embed embed2
  • Pwera Usog! Totoo Nga Ba Ang Virtual O Digital 'Bati'?

    May paliwanag ang mga eksperto tungkol dito.
    by Ana Gonzales .
Pwera Usog! Totoo Nga Ba Ang Virtual O Digital 'Bati'?
PHOTO BY iStock
  • Bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang mga pamahiin. Mayroon tayong patungkol sa pag-aasawa, mayroong patungkol sa kamatayan, at siyempre, mayroong patungkol sa panganganak at pagpapalaki ng mga bata—isa na rito ang usog.

    Tinalakay na namin ito noon sa isang nauna nang Smart Parenting article. Ang usog ang paniniwala na sasama ang pakiramdam ng isang bata kapag binati siya ng isang taong may 'masamang mata' o 'masamang hangin'. May ilan pang naniniwala na ang usog ay isang uri ng kulam at mga mangkukulam lang ang may kakayahang mang-usog.

    Ayon pa sa paniniwala, ang simpleng pagbati sa itsura, timbang, at iba pa tungkol sa sanggol ay maaaring magdulot ng usog.

    What other parents are reading

    Kapag nausog ang isang bata, kalimitan ay iyak ito ng iyak nang wala namang siguradong dahilan. Minsan, mapapansin mo rin na madalas uutot ang bata o 'di kaya ay lalaki ang kanyang tiyan na para bang kinakabag. May ilan namang mga bata na nagsusuka, nilalagnat, at nahihilo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi nila, para kontrahin ang usog, kailangang lawayan ng nakausog ang noo at tiyan ng batang pinaghihinalaang nausog niya. Pa-krus ang dapat na paglaway sa noo o tiyan ng bata.

    May ibang naniniwala na makakatulong kung dadalhin sa mga tinatawag na hilot ang bata. Kalimitan, ngunguya ang hilot ng dahon ng bayabas, sambong, at iba pa. Iluluwa ito at saka ipapahid sa tiyan ng bata habang dinadasalan ito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Bagaman alam ng mga magulang na hindi malinis ang pagpapahid ng laway ng ibang tao sa bata, marami pa rin ang sumusunod sa paniniwalang ito dahil ayon sa kanila, wala namang mawawala sa kanila.

    Ngunit sa panahon ng social distancing at iba't-ibang naglalabasang mga karamdaman, delikado kung papayagan mong lawayan ang anak mo.

    Pero paano ngayon na hindi kayo nakakalabas ng mga anak mo? Mauusog pa rin kaya sila?

    Bagaman maraming mga nanay ang nagtatanong nito, mas marami naman ang nagsasabing hindi totoo ang usog—digital man o sa tunay na buhay. I-post mo man ang larawan ng anak mo online at batiin man ito ng mga tao, hindi totoo na mauusog siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sa katunayan, mas delikado pa ng sampung ulit kung palalawayan mo ang anak mo, lalong-lalo na sa panahon ngayon. Marami kasing mga karamdamang maaaring maipasa sa pamamagitan ng laway. Kabilang na riyan ang flu, common cold, swine flu, mumps, bulutong, measles, hand, foot, and mouth disease, German measles, at ngayon ka, ang COVID-19. Sa digital naman, mas delikado pa ang banta ng mga pedophiles kaysa sa usog.

    Moderno na ang panahon natin ngayon. Marami nang mga scientific explanations at mga pag-aaral na maaaring makatulong sa atin sa pagpapalaki ng ating mga anak.

    Kaya naman kung napapansin mong hindi maganda ang pakiramdam ng anak mo, ikonsulta mo na ito agad sa mga doktor.

    Para sa iba pang mga kwento at pamahiin na gusto mong maintindihan, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles