taxi: nakew, samot saring bad experience ko sa taxi, sa sobrang dami, hindi ko na mabilang. latest yung last sunday na kung san kami pinagdadadala, umabot ang babayaran namin sa 275. grabeh. kunyare, hindi alam ni manong yung c3. grabeh.
bus: ipis! ipis! sobrang eewww..
mrt: nakababa na ako, tas si bf hindi pa, magsasara na ang train, sobrang takot ko lang.
lrt: pag may nakita akong may edad na, pinapaupo ko talaga. pero there's this instance na pinaupo ko na yung ale, ayaw pa niyang kunin. as in parang lumalabas pa na pinagpipilitan ko pa siyang umupo. since then minsan na lang ako offer. i mean, nagmamagandang loob ka na, sila pa ang proud!
puj: sa davao toh, may katabi akong may malaking envelope. sobrang laki na yung ibang part, nasa leg ko na din. tas napansin ko, bat yung bag ko, parang nag mo move? yun pala, parang hinihila nung may malaking envelope. dito naman sa manila, may group ng mga pasahero sa may tapat ng office, pagsakay namin, kitang kita ko, yung isang lalaki, he spat on the seat. tas sabi nung isa, uy, dito kayo umupo kase may mga dumudura jan. i felt weird, so i went down. nalaman ko nalang, mga snatcher pala yung mga yun.
tricycle: may tricyle akong twice ko na nasakyan. sobrang dami nyang tanong, kesho san daw ako nakatira, bat hindi daw ako hinahatid ng mister ko, may anak na ba daw ako? small talk o masyado ng personal ang mga inquiries ni manong?
hhhaaayyy...