Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 6 7 [8] 9 10

Author Topic: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???  (Read 261312 times)

karlandkadi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 116
  • proud mother and wife.. ❤
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #105 on: November 06, 2012, 08:26:06 pm »

joining: dati rin di ako naniniwala sa ganitong kakatakutan, at sabe-sabi until ma-experience ko siya!

eto ah, maynila na to ha, wala masyadong puno at katabi pa namin school.. kaya wala ka dapat ipangamba sa mga bagay bagay na yan.. nung sa 1st baby ko, wala ako nararamdaman na mga kaluskos at kung ano-ano patungkol dito. nito lang sa 2nd baby ko nung preggy me sa kanya..

share ko lang kwento ko..

yung kwarto namin nun walang kisame direcho na bubong, tapos night shift pa si hubby, madalas ang tulog ko 10 to 11pm tulog na panganay ko at tahimik na lahat, madalas kapag ganung oras bago me matulog, makakarinig ka talaga ng pagaspas, at IK-IK sa taas ng bubong, may maririnig ka pa na mabigat na mga yabag.. (hindi naman pusa, kasi parang malaking tao) grabe, hindi ako makatulog.. kasi kapag martes at biyernes ganun ang eksena s bubungan! wala ako iba kasama kundi anak ko lang.. simula ng maramdaman ko to. yung friend kong albularyo binigyan ako ng red na anting-anting (wala naman masama siguro kung isusuot ko) pati tingting, bawang asin, nghahanda na ako. then one time naalala ko alas sais pasado, kausap ko yung friend naming albularyo, bigla siya nagsabe ayan na siya.. sabi ko sino sabe niya, suot mo yung binigay ko sayo martes ngayon.. so nagets ko na.. sabe niya hindi lang daw ako ang nakaka experience ng mga ganun kasi pati yung mga buntis sa compound namin dati nakaramdam din ng ganun, jusko, takot na takot talaga ako sa mga kwento niya.. kaya simula nun nagpapasama ako sa mga pamangkin ko sa kwarto pag matutulog.. waaah!

hay, naramdaman ko yan nung 7 to 9 months si baby sa tummy ko.. simula talaga nun, medyo naniniwala na ako.. hindi ko man nakita pero sa naramdaman ko alam kong meron.. hehe! pasensya na kung mhaba ah!!! tinodo ko na eh.. hehe!
Logged
karlandkad

neth04

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
    • My Everyday
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #106 on: November 06, 2012, 09:28:12 pm »

Tanong lang po kasi matagal ko nang pinagtataka. Bakit s\dito lang sa Pilipinas meron ganitong creatures?

no sis! sa karatig asian countries merong mga counterpart ang mga aswang... mga manananggal, tyanak, etc... nabasa ko yun nong may magparesearch sakin about sa assignment nila sa school.. hehe forgot ko lang tawag nila sa manananggal halos katunog sa atin eh!
Logged
http://tennajp.blogspot.com

<a href="http://lilypie.com/"><img src="http://lb1f.lilypie.com/8Hqrp8.png" width="400" height="80" border="0" alt="Lilypie First Birthday tickers" /></a>

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #107 on: November 07, 2012, 05:41:17 pm »

Was there any case na nag suceed ang manananggal or tiktik in getting the baby o hanggang pananakot lang sila?
Logged

aries_momma

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #108 on: November 09, 2012, 04:44:08 pm »

sabi sakin ni hubby these kind of creatures cannot cross water or bodies of water kaya rin siguro they cannot go anywhere far.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #109 on: November 13, 2012, 01:41:32 pm »

no sis! sa karatig asian countries merong mga counterpart ang mga aswang... mga manananggal, tyanak, etc..

Timing po ang sagot niyo sis neth. I just saw this on Yahoo
Ghosts and Demons of Asian Folklore
http://ph.news.yahoo.com/ghosts-and-demons-of-asian-folklore.html

It's funny kasi some of those mentioned are also related to having or getting babies. So, next time na mabuntis ako, would it be safe if I go to US nalang? Nagpapatawa lang po.
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 987
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #110 on: November 14, 2012, 10:03:29 am »

^mommyjazz: hahaha. funny ka. i remember when i got pregnant and had those fears as well, because back when i wasn't pregnant, i used to have vivid bad dreams, that i had to force myself to wake up on --- so, i felt baka maulit now that baby is with me. i used to put salt on all the windows and just pray every night before going to bed. except to one time presence in the room, wala na namang naulit. i got comforted by the fact that my mom successfully had our youngest sister dun sa house, and my sister survived, so --- maybe it's safe. turns out, aswang-proof ang house.

pwede ka dun mommyjazz.....hehe. i'll ask my parents if you could rent it out for the whole duration of your pregnancy. you can even have my old room.  ???
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

mhaeyii

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 55
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #111 on: December 04, 2012, 09:43:08 pm »

nakakatakot naman mga moms ang kwento nio :(
 naniniwala ako dito kasi yung mama ko nuon buntis sia sa kapatid ko ,
 panay lipad sa bubong namen huhu ,  ..
 natatakot ako mag meme mamaya :(
Logged
JUST DON'T EXPECT TOO MUCH. YOU MIGHT GET HURT !

