc part sila ng buhay ko...dahil my parent patay na. 
Logged
Pages: 1 ... 7 8 [9]