Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 4 5 [6] 7 8 ... 10

Author Topic: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???  (Read 265769 times)

Angela Zhane

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 117
  • I love you a bunch!
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #75 on: December 08, 2011, 05:56:25 am »

I'm not sure about this pero base on my experience madalas may kalabugan sa bubungan namin when i was still pregnant. Although at times it seems mga pusang naghahabulan lang meron ding instances na iba yung pakiramdam ko. Even si mama madalas sabihin nun na gabilao raw ang ulo niya pag kakaiba yung nasa taas.

So everytime na ganun nagsasaboy sya ng asin at tinataboy sa sigaw para lumayas. Sa kuwarto naglalagay din kami ng bawang to drive away this evil being.
Logged

jenstelian

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
  • I Love You Pa and Baby Stel!!!(^_^)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #76 on: December 08, 2011, 01:32:48 pm »

base sa experience ko 3yrs ago parang oo (yata?!) kasi isang gabi parang sakal n sakal ako hindi makahinga n parang ang init pero hindi naman ganun kainit ginising ko c hubby kasi hindi ko n kaya. then wiwi n wiwi ako...lumabas c hubby kasi naiwan ko pala arenola ko sa labas ewan pero noon ko lang naiwan yun..then gusto ko sumama pero paglabas niya may malaki daw aso na itim na itim sa garahe na ang  mata ay kakaiba daw ang itsura. kahit silip hindi na niya ako pinasilip kasi nkakatakot nga. hindi siya nag-joke that time kasi kahit siya nag-aalala din samen ni baby...ginawa ni hubby naghagis ng bawang at asin sa garahe....then nung morning nakwento namin sa MIL ko at sa tiyahin ko...mukhang dinadalaw nga daw ako ng masamang spirit...katakot ha  :'(....tapos minsan may tiktik daw minsan sa labas ng bahay namin sabi ni MIL... :( pray lang ako at ilang pangontra sa aswang....
Logged

jaiel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #77 on: December 09, 2011, 08:27:40 am »

Based on my experience, oo totoo nga yata ito. There are several instances during my pregnancy na mairerelate ko dito.


1st: Sa compound kasi namin dito sa Olongapo, may katabi kaming compound na may puno ng kaimito at mangga. Paniniwala ng matatanda, binabahayan daw ng kung ano-ano yung kaimito. One night, naramdaman nung pinsan ko na lalaki w/c is older than me na may nagtitiktik daw sa compound namin. Nagtataka siya kasi nung time na yun di pa alam ng family ko na buntis ako. Ginawa niya, sinigawan at minura niya yun kaya umalis.


2nd: Sa Manila naman ito nangyari, may malapit na puno dun sa tinitirahan ko before and ako talaga mahilig ako yung pagabi na pag lumalabas ako para bumili ng food. Nagtataka ako kasi palagi akong may nakikitang paniki. Minsan parang sinasabayan pa ko or nasasalubong ko pa. Nung una, dedma lang ako kasi dedma lang yung mga tao pero natakot ako kasi naalala ko yung bed ko katabi ng bintana. Bale ulo yung part na malapit sa bintana kaya pag wala si bf, palaging sarado yung bintana ko. There are also times na sobrang napaparanoid ako at di ko mapigilan tumingin sa bintana kasi feeling ko parang may something weird dun.


3rd: Last night lang nangyari to. Usually kasi around 3am-4am na ko nakakatulog. Iba nga kasi yung sleeping habit ko. Para akong graveyard shift hehe! Ayun nakatulog ako around 2am tapos nagising ng mga 4am kasi sobrang lakas ng kalampag ng mga "pusa daw" sa bubong namin. As in ang lakas pati mom ko nagising! And ang nakakatakot pa is parang dun sa side ko kumakalampag. Tapos ayaw talaga tumigil. Eh usually naman pag ordinaryong pusa lang, di naman ganun katagal at kalakas yung kalampag diba. Natakot ako kaya binuksan ko yung ilaw. Nakahalata yata yung mom ko na natatakot ako kaya tinataboy niya pero ayaw talaga umalis. Ang nakakatakot pa is wala naman akong naririnig na "meow" ng pusa. Talagang tinakpan ko ng kumot at unan yung tiyan ko tapos yung palad ko pinangtatakip ko sa pusod ko. Sabi kasi nung sister-in-law ko, dun daw kasi dinadaan ng mga tiktik yung ga-sinulid nilang dila so ayun palagi kong tinatakpan yun pag natatakot ako.


4th: Yung kwarto kasi namin, parang may mali sa pagkakagawa. Pag nakatayo ka, kalevel ng legs yung bintana, tapos cabinet yung kalevel ng upper body so pag nakahiga sa kama, kalevel mo lang yung bintana. Tapos dun sa bintana may bubong kasi dun sa extra space namin sa baba. Although kahit noon pa may mga tumetengga na talagang pusa dun, narealize ko na during my pregnancy, mas madalas may tumatambay. Minsan nga as in nandun sa tabi ng bintana tapos nakatingin sa loob. Scary talaga kasi scared talaga ko sa pusa! Hehe! Oh ayan, while writing this, may pusa na namang galing dun!


5th: Eto naman kwento nung pinsan ko na nakapansin ng tiktik sa compound. Preggy din pala kasi yung gf niya, bale ahead lang ako ng 2months sa kanila. Umuwi sila before dun sa lugar ng gf niya sa Bataan, medyo remote yung place and at that time, nasa 1st trimester palang yung gf niya. Eh diba sabi nila yun yung mabango sa alam niyo na, as in gabi gabi daw di sila tinatantanan nun. Yung pinsan ko di na nga daw natutulog sa gabi kasi binabantayan niya yung gf niya. Tapos di ko alam kung ano yung palagi niyang hawak, kung itak ba o kung ano man yun na panlaban sa mga ganyan. And then nung bumalik sila ng Olongapo, feeling nila sinundan sila. Kasi totoo daw pala yung ganun. Pag trip ka talaga, susundan ka pa rin. :(



So ayun lang mga mommies, share ko lang. :)
Logged

Anne Mercado

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
    • View Profile
    • Green Eggs & Moms
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #78 on: December 14, 2011, 09:07:03 pm »

@Jaiel - kakatakot naman! As for me, no aswang every visited me while I was pregnant! But next time I'm preggy and see one, I'll definitely post my experience here. (Sana wala akong makita, ever).
Logged
my take on parenting: http://greeneggsandmoms.com

rodcielle_07

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 174
  • working mom
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #79 on: January 22, 2012, 01:24:21 pm »

talaga bang may aswang? all I know are bad spirits.. and they can only harm you in dreams, hallucinations, imaginations and with your mind..
Logged
 

shanks

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
  • i'm not drunk... I'm just intoxicated by you...
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #80 on: March 14, 2012, 12:50:56 pm »

when I was pregnant last year, di ko na experience to, though naniniwala ako sa mga pamahiin, yung maglagay ng lemon, asin or bawang sa may bintana, o kaya yung walis tingting na baliktad to drive them away. also yun nga, magkumot ng black or iwrap yung black ribbon or cloth sa tyan, that way daw, di maaamoy or makikita ng aswang na may bata sa loob ng tyan.

Then kwento ng officemate ko, nung buntis daw siya, nagising siya kasi may kumalabog sa bintana nila, tapos may parang nag "eeek eeek" daw, so pinatingnan niya sa mister niya na may hawak na buntot pagi.

so i guess, kahit nasa modern world na tayo, uso pa ang mga ganito.
Logged

xoxjanexox

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #81 on: March 14, 2012, 05:44:31 pm »

hindi ko naexperience to nung pregnant ako.. pero sabi nila totoo daw lalo na sa mga provinces. ::)
Logged

chester

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 321
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #82 on: March 14, 2012, 05:57:41 pm »

noong preggy ako naexperience ko rin makarinig ng malakas na huni ng ibon. lalo na pag mag-isa ako. ramdam ko ang takot.  at ramdam ko na may nakatingin sa akin. nakabukas ang ilaw buong mgdamag pag mag isa ako.  pagkasama ko naman hubby ko, talgang yakap ako sa kanya. at nakatali sa kamay ko ang rosary.
Logged

DadToReese

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
    • Filipino Dad Blog!
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #83 on: March 17, 2012, 11:07:50 pm »

Hindi ako naniniwala dito.  Think about it.  Bakit walang nang-a-aswang sa mga buntis sa ibang bansa?  Also, meron na ba na-balita dito na kinain ng aswang yung tiyan ng buntis?  :)

Yung yaya namin takot na takot sa aswang.  Meron nakita paniki aswang na daw agad.
Logged
When I get sad, I stop being sad and be awesome instead.  True Story.

rodcielle_07

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 174
  • working mom
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #84 on: March 20, 2012, 09:37:24 am »

Hindi ako naniniwala dito.  Think about it.  Bakit walang nang-a-aswang sa mga buntis sa ibang bansa?  Also, meron na ba na-balita dito na kinain ng aswang yung tiyan ng buntis?  :)

Yung yaya namin takot na takot sa aswang.  Meron nakita paniki aswang na daw agad.


DadToReese: natawa naman ako dito hehe.. same here. di talaga ako naniniwala.. but yung si MIL may paglalagay pa ng bawang sa may bintana ng kwarto namin. ayun pinagbigyan ko na lang para di magtampo..:D
DadToReese, puwede magtanong? kaw po yung hubby ni sis Aisha? if hindi disregard na lang my question :)
Logged
 

rodcielle_07

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 174
  • working mom
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #85 on: March 20, 2012, 09:38:48 am »

parang gusto ko tuloy panoorin yung Corazon - ang unang aswang hehe... :))
Logged
 

janetrocks88

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #86 on: March 20, 2012, 07:20:55 pm »

myth lang yun ng ating mga ninuno, pero ako nung buntis pumunta pa ang father ko sa cavite pra kumuha lang ng buntot page, at laging nasa tabi ko rin ang walis tingting...mabuti na raw yung naniniguro wala naman daw mawawala...  ;D
Logged

DadToReese

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
    • Filipino Dad Blog!
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #87 on: April 01, 2012, 02:33:55 pm »

Hindi ako naniniwala dito.  Think about it.  Bakit walang nang-a-aswang sa mga buntis sa ibang bansa?  Also, meron na ba na-balita dito na kinain ng aswang yung tiyan ng buntis?  :)

Yung yaya namin takot na takot sa aswang.  Meron nakita paniki aswang na daw agad.


DadToReese: natawa naman ako dito hehe.. same here. di talaga ako naniniwala.. but yung si MIL may paglalagay pa ng bawang sa may bintana ng kwarto namin. ayun pinagbigyan ko na lang para di magtampo..:D
DadToReese, puwede magtanong? kaw po yung hubby ni sis Aisha? if hindi disregard na lang my question :)


Yup!  That's me!  GTalker ka din?  :)

Para on-topic:  At least yung yaya namin eh hindi na naniniwala.  Natauhan sa mga sinasabi ko.  Dati talaga pati pag-tahol ng aso eh ina-associate niya sa aswang. 
Logged
When I get sad, I stop being sad and be awesome instead.  True Story.

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #88 on: April 15, 2012, 02:22:37 pm »

mahirap naman talaga paniwalaan if you don't have 1st hand experience. much more difficult if you've lived in the city all your life. iba kasi talaga ang buhay sa probinsya. wala namang aswang sa ibang bansa kasi siguro iba paniniwala/culture nila. maybe iba ang tawag. pero pansin nyo, wala namang white lady/black lady in foreign countries. it's only here in asian countries na makakarinig ka ng mga ganyang kwento. sa ibang bansa, ang mga kwento nila eh about hooded figures, black shadows, demons.. etc. wala din naman akong malalim na experience nito maliban sa mga kuskos sa bubong, at yung nakasalubong kong maitim na aso sa bahay namin na tinalon ang 5 feet naming bakod. baka talented lang yung askal na yun.

ahhh.. naalala ko one time during my pregnancy, nagising ako ng madaling araw kasi parang naririnig ko si hubby tinatawag ako. hindi ako dumilat, nakiramdam lang ako kung bakit niya ko tinatawag. pero nagtaka ako kasi narealize ko na nasa left side ko pala sya, tapos yung tumatawag sakin na kaboses ni hubby eh galing sa right side ko, which is window na namin.   
Logged

Anne Mercado

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
    • View Profile
    • Green Eggs & Moms
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #89 on: April 26, 2012, 11:11:51 pm »

I didnt experience any so I cant say kung meron talaga although there are a few who say na meron talaga. Honestly though I dont believe in it :)
Logged
my take on parenting: http://greeneggsandmoms.com
Pages: 1 ... 4 5 [6] 7 8 ... 10