embed embed2
  • 10 Bagay Na Hindi Mo Kailangang Bilhin Para Kay Baby

    May mga items na akala mo kailangan mo, pero bandang huli ay hindi mo rin pala gaanong magagamit.
    by Jhem Bon .
10 Bagay Na Hindi Mo Kailangang Bilhin Para Kay Baby
PHOTO BY iStock
  • Exciting talagang magkaroon ng baby. Higit ding nakakatuwa na mamili ng mga gamit para sa kanya, lalo na kapag alam mo na ang kanyang kasarian. Ang saya rin kasing mangolekta ng mga gamit na cute na cute at bagay na bagay sa kanya. 

    Pero! Kailangan mo ring maghinay-hinay sa pagbili. Una, mabilis lumaki ang mga bata. Kung mahilig kang mamili ng damit, maaaring makalakihan agad ito ng mga anak mo. Pangalawa, may mga gamit ding akala mo ay kailangan mo, pero kapag andiyan na si baby, hindi mo rin ito magagamit. Narito ang ilan sa mga gamit na maaaring masayang lang o hindi ninyo masulit:

    Baby bouncer / baby rocker

    Maganda nga namang magkaroon nito dahil magandang gamitin ito para malibang si baby. Kaya lang, pagkatapos lang ng ilang buwan, hindi na rin niya ito magagamit.

    Maliit lang kasi ang mga bouncers at rockers. Tamang-tama lang ang mga ito kapag nakahiga si baby. Kapag natuto na siyang dumapa o umikot, hindi na siya pwedeng ilagay sa rocker o bouncer dahil maaari siyang mahulog dito. Kalimitan ay masikip rin ang mga ito kaya hindi masyadong makakaikot ang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Changing table

    Okay rin sana ang komportableng palitan ng diaper ngunit kung siya ay lumaki at natuto nang maglikot, mahihirapan ka nang gamitin ito. Magkakaroon na kasi ng risk na baka mahulog ang bata.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bilang alternatibo, may mga crib na makikita sa merkado na mayroon nang changing table o pwedeng gawing changing table. Pwede ka ring bumili ng rubber mat o changing pads para sa kama mo na lang palitan ng diaper ang iyong anak.

    Bassinet

    Bagamat maari itong dalhin sa ibang lugar, madaling kalalakihan ni baby ang bassinet. Dahil maliit ito, magiging masikip na ito sa kanila ilang buwan lang pagkatapos mo itong bilhin.

    Delikado na rin ito para sa mga batang marunong nang maupo. Ang magandang alternatibo rito ay crib na maaring maging higaan at playpen kapag malaki na ang iyong anak.

    More from Smart Parenting

    Magara at mamahaling high chair

    Wala namang isang tamang paraan para matutong kumain ang isang bata. Kahit anong gawin mo at anong gamit man ang bilhin mo, magiging makalat pa rin ito lalo na sa simula.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang bumili na lang ng kahoy na high chair. Mas mura ito pero subok nang matibay. Pwede ka ring bumili ng booster sear na itatali mo lang sa upuan para maabot ni baby ang lamesa. Kailangan mo lang siguraduhing mahigpit ang pagkakatali ninyo rito para hindi mahulog ang bata.

    Walker

    Alam mo bang hindi na nirerekumenda ang paggamit ng walker sa mga bata? Ipinagbabawal na nga sa US ang paggamit nito dahil ayon sa American Academy of Pediatrics, isa ang walker sa mga dahilan ng pagka-aksidente ng mga bata. Dagdag pa nito, binibigyan nito ang mga magulang ng 'false sense of security'. Hayaang matutong maglakad ang mga bata sa sarili nilang panahon.

    More from Smart Parenting

    Mamahaling crib at strollers

    May mga features ang ibang crib at strollers na bagamat magandang tignan ay hindi rin natin masusulit. Gaya na lamang ng vibrate function at music, pati na rin ang kulambong kasama sa ibang crib na maari ring makita sa kagayang produkto na iba ang tatak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pumili ng crib na matibay at tatagal hanggang sa lumaki at bumigat ang iyong anak.

    Hindi rin naman kinakailangang bumili agad ng stroller. Maaring bumili nito kapag medyo malaki na ang iyong anak at madalas na siyang ipasyal sa labas.

    More from Smart Parenting

    Bukod sa mga bagay na nabanggit, iwasan din ang pagbili ng mga sumusunod:

    Napakaraming newborn clothes

    Aminado naman ang maraming nanay na wala na talagang mas exciting pa sa pagbili ng mga damit para sa mga bata. Bukod kasi sa pwedeng-pwede nang mag-OOTD kasama ang ating mga anak, dagsa na rin ang mga online sellers na nagbebenta ng mga cute na damit.

    Tandaan lang! Ang newborn clothes ay madaling kalakihan ng mga bata. Bumili lamang ng ilang set sa bawat klase ng damit at pagkatapos ay magdagdag na lang ulit habang lumalaki ang inyong anak—base pa rin sa kanyang pangangailangan. 

    Asahan mo ring maraming magreregalo sa inyo ng damit kaya naman baka hindi mo na kailangan pang bumili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Newborn shoes

    Bagamat cute tignan kung kumpleto ang outfit ni baby, hindi mo kakailanganin ng maraming newborn shoes. Hindi pa naman sila naglalakad. Sapat na ang ilang set ng medyas na may disenyo.

    Bigkis, bonnet, at sumbrero

    Ilang mga medical experts na ang nagbabala laban sa paggamit ng bigkis. Ayon sa kanila, walang scientific basis ang mga nailathala nang benepisyo nito. Sa halip, maaari pa nga itong magdulot ng panganib sa ating mga anak. 

    Kung talagang kinakailangan, bumili ka lamang ng ilang set o ilang piraso at siguraduhing hindi masyadong mahigpit ang pagkakalagay mo nito.

    Pagdating naman sa mga sombrero, bagaman maganda itong tignan sa mga bata, kadalasan ay naiirita lang sila kapag sinusuutan sila nito.

    More from Smart Parenting

    Plush at stuffed toys

    Cute talaga ang mga plush toys lalo na kung nangongolekta ka ng mga ito para sa iyong anak. Tandaan mo lang na pwede itong pamahayan ng alikabok at maaari ring maging dahilan ng allergy at iba pang karamdaman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas magandang mag-invest sa mga laruang makakatulong sa development ng inyong anak. Nariyan ang mga educational toys o 'di naman kaya ay mga charts at interactive puzzles.

    More from Smart Parenting

    Bilang mga nanay, wala tayong ibang hangad para sa ating mga anak kundi ang mga pinakamagagandang items lamang. Maging diapers man 'yan o baby wash o damit o kung ano pa man, hindi tayo pumapayag na hindi kumpleto ang mga gamit nila. 

    Gusto rin nating maging laging handa kung sakaling mayroon man silang kailanganin. Ngunit tandaan, hindi rin naman basta-basta ang ipinambibili mo sa mga gamit ng anak mo. Bukod pa riyan, marami na ring mga items na talaga namang mahal na sa mga panahong ito.

    Timbangin mo munang mabuti kung ano ang talagang kailangan ng anak mo bago ka bumili ng kung anu-ano. Sa ganitong paraan, makakatipid kayo ng pera na pwede ninyong ipambili ng ibang mas mahahalagang bagay.

    May mga baby items ka ba na pinagsisihan mong bilhin? Anu-ano ang mga ito? I-share lang sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles