Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 [2] 3 4 ... 10

Author Topic: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???  (Read 242889 times)

mommy cherry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #15 on: February 23, 2010, 11:26:03 am »

ako naman naexperience ko sa 1st at 3rd baby ko may 2 paniki sa harap ng bahay namin....lipad ng lipad sa harap ng pinto...daan ng daan...

nung sa 3rd baby ko,minsan dumating yung hubby ko ako nag bukas ng gate..medio late nayun mga 11pm...

biglang may lumipad na paniki sa gilid ko pataas galing sya sa lupa.hindi ko napansin na nasa lupa siya kasi gabi nga..

tapos biglang may lumipad naman sa ulo ko...as in napasigaw talaga ako...natakot din hubby ko..kaya hindi niya nako pinalabas ng gabi...

ewan lang...kanya-kanyang karanasan naman yan...yung walng naranasan hindi maniniwala diba? :)  :P
Logged

emzjoel

  • Guest
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #16 on: February 23, 2010, 11:37:02 am »


Nasa Mindanao project ako nung binuntis ko si zoe, may pagkaremote din ang area nung time nandun kami kasi walang signal, punta ka pa sa next town para mamalengke. Ganun din sabi ng kapitbahay, may umaali-aligid daw. Although di ako gaano naniniwala sunod ko pa rin advise nila magpalda ng itim matulog or night dress na itim.
Logged

kiz_me1109

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 320
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #17 on: February 25, 2010, 12:05:59 pm »


I think depende naman sa lugar un. Kung nasa City ka naman e imposible naman na may aswang. hehe Pero sa mga province alam ko meron kasi ako mismo naka encounter na. Pero hindi naman ako buntis nung time na un. College pala ako nun. When I was pregnant andito nako sa Manila. I work in Makati and sa Cavite ako umuuwi. Wala naman akong na encounter na mga ganun. So I guess depende lang talaga sa lugar un.
Logged
[enter]anne080809.blogspot.com[/center]

emzjoel

  • Guest
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #18 on: February 25, 2010, 12:23:51 pm »

officemate ko, sa forbes sila banda nakatira part ng sampaloc, not sre pero malapit dyan sa sampaloc. sabi niya meron daw umaaligid aligid sa house nila kaya asked sya dati ano gawin para maiwas. siguro meron din dito pero seldom nga lang
Logged

mrsbueno

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 182
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #19 on: February 25, 2010, 01:27:30 pm »

ako nung buntis sa eldest ko dito kami sa cubao, me mga nagkwento ng mga ganyan nung me dumadalaw sa house kaya na-alarm ang lola mo... so sa bintana din naglagay si husband ng bawang... tapos binigyanako ng  2bala isang di pa pumuputok and isang pumutok na... instead ok black pinaglagay ako ng MIL ko ng RED na towel or tela sa ibabaw ng tummy sabi iwas din daw ang mga mumu sa ganun... (i just dont know)

and yun nmang youngest ko sa bulacan na kami medyo city pa din kasi isang tulay lang ang difference niya sa caloocan e. yung house namin dun di pa sarado yung likuran e andun yung lababo and CR. so me time na umuwi kami na medyo late then nag-dinner maghuhugas sana ko ng pinag-kainan namin bigla lumabas si husband and tumingala...maya-maya sabi niya iba daw ang tunog....(husband came from tarlac) kaya pinapasok niya ko and nagsarado sya ng bahay... di rin niya ko pinatulog sa itaas near the window tsaka yung bubong kasi namin wala pa kisame as in yero lang...

tapos kung magbabyahe lagi akong me red na balabal or jacket..and dala ko parin yung bala na biagy saken nung unang nagbuntis ako...   :-\ until now clueless ako kung meron ba talaga...
Logged

chubyswife

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 148
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #20 on: March 19, 2010, 09:43:09 am »

na miss ko tong thread nato.................

POV lang po........... totoo man o hindi mas mabuti ng laging handa....... kaya ako yung mga pangontra ko dati tinatago ko....... for future use.
Logged

maivy

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 64
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #21 on: March 28, 2010, 01:35:21 am »

scary stories mga mommies!!!!!!!!!!!!!
buti na lang tapos na ko magbuntis nang mabasa ko tong thread na to..hehe..
kinikilabutan tuloy ako...
Logged

momi gly

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 134
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #22 on: March 31, 2010, 05:01:30 pm »

Mga sis hindi ko alam if totoo nga..pero naexperience ko na kasi yan na parang laging may nakatingin sa akin sa gabi. Sabi ng MIL ko meron nga daw dun sa lugar nila.. Kaya ginawa nila pinagtahi nla ako ng telang pula na maliit yung parang nilalagay sa mga bata..tpos nilagyan ng bawang, uling at buntot ng paging.. pangontra daw yun sa aswang. Sa kapitbahay din namin may nangyaring ganun. na maingay sa bubong nila tuwing gabi.. kaya ginawa nung asawa niya sinisigawan niya palagi saka may nakahandang kutsilyo na hinahagis niya sa bintana kpag may maingay dun..
Saka may nangyari din dun sa lugar namin.. may lamayan kasi dun eh madaling araw na nagulat yung mga tao na nakikipaglamay na may nalaglag na itim na aso mula sa langit.. tpos lumakad yung aso.. pilay-pilay siya.. pero habang naglalakad palayo.. nagbabago ng anyo.. nagiging tao na nakaitim.. scary no.. kaya ngayon medyo natatakot ako lalo na ngayong buntis uli ako.
Logged

Francois08

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #23 on: April 08, 2010, 08:11:26 pm »

Maybe nowadays it is not true anymore province din location ko now Antique tama si sis Marian sarili mo lang tinatakot mo. During my preggy days here i am only one because my hubby is on work  but i never used to scared myself.

Hi mommy leng sorry OT san ka sa Antique??ako din taga-dun sa Aguila Sebaste
Logged

agatha_stephanie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 137
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #24 on: April 08, 2010, 08:52:44 pm »

true or not, hinahayaan ko na lang sila na maglagay ng bawang sa windows at door ng bedroom namin.. wala nga namang mawawala... pero siempre kung iisipin mo nakakatakot.. may time na hindi ako makatulog pag may naririnig akong parang lumilipad lipad sa bubong..
Logged

apple

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 177
  • My life is My message
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #25 on: April 20, 2010, 02:34:33 pm »

not true...
kasi yung lola namin namatay na at lahat pero wala naman  syang nakitang aswang tiga capiz pa yun.

tinry ko rin yun kung totoo
nung buntis ako sa tabi ng bintana talaga ako natutulog nakabukas pa.
wala namang nangyaring masama sken ska sa baby ko.
kaya napatunayan ko na hindi talaga totoo.
Logged
"Your grace is not only sufficient Lord, it's overflowing."

pretty ghel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #26 on: June 17, 2010, 09:19:03 am »

nung buntis ako dati sa 1st baby ko naalala ko wala ako na experince na ganyan, dito ako sa antipolo, pero dati nakitira samen yung mag ina na frend ng mommy ko, yung anak niya 2 months pregnant, mula sa likod ng bubong namen may tumatakbo, papunta sya sa unahan ng bubong namen, tapos tatakbo pabalik ule sa likod namen, di talaga namen alam kung anong bagay ba un o aswang ba, kung pusa naman di naman pwede kc ang bigat bigat ng pagtakbo niya ibig sabihin ang laki nyang tao or something, tapos ang ginawa ng mama niya lumabas mula s loob ng bahay namen at matapang na sumigaw, yung para bang tinatakot niya may hawak syang asin nun, ako mismo nandito ako nun nug ngyare yung bagay na yun, hanggang ngayon di namen alam kung ano man yun,.
Logged

- Mommy Jo -

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 593
  • blessed and happy! :)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #27 on: June 17, 2010, 11:41:30 am »

ay! katakot naman stories nyo mga sis. i came from batangas and yung barangay namin although di naman liblib eh may mga stories pa din na ganyan especially kapag usapan ng matatanda. pero in my case during preggy ako,wala naman ako naexperience na kahit ano,there are times na solo ako natutulog sa kwarto pag wala ang mom ko since nasa abroad nga si hubby that time.. there was never a time na nagising ako because meron akong naramdaman na kakaiba.nagigising lang ako pag kelangan ko magwiwi since buntis nga.basta meron lang ako rosary sa side table ko and I pray every night. :)

Logged

septamush

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 123
  • ME, My Baby AJ and Hubby
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #28 on: June 17, 2010, 02:35:55 pm »

Ako I experience it... INC religion ko and I used not to believe in those kaya lang nung 9th month ko na.. gabi gabi talagang may nakalabog sa bubong ang yung pinsan na bata ng asawa ko keep telling his mom na may matanda daw palagi sa bintana na mahaba ang buhok... 2 weeks bago ako manganak na experience namin na talagang kinakayod ng kuku yung bubong... at that time yung tita ng asawa ko nasa labas nakikipag sugal so hindi namin makandado ang pinto... yung isa naman niya tita nasa sala at natatakot na rin... naiyak pa nga un.. ako naman sa shock ko hindi ko na binitawan si hubs.... siya pinan takip ko sa tiyan ko.. hahaha....takot talaga ako... to think andito lang kami sa makati... ciudad na toh ha!.. nung second ko naman I was always left alone in the house kasi bumukod na kami ni hubs... so far 1 time lang nang yari na may nakukud sa bintana ng inuupahan namin na apartment...
Logged

syndyela

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
  • Happy to relate with SP moms! :)
    • View Profile
    • Soulary
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #29 on: July 02, 2010, 11:48:20 am »

Nung preggy ako, hindi mga kalabog sa bubong yung na-experience ko kundi sangkatutak na pusa yung gumagala sa paligid ng house namin!  Tapos ang ingay ingay pa nila, parang may party, and nakatingin pa sa bintana ng house namin.  Scary noh? Parang nangangaroling sila sa amin. Hehe.  Nung nanganak ako kay baby, ganun din, andun pa rin sila ang favorite nila tumingin lagi sa bintana kung nasan andun sa room na yun si baby. Sa Batangas kami nito nun.

Tapos nung nasa Laguna kasi sa parents ko, may itim and 1 puti na pusa na tumambay sa bahay dun, and bigla sila "nagsalita".  As in yung parang nagsagutan na parang words talaga yung sinabi.  Narinig din yun  ng kapatid ko and tinignan yung mga pusa.  Umalis yung itim na pusa pagkatapos nila magsagutan nung puti na pusa. Scary scary.  Sobra embrace ko yung baby ko nun!

Sa parents in law ko, naging maingay din yung mga pusa nung preggy ako and nung nanganak na ako.  Pero ngayun, hindi na sila maingay, siguro kasi malaki na si baby ko, hehe.  Di na nila siguro trip ang malaking baby. Haha!
Logged
Pages: 1 [2] 3 4 ... 10