Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 3 [4] 5 6

Author Topic: OB GYNE horror stories (pls see Mod's note on 1st post)  (Read 95353 times)

jvfrodriguez

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 135
  • 3 tsikitings
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #45 on: November 07, 2010, 11:58:07 pm »

sis,

bakit need ka pa gupitan? niraspa din ako 2004 pero alam ko may ininject lang sa akin na pang dilate ng pwerta ko. inantay lang na mag effect and nung tama na yung laki, saka ako ininjectan naman ng pampatulog para magawa na pag raspa.  Sa tagal nga lang antayin yung pag buka, ang tagal ko din nakahiga lang sa OR, sakit sa likod.  And gagamitan ka din nung speculum
Logged
Twitter - http://twitter.com/jvfrodriguez
Facebook - http://www.facebook.com/jennette.rodriguez

For families with kids with autism, join Autism Society Philippines - http://www.autismsocietyphilippines.org/p/join_30.html

moonriver

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 271
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #46 on: January 18, 2011, 12:45:30 am »

:o I dont uderstand anong klaseng IE ang ginawa bat sya nag bleed?
Baka may underlying problem?Not because of the IE?

oo nga! ano bang IE yung ginawa? baka hindi sha totoong doctor? kawawa naman yung mommy na yun.
she really needs to spread the word. otherwise, baka marami pang innocent patients ang mabiktima niya!
Logged

buuurp

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 669
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #47 on: January 19, 2011, 02:33:13 am »

ako yung intellicare accredited ob gyne na napuntahan ko nung 1st prenatal check up ko, halos 3 hours ako wait tapos wala pang 5 minutes consultationko, nagmamadali kasi habang consult ako... may isa syang patient na inuultrasound niya  :'(, binentahan ako prenatal vitamins, na i found out mga sample pala kaya iba ibang brand name. di na ko bumalik dun, at di ko na ginamit intellicare card ko for my baby. yung ob ko now kahit hindi intellicare mabaet and explain niya lahat, though nahihiya ako minsan magtanong kasi di niya ko sinisingil ng pf... hehe.
Logged

Sometimes, its not that people change…you just find out who they really are.

yangyang08

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 159
  • Life is Unfair!!!!
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #48 on: April 19, 2011, 03:23:38 pm »

@mommykay  --  True enough!May nabasa akong article na common practice na daw ngayong ang CS kasi nga bukod sa mataas ang PF,mas madali ang procedure lalo kung sanay sa CS ang OB mo.Ang hirap lalo kung normal ka naman poz ganun ang gagawin sayo,magsasabi sila ng mga problema kuno kahit hindi naman totoo para pumayag ka lang! :o
i don't know if horror story ito..  :-[ :-[ naiinis rin ako sa sarili ko kasi hindi ako mashadong aware sa mga "panganganak stuff" nun.

super sakit na nung tyan ko 3-28-09 (AOG:37w/3d nko nun) ~~> tama ba pagkaka-indicate ko?!  sabi kasi ng ob ko punta nko hosp para magpacheckup 1am na nun. 3cm ako pagdating, ayaw pa nga ako i-admit nung residente dun. pero nag-utos na yung ob ko na i-admit nko at iprepare for enema and stuff. nilagyan na rin ako nung belt na pangcheck ng contractions ko.

4am-5am, 3cm pa rin ako. 6am-7am 4cm dilated na raw ako. nun lang dumating si ob, sabi na i-CS raw ako if hindi pa bumaba yung baby by 12nn, kasi sabi niya baka raw nakacoil yung cord sa leeg ni baby kaya hindi bumababa. kinausap pa si hubby for approval sa CS. 7am pinutok ng isang residente yung waterbag ko (bakit ganun?! ganun ba talaga un?!) .  napa-oo na rin kami kasi 12nn nga 4cm pa rin ako.     >:( >:(inis ako sa sarili ko kung bat hindi ako naging alert na tumanggi at ipilit na normal delivery. >:( >:(    di hindi nga ako pinaglakad para bumaba. un na ba yung labor ko?! haay

hayun natuloy nga CS at ni hindi man lang ako in-ultrasound para maverify if nacoil nga yung cord. nung makita ko mga babies sa nursery, tsaka nko nagduda.. 8 out of 10 babies dun ay CS. feeling ko tuloy, gimik lang ng mga OB un para mas mahal ang bayad at mabilisan ang ang procedure ng pagpapaanak nila. well, sana mali ako..  :-\ :-\


Nagatataka din ako kasi parang mas prepared ng OB ngaun is CS? Is it because mag laki ang fee nila s CS? O kasi mas madali ang procedure pagCS s part nila?

Sabagay waht is 25K pf compare sa 32K +++ 9K from PHIC almost 40% n mas malaki kung CS hayzz...

Ako kasi wala namang masyadong bad experience s OB ko yun nga lang parang she prepares CS talaga, I dont know much din kasi that time overdue n ako ni wala man lang cyang iniadvice n massage or anything she just say wait wait lang lakad lakad.

& question lang po ganun b tlaga once admitted s hospital for induction hindi k man lang patatayuin even before iputok yung waterbag?Sa case ko kasi hindi nila ako pianalakadkalad nakahiga lang ako e hindi naman talaga sumakit even umabot ng 6cm.

Im planning to change OB next pregnancy ayaw ko n sa kanya kasi.
Logged
Our prime purpose in this life is to help others. And if you can't help them, at least don't hurt them.

yohan_louis

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #49 on: December 23, 2011, 07:39:46 am »

Sa akin naman mga sis, first pregnancy ko at first visit sa OB pinapabedrest ako kaagad ng OB kc dlikao daw pregnancy ko. May nakita daw na abnormalities sa ultrasound at pwede daw malaglag. Sabi ko sa kanya kailangan ba tlaga ng bed rest malakas naman ako at walang nararamdaman? Oo nga daw. Di ako nagbed rest mga sis at pacheck up ulit ako sa ibang OB. IE din kaagad ang ginawa sa akin. Every visit IE niya ako at one time pina ECG niya ako at ang result meron daw akong problem sa heart. Di na naman ako naniwala kasi wala naman akong nararamdaman at di rin hirap sa paghinga. Nagpa ECG ako sa ibang hospital yong mas high tech ang equipment at di na kailangan interpret ng cardiologist ang result dahil lalabas kaagad kung normal o hindi. Nong pinakita ko sa OB sabi niya mas accurate daw ang binababasa ng doktor. Tapos nabalitaan ko sa officemate ko na lahat daw yata ng patients niya is CS ginagawa niya. Napaisip ako na baka gusto niya akong mag-isip na may sakit nga ako sa puso at di ako pwedeng manganak ng normal. Ang nakakatakot pa mga sis baka kung ano anong gamot ang ipainom sa akin at maapektuhan si baby. Ang isang nakakagulat mga sis pagkatapos kong manganak nabalitaan ko na lang na pinasara yong hospital na pag-aari niya kasi may namatay siyang patient at denemanda siya.

Second pregnancy ko naman sinabihan ako na may pregnancy diabetes. Di na naman ako naniwala sa result. nagpa test ulit ako sa ibang hospital negative naman.

Kaya mga sis pag may problem sa mga result ng test nyo. Try niyo second opinion para di kayo mapahamak ni baby.
Logged

athenarissa

  • Newbie
  • *
  • Posts: 42
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #50 on: December 26, 2011, 01:20:38 pm »

ako naman i got traumatized with OB interns with my first pregnancy, ganun pala noh kapag gusto mo libre check up :-X, i will not name drop but its one of the top leading hospitals in manila. my husbands friend kasi was a resident there so we tried to ask him if there was someone he can recommend there. ayun, so the nurse called me and brought me into that place where there's lot's of people in scrub suits(mga ob interns na pala) so they told me to lie down and asked me my last period, then choook! may pumasok na sa vajayjay ko kinapa kapa na ang puson  :o, and it took so long and the intern looked so confused as if she was not convinced about what she felt inside. so ako naman blanko, then she asked me "dati ba may bukol na sa matres mo?" like WTH?! ako naman "first time ko pa lang po mag pa check up" biglang sabi niya "parang hindi angkop sa LMP mo ang laki ng fetus at may cyst akong nakapa sa left ovary mo"  :o ??? grabeh nabigla ako dun, nun umuwi kami ni hubby iyak ako ng iyak sabi ko para ako ng palakang dinadissect sa lamesa na kung sino sino ang nag IE sakin galit na galit talaga ako. tapos sabi ni hubby pcheck up na lang kami sa ibang ob. at ayun dun sa check up ko with another ob wala naman syang nakapang bukol at tama naman ang growth ni baby....  grabe as in di na ako babalik dun nor manganganak....
Logged

mamacharis

  • Guest
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #51 on: December 27, 2011, 11:24:43 am »

hindi ako mag name drop kasi nakalimutan ko na name nung ob intern pero sasabhin ko kung san hospital.

march 16, 7am pa lang nasa hospital na ko.. the next day morning di ko na maalala kung anong oras basta bago ako i-cs nyan meron OB intern na laging nag IE. ok naman siya mabait saka hindi masungit. Well dumating ata yung kapalit niya o kasama sa shift niya. Ayun lumapit sa mga nag lalabor. IE dito IE doon. kakatapos ko lang ma IE that time wala pang 3mins tapos biglang i-IE nanaman ako.  sabi nung naunang nag ie sakin wag na kasi kakatapos ko lang sa kanya. alam nyo kung anong sagot? hindi check ko lang. %^*^*&*%^W# hay naku kung hindi lang ako in pain nun talagang!!!!!

itsura pa lang ng OB intern na yun nakakasura na at sure ako yan ang magiging isa sa mga OB na walang pakialam sa magiging pasyente niya. imagine sinabihan na nga na kakatapos lang ma IE eh uulitin pa niya. ano kayang klaseng pag iisip meron yun? Btw MArch 17 yan sa CGH~!!!!!!  next time maka encounter ako ng ganyan di na ko papayag.
Logged

jhenbreak

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 66
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #52 on: January 03, 2012, 01:58:00 pm »

There was this ob in Delos Santos Medical Center, she's also affiliated in St. Lukes Hospital. I was diagnosed of having endometriosis abroad and was told by ob there that she'll have it removed via laparoscopy but I was so scared that I opted to go home. My dad's friend, cervical cancer survivor recommended her ob, so we went to her, naku, waste of money, time, and emotions. For bilateral endometriosis, sabi ba naman she'll remove my right ovary, then sobrang little na lang maitira sa left ovary ko, huwaaat? And, hindi na nga ako magkakaanak, harsh! I was getting married in four months from that time. She gave me three options, puro treatments eh, na paliliitin daw yung cysts and everything, I only had a month kasi nga I was an OFW. Tapos yung last option nga yung surgery pero kelangan pa rin daw ng monthly treatment. I was feeling na parang pagkakaperahan lang ako, I was so depressed, fortunately may nagrefer sa amin sa ob sa pgh, and when we went to her, naka-smile pa siya nung sinabi niya i-i-scrape lang daw yung cysts, no need to remove yung ovaries, and after the surgery since alam niyang need ko bumalik abroad, kahit every six months na lang balik sa kanya. Hindi na niya sinuggest yung treatments kasi malaki na yung cysts and she knows nga na I only have very little time. Thank God! Kung naniwala ako sa unang ob na yon, eh di wala sana akong little angel .

patheart

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #53 on: January 04, 2012, 03:58:21 pm »

mga mommies, about kay Dr. GLM, intellicare card holder din ako at nag patingen sa kanya though I am not pregnant yet at that time ha, kasi nung 2011 summer, nag ka really really bad UTI ako. so sakanya ako nag patingen kasi malapit sa asian at sa office namin and swak sa sched ko sa alabang area. sa civic place nga pala yung clinic.. anyway kung ano ano rin ang binenta niya sakin like yang setly fem wash nayan, na 250php eh sa south star drug or generika drug store eh 150 lang at ang worse is yung Celllife na vitamins for 600 niya sakin binenta un pala eh 350 lang sa drugstore. everytime na mag papatingen ako sakanya na alam ko naman covered eh, kung ano ano binenebta niya sakin at ito tlaga nkaka inis,, pinag bayad niya ako ng 350 dahil ginamitan niya ng speculum ang pag exam sakin... HELLO nurse ako at doon lang ako nakakita nun pinag babayad nun, kahit yung slides ng pap smear na covered eh nag pa bayad sha, pura panakot pa kaya after nun nakuha ko yung results ng tests na inorder niya (sa high-precision sa baba lang ako nag pa gawa).. di nako bumalik..pinatingen ko skanya yung results kung ok tapos ok naman, di ko talaga iniwan sakanya at lipat nako sa tokyo health, ni isang kusing wala sakin pinabayad sa mga tests ko dun considering mga taga ayala alabang ang patients nila.. ** tinanong ng bago kong OB nun kung bakit ako lumipat, sabi ko talaga BECAUSE SHE MADE ME BUY/SOLD ME A LOT OF STUFF! lol

Mod's note:
Mentioned name modified. Full mention of names of private persons is not allowed as stated in SP online's terms of use.
« Last Edit: January 12, 2012, 01:10:16 pm by Mommyjazz »
Logged

chastee

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 109
  • I ♥ Redd & Shine
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories
« Reply #54 on: January 11, 2012, 10:21:00 pm »

OMG MamaCharis, I will be giving birth at CGH on april pa naman sana di ko sya maencounter, kundi sipain ko sya talaga, ang sakit kaya, IE ng IE. Anyways, we have the same name pa naman. I'm charis din kasi. :)
Logged
Lost time is never found again

mamacharis

  • Guest
Re: OB GYNE horror stories (pls see Mod's note on 1st post)
« Reply #55 on: January 16, 2012, 11:26:09 pm »

@chastee actually sis nung nag labor ako tinandaan ko name niya kaso after CS nawala na sa isip ko till now. if ever makaka encounter ako ng ganun di na ko papayag. mapag sasalitaan ko talaga. aba nagbabayad ako hindi para paglaruan.

sis pag may nasipa ka let me know ha. hehe!
Logged

tiggerlily

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 84
    • View Profile
    • The Lazy Mama
Re: OB GYNE horror stories (pls see Mod's note on 1st post)
« Reply #56 on: January 17, 2012, 04:41:38 am »

kailangan talaga ang makuha mong ob ay merong care for patients. otherwise, peperahan ka lang talaga. mas madali kasi talaga ang CS dahil naka-schedule compared to normal na hinihintay hintay pa kahit iinduce mo na. nakakainip yun for them. and of course the pf is better. much better siguro if you would choose one who advocates for normal deliveries kahit na hindi pa breastfeeding advocate basta normal delivery advocate.

so far, wala naman ako horror stories sa mga naging ob ko. i had 2 before - para may 2nd opinion kapag in doubt. sa mga ob interns lang. mataas ang pain tolerance ko kaya wala ako care sa IE. kapag nasaktan ako siguro super sakit na talaga nung pag-IE sa kin. there's this one intern na ang tanong sa kin kung lalaki daw ba ang ipinagbubuntis ko, sabi ko oo. ay kaya daw pala madami akong pimples.  >:( kung di lang ako nakatali sa fetal monitor sinakal ko na. and the other one is during delivery na nagsabing hindi pa ba magpapa-epidural yan. coz i was already in labor at the time and i chose not to have an epidural and that is already the nth time na may narinig ako about epidural (asking/offering) since i got there - sumigaw ako ng "hindi nga, eh!"  :P well, hanggang sa manganak ako wala ng nagtanong. bwahahaha!  ;D

mind you, epidurals are greatly offered din next to CS kasi may PF din ang anesthesiologist - baka may kickback din sila for referring their friend anesth. i dunno.

first pregnancy ko was in a hospital. next time maglying in na lang ako para sureball either wala or minimal lang ang medical intervention. malilimutin na talaga ako kaya imagine kung nagpa-epidural pa ako. and i only chose to give birth in a hospital kasi hindi ko pa alam kung paano ako manganak. mukhang kaya ko naman sa lying-in e. sana nga sa bahay na lang e kaso di ko sure kung kaya kong ma-sterilize ang bahay namin bago ako manganak.

chastee

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 109
  • I ♥ Redd & Shine
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories (pls see Mod's note on 1st post)
« Reply #57 on: January 18, 2012, 11:16:32 pm »




@ Mamacharis: sure sis, I'll let you know if ever. haha. Actually sis may experience na din ako jan sa CGH, pero not against my OB, kundi sa mga resident at interns, pero di naman sya ganun ka tindi na masasabi kong traumatic talaga. Sa first baby ko, year 2010, yung OB nila sa ER that time, hindi naman sya masungit kaya lang, hindi halos kumikibo at lagi nakasimangot, sa halip na sya magtatanong sa akin, ako pa magtatanong sa kanya.. Hindi ko na lang sya pinapansin kako baka inaantok, madaling araw kasi nun. Yung resident naman na nasa LR, ayun tinarayan ko kasi pipigilan ba naman akong wag ire ng ire dahil hahaba daw ang ulo ng baby ko, kala kasi daw niya hindi pa ko fully dilated, na sinasadya ko lang. Sabi ko hindiiiiii, lalabas na talaga, lalabas naaa. kaya ina-IE ulit ako ng isa pang resident, at kapa na nga daw ulo. Late OB ko nun pero umabot pa rin naman sya kasi nasa OR lang naman sya, may kasabay kasi ako na na-Emergency CS kaya di niya ko natutukan. After ko maideliver si baby, dinala ako sa RR, eh yung resident na nagtaray sakin sa LR ang nakaassign maglinis sa akin, that time, nakakaramdam na ako ng mahapdi, yun pala yung episiotomy, so it means na kumupas na yung anesthesia na unang nilagay ng OB ko sa akin. edi iniikom ko yung legs ko, sabi niya, buka maam, buka! sabi ko tatahiin mo na ba ako? sabi niya oo, alangan naman pabayaan natin to maam! me naman "lalagyan mo ba akong anesthesia? sabi niya, hindi po.  aba! nanenermon na ako, tatahiin mo ko walang anesthesia, nararamdaman ko na ang hapdi ohh, maawa naman kayo! Sabi niya, hindi maam, nilagyan na yan ni dra kanina bago pa lang lumabas si baby, nakatulog ka nga eh. Sabi ko naman, alam ko pero kanina pa yun, ngayon nararamdaman ko na talaga yung pain, katawan ko to eh.. tapos dugtong ko pa, "subukin mong sabihin na nag-iinarte ako.." Ayun, tumawa lang sya, tapos nag request sya ng pampamanhid. Tapos may pumasok na intern, sabi agad, nakakangarag daw sa LR, maingay daw. Gagawa gawa daw ng bata tapos pag manganganak na mag-iinarte. Tapos may pa ganito pa, diba? diba? dapat naiisip nila yun? Eh hello, buti kung sabihin niya yun walang pasyenteng nakakarinig sa kanya, dilat na dilat ang mga mata ko, di ko na natiis talaga. sabi ko "ikaw yata wala pang anak ano? so malamang di mo pa naranasan ang sakit? kala nyo ba pag iyak ng iyak, nagdadrama lang, masakit naman talaga. Wag kayong ganyan. Kahit konting comfort man lang sana, since hindi nga pwede sumama dito yung mga asawa namin, binabayaran naman ang service nyo dito eh.. Kung ganyan ka pala, bat ka pa nagtatrabaho?.." at dahil di na umimik at alam kong napahiya, sabi ko na lang sorry ha? kakanganak ko kasi at nag-iiyak din ako sa sakit kanina... magserbisyo ka na lang dun, kesa sa nakikichismis ka.." At good thing sa kanya pati yung resident OB, nag sorry naman. Ay naku sinumbong ko talaga sa Ob ko. Since di ko nakuha pangalan, sabi ko yung nag-iisang kulot dun sa LR dra. ayun!

Kaya ngayong April, pag may nega pa rin jan sa CGH na yan naku, makakatikim sila, hahaha. Lalo na at may go signal ako ng OB ko, awayin ko daw kung kinakailangan. haha. Aware din ako na ang mga ganyang tao, nag-eexist talaga lalo na sa mga hindi ganun kamahalang ospital, walang pakialam, yung tipong 'paki ko sayo, ngayon lang kita na meet, di kita kilala' kaya ang pambara lang jan, wag masyadong mabait, kapag may mali sitahin agad para di masanay. Malakas loob nila pag tatahi-tahimik lang eh.. Sa akin di magsilbi yan, naku!!! pag mataray ka, mas mataray ako sayo. :P

Ayan, napakwento rin tuloy ako! hahaha 


Logged
Lost time is never found again

misyelicious

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 292
  • I'm happy_mommychelle =)
    • View Profile
Re: OB GYNE horror stories (pls see Mod's note on 1st post)
« Reply #58 on: January 19, 2012, 06:06:50 am »

Yung ob ko nung nasa Bahrain ako sobrang ok sya,buti na at may Pinay na ob dun..talagang alam ko at feel ko na concern sya sa kin at sa baby ko..pati young Pinay nurse na nakaalalay sa kanya lagi. Kahit pa may insurance card ako ok ang consult at check up niya sakin. Nakakainis Lang nung nag le labor na ko..e di nasa OR na ko nun..ng IE ako nung ob na Ibang lahr sobrang sakit at parang Mahaba pa yung kuko..wall pa Kasi yung ob ko that time..tapos Sabi ko sa asawa ko parang nadudumi ako..edi sinabi ko dun sa nurse na pana..Sabi ko I think I'm going to have a bowel movement.. Sa got niya sakin go on poo poo on your napkin.. .so ako naman umiire na ko Kasi na feeling ko talaga na madudumi ako..pero walking lumalabas na poo poo.. . Tapos buti na Lang may dumating na ob n Pinay pero d Ito yung ob ko..then IE niya ko..Sabi niya fully dilated na to... .at kaya pala feeling ko nadudumi ako Kasi lalabas na yung baby ko...bad trip yung pana na nurse.. E di ko naman alam na pag pala parang madudumi ka e lalabas na yung baby nun... .t@nga nung nurse Kasi di niya lam yun..Kung di pa dumating yung ob na Pinay di pa malalaman na manganganak na pala ko.. .hayzz...
Logged
I am a daycare provider, a chef, a maid and a counselor. And I do it all for free. No I'm not stupid...I am a mom. =)

mamacharis

  • Guest
Re: OB GYNE horror stories (pls see Mod's note on 1st post)
« Reply #59 on: January 19, 2012, 12:55:47 pm »

@chastee

2010 din ako nanganak pero march naman. yung OB ko na si Dra Leh wala that time. dumadating lang yun pag icheck ako kung ilang cm na. yung mga intern OB ang ie ng ie ng wala sa lugar. buti ka nga nakasagot ka eh. hehe! that time naman hindi ako umiyak kasi till 3cm lang ako 29hours labor kaya CS na ang bagsak ko.

yung ganyan style sa CGH nakakapagtaka. to think na hindi naman siya govt hospital pero kung makaasta yung ibang staff eh kala mo hindi nagbabayad ang pasyente. medyo malaki din ang binayaran ko dahil na rin siguro sa new building ang kinuha namin na room.
Logged
Pages: 1 2 3 [4] 5 6