Aerielle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #112 on: January 24, 2013, 05:48:01 pm »

totoo pa yan mga sis... nun buntis ako sa panganay ko na experience ko yan... ogaspas ng pakpak and ik ik sound... taz nun hinunt ng live in partner ko bigka may tumalon na black cat gling sa bubong... nag transform sya para hindi mahuli
Logged

Akosibulinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 42
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #113 on: January 24, 2013, 06:41:30 pm »

Ako hindi naniniwala dito, kasi nung buntis ako 8 months na tummy ko, nabalita na dun daw sa school malapit sa unit namin may tiktik daw, mga 11 pm nagtext sa husband ko ka officemate niya na malapit ang bahay sa school na yun, sabi may nakakita daw ingat daw ako.. E everyday pag gabi nakabukas pa bintana namin magdamag pa un at maghapon na din, wala naman sumasalakay sa akin lol  ;D... Iniintay ko nga e kasi gusto ko makakita ng tiktik, kung totoo bang nagpapalit siya ng anyo from bird to dog to pig to human hehe..
Logged

imiyeeyesiam

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 89
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #114 on: February 08, 2013, 12:09:41 am »

 :'( nakakatakot naman..sa mga oras na to tumatahol mga aso..at may nglalakad sa bubong..hindi ko pa sure kung preggy na ulit ako e... 2weeks pa maghihintay..kapraning hehe
Logged

rachellemartinez

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #115 on: February 21, 2013, 12:00:48 pm »

Hello mga mommies :)

naghanap talaga ako ng forum katuld nito, kc mag 8 months pregnant n ako pero nakakarinig pa din ako ng ingay sa bubungan namin, tapos may ingay na katunog ng daga...kanina nga lang 3am sobrang takot ko na kc parang ang lapit lapit n niya, pati nga un panganay ko nagising dun sa ingay na ginawa niya...gusto ko man isipin na daga lang siya pero bakti ganun n lang un hakbang niya sa bubungan namin :-[...POSIBLE ba na katunog ng daga un ingay ng tiktik? so worry kc para dito sa baby namin...

Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #116 on: February 27, 2013, 02:01:07 pm »

wala naman masama kung maniniwala tayo, safety measurements na din db just to be sure...when i was pregnant my mom and my cousins wife bought me many pangontra sa aswang na nabibili sa quiapo  ;D like buntot pagi ba yun and yung mga color red na sinasabit sa katawan, plus garlice every corner of the house, haha...its funny then kasi my times din na nakakarinig ako ng unusual sounds every 3am basta around that time lagi tapos nung nglagay sila ng mga pangontra aswang eh nawala din, so dont know kung praning lang ako ng mga time yun basta tingin ko effective naman  :)
Logged

maivy

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 64
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #117 on: February 28, 2013, 11:47:04 pm »

Share ko experience ko with this mga mommies:

I dont believe sa mga ganitong stories, kasi ayoko matakot, until na-experience o siya when I was pregnant w/ my eldest who is now 9yrs.old.
I was also on my 7th or 8th month of pregnancy that time, nakatira kami noon sa bahay ng daddy ko,w/my 2 sisters and my tita. We were about to sleep na kasi night time na, maya-maya, habang nakahiga kami ni hubby, may narinig kami na kalabog sa bubong ng room namin, tapos parang yabag ng paa na natakbo, pabalik-balik sa taas. We dismissed it as baka pusa lang na naghahabulan, tapos umulit, at kumatok na daddy ko sinilip niya kami, I know sa mukha niya something was wrong, pero sabi niya "pusa" lang daw yun.Lumabas na daw siya at sinilip kung ano yun. Siguro mga 3 to 4 times na ganun bago nawala that night,.Nawala lang siya kasi si daddy ko at si hubby lumabas na ng bahay at nagbabantay kung ano yun. Narinig din ng mga sisters ko at ng tita ko yun ingay kaya hindi din sila nakatulog agad noon.
Simula noon, si daddy ko nilalagyan niya ng bawang yun mesa malapit sa bed ko pati bala ng shotgun (hindi ko alam why,pero sabi niya a few years after ko manganak,pangontra daw yun eh).
Tapos pray kami ng pray saka may rosary ako palagi sa tabi ko.

Unbelievable, pero naexperience ko eh, Skeptic ako noong una, pero hindi mo maexplain bakit similar un mga kwento.

Anyway, kung anuman yun mga creatures na yun, sure ako na if we pray for protection and for our safe pregnancy always, ibibigay naman sa atin ni God yun.
Logged

AnJelatine

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 103
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #118 on: September 10, 2013, 03:20:44 pm »

Wala naman nangyari sa akin nung buntis ako. Or siguro kase matibay at walang butas (kase kagagawa lang) yung bubong namen, hindi kinaya ng dila nila. Haha! Pwede din nahiya, bagong pintura kase ;D

Naisip ko lang din, sample "Sa lugar namen may aswang, probinsiya/liblib/whatever." Baket doon lang? Paano yun? "Wag tayo dyan, Manila/QC/Makati na yan." Ganoon?

Let's say, sige totoo kase na-experience mo. Inaaswang ka na, BAWANG una mo iisipin for protection? ::)

FAITH. Wag natin i-asa sa bawang or kung ano mang anting-anting o bagay ang protection naten. Meron tayong Diyos. Dumerecho tayo sakaniya :D
« Last Edit: September 10, 2013, 03:22:34 pm by AnJelatine »
Logged

Denaia

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
    • View Profile
Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« Reply #119 on: October 08, 2013, 04:05:07 pm »

Marami na kong narinig na kwento dito, pero since wala pa ko nararanasan, I can't say for certain.

Basta ang alam ko mas madalas aswangin ang mga hubby kesa sa mga buntis. ;D
Logged
Pages: 1 ... 6 7 [8] 9 10