Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 5 6 [7] 8 9 10

Author Topic: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???  (Read 266942 times)

tashasabs

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 284
  • 타사 ❤
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #90 on: April 29, 2012, 10:05:03 pm »

Had an experience noong third pregnancy ko na dun sa bintana ng kwarto ko sa bahay ng nanay ko biglang may kumaluskos. May screen kasi yung bintana, nakaladlad na yung mga kurtina. Di ako nagsasara ng bintana talaga unless umuulan saka summer noon, mainit. The weird thing is yung kaluskos nasa upper na parte ng bintana na imposibleng maabot ng pusa kasi wala na sila aakyatan doon. Wala rin namang daga. So ayun, umalis na lang ako sa kwarto, hehe. Wala naman ako nakita so di ko rin masasabi na totoo yung aswang, at wala naman akong wish makakita, baka mapano pa.  :)
Logged
Happy to be in #sabsuniverse.

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #91 on: October 20, 2012, 09:56:51 am »

Ngak! hahaha, hindi ko naranasan yan. ;D  and hindi rin ako naniniwala sa mga multo, aswang, at kung ano ano pa.  Ang pinaniniwalaan ko ay ang Diyos na buhay.   ;D  ang hirap mamuhay ng puro worries at fear sa mga bagay bagay na hindi nakikita.  Mas gusto kong mamuhay ayon sa Diyos  ;D
Logged

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #92 on: October 22, 2012, 11:21:52 am »

ako din hindi din naniniwala.

pero nung preggy ako umuwi ako sa amin sa dasma. yung lugar kasi dun tubuhan yung likod ng subdivision..

then nguusap kami ni mama..
tahol ng tahol yung aso..
then bigla nlang may nanig kami n IK-IK yung sabi.. ayun di naman ako natakot pero c mama hinampas hampas yung bintana ng walis tingting..tapos lumakas yung pag tunog ng IK-IK mga 3x lang tapos may nahulog na kahoy sa bubong galing siguro sa puno ng kapitbahay..tapos un tahimik na yung lugar..

sabi mama takpan ko daw yung tyan ko..

then kumatok yung brother ko haha sabi ng mom ko wag daw bubuksan baka yung aswang daw un.. aun wawa yung bro ko magdamag nandun sa gate.. dami ko tawa.. bimuksan lang ni mama nung tumawag sa fone c kuya..
Logged

~_Chi-Chi_~

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 157
  • mommy<3AVY<3daddy
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #93 on: October 23, 2012, 06:23:42 pm »

Wala naman akong naranasan na mga kakaiba nung preggy and thank God for that. :) And hindi rin kasi ako naniniwala sa mga aswang talaga.Pero dahil sa super praning talaga ako, i put bawang and asin sa may window. Ganito kasi belief samen. wala naman sigurong mawawala kung magtetake ako ng special precautions.hehe And pag lalabas ako, meron din ako sa bulsa o kaya matchstick or bullet. and most important of all is faith in God. :)
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #94 on: October 23, 2012, 09:29:58 pm »

haven't heard from anyone na nakaranas ng ganitong experience sis.  ganun lang talaga ang mga oldies may mga pamahiin may totoo, may ok din na paniwalaan at meron ding wag na lang patulan hehe.
Logged

neth04

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
    • My Everyday
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #95 on: October 25, 2012, 12:43:38 pm »

it's my 3rd pregnancy at dito ako sa province (bulacan).. liblib pa nga to.. pero never had en experience sa ganyan.. hindi ako naniniwala...i don't think na may mga creatures na ganon!
Logged
http://tennajp.blogspot.com

<a href="http://lilypie.com/"><img src="http://lb1f.lilypie.com/8Hqrp8.png" width="400" height="80" border="0" alt="Lilypie First Birthday tickers" /></a>

mymarteena

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
  • a mom to a cute little princess :)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #96 on: October 25, 2012, 04:52:35 pm »

hi mga sis! actually hindi ako naniniwala sa aswang before and until now naman kaso when I was 3months pregnant, dun kami sa house ng parents ko umuuwi every weekend. That time hindi ko katabi si hubby kc he was at work and may project silang tinatapos. Nung night na yun I was really feeling something is not ok kc as in hindi ako makatulog and feeling ko may umiikot na something sa room ko. So I called my sister na tabihan ako sa bed.. so ayun katabi ko si sister sa room the whole night. The next morning, my cousin na open ang 3rd eye approached my sister and make kwento.. here it goes:

Cousin: Ghe (my sister) what time kayo natulog last nyt?

Sister: ate late na cgro around 12am na yun bkt?

Cousin: After ko kc mag watch ng movie lumabas ako ng house and pumunta ako sa may bathroom para mag brush ng teeth, while brushing I look outside and nakita ko dun sa roof top nyo may 2 guy na paikot ikot, walang damit and super itim.. yung isa nakasabit sa puno and yung isa nakabaliktad dun sa may window nyo sa room na parang may inaamoy..

