embed embed2
  • Nakikipaglaro Sa Ibang Bata, Gumagaya Sa Mga Tunog, At Iba Pang 11 Month Baby Milestones

    Kaya na ni baby na pumulot ng mga bagay gamit ang kanyang thumb at forefinger.
    by Anna G. Miranda .
Nakikipaglaro Sa Ibang Bata, Gumagaya Sa Mga Tunog, At Iba Pang 11 Month Baby Milestones
PHOTO BY Freepik
  • Malapit nang mag-one year old si baby, isang buwan na lang! Napakarami na niyang kayang gawin, gaya ng naging infant milestones sa loob ng nakaraang mga buwan. Ang mga ito ang nakapagbibigay ng assurance sa iyo na on track ang kanyang development. Ano-ano nga ba ang inaasahang 11 month baby milestones?

    Ang developmental milestones ay set ng age-specific at validated checkpoints sa behavior at pisikal na pag-unlad ng mga bata. Ito ang mga kakayahan o skills na nagagawa na nila sa mga ispesipikong age range.

    Paglaki at pisikal na pagbabago

    Aktibo na ang iyong baby sa panahong ito. Nagsisimula na ring ma-develop ang kanyang gross motor skills at fine motor skills. Maaaring kaya na niyang gawin ang sumusunod:

    1. Gumapang

    Posibleng gumagapang na sa kama o sa play mats ang iyong baby. Kasama rin dito ang paggalaw at paglipat ng puwesto habang nakaupo.

    2. Tumayo

    Kaya na niyang gumamit ng mga bagay sa paligid katulad ng furniture upang makatayo. Mahalaga ang milestone na ito dahil inihahanda na siya sa paglalakad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Sumubok maglakad

    Kaya na niyang magpalipat-lipat ng puwesto sa tulong ng furniture at iba pang mga gamit sa loob ng bahay. Cruising ang tawag ng mga eksperto dito. Mahalