Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2 3 ... 7

Author Topic: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience  (Read 69411 times)

aian

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • happy and contented
    • View Profile
Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience
« on: August 26, 2009, 11:04:00 am »

Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Jeep Na May Dividers, Contactless Flights At Iba Pa

photo by MAU VICTA

commuters na mommies and daddies share nyo yung mga experiences nyo sa mga public vehicle na sakyan nyo?

simulan ko:

MRT

everyday dito ako sumasakay pauwi para mas madali.. isa sa mga expereince ko..aware naman ako na talagang siksikan sa MRT laht puwede mangyari..

kahapon lang sa ortigas station ako yung tlagang nsa pinto so pag bukas pa lang sabi ng mga nsa likuran ko palabasin muna yung mga lalabas..

ito si ate pinag pipilitan na niya sarili niya sa loob hindi pa sya makakpasok dahil wala pang space para sa kanya (big size po kasi sya)..kaya yung mga lalabas hindi makalabas sumisigaw na yung iba lalabas muna sila..deadma si ATEH..sa liit kung ito durog na durog talaga ako sa kanya :'(..

sa inis ko talagang hinarap ko sya "MISS WAG KA  MUNANG PUMASOK KASI MAY LALABAS PA KITA MOH" :o :o

yung iba nmann kasi waiting talaga na makalabas lahat bukid tangi sya nagpupumilit. 

nagulat din ako sa ginawa ko..at nahiya ako after nun feeling ko kasi parang ang war freak ko hehe


Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan o payo.

« Last Edit: August 16, 2020, 11:47:28 pm by Parentchat Admin »
Logged

"There is only one happiness in life, to love and be loved."

Ara

  • Guest
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #1 on: August 26, 2009, 11:09:46 am »

hainaku iba naman naexperience ko before.... yung kasabayan kong girl sa mrt napapansin ko yung mga boys na katabi niya sinasadya na bunggo-bungguin sya para maka chansing! mga bastos talaga... kaya dun nako sumasakay sa pinaka unang train yung para sa mga girls/dissabled,w/ children & para sa preggy na rin... mas ok dun...
Logged

Ara

  • Guest
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #2 on: August 26, 2009, 11:17:17 am »

ang worst naman na experience ko sa taxi siguro modus narin nila to e.. yung  sa ibang highway sila dadaan para malayo yung byahe at para malaki yung bayaran mo... kahit na may daanan naman malapit sa pupuntahan..haay... ayun madalas nila siguro ginagawa yun sa pasahero na hindi alam yung daan papunta sa pupuntahan nila tulad nung na experience ko sa makati last april...nag paikot ikot pa yung driver yun pala narealize ko nung pauwi nako pwede naman pala walking distance papunta sa terminal.... >:(
Logged

mumy-jan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 103
  • - papa bear & baby bear -
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #3 on: August 26, 2009, 11:36:10 am »

ang worst naman na experience ko sa taxi siguro modus narin nila to e.. yung  sa ibang highway sila dadaan para malayo yung byahe at para malaki yung bayaran mo... kahit na may daanan naman malapit sa pupuntahan..haay... ayun madalas nila siguro ginagawa yun sa pasahero na hindi alam yung daan papunta sa pupuntahan nila tulad nung na experience ko sa makati last april...nag paikot ikot pa yung driver yun pala narealize ko nung pauwi nako pwede naman pala walking distance papunta sa terminal.... >:(

naku mommy aramish, modus talaga nila yan! yung experience ko naman sa taxi, lagi nilang sinasabi na kesyo trapik dun sa specific na daan na sinasabi mo then iiikot ka sa kung saan-saaang eskinita para mas mahaba yung travel time.. minsan pa nga kesyo magpapa-gas pa daw muna sila tapos mag-CR pa sila eh yung metro pumapatak padin kahit na nakahinto kayo sa gas station..GRrrrr!  >:(

yung isa ko pang xperience sa MRT naman, eh kasi siksikan na. tapos yung isang gurl halos naka-yakap dun sa isang steel post malapit sa door, so wala mahawakan kaming ibang pasahero.. so I placed my hand just beside her head tapos medyo sinasadya ko talaga yung pagbunggo-bunggo sa head niya para makuha ko yung attention niya..

kaso dead ma ang loka! so nung naalis nako, sabi ko sa gurl, "miss wag mo yakapin yung steel post kasi wala kaming mahawakan." Ayun medyo napahiya naman siya kaya naggive space naman siya dun sa other pasahero ng MRT..
« Last Edit: August 26, 2009, 12:19:51 pm by mumy-jan »
Logged

aian

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • happy and contented
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #4 on: August 26, 2009, 11:38:20 am »

sbi ni kuya driver sampuan daw..pero hindi na kasya yung isang pasahero niya nag prepretend n lang ata nkaka uppo sya..
sa kabilang side kasi 10 na sa side namin hindi na talaga kasya.


kuya Driver: unting usog pa..sampuan yan..
mag pasahero: ano ba yan puno na eh..hindi na kasya
kuya driver: Hindi tayo aalis hanggang hindi tig sampu yan..
AKO: maawa naman kayo sa pasahero nyo tinuro ko si ate..
tama naman yung bayad niya tigning mu ba nakakaupo   
pa si ate aba kuya maawa k naman..hindi naman pare-pareho size ng pasahero mo..
kuya driver: silent mode, pinanadar na  jeep sabayalis na sa pila ;D ;D
Logged

"There is only one happiness in life, to love and be loved."

edwinjannluise

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 116
  • we love you so much anak!
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #5 on: August 26, 2009, 12:53:11 pm »

sa MRT just last Aug.20 - i have to meet one of the SP mom sa NEDSA Station, meeting time 7-7:30PM, this is my first time to ride sa MRT ng ganitong time uwian from work, galing ako Makati, i left the ofc mga past 6pm, grabe ang haba ng pila sa hagdan pa lang ng buendia station pag dating ko sa antayan ng train madami n waiting sa area ako ng mga girls, 2  train na lumampas d ako nkasakay nasa front pa ako ha, pang 3rd train nkapasok ako sa loob with matching tulak ng mga nsa likod ko, sobrang naipit na ako wala ako mahawakan kaya pag stop ng train medyo naitutulak ko rin yun nsa hrap ko, pagbaba ko ng last station ang sakit ng mga braso at likod ko, parang nabugbog sa sobrang siksikan ng mga tao...aygu! ganun pala talaga, naexperience ko yun kwento ng mga ka ofcmate ko sa everyday dilemma nila sa MRT on the way to work...

sa BUS naman on the way home, from RCBC Plaza buendia makati sasakay ako to LRT/Baclaran na mga bus, ilang bes ko na nakakasakay yun mga mandurukot sa bus na ang modus operandi sisiksikin ka nila mga 3guys sila lalo na pag nsa bandang unahan ka ng bus dahil rush hour mdami pasahero at dmi nkatayo s bus dun sila nkikisbay at one time pag panik ko dhil nga namumukhaan ko n tong mga lalaking to sabi ko naku andito yun mga mandurukot, so alerto na ako dhil wala n akong mapwestuhan s loob npagitnaan n ako ng 2 so ginwa ko inilayo ko yun bag ko, ramdam ko gitgit sila ng gitgit, maya2 pumara bgla ko kinapa yun bulsa ng pants ko dhil naalala ko yun pera ko dun ko pla nailgay, pag kapa ko wala eh d tiningnan ko yun mama, paalis n sya bgla sabi niya skin nahulog oh kita ko yun pera ko nsa lapag, 5 n P20 at 4 na P100 dali dali kong dinampot siguro yun nun kinuha niya s bulsa ko nahulog eh bigla pumara yun kasi niya so d n niya mgawang damputin...buti na lang at d natuloy pagdukot nila sa pera ko...ang mga g*g* na yun ayaw mag hanap buhay ng ayos ang gawa eh manlamang at mang perwisyo ng kapwa, b4 dat happen skin yun kasi ko s bus na sila rin ang mga salarin nadukot nila yun cellphone nun guy, kaya to all moms na working in this area o kahit saan pa always be careful and alert pra mka iwas tayo sa msasamang loob...sori mga sis medyo haba kwento ko  :)
Logged


I didn't know I was capable of feeling so much - the warmth,the joy,the love, the heartache, the wonderment and the satisfaction of being a MOM.

aian

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • happy and contented
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #6 on: August 26, 2009, 01:02:34 pm »

mommy katakot naman yan buti na lang na ibalik syo yung pera mo..

ako  nung college ako sa jeep ulet bandanng sta mesa na yun eh..kita ko talaga yung babaeng nsa harap ko nilalaslas yun bag niya gusto ko mag salita kasi parang umurong yung dila ako..nung pag baba nung mamang dukot..sinabi ko kaaga kay ate check niya bag niya laslas na..

ilan bag ko na rin nsa sira sa sta. mesa dahil lagi ako nalalaslasan ng bag..wala naman sila makukha sa akin wala naman ako CP nung college ako...sakto lang binibigay ng mama hehe
Logged

"There is only one happiness in life, to love and be loved."

aian

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • happy and contented
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #7 on: August 26, 2009, 01:12:23 pm »

sa bus naman pauwi kame ng san pedro,laguna ni BF yung nsa harap namin burlog sya nka pasak sa ears niya..sa ayala nag stop dun.. may dalawang mama umakyat..

yung isa naupo sa katabi ni burlog (naka upo sa pagdalawahan) yung isa naman naupo dun sa tatlohan na upuan para takpan yung ginagawang pag nanakaw sa bag ni  burlog..

hindi pa kame na kakalis sa ayala bumaba din yung mamang dukot..ginising ni kondutor si kuya burlogcheck daw yung bag bka may nawla..nung una sabi niya wala naman na wawala..tpos na alala niya yung ipod niya..

sa sobrang sarap ng tulog hindi niya na malayan wala na yung ipod niya na  iwan ng lang yung earpiece sa ers niya..

ingat, ingat po... 
Logged

"There is only one happiness in life, to love and be loved."

♫ ♏☻♏¿•®Hεη ♥ ℜ¥LįƎ ♫

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 148
  • Love u baby Rylie so much..
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #8 on: August 26, 2009, 01:21:25 pm »

naku dami ko na na-experience from different vehicles like:

bus: may nakatabi ako na manyakis nung college days ko.. kinikiskis niya yung binti niya sa legs ko..then nagtatanong ng name ko.. naglabas talaga ako ng ballpen and sabay sabi sa kanya sige magtanong ka pa..nanahimik ang loko..

tricycle: katatapos lang ng ulan nun, sa makati pa ofis namin.. walang cover yung tricycle na nasakyan ko and naka-off white pa ako ng pants.. Hola!! puro talsik ng putik ang pants ko.. kainis talaga!! pinagsabihan ko ng yung driver na maglagay naman ng trapal..

jeepney: this one is so memorable talaga.. papunta ako ng work sa makati.. may lalaki na naka-upo sa harap ko medyo chubby and mukha naman talagang mayaman.. may sumakay na 2 lalake, yung isa pilit na sumiksik sa tabi niya.. tapos maya-maya nakita ko yung kamay ng bagong sakay na may kikapa sa ibandang ilalim ng short nung lalakeng chubby malapit sa pocket.. naku talagang kumkabog ang dibdib ko nun.. ginawa ko inapakan ko ng pasimple yung paa ng chubby guy then nung napatingin sya sakin nag-nguso ako to point his katabi.. bigla sya silip sa may ilalim niya.. malapit na ako bumaba pero kinakabahan pa rin ako baka kasi nakita ako nung lalake.. buti na lang pag baba ko bumaba din si chubby guy.then he ask me kung ano yun.. sinabi ko yung nakita ko, sabi naman niya naramdaman naman niya yun and walang nakuha sa kanya.. tapos umalis ng walang THANK YOU man lang..haaaayyy talaga..

sorry..mahaba..heheh
Logged

stargazer

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 650
  • Proud Mom to Lana and Gabby
    • View Profile
    • Princess Star Food Delights
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #9 on: August 26, 2009, 03:11:05 pm »

Bus/Taxi:
I was pregnant that time with Gabby, GY shift ako and commute ako forever. Ang tagal kong nagaantay ng bus, so yung una kong nakita na bus going to my destination yun na agad sinakyan ko. Malas ko standing na siya. I was expecting that someone would let go of their seat for me (obvious naman siguro na ang laki na ng tummy ko), but no everyone pretended to be asleep. Nag-alangan yung conductor na paupuin ako sa tabi ng driver kasi ang uupuan ko is sasapinan lang nung sign nila. Kinuha ko pa din. When I got down sa bus sakto may taxi, instead of sa office ako pahatid deretso sa Makati Med ER. I was having contractions.

Jeep:
Galing kame ng friend ko from Divisoria and we rode the jeep to go back to her place in Makati instead of taking the taxi kasi medyo tipid na din. While being held in traffic sa may Quiapo church, the woman in front of was held back kasi may nag snatch ng gold hoop earrings niya. Shocked kameng lahat, buti na lang hindi napunit ear lobes niya.

LRT:
During college, I used to ride the LRT kasi I ride the jeep from Pasay Road to Alabang. While on the train, around 5 steps from me was a student with a backpack on. Enroute to Libertad Station when a man behind him was picking something from the student's backpack. Naramdaman nung student kasi bumigat yung bag niya. Sakto kasi pabukas na yung LRT doors when the student shouted, dinumog yung snatcher and nahulog sa platform ng Libertad station. Thankfully nakuha ulit nung student yung wallet niya.

Tricycle:
This is a funny experience of me and my sister Jem. Tricycle yung service namin before when she was in pre-school (the driver of that tricyle is her father-in-law now). Sumama ako maghatid sa kanya kasi that time wala akong pasok sa school. On the way, sabi ni grabe ang lamig ang hangin. hindi ganun kabilis yung takbo kasi nga mga bata ang pasahero. Malaman-laman namin nakalimutan ng kapatid kong mag underwear. hahaha!!!! Kaya pala!  ;D
Logged

aian

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • happy and contented
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #10 on: August 26, 2009, 03:17:33 pm »

.
Tricycle:
This is a funny experience of me and my sister Jem. Tricycle yung service namin before when she was in pre-school (the driver of that tricyle is her father-in-law now). Sumama ako maghatid sa kanya kasi that time wala akong pasok sa school. On the way, sabi ni grabe ang lamig ang hangin. hindi ganun kabilis yung takbo kasi nga mga bata ang pasahero. Malaman-laman namin nakalimutan ng kapatid kong mag underwear. hahaha!!!! Kaya pala!  ;D


sis na tawa naman ako dito..hahaha ;D ;D
Logged

"There is only one happiness in life, to love and be loved."

MamaNilaJ

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 159
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #11 on: August 26, 2009, 03:23:07 pm »

Sa taxi, From La Pinas to Sta. Ana to Tondo. Heavy traffic talaga, kahit saan.
Kung saan-saan niya kami dinala, mas napalayo at mas napamahal.
Hindi lang napamahal nagpadagdag pa sya ng P100 ... Tapos hindi niya pa kami hinatid sa harap ng bahay namin. Ang ending, nag-side car pa kami ng eldest ko para makauwi sa bahay...
K*pal ng mukha ni manong. Sabi k na lang Diyos na bahala sa kanya.
Sis c'3, preggy ka ba? Kasi sa LRT hiwalay ang mga preggy at senior at mga kids. Pero not sure sa MRT .
Logged

aian

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • happy and contented
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #12 on: August 26, 2009, 03:29:38 pm »

Sa taxi, From La Pinas to Sta. Ana to Tondo. Heavy traffic talaga, kahit saan.
Kung saan-saan niya kami dinala, mas napalayo at mas napamahal.
Hindi lang napamahal nagpadagdag pa sya ng P100 ... Tapos hindi niya pa kami hinatid sa harap ng bahay namin. Ang ending, nag-side car pa kami ng eldest ko para makauwi sa bahay...
K*pal ng mukha ni manong. Sabi k na lang Diyos na bahala sa kanya.
Sis c'3, preggy ka ba? Kasi sa LRT hiwalay ang mga preggy at senior at mga kids. Pero not sure sa MRT .


sis, hindi po ako preggy :D..same din po sa MRT kasi pag peak HR kahit mga babae hehe
Logged

"There is only one happiness in life, to love and be loved."

EVA

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 127
  • my love...my life...evrick liel
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #13 on: August 26, 2009, 03:30:59 pm »

grabe naman na miss ko tuloy kung pagsakay sakay sa MRT, cubao to buendia going to ayala...B4 kasi sa Makati me work.

nakakamis yung siksikan, yung pila sa pagbili ng ticket..saka b4 may LIbre pang newspaper (until Now ba?)

siguro sa 2 yrs ko pagsakay sa MRT, 2 times lang ako nakaranas Makaupo don sa upuan nila..lagi kasi standing, pero enjoy. :-\
Logged

clover.

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 166
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #14 on: August 26, 2009, 03:43:06 pm »

last time ako mag MRT was preggy pko. at talaga namang walang pakialamanan pag nasa pangbabaeng train ka. i was 7mos preggy ata nun from Taft going to North Stn to meet friends sa trinoma. grabe sa Cubao station nko nakahanap ng upuan ko.

one time rin may sinigawan akong ale kasi nanggigitgit sa mga palabas. hindi makapahintay yung mga umeexit. sabi ko 'hindi mo ba nakikita tong tyan ko?!' hehe....

kaya pag magMRT ako dun na lang ako sa may mga lalake. at least kahit papano me mag-offer ng seat. pag babae.. haay shmpre lahat demanding sa seat nila. pero wag naman sana ipagdamot sa mga preggy, disabled at senior citizens..



ilang bes ko na nakakasakay yun mga mandurukot sa bus na ang modus operandi sisiksikin ka nila mga 3guys sila lalo na pag nsa bandang unahan ka ng bus dahil rush hour


sis ang galing mo naman namukhaan mo yung mga kups na mandurukot sa bus.
Pages: [1] 2 3 ... 7