Grabe imagine kung gano ako katakot that time nung nag kkwento ang pinsan ko.. the view kc from their house is kitang kita yung room namin sa 2nd floor and roof top ng house. Ask ng pinsan ko kung dun daw ba ako natulog sa bahay then my sister answered OO..

waaaa! every night na natutulog ako mga sisses as in laging may umiikot na parang paniki or what so ever sa paligid ng room ko super nakakatakot tlaga baka kunin nila baby ko hahaha! eventually nung nag 6months na tummy ko nawala na lang yung maag tiktik na yun..

sabi kc ng matatanda, masyado daw kc mabango ang mga buntis sa pang amoy ng mga aswang kaya ganun.. lalo na pag masyado pang maliit yung baby sa tummy like mga 2months to 4 months.. :(

wala namang masama if maniniwala tau and mag iingat db :)
Logged

dadaish

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
true ba ang tiktik?!
« Reply #97 on: November 05, 2012, 01:42:02 pm »

guto ko lang malaman kung true o paranoid lang ako... i've been experiencing and hearing a lot of weird noise kc... and im pregnant, kaya medyo bothered ako...dito na ko lumaki sa manila and alam ko mga folklore lang yan, pero iba kc pag ikaw nakaramadam... meron din kayang naka experience ng ganito sa inyo? ive been putting rosaries sa windows and madalas puyat ako sa kakaisip or pag aalala... mahirap na...sana hnd siya totoo...
Logged

dadaish

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #98 on: November 05, 2012, 02:07:17 pm »

hi there mga sis, gusto ko lang din ishare yung experience ko.. im 5 months pregnant ngaun and every night tlagang walang palya pag ala-1 na hanggang alas 3 ng madaling araw hnd ako mapakali, kc ive been hearing a lot of weird noises sa bintana namin, nung una sabi ng hubby ko manok lang daw un (may alaga kc mga manok mga tito na nasa roofdeck) until one time narinig din ni mama yung ingay..hindi raw un manok at yung huni niya hnd raw butiki...so lalo naman ako kinabahan hanggang ngaun...hindi kc cko naniniwala sa ganito since dito na ko sa city pinanganak at lumaki, pero ngaun naeexperience ko siya, talagang bothered ako, lagi ako napupuyat kakaisip at pag aalala... nagsabit narin ako ng rosary sa bintana, kahit sa 2nd floor yung room namin takot parin ako kc yung stairs sa roofdeck pababa hanggang sala is derecho lang, open pa naman ang deck dito kaya tlagang worried ako, first baby namen to... naglagay na tito ko ng mga bawang dun sa roofdeck pero hnd parin ako kampante...lalo na kagabi ang hina ng huni kc, sabi pag ganun daw malapit lang... kahit sa city pala meron din...

alam nyo kaya san nakakabili ng buntot pagi? takot daw sila dun eh... :-[
Logged

mymarteena

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
  • a mom to a cute little princess :)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #99 on: November 05, 2012, 02:23:17 pm »

hi sis! same dilemma tau nung nagbubuntis ako sa baby ko.. I kno wthe takot felling as in nakakakaba talaga :( oo sabi nga nila pag mahina daw yung sound meaning malapit sila sau waaaa! nakakatakot ltga promise.. naghahanap pdin kami before ng buntot ng pagi sis kaso wala kami nahanap.. alternative way is naglagay kami ng walis tingting sa windows sa room and palaspas with matching bwanag and asin sa mga windows hahaha! at eto pa, ginawa ako ng mama ko ng nabalatang bawang with asin and bala - yes bullet sis magkakasama sila sa isang white cloth na nakatali tpos every night nilalagay sya ni hubby sa tummy ko for protection.. actually nung una ayaw kong maniwala kc nga db laki din ako sa city and alam ko sa province lang may gnyan.. pero wala naman masama if gagawin nten yung sabi ng matatanda :)
Logged

dadaish

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #100 on: November 05, 2012, 02:55:36 pm »

thanks sis sa reply...worried lang ako, first time ko makaexperience at sakin pa talaga nagyayari...so totoo pala na bawang and asin is helpful sa mga ganito...addt'l yung walis tingting.. takot ba sila sa rosary or mga crucifix? gagawin ko yung mga sinabi mo bati yung ibabalot sa white cloth kahit anong bala naman siya diba? thanks sis marteena...
Logged

mymarteena

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
  • a mom to a cute little princess :)
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #101 on: November 05, 2012, 03:12:09 pm »

tingin ko naman sis totoo yung bawang and asin eh.. ang dami kcng matatanda ang nagsabi skin nun before so I tried na din dahil sa sobrang takot ko hehe! yung bullet na ginamit ko sis is yung gamit talaga sa baril.. ako before nilalagay ko din yung rosary sa ilalim ng pillow ko and sa bulsa ng damit ko na pantulog plus yung pillow ico-cover ko pa sa tummy ko para hindi maamoy ng aswang! hahaha! may gnung factor talaga ko sis nung nagbubuntis ako as in super takip talaga ako ng tummy pag sleeping time na.. don't worry lilipas din yan.. skin nawala sila nung around 7 months na tummy ko :)
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #102 on: November 05, 2012, 03:38:59 pm »

merged with topic "true ba ang tiktik?!"
Logged

neth04

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
    • My Everyday
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #103 on: November 05, 2012, 04:17:21 pm »

mga sises..ako nga likuran namin public cemetery... dito na ako lumaki, wala talaga ako naexperience!  :D
mga aswang o multo o kahit paramdam ng mga namatay na kamag-anak, not at all! siguro if you are naniniwala, then konting kaluskos kahit hindi mo nakiktia papaniwalaan mo talaga na yun yon! sguro depende sa paniniwala natin! kung may paniniwala kayo sa ganyan, mas maigi kung mag-ingat na lang kayo! para safe kayo ni baby!
Logged
http://tennajp.blogspot.com

<a href="http://lilypie.com/"><img src="http://lb1f.lilypie.com/8Hqrp8.png" width="400" height="80" border="0" alt="Lilypie First Birthday tickers" /></a>

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #104 on: November 06, 2012, 06:40:10 pm »

Tanong lang po kasi matagal ko nang pinagtataka. Bakit s\dito lang sa Pilipinas meron ganitong creatures?
Logged
Pages: 1 ... 5 6 [7] 8 9 10