embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now
Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 7

Author Topic: Taxi/ bus/MRT or LRT/ PUJ & tricycle experience  (Read 70004 times)

yhamslove®

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: Did I help or was I scammed?
« Reply #30 on: November 09, 2009, 11:01:46 am »

meron din yung iba kakatok or magdodoorbell sa gate... mag-aabot ng envelope na wala ring address or phone number yung org na nire-represent nila... they would say their from so and so christian group na gustong makalikom ng pera para maidonate sa mga less fortunate daw... tapos hindi ka pa nakakapag salita kakanta na sila... pero after ng song nila.. i would say.. sorry wala pa akong pera... they would answer: KAHIT MAGKANO LANG PO... sumasagot talaga ako... pero in malambing way naman: DI BA HINDI NAMAN COMPULSORY YAN?

kahit sino kase pwedeng magpaprint ng envelope at kumanta sa mga bahay bahay... pag may nanlilimos... food ang binibigay ko kapag may dala ako... pero pag wala.. pinagdadasal ko nalang... kung totoo mang in need yung tao...
Logged
yhamslove  

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #31 on: November 15, 2009, 09:16:00 pm »

Topic merged with "Did I help or was I scammed" thread because it's about a jeepney experience.

At eto naman ang bago kong experience. May bumaba sa jeep after 2 kanto lang ang pag andar. Soon hinihingi nung ale yung sukli niyang P36. Naabot na daw nung driver at nagtalo sila dahil hindi pa natatanggap ng ale. Kumibo yung katabi kong babae na baka daw na MO sila nung mamang bumaba.

Eto ang style nila, umuupo sila malapit sa driver, kunwari taga abot ng bayad at sukli pero iniipit nla yun. Then bababa agad bago may makabuko. Sabi ko, for P36 gagawin niya yon? Eh baka daw may mga saktong bayad siyang hindi inabot sa driver, together with the P36 sukli, baka naka P50 din siya, tapos lilipat sa ibang jeep. Ilang jeep at pasahero rin ang nabibiktima nila sa 1 araw, pwede nga naman i-career yun.

It's sad kasi paying for a jeepney ride is one of everyday proof that Filipinos are honest, ngayon tainted na.

Dagdag pa nung Aleng katabi ko, iba-ibang style daw yan which I haven't experienced or searched on. Meron daw "dura" MO, "laglag brya" MO, atbp.

ano yon?
Logged

katgener

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 177
  • Dada Jumar, Tricia, Mommy Kathleen & Nathalie
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #32 on: November 15, 2009, 10:48:26 pm »

Share ko lang mga mommies ang horrific experience ko sa MRT nun buntis pa ako. Na post ko na ito before pero post ko uli sa di pa naka alam sa story...

General Category / General Discussion / An Incident at MRT      

on: June 12, 2008, 04:38:17 pm

Hi mommies, I want to share my horrible experience to you guys… Have you ever tried riding the MRT? Did you noticed na napaka gulo at walang sistema ang MRT?  ???

I’m now 21 weeks pregnant. I had a couple of mishaps involving the unsystematic, disorganized, overcrowded and infamous (?) MRT Station… :(

I was only my way to work to the airport on May 30. As usual, magulo ang MRT Taft. Usually I take the elevator. Pero that day, di sya available… sira daw (as always) so I took the stairs instead. It got rowdy when some people climb the stairs at our side (going down kc kami). I heard somebody na mabagal daw ako maglakad (eh kc nga buntis eh!) tapos I felt someone pushed me down. I almost fell and I sprained my ankle really bad. Nobody took responsibility nor anyone tried to help me. I ruefully report to work and took the half day off to see a doctor.  :'(

 Last Monday – June 2, I was on my way home naman. As usual, I took the train and grabe ang crowd. It seems that everybody doesn’t care kung sino ang mababangga nila. I saw one toddler cried kc naapakan yata. Masyadong disorganized talaga! Nakakaawa ang mga bata and preggy mommies like me – as if lulusob kami sa riot! Anyway. The ride home naman is ok until I reached MRT Guadalupe Station. DI pa ako nakakalabas.. may gusto nang pumasok. When I was about to go out, (pa side kc ako maglakad since I had a bad ankle and I was protecting my tummy na di banggain ng mga sumasalubong na crowd) the door suddenly closed … as in naipit ang tummy ko! Walang sensor ang pinto. I frantically tried pushing the door to open. And the passengers inside… just stared and screamed!  One lady tried pulling me from the outside. She was screaming for help nga pero the guard can’t hear us. The train was about to move when I was pulled free. Grabe as in ang sakit! Good thing an officemate saw me and helped me find the station supervisor. We approached the guard pero parang ayaw pang iwanan ang post niya. When we finally reached the station office, parang deadma pa yung supervisor. I explained what happened and he said shrugged “eh miss wala naman tayong magagawa kung bastos at walang disiplina ang mga Pilipino. Kahit nga buntis di nga pinapaupo eh!”  May gosh I had 2 accidents at the MRT premises tapos yun lang ang masasabi niya! I told him na dapat ihiwalay ang pregnant, disabled and women with children. Just like at the LRT…   ???

The pain was unbearable na. Finally, I asked “if something happens to me and my baby, what will the MRT management do to assist?” And you know what he said? He just asked me to write a complaint!  :o

Pero I felt contractions na. Siguro na tauhan sya kc I started bleeding. Dun lang naisip nila to secure an ambulance… after 1 ½ grueling hours?! I was bought to the hospital… I had a preterm labor. Buti nalang naagapan.  >:(

The MRT management only provided the ambulance… but they didn’t help me with the hospital expenses. It was a very traumatic experience.  :(

Kanina, I tried riding the MRT. May slight changes na sa MRT Taft Station. Separate na ang way ng pregnant women and disabled – pero to sum it up… disorganized parin. Still, the MRT management didn’t provide a separate car for the pregnant and disabled. Mas magulo nga kasi pasukan na.  :-\

I’m now filing a complaint to MRT. Please help me by giving feedbacks on how we can improve our transit system. I also need your support and encouragement with this matter.   :'(


Logged

alexismom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1295
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #33 on: November 16, 2009, 01:11:50 am »

sis, traumatic naman yung experience mo. wala na silang awa sa iyo to think that they can see na you're pregnant. kawawa naman baby mo. i hope you're okay. may sections ang train na for women lang talaga kaya lang madalas mabilis din mapuno. dati may nakita din akong buntis na walang maupuan. buti may space pa sa tabi ko kaya tinawag namin para makaupo. ang hirap pa naman magmove pag buntis.

i had a bad experience din sa MRT before pero hindi naman ganun. may guy lang sa super dikit sa likod ko at halata naman na maniac ang hayup. hay naku. buti na lang nakalayo ako. kapal ng mukha. kaya i make sure na dun ako sa coach for women sumasakay kahit sa bandang unahan pa talaga ng train yun at mahaba lalakarin ko.

here are some bad experiences i had as a commuter:

BUS: i used to work in a call center and graveyard shift ako. from cavite, i took an aircon bus to pasay taft. i sat beside this twenty-something man who looked decent naman. he had a backpack placed on his lap tapos ako i had my big leather bag on my lap and a coat covering my upper body kasi malamig. i fell asleep kasi puyat ako nun. i thought i was dreaming kasi i felt something touch my right thigh. deadma lang kasi parang wala ako sa sarili sa sobrang antok. after about 30 minutes, i felt someody squeeze my thigh and i woke up. baclaran na pala and sumenyas yung guy na bababa siya. pag-alis niya, i saw his ticket placed on top of my leather bag. he scribbled: you can sleep beside me anytime and his cellphone number. i just threw it away. maniac! hay naku. kahit hindi ako nakaganti, naisip ko may karma naman. makakahanap din siya ng katapat niya.

another time naman from cavite to libertad ang biyahe ko. past 7pm na when i rode the bus. konti lang passengers so i chose a seat na pang-two persons. wala akong katabi plus vacant din yung nasa kabila ng aisle. yung seats lang in front of me and opposite nun may passengers. i took a nap after paying for my ticket. i woke up pagdating sa coastal road. alam niyo yung feeling na parang may nakatingin sa iyo. when i opened my eyes, may guy na nakaupo sa seat sa kabilang aisle. he was wearing his white uniform na parang pang maritime student. tapos he had a backpack and t-square. deadma lang. after a few minutes, he asked me for the time. sinabi ko naman tapos hindi ko tiningnan. i wanted him to get the message na hanggang dun lang ang conversation namin. tapos nakatingin pa rin siya. he asked me kung saan na daw yung bus. i told him sa MIA road na kasi nasa tapat na kami ng coastal mall by then. he asked me to go down the bus with him pagdating ng pasay. duh?! friends kami?! i didn't look at him at all. sabay sabi niya, pag sa lawton daw ba kami bumaba, may masasakyan kami? ohmigosh. ano ako mukhang puede ipickup. for crying out loud, kasing age lang siya ng younger brothers ko no. parang gusto ko sabihin na wag mo ako manyakin kasi parang ate mo na ako. tapos napapansin nung passenger sa unahan niya na kinukulit niya ako so tumitingin sa amin yung guy. alam niya kasi wala naman akong kasabay umakyat ng bus. yung conductor nasa harap ng bus so hindi naman ako makahingi ng tulong. medyo nanginginig na ako sa nerbyos at inis nun. sabay tumayo yung guy at lilipat sa seat ko. medyo masikip yung aisle and yung space in between the seats so natatakot ako na baka pag nasiksik niya ako, hipuan na ako or tutukan. sobrang paranoid na ako so i took my bag and bumped him pag tayo niya. nahulog yung t-square niyang dala so he had no choice but to stop and pick it up. umupo ako sa vacant seat near the driver just in case lumapit siya makahingi ako ng tulong. i was already dialling my officemate's number para masabi kung ano nangyayari sakin kasi malapit na sa libertad at bababa ako. in case something happens, makausap ko na friend ko to inform him about my predicament. pumara ako sabay baba. tumayo yung guy kaya binilisan ko na sabay para sa bus bound for ayala na kasunod nang bus na binababaan ko. pagsakay ko, tingin agad ako sa door kung sumunod siya. buti na lang hindi. for quite sometime, naparanoid ako pag nakakakita ako nang naka-uniform na ganun. 

this happened last year naman. gabi din. i had a shift on a sunday night. i boarded an aircon bus bound for lawton. pagsakay ko, may sumakay na 8-10 people in their late teens to early 20s. they were a rowdy group. hiwa-hiwalay sila ng upuan. nakaupo ako sa bandang gitna ng bus and bandang likod sila umupo. may about 4 people from their group na nasa pinakadulo pumuwesto. after paying for the fare, i closed my eyes but i was aware of the sounds and movements around me. i heard them shouting and laughing. may sumasaway sa group nila kasi nagyoyosi daw yung isang kasama nila. may umihi pa daw sa likod. ang ingay na talaga. naalarm na yung ibang passengers kasi drunk pala sila. when the bus got to imus, may bumaba nang pamilya from the bus kasi natatakot yung parents dahil 2 bata kasama nila. siguro naisip nila na pag nanggulo yung group na yun, kawawa yung dalawang bata. natatakot na rin ako pero ayoko naman lumipat ng bus. after a few minutes, may nagmention na may dala daw bomb. bawal na kahit magjoke about having bombs di ba? nagreact na yung ibang passengers and nagsumbong sa conductor. ang gulo na ng group na yun sa likod kahit nakiusap yung conductor na umayos sila. pagdating ng bacoor, tumigil sa tapat ng police station yung bus and bumaba yung conductor para magsumbong sa policemen na nakatambay sa labas. bumaba na rin ako agad along with some passengers kasi kinabahan ako nang todo after hearing about a bomb na dala daw nila. umakyat yung policemen and pinapunta sila sa loob ng station. they checked the bus at wala naman bomb. todo pakiusap na sila sa loob saying na joke lang daw. hindi daw sila manggugulo. yung isang passenger sumakay na lang ng ibang bus habang ako nakatayo pa sa labas. nakiusap yung iba from that group na pasakayin sila kasi kulang daw money nila pag sumakay sila ng ibang bus or jeep. una, pumayag yung isang policeman kasi mukha nang nahimasmasan sila pero i refused to board the bus. nagdecide yung police na wag sila pasakayin kasi hassle na sa matitinong passengers at nagalit na rin yung driver and conductor kasi nagbababaan na ibang passengers. ayun, iniwan sila dun. hindi na namin fault yun kung wala silang pera dahil in the first place sobrang takot and nerbyos inabot namin dahil sa kanila.

