Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 3 [4] 5 6 ... 10

Author Topic: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???  (Read 252933 times)

xena

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #45 on: August 05, 2010, 01:41:28 pm »

scary sis mga kwento nyo, nagtataasan ang mga balahibo ko dito sa ofis hehe..  :)

based on my lola experience totoo daw talaga na may aswang pro madalas daw talaga sa mga probinsya kc sya mismo nkakita n ng aswang scary, nkakita nga sya ng manananggal eh napatay daw yun ng mga kabaryo nila then nakita nila kung paano nagbalik sa dating anyo nung kinaumagahan, isang magandang babae daw..  nung bata pa ko may inuupahan kming kwarto sa may nova, that time yung kapitbahay namin is buntis.. since na iisang bahay yun inuupahan namin n may dalawang kwarto lang kaya kahit anong kilos marrinig.. one night, dun ako pina2log sa kwarto nila nung kapitbahay kong buntis kc nagkataon yung asawa nightshift so wala silang kasama... madaling araw nung may nrinig akong kakaibang ingay eh malapit pa ko sa bintanang malaki eh kahoy lang yun so anytime puwede sya mabuksan, isang pagaspas ng pakpak yung narinig namin parang isang malaking ibon talagang nagkakalampag sa bubungan namin nun natakot nga ako nun, ang gnwa ng lola ko minura palibhasa kai sya yung matapang-tapang sa amin hanggang sa nawala...

nung ako naman buntis, mga 7 months sa bahay namin sa cavite townhouse pro never ako n22log sa 2nd floor kundi lagi ako sa baba na22log together with my mom and cousins... madalas nkkrinig kami na parang may naglalakad sa bubungan namin at parang ang bigat bigat ng paa.. minsan pabalik-balik sa bubungan.. nung sinilip ng mama ko sabi niya wala naman daw tao kundi pusa lang n malaki... sabi ko nga kung pusa lang yun bakit ganun mkaapak sa bubungan parang tao... hanggang minsan isang malakas na yabag sa bubong na akala namin kami lang nakkrinig pati pla kapitbahay namin nrrinig yun... pro kpg sinsilip nga wala naman daw tao.. ang ginagawa n lang ni mama kpg nrrinig yun minumura niya then mmya mya nwala na..:)  ;)
Logged

Mariel Arun

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 500
  • A happy wife runs a happy home :)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #46 on: August 07, 2010, 12:18:43 am »

skeptical rin ako but during my 1st and 2nd pregnancies. I have had experienced the same,may mabibigat na yabag sa bubong, kaluskos, tunog ng tuko..kaya nung buntis ako naglalagay ako ng black tube sa loob ng shirt ko, itak, asin at holy water. magaala-rambo talaga ako kung may nagpakita sa akin!
Logged
Create happy memories with our kids, its one of the things we'll leave with them, their happy childhood :)

rhys' mom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #47 on: August 21, 2010, 12:43:54 am »

ok lang saken dati na makarinig/makabasa ng mga ganitong kwento pero hindi ko naman naiisip na mangyayari ito mismo saken. pero parang naeexperience ko ata ito ngayon.  :-\

here's what happened...last tuesday kakwentuhan ko yung katulong sa tapat ng bahay namin. sabi niya saken ingat na daw ako kasi mabango na daw ang baby ko(i'm 6months preggy na). baka daw magsimula na umaligid ang aswang samin. kasi may aswang daw talaga banda sa place namin(we're in montalban and malapit kami sa bukid and ilog). matandang babae daw yun. ang sabi sabi  matagal na daw yun na matanda pero malakas pa rin. syempre di naman ako naniniwala. wednesday ng madaling araw around 2am siguro, aba may kumalabog sa bubong namin. di yun pwede maging pusa kasi it's way heavier. syempre di ko naisip ang aswang. isip ko baka magnanakaw! pinakiramdaman ko muna bago ko gisingin si hubby kasi baka false alarm. wala na ko narinig na next na yabag, di naman tumatahol ang aso namin sa labas kaya sleep na sana ako kaso di na ko makatulog, as in balisa na ako tapos malikot si baby sa tummy ko at eto ang pinakaweird as if may nakasilip sa bintana namin(asa uluhan namin ang window, bukas sya pero may screen naman). i really felt na may nakadungaw saken and nanlalamig ako kaya todo hug ko kay hubby. 5am na ako nakatulog talaga. kinuwento ko nangyari kay hubby sabi niya dapat daw ginising ko sya. kinagabihan naglagay si hubby ng kutsilyo sa tabi niya pero wala naman na nangyari.

yesterday night eto na naman. 11:30 pm gising pa kami ni hubby tapos may narinig akong parang debris na nalalaglag sa ceiling. walang malakas na yabag sa bubong pero may parang nalalaglag sa kisame. maya maya parehas na kami nakatingala ni hubby kasi naririnig na rin pala niya. he decided na ilipat ang bed namin malayo sa bintana pero balisa pa rin ako last night parang meron na naman nakasilip sa bintana. tapos nung bandang 2am narinig ko na naman yung yabag. grrr!!!

ngayon naglagay na ako ng garlic sa bintana tapos nagsuot ako ng black belly band and ofcourse prayers to keep our family safe. wala naman mawawala saken kung gawin ko ito kesa naman di kami makatulog ni baby ng maayos.
« Last Edit: August 21, 2010, 06:54:08 pm by renee »
Logged
rhys' mom

sweetest_thing

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 133
  • happy mommy for the third time :)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #48 on: August 26, 2010, 12:54:24 pm »

Ako naman, during our team building in Quezon, mga 4 months preggy ako nun, yung bed ko malapit sa sliding door papunta ng terrace, tapos me kurtina na nakatabing.  Me narinig ako na parang tunog ng manok na di ko maintindihan, ik...ik...ik...tapos para ding ungol ng kabayo, e farm something din kasi yung location kaya naisip ko baka yung mga hayop-hayop yun sa farm at gumagala lang tapos paggising ko ng umaga wala naman palang kabayo or manok dun kaya naisip ko, ngiii, baka aswang yun a...
Logged

spoiled_brat

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #49 on: September 24, 2010, 01:38:04 pm »

haven't experienced anything na ganun pero nung mga 3-4 mons ko ako lang magisa sa apt kase night shift si hubby - yung aso ng landlady ko tahol ng tahol pero nung sinilip ko wala naman tao. takot ako nun kase di ba malakas pang-amoy nila. kaya naglagay ako bawang at asin sa window. as in nakasabit. tapos lagi din ako may baon na asin at bawang sa bag na nakaplastic.pero kase nabasa ko sa ibang forums at mga advices ng friends and officemates - ingat nga daw sa mga aswang or tik tik..  sabi ni hubby wag daw ako maniniwala sa mga ganun.. eh laki ako sa lola. saka wala naman mawawala to be careful. si mama ko, kinwento ko sa kanya to at pinakita bawang ko sa bag.. tawa ng tawa..
Logged

momi_chesca kikay

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 152
  • Can`t wait to see my little Lance..
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #50 on: September 25, 2010, 02:52:59 am »

Nakakatakot naman mga mommies. Ako naman since 2 lang kami sa house tinatry ko sundin yung sabi ng matatanda. Like bawang and asin sa windows ska sa pinto. I also have this red na tela na tinahi ni mama na may pinalamanan ng asin and bawang lagi ko ilagay malapit sa pusod ko at meron pang 3 piraso ng walis tingting sa tabi ko. Maiigi na rin yung magiingat sabayan ng dasal. :)
Logged

autophobic

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 76
  • I ♥ Kent, Helena & Kairah :)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #51 on: September 25, 2010, 03:04:08 am »

ako naman walang experience na ganyan 33weeks na ko ngayon.. lagi nakabukas window namin sa kwarto mainit kasi pero wala namang dumudungaw hehhe wala ring ik ik na sounds

minsan pala may parang mabigat na naglalakad sa bubong pag silip ko sa window yung overweight na pusa pala ng kapitbahay namin na mahilig pumasok sa bahay para lang magnakaw ng ulam  >:(
Logged
I love the way you love, but I hate the way I'm supposed to love you back.. :(

abbejay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 84
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #52 on: September 25, 2010, 09:25:50 am »

Di ako naniniwala dun sa aswang,pero sa paniki,oo. Nung isang gabi kasi ik ik ng paniki yung naririnig namin. Anyways, yung asawa ko talaga ang naniniwala at parang gusto pa ako takutin kung hindi ba naman siya timang ano. :))

Di talaga ako naniniwala. I always pray at night naman. Saka everyday meron akong suot na rosary bracelet kahit na si hubby is di naniniwala sa krus,INC kasi. :) Kahit open yung window namin pag gabi,basta may curtains na nakatakip,ok nako. Saka dapat window sa ulunan ko sarado. Yoko nakikita labas ng bahay pag gabi eh. Feeling ko kasi may tumitingin parati. Haha! Praning din.. :))
« Last Edit: September 25, 2010, 09:40:01 am by abbejay »
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 987
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #53 on: September 25, 2010, 12:03:59 pm »

i really don't know. i don't recall the bubong/kaluskos thing, although i had to be careful, kasi it's not the aswangs i'm worried about, there are unseen beings na lumalapit when i'm asleep eh.

i used to feel pag merong "being" sa isang room, and nagkaka-nightmares ako like parang may gustong pumasok sa katawan ko, parang "manghihiram" ng body ---- and these were before i got pregnant, so imagine my paranoia, when i got pregnant!

i just put salt sa lahat ng windows/entrances. i closed the windows near my bed rin, and made sure i had a night light on. pag queasy ako, i leave the light open, and i leave the music on.

wala naman akong naalala na super scary nung pregnant ako. 
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 578
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #54 on: September 27, 2010, 07:17:43 am »

wala lang mga mommies curious lang aku... wala naman akong  na experience na ganun nung buntis ako pero yung MIL ko kasi dati pilit na nilalagyan ng buntot pagi yung bintana ko sa kwarto...

          kayo mga mommies may naexperience ba kayo na ganun nung buntis kayo?

