embed embed2
  • Nakakatayo At Bahagyang Nakakahakbang Nang Walang Gabay, Iba Pang 10 Month Baby Milestones

    Ano pa ang mga inaasahang magagawa ni baby?
    by Dinalene Castañar-Babac .
Nakakatayo At Bahagyang Nakakahakbang Nang Walang Gabay, Iba Pang 10 Month Baby Milestones
PHOTO BY Freepik/jcomp
  • Paglipas ng 9 na buwan at pagsapit naman ng ika-10 ni baby, patuloy ang pagdebelop at pagtibay ng kanyang mga buto sa binti. Mas nagkakaroon din siya ng pagbabalanse ng bigat ng kaniyang katawan kaya naman nagagawa na ng mga baby sa edad na ito ang makatayo, makahakbang o makalakad nang walang tulong o gabay. Mas kailangan ng tutok na pagbabantay dahil higit din silang malikot at nagkikilos sa loob ng bahay.

    Isa rin sa pinakatampok sa 10 month baby milestones ang kanilang pagsusubok o pag-explore sa mga bagay-bagay na nasa kanilang paligid. Mas gusto nila ang paikot-ikot sa loob ng bahay sa pamamagitan ng paggapang, paghawak sa mga mesa o muwebes para makatayo sila, at kahit ang pagsubok sa pag-akyat sa mga upuan.

    Nasasabik din naman tayo at natutuwa talaga na masaksihan ang mga unang hakbang ng ating baby hanggang sa makalakad sila pero paalala pa rin sa atin ng mga pediatrician na magkakaiba-iba ang mga bata sa kanilang paglaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mula sa personal na karanasan ng writer na ito: Ang panganay kong anak ay nagsimulang maglakad ng 1 taon samantalang ang bunso ay 10 buwan nakagagawa na ng mas maraming hakbang na walang hawak o gabay.

    10 months baby milestones

    Sa ganitong edad, nagsisimula na ring ipakita ng mga baby ang kanilang personalidad. Nasasabik silang makipag-usap na rin sa iyo at mas maging expressive pa sa kanilang pakikipag-interact sa ibang tao. Nagagawa niyang ipakita ang kaniyang emosyon gaya ng pag-iyak kapag pinagsabihan o pinagbawalan na “hindi” puwede ang isang bagay.

    Narito ang kanilang nagagawa na batay sa guidelines ng Stanford Medicine Children’s Health:

    Physical milestones

    • Nagsusubok nang tumayong mag-isa
    • Nakauupo mula sa pagkakatayo
    • Nagkalalakad-lakad habang nakahawak sa muwebles
    • Nakatatayo sa tabi ng muwebles na hindi nakahawak dito
    • Nakalalakad nang nakahawak sa iyong kamay o daliri
    • Nagsisimula nang humakbang at maglakad nang mag-isa
    • Nakapaglalaro ng bola sa pagsalo at pagbalik nito na ipipagulong ang bola
    • Nakapupulot ng pagkain at maliliit na bagay gamit ang daliri
    • Nakakain nang mag-isa ng mga ‘finger foods’
    • Nakakainom sa sippy cup
    • Nakapaglilipat ng pahina mga libro
    • Napagbabangga ang mga bagay-bagay o laruan
    • Natutulog nang 2 beses sa isanga raw at nakakayang matulog nang hanggang 12 oras sa gabi nang walang pagdede
    • Nagigising sa gabi at hinahanap ang magulang
    • Nagpapatuloy ang paglabas ng mga ngipin
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Social milestones

    • Namimili ng taong sasamahan o laruan na gusto
    • Nagkakaroon ng takot sa ibang tao at mas gusto lang sa magulang sumama
    • Umiiyak kapag umaalis ang magulang o hindi nila nakikita
    • Nakakaway para magsabi ng ba-bye
    • Nakapipili ng paboritong laruan o bagay
    • Nagiging mas mausisa o curious at nagnanais na mag-explore
    • Nagsasayaw kapag nakaririnig ng musika o tugtog
    • Ibinabato ang bagay para kukin o ipakuha sa iba
    • Itinuturo ang mga bagay
    • Isinagawa ang isang kilos
    • Nagsisimula mag-pretend activities gaya ng paglilinis o pag-inom sa baso

    Communication milestones

    • Nakapagsasabi ng da-da at ma-ma at kilala rin ang mga ito
    • Nanggagaya ng mga tunog o sinasabi ng iba
    • Nakapagsasabi ng sagot o tugon gaya ng “uh oh”
    • Nangaggaya ng mga tunog ng hayop bilang sagot kapag tinanong  halimbawa: “Ano ang sabi ng baka?”
    • Nakagagawa ng simpleng senyas o kilos gaya ng pag-iling ng ulo para sabihin na “hindi”
    • Nakikilala ang mga pamilyar na bagay at larawan sa libro, naituturo na niya ang mga ito kapag tinanong siya “Nasaan ang _________?”
    • Nakasusunod ng isang utos ng magulag na ipinapakita sa bata kung paano ito gawin
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Activities para sa development ni baby

    Ang mga baby na nasa ganitong edad ay mas dumarami na ang development habang papalapit na sila sa pagiging isang taon. Mas marami na silang gustong gawin at higit na nagiging independent din sa paggawa ng mga bagay-bagay.

    Kapag gising sila, mapapansin mong walang tigil ang kanilang pagkilos. Higit din silang nagiging mausisa sa mga bagay-bagay. Kaya naman narito ang ilang tips na maaaring gawin para suportahan ang kanilang paglaki:

    1. Maglagay ng ligtas o safe na mga bagay sa drawer o mga estante na maabot ng iyong baby na puwede niyang paglaruan at i-explore. Nakapagdudulot ng pananabik sa kanila at nakapagpapataas ng kanilang tiwala sa sarili ang makahanap ng mga bagong bagay.

    2. Hindi kailangang bumili ng mamahaling laruan. Natutuwa na ang mga baby sa mga karton na walang laman o karton na pinag-ikutan ng toilet paper. Bigyan sila ng bagay na puwede nilang itupi, lukutin o punitin. Maaaring gumawa rin ng puppet, busy box, telephone toy at iba pang laruan mula sa mga recycled materials.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Kausapin nang mas madalas ang iyong baby at turuan siya sa pagsasabi ng mga salita gaya nga bye-bye, yes, no, opo. Ipakita rin sa kanila kung paano ang pagkaway, pagtango, at pag-iling.

    4. Ilabas ang iyong baby para mas masanay siya na makakita at makahalubilo ng ibang tao at mga bagay-bagay.

    5. Magpakita ng mga larawan at ituro sa kanilang ang pangalan o tawag ng mga nasa larawan. Mainam din na basahan sila ng kuwento araw-araw.

    6. Kapag may itinuro silang bagay, sabihin ang pangalan o tawag ng bagay na iyon habang ibinibigay o iniaabot sa kaniya ito.

    7. Bigyan sila ng mga finger foods at turuan din sila sa paggamit ng kutsara pero hayaan silang gawin ito nang mag-isa. Okay lang na magkalat sila dahil mahalaga ang pagsubok nila sa mga bagay para matuto.

    8. Kapag nagising sila sa kalagitnaan ng gabi, iwasan na buksan ang ilaw o makipag-usap sa kanila o tapikin sila. Mas mainam na sabihin sa kanila na gabi pa at oras pa ng pagtulog nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    9. Subukin din na iwan o lumayo sa iyong baby nang sandali kapag naglalaro siya at bumalik ka rin. Sa ganitong paraan, matuturuan mo siyang maunawaan na kahit mawala ka sa tabi niya, babalik ka pa rin.

    Dahil din natutuhan ni baby ang tumayo, humakbang, at paunti-unting lumakad, ipinapayo ng mga eksperto na mas mainam ang push walker kaysa sa baby walker para mas may nahahawakan sila at gabay sa paglalakad-lakad. (Basahin dito kung bakit hindi rekomendado ang baby walker.)

    Tiyak na magkakaroon din ng interes si baby sa pag-akyat sa mga hagdan kaya mas mainam na maglagay ng safety fence para maiwasan ang kanilang pag-akyat sa mga baytang ng hagdan.

    Sa kanilang mabilis na paglaki, bagaman mas nagiging independent na sila, higit na kailangan ng ni baby  baby ang suporta at gabay para maabot ang 10 month baby milestones at ang mga susunod pa.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    The Growing Child: 10 to 12 Monthshttps://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=the-growing-child-10-to-12-months-90-P02165

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Developmental Milestones Table, Washington University

    https://depts.washington.edu/dbpeds/Screening%20Tools/Devt%20Milestones%20Table%20%28B-6y%29%20PIR%20%28Jan2016%29.msg.pdf

    ---

    Basahin dito ang mga aabangan namang 11 month baby milestones.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close