Hello!
Naniniwala po ako sa aswang, so share ko lang po experienced ko.
1st experienced: Buntis non mom ko sa bunso kong kapatid nang may marinig kaming kalabog sa bubungan namin, kaya tiningnan ng father ko, may dala sya nung buntot pagi. Di namin maintindihan ang nangyari sa bubongan namin, parang nakikipag-away father ko. Nung bumaba siya, kita ko talaga yong buntot pagi na hawak niya, may dugo. Tiningnan niya mama ko sabay sabi, ok na! Kaya ngumiti mama ko.
2nd experienced: Ako na yong buntis, turning 2 months. Kasama ko sister ko and my friend! May nirentahan akong bahay nun na medyo malayo sa kabihasnan, at halos mga kapitbahay dun nagsasabing mag-ingat daw kami. Di pa ako nakakaisang buwan sa bahay at lugar na yon! 1 night, past midnight. May narinig kaming tila paikot ikot sa bahay, tinignan ng friend ko pero wala syang makita. (Naniniwala din friend ko sa mga ganito)
Yong bed ko, yong ulohan nasa may bintana, at ang labas nun parang gulayan pero konti lang. Full moon pa non! Yong mga aso umaatongal tas tiningnan ko yong labas ng bintana may nakita akong nakatayo tas nakatingin sa buwan. Yong friend ko nasa kabilang kwarto, di sya mapakali kaya nilaan niya buong magdamag sa pagdadasal at pagbabantay sakin. Ako naman inaantok pero di rin mapakali, para akong rereglahin. Naaninag ko na lang sa may bintana na may nakatayo at nakatingin sa loob ng kwarto, may inaamoy. Kinabukas nakita ko na lang bed ko may dugo, i lost my first baby that night!
3rd experienced: Buntis ulit ako, 6 months! Nagtitinda ako ng mga prutas sa palengke kasama sisters ng mom ko at mga pinsan ko. May matandang lalaki lumapit sakin, around 1pm, tinanong niya kong ilang buwan na ko buntis tapos sabi niya may gamot daw sya para pangontra sa mga masasama. Lumapit auntie ko, sinabi ko yong sinabi ng matanda. Sabi ng aunt ko, ok yan, kelangan mo yan. Kaya sabi ko, sige po. Parang holy water na binasbas nong matanda yong gamot na sinabi niya, sabi pa niya, wag ko daw hubarin yong damit na suot ko. Around 5pm, di ko maintindihan nararamdaman ko. Sabi ko sa aunt ko uuwi na muna ako. I reach home alone! May upuang kawayan kami sa labas ng bahay, dun ako umupo kasi parang lalabas yong baby. Past 6pm ng dumating aunt ko with her husband and kids, sinabi ko nangyari sa palengke. Tas sabi niya, hubarin ko yong damit at ibabad ko sa tubig. Nong kumukuha nako ng damit na isusuot, may nakita akong nakatayo sa may likod ko gawing kaliwa. Eksaktong tindig nong matandang lalaki, napaatras ako papunta sa tyahin ko. Ginawa nila, naglagay sila ng asin at bawang sa lahat ng sulok ng bahay. Binalot ko rin ng itim sarili ko! Tas nung matutulog na kami, sobrang lakas ng kalabog sa bubungan namin. Di kami halos nakapagpahinga ng gabing yon, inaway ng auntie ko yong matanda tapos sabi nong matanda maling araw daw niya nailagay yong gamot! I'm glad nothing happen to my baby that night, but after i delivered my baby girl, here comes the...
4th experienced: she's just 2 months old at di pa nabibinyagan! Natutulog na kaming lahat, yong tita ko at asawa niya pati yong bunso nilang anak, don sila natutulog sa tindahan nila which is sa labas ng bahay, about 30m away from the house. Naririnig ko sumisigaw tita ko, tinatawag niya pangalan ko. Tinatanong niya kong anong nangyari sa bata, sabi ko wala naman, ok naman sya. Sabi ng tita ko, sobrang lakas daw nong iyak ng bata, nong tiningnan ko, tulog naman. Yong asawa ng tita ko inikot niya buong bahay, wala talaga syang nakita. Sabi ng tita ko, i-sure daw na naka lock ang mga bintana at pinto. Tas bumalik na sila sa tindahan! Ginising ko sister ko kasi sabi ko magbabanyo lang ako, btw yong bahay ay gawa sa kawayan, pati banyo! Nong umiihi na ako, narinig ko may tumatakbong umiikot sa bahay, hindi nako natapos, bumalik ako agad sa kwarto. Akap ko baby ko nung marinig ko ang "wak" "wak". Di nako natulog nong gabing yon!
yong "wak" "wak" na yon is my tita's mother in law, she's more than 80 yrs. old and she can walk 20km back and forth! Nalaman lang namin when she's dying, at pilit nyang sinasalin kapangyarihan niya sa mga anak niya, and my daughter got sick that is why we left the place.
Actually, I have alot of experienced about this things. I just shared the most important part!
Thanks for reading