JEEP: i studied in a chinese school in pasay when i was in high school. 4th year high school na ako nun and my mom allowed me to commute home alone. dati kasi gusto niya sabay kami umuwi. from pasay, i would take the LRT to baclaran tapos sumasakay ako ng jeep going to cavite. napapansin ko may guy in his 30s na sumasakay ng jeep after ko sumakay. it happened once, twice tapos thrice a week na. pagsakay ko ng jeep, he would board it after 5-10 minutes. i found it weird kasi lagi ganun. hindi naman siguro coincidence yun kahit sabihin na taga-cavite din siya. isipin mo halos thrice a week, sumasakay siya ng jeepneys na sinasakyan ko right after ko umupo. creepy pa itsura niya. he would stare at me the whole time. dun siya umuupo sa tapat ko lagi and he would look at me na nakangiti ng konti. parang hinuhubaran ka na ng tingin niya. natakot na ako na lagi ko siya nakakasabay kaya iniiba ko yung time nang pag-uwi ko. nakakaparanoid sobra. one afternoon, nakasabay ko nanaman siya. di ko na matiis na nakatingin siya sakin kaya naglabas ako ng small scissors na pinadala ng lola ko and i stared at him too. it was my way of saying na if he planned to hurt me or stalk me pa, lalaban ako. after that, i totally changed the time nang pag-uwi. hindi ko na siya nakasabay until i graduated. when i was in 1st year college, nakasabay ko uli siya. iba na hairstyle ko nun plus i had my face covered with a handkerchief. tiniis ko talaga na wag tanggalin para hindi niya ako marecognize. kunyari i was protecting myself from the pollution outside pero ayoko na makilala niya ako.
Logged

GL and KL

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 341
  • My bumblebee!
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #34 on: November 16, 2009, 04:22:54 am »

*sigh.. napaka unsafe na talaga.. riding PUV and kahit sa mga private vehicles, hindi na rin safe.. pano na...

JEEP
one time,grade 7 ako nun, pauwi ako from QC going home sa makati (takas lang ako at nagcommute lang :) ), after MRT,sumakay ako jeep sa guadalupe, tapos sa harap ako umupo katabi ng driver.. tapos bglang may sumakay na lalake sa tabi ko umupo.. nagbayad sya ng pamasahe, then tnanong sya ng driver if saan sya ba-baba, sabi niya "jan lang".. tpos tnanong ulit sya, un parin sagot niya... then mga 3 blocks away nung kakasakay lang niya, bgla na sya bumaba then sinubukan niya kunin yung NOKIA 6150 ko, buti nalang hinid ako nag panic, ang ginawa ko lang was to hold on tight sa celfone ko..ayun nakpgagawan sya pero hindi niya nakuha.. tpos nung nakalayo na kami, sabi sken ng driver,madami daw talaga snatcher sa may guadalupe... buti nalang talaga hinid ako nag panic nun at hindi ako lumaba pero nakahawak ako maigi sa cel ko... way back 1999 or 2000 un... after nun hnid pa naman nasusundan... pero ngayon, lagi akong kinakabahan pag asa taxi kami ni kirsten or kahit na may dala kami coche, feeling ko kase anytime pwede may mangyari masama.. mabangga kami or kng ano man.. kase last summer nito lang, 2009, nabangga ako ng MMDA, at REALLY it was his FAULT.. tapos ayaw niya xempre aminin na kasalanan niya.. eh obvious naman sya may kasalanan kase bgla sya ng counterflow... (tomas morato area)... buti nalang hnid ko kasama si kirsten nun, kase ang lakas ng pagka break ko, baka kng kasama ko sya tumilapon siguro sa yung carseat.. buti nalang din at front bumber niya ako nabangga kase hnid maxado malaki yung damage, kase ako mismo magpapagawa ng coche dahil AYAW niya UMAMIN!! and kung iffile ko yung case sa court eh napakalaking abala nun... hinid ko naman sya inoobliga magbayad ng damage kase insured naman yung coche, yung AMININ lang niya is enough na para matapos na ang problema... simula nun,asar ako pag may nakikita ako MMDa  >:(
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #35 on: November 16, 2009, 10:25:15 am »

Mommy KAT, ikaw pala yun. I remember that story of yours, kinuwento ko nga yan sa Husband ko, He asked what your husband's reaction daw. Kasi kung siya, baka basagin niya lahat ng salamin sa office ng MRT.
What happened to your complaint na? May nakasuhan ba? How's the baby?
Logged

LOVEmyLIFE

  • Guest
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #36 on: November 16, 2009, 12:15:43 pm »

Just recently, I need to go to Mckinley to get some necessary documents so I took the MRT for a more convenient ride. Since I'm in a hurry, nagkasya na lang ako bigla sa door and realized later on na hindi pala yun yung pang ladies/disabled/elders side of the train. There's this guy na I thought at first very gentleman since hinarang niya yung arms niya sa back ng head ko kasi nasisiko yung ulo ko ng other passengers (Nasa door area ako and kulang na lang ilapat ko ang face ko sa door sa sobrang dami ng peeps). Nung nagbaba na sa isang station, pumwesto na siya sa back ko kasi may mga bumaba na. Akala ko talagang yun ang reason niya. Pero parang napansin ko he almost tucked me sa door (nasa side ako ng door where he is holding sa steel bar then yung arms niya extended sa door), his arms almost around me :o Siyempre akala ko madami pa din tao. Kaya lang nung next stops na I realize na maluwag na yung pinakaloob pero ganun pa din yung pwesto niya and I can feel his front brushing my back. Kaya nung nagstop na ulit, bumaba ako and just entered again but this time I avoided him. I was shaking sa inis and galit. >:( One passenger told me na they thought we were together kasi napansin nila na uber close siya sakin. I didn't bother informing my husband about the incident kasi for sure babawalan na ako nun lalo umalis ng house mag-isa.

Kaya gurls out there, talagang we should be extra careful. The guy really looks decent and you would never thought na gagawin niya yun. From now on, hahayaan ko na lang ma-late ako sa appointment kaysa maka-encounter nanaman ng male chauvinist pig like him.
Logged

yhamslove®

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #37 on: November 16, 2009, 03:40:39 pm »

^super haba ng mga replies.. dami kasi talagang eksena sa mga public utility vehicles eh...

basta naconclude ko from my experience:

HINDI LAHAT NG ORAS KAPAG PREGGY KA MAY SPECIAL TREATMENT... TALAGANG MAY MGA TAONG MATIGAS ANG MUKHA... LALAKE MAN... PATI MGA BABAE..
Logged
yhamslove  

katgener

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 177
  • Dada Jumar, Tricia, Mommy Kathleen & Nathalie
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #38 on: November 16, 2009, 05:51:53 pm »

Mommy KAT, ikaw pala yun. I remember that story of yours, kinuwento ko nga yan sa Husband ko, He asked what your husband's reaction daw. Kasi kung siya, baka basagin niya lahat ng salamin sa office ng MRT.
What happened to your complaint na? May nakasuhan ba? How's the baby?
Hi Mommy Jazz... Yep ako yun mommy. Nakwento ko na syo yun nun nagkita tayo sa isang VTR. Reaction? After sa incident na yun tinutulak ko na mga tao palabas ng door. Lagi na akong may dalang payong para pang harang. Minsan muntik na ako awayin pero i'm just protecting my baby diba. Na trauma kasi ako. Kung di lang talaga mura ang MRT at mabilis - mag ba-bus ako.

nag complain ako pagkapasok ko sa work at ang sabi nila:

Me: Hello, my name is kathleen P, I'm filing a complaint with regards of the incident happend a few weeks ago"

MRT girl: Ano po nangyari miss?

Me: (syempre kwento for the "nth" time ang nangyari). Well, may magagawa ba kayo? We spent 30K and hanggang ngayon na tra-trauma ako sa nangyari...

MRT Girl: (butts in... interrupts) eh anong oras nangyari miss...

Me: Mga rush hour, 6:00 to 6:30...

MRT Girl: Ay miss di po pwede kayo mag claim kasi wala na pong nurse on duty sa time na yan. Hanggang 5:00 Lang sila.

Me: Ano?! **** Alangan naman orasan ko ang aksidente ko! Ano ba kayo?! Kung natuluyan nakunan ako ganyan din ba gagawin nyo?! Magpapatawag ako ng press!!! Magsusumbong ako kay -- TULFO! Tama magsusumbong ako kay Tulfo!

MRT Girl: Kahit magsumbong kayo wala pong mngyayari. Wala na tayong magagawa kung bastos ang mga pilipino. Di naman kayo pinipilit sumakay ng MRT. Kung ako pa syo sumulat na lang kayo dito para mag file ng complaint... (Sabay baba sa phone)

As predicted, nahirapan ako sa pregnancy ko. Nanganak ako ng maaga - as in the day ng final casting ni Nathalie sa Mercator. After nun derecho ako sa VRPMC. Na CS ako and wella - lumabas si Justin. Nagka Jaundice sya for 25 days... tapos may blood infection pa. Pero nawala din dahil sa prayers.

Guess what, he had his 1st TVC pagka 3rd or 4th week old niya... yung UNILAB TVC last Christmas. Sya yung baby dun dala ng girl na naka wheel chair. Swell!!!
« Last Edit: November 16, 2009, 05:56:31 pm by katgener »
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #39 on: November 17, 2009, 04:34:31 pm »

You can forward your story to Malou sarne of DWIZ who can relay it to Rey Langit. Mas madali yun kaysa kay Tulfo because Marou is a fellow SP.

Wow, showered ka with luck and blessings. Congrats! Sana pagbayarin ng karma mga taong masama.
Logged

katgener

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 177
  • Dada Jumar, Tricia, Mommy Kathleen & Nathalie
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #40 on: November 18, 2009, 03:47:14 pm »

You can forward your story to Malou sarne of DWIZ who can relay it to Rey Langit. Mas madali yun kaysa kay Tulfo because Marou is a fellow SP.

Wow, showered ka with luck and blessings. Congrats! Sana pagbayarin ng karma mga taong masama.

Oo nga mommy jazz. talaga pwede? sige, pag panget parin ang byahe ko sa MRT mamaya... susumbong na uli ako - di na kay tulfo - kay ray langit na  ;D

Sana tuloy tuloy nga mommy. ikaw nga print ads si julia sikat! swell!!!
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #41 on: November 20, 2009, 07:58:10 am »

What's more Mommy Kat, Marou or Rey Langit can interview you over the phone (if you can't come personally to DWIZ) and they will have an MRT rep on the other line or in person.
Kainis talaga yung nangyari and treatment nila sa iyo. Hindi dapat sisihin ang ugali ng Pilipino. MRT is a system. Hindi sila trasport provider lang.
Logged

Mommy Ineng

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 518
  • My family..my joy and my life...
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #42 on: November 20, 2009, 10:08:09 am »

Second time ko mong-mrt last week,going to Trinoma(first yong sa eb sa wensha) Grabe...nakaka-trauma ang experience ko kase muntik ng mag-stampede.Walang sistema ang mga pasahero kahit puno na pipilitin pa ding pumasok tsaka nagtutulakan.

Kala ko okay umulet..nong first time ko kase maganda naman ang sistema or hinde lang talaga rush hour.

Most of the time taxi,fx or sariling car ako magbyahe...nagulat lang ako sa sistema sa MRT.Only in the Philippines yata..tas nabasa ko pa yong story ni sis katgener.Nakaka-disappoint at the same time nakaka-takot din  :(
Logged
Please visit my multiply site: http://bpcsabinee.mutiply.com

yhamslove®

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 870
  • I'm a Certified SP (Sisterly-Packaged) Member
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #43 on: June 16, 2010, 03:24:43 pm »

One time last month, medyo natagalan yung pagdating ng mga fx sa may fx bay sa Gateway (Cubao). Pangatlo ako sa pila.

Kaya nung dumating yung fx (biyaheng Marikina) relieved kaming mga nakapila.

Nagulat nalang ako kase may biglang humawi sa akin. Sila Lola (mga 60's na, dalawa sila).

"Ay, may pila po" sabi ko.

"Iha! Senior Citizens kami!" (ang sungit ng LOLA mo ha  ???)

Grabe na-shock ako.. hindi ako makareact kase baka ako pa ang lumabas na mali kapag sumagot ako.

Sabi nung mga dalagang nasa likod ko "Ay sila lola sumisingit..."

Nagkangitian nalang kami, sabi ko, "Senior citizens daw sila eh.."

Hanggang sa loob ng fx, nagsasalita yung Lola "Bakit, sa mrt at sa lrt nga may courtesy lane para sa mga senior eh..."

Gustuhin ko man sumagot, natulog nalang ako... hindi ko rin alam kung anong pwedeng nangyari kung nagmatigas ako eh. pero okay na yun, at least nakasakay pa rin ako sa fx na yun.
Logged
yhamslove  

♥maarte♥

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 525
  • ♥scarletbeauty♥
    • View Profile
Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« Reply #44 on: June 16, 2010, 04:24:58 pm »

Share ko lang po…

it's my 3rd week of going to and from Cavite, so bus rider na talaga ako.  since hindi ko pa masydong kabisado when and where should I wait for the bus, ayun, madalas nakatayo na ko.
 
one time, nakasakay ako sa baclaran, tayuan na pero ok lang... sari-sari ang mga nakatayo—babae, lalake, office girl, karpintero (so to say kasi may dala silang mga lagare and tool box eh..), basta marami.

sa kasikipan ng aisle, hindi ko agad napansin yung mama, blue yung damit niya, parang pareho sa damit ng mga mama sa daan… pulis ba tawag sa kanila? hehe, yes, pulis sya.  OK, sabihin na natin na nagbayad sya ng pamasahe, at tao rin sya, napapagod at gusto magpahinga sa byahe… pero naman, bakit kelangan matulog ng natutumba, heller, naka-upo na nga db? So in short, since nasa aisle sya, wag naman matulog na natutumba.  Well, not sure if he’s really tulog ha, pero para kasing way niya para maka-chansing sa mga girls na nakatayo. Argh! Kahit hindi ako yung binabagsakan ng nagtutulug-tulugan nyang ulo, naiinis ako sa sight na yun, napaka-inconsiderate!
Buti na lang yung natapatang babae eh mas matapang sa kin.

Eto yung exchange of words nila:

Pulis patola (este… PULIS lang pala): hrrrrk…. (naghihilik po).

Office Girl: (pabulong muna) ay, ano bay an? Sobra naman…

OG: hay naku, grabe talaga ha, masikip na, tumba-tumbahan pa ang drama.. (modulated voice)

Pulis: huhmm… mm..mm… (medyo umayos ng konte pero tulog pa rin)

OG: Naku mamang pulis, baka pwede naman pong wag kayo matumba habang kasarapan ng tulog nyo… masikip pa po kasi kami dito’ng mga nakatayo (modulated pa rin ang voice)

Pulis: huhmmm…. (deadma.. pero inayos ulet konte yung pagkakaupo…)

Nag-preno yung bus un-expectedly.. so malamang lahat ng katawan nagpuntahan sa harap ng bus… syempre kasama si mamang pulis… eh iba yung nakapitan… BEWANG na pala ni office girl!!! Hala… kaya:

OG:  AY ANG KAPAL NG MUKHA!!! Mamang pulis sana naman maramdaman mo na mahirap ang nakatayo dito sa bus na ito habang masikip at papreno-preno yung driver tapos meron ka pang katabing MANYAK in full UNIFORM! Alam mo yun?! nu pangalan mo?! (sabay silip sa dibdib ng mamang pulis na naalimpungatan)…

PULIS:  nagulat. natulala. At eto ang the best, nawala yung antok niya.   8)
Logged
"love dies when the tongue starts to lie, when the ♥ begins to bleed and the soul pleads for silence."
Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 7
 

Close