di rin ako sigurado,parang wala naman ata,
sabi ko kay hubby nung buntis ako,
ayusin lagi yung kurtina,
kasi baka may mumu,
sabi ba naman sakin"yaan mo sya di mo naman sya maintinhan kasi arabo sila"haha...
pero sa probinsya nakakarinig ako
ik ik ik eh...ewan ko paniniwala namin aswang yun,
kasi yun ang nakalakhan na sabisabi,
lalo nung bata ako takot na takot ako sa tunog na yun,
siguro gang ngayun kung maririnig ko
malamang takot pa din ako :P hehe
Logged
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

youngmom18

  • Newbie
  • *
  • Posts: 22
  • Women are always beautiful !
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #55 on: September 29, 2010, 04:18:02 pm »

wala lang mga mommies curious lang aku... wala naman akong  na experience na ganun nung buntis ako pero yung MIL ko kasi dati pilit na nilalagyan ng buntot pagi yung bintana ko sa kwarto...

          kayo mga mommies may naexperience ba kayo na ganun nung buntis kayo?

nung buntis ako naisip ko rin yan ,,
ako lang kasi mag-isa sa bhay pag gabi kase may work pa c hubby then umaga na sya uuwe,,

syempre at first natatakot den ako,,
pero sa ilang buwan na mag-isa ako sa bhay every night..
wala naman akong naramdaman na kakaiba ,,
depende rin siguro sa place un,,
sa makati kase ako nakatira ,, di naman uso dito sa city un,,
sa mga probinsya lan naman siguro,,
Logged
your children need your presence more than your presents.

tamara

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 80
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #56 on: September 29, 2010, 04:39:03 pm »

hahaha,natatawa ako sa mga kwento dito! pero minsan natakot din ako sa myth na to.di ako natutulog ng patihaya kasi di ba yung manananggal nasa bubong tapos tapos,yung dila bababa papunta sa tummy at kakainin ang baby.mas natatakot ako habang naiisip ko kasi lalo na pag hatinggabi at mag isa ako sa kwarto.si hubby kasi working outside the country kaya wala akong katabi hahaha! kaya kung ano-ano tuloy naiisip ko.pero nung mga 0-6months pa lang tummy ko at pareho kaming outside the country,wala namang FEELING na maaaswang ako dun or what.Nung umuwi na lang ako dito sa pinas saka ko na feel yung parang may aswang nga lalo sa may bintana,ayokong dumungaw pag gabi na.

Nung outside the country kami pareho ni hubby,walang aswang si HUBBY lang ang nang aaswang hahaha!
Logged

honey-ecclaire

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 991
  • this is the last time I fall inlove...
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #57 on: September 29, 2010, 04:41:31 pm »

oo,naniniwala ako hehe though minsan madaling araw na ako umuuwi galing gimik(kahit buntis hehe)....hubby is away....nararamdaman ko din na may kaluskos sa bubong namin,sa kwarto ko,di lang basta ingay parang tinatanggal ang bubong namin..i told it to MIL and she said na magtabi ng rosary sa gabi kase since then kasama ko na sa room yung pamangkin kong tulog mantika.....
Logged
The moment a child is born, the mother is also born.  She never existed before.  The woman existed, but the mother, never.  A mother is something absolutely new.  ~Rajneesh

ingrid

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #58 on: October 01, 2010, 09:03:04 pm »

base on my experience naniniwala ako.
kasi nung 1st trimester ko twing gabi may naririnig kami ni hubby n parang ibon na paikot ikot sa bahay eh un kama namin malapit sa window. minsan naman nagigising kami my ik ik na tunog. nung una HINDI talaga ko naniniwala,then one time may narinig kame sa bubong na parang naglalakad, sabi ko sa hubby ko "pusa lang un" then aun Deadma! tpos next day meron na naman! nagtataka na ko pero sabi ng hubby q aswang yun kasi "MABANGO" na daw sa kanila ang amoy ng buntis lalo na kapag maliit palang at yung mga malapit ng matigok :D and then bale wala padin tapos nung mga sumunod na araw iba na talaga hindi na siya parang pusa kasi talagang ang lakas n ng tunog na parang may naglalakad na tao. kaya aun naniwala na ko dahil hindi na talaga tumitigil halos every other day yata yun.
nilagay ni hubby yung palaspas sa window tapos sabi ng lola ko mglagay ako s isang lalagyan ng asin at bawang ipwesto ko sa window.
ayon paminsan minsan nalang namin naririnig pero ngayon wala na.
Sabi nila kasi malaki na daw ang baby ko  (32 weeks preggy nko)
Di naman ako natakot kasi di naman katulad sa province yung bahay namin na malambot at nabubutas ang bubong  ;D ;D hehe
Logged

pinoytamil

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 316
  • its so hard wanting & labing sam1 dat u cant be w/
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #59 on: October 03, 2010, 09:52:59 pm »

aay naku ewan pero sabi ng maid namin meron daw uhm,inaaswang daw ako amp*ut*!!! ako naman tong si t+++a naniniwala hindi tuloy ako makatulog ng maayos sa gabi huhuhu mukha na ko reyna ng EYEBAG
Logged
Pages: 1 2 3 [4] 5 6 ... 10