@¸¸.♥ кяιzzℓє ♥.¸¸Thank you sa pagsasabi mo na nagba-backread ka at nagbabasa ng mga sagot ko sa post mo. Maganda ang tanong mo, heto ang na-research ko:
Your chart starts on the first day of your period. This is the first day that you have red flow (not spotting). This is cycle day one. If your period arrives in the night or late in the evening, you can record it for the following day.
Source: http://www.fertilityfriend.com/Faqs/When-to-start-a-chart.html
Magsimula ka magbilang ng cycle mo sa first day ng menstrual flow, hindi sa spotting. I sulat mo, o markahan sa kalendaryo ang date. Iyon ang pinaka-importante. Iba't iba ang number of days in a month at nagbabago ang cycle dahil sa iba't ibang factors like stress. Magkakamali ka at hindi magiging sure kung iisipin mo lang na 25th to 28th day of the month. Isulat mo ang date sa isang notebook o i-type mo at i-email o i-private message mo sa sarii mo.
Sa example mo, Jan. 6 ang first day ng mens mo.
Bakit ka nagsa-spotting? Naitanong mo na ba ito sa Obsterics and Gynecology doctor?
Tungkol sa isa pang question mo. Kung nakapag-"do" at nakapag-deposit sa loob ng Jan. 20...within 24 hours, hindi accurate mag-check ng mucus. Kasi hindi mo masasabi kung mucus nga ba yung mao-observe mo o semen ng husband mo. Kaya Jan. 21, unsure yon...baka semen yung lumabas sa iyo.
Kaya natin ine-establish ang cycle days mo at ginagamit ang Standard Days Method (SDM), eh para ma-pinpoint o ma-estimate kung kailan mo ie-expect ang mucus o fertile days.
At kaya natin ginagamit din ang Two-Day Method (TDM) ay para malaman kung pwede bang mag-"do" kahit na accoding sa count mo ay dapat fertile days na. Kung both Jan.19 and 20, na-observe mo properly ang mucus mo at dry ka nga (for two days), then hindi pa nagsimula ang fertile days mo.
Aside from Jan. 21, may na-observe ka ba noong Jan. 22, 23, 24 and onwards?
Huwag mo na munang i-complicate ang observation mo ng mucus. Ganito lang tandaan mo, dapat dry..for two days. Kung hindi dry (kahit ano pang type ng mucus yan)...fertile. Kung kailangan mag-"do" during fertile period,just be sure na mag-withdrawal" at laging possible na mag-orgasm ang babae.
Ang dalawang pinaka-importante na gagawin mo lagi ay ang isulat ang dates ng observation mo ng mens at mucus. At lagi kong paalala, hindi lang ikaw ang gagawa nito...kayong dalawa ng asawa mo. Dalawa kayong responsable rito. Patitibayin nito ang pagsasama ninyo at magkakatulungan kayong dalawa. Iyong pag-deposit niya sa loob ay pagiging selfish yon. Lumalabas na wala siyang pakialam.
Kung fertile ka nung time na iyon...gugustuhin mo rin na magtuloy-tuloy /mag-all-the-way kayo. Isa kasi sa sign ng fertility ay ang mas mataas na sex drive. Dapat ang asawang lalaki ang mas may disiplina. Kung may penetration dapat mag-withdraw..
After na magwithdraw, dapat mag-CR muna para umihi at mag-wash ang lalaki....tapos itutuloy ang love-making hanggang sa maka-reach ng orgasm(s) ang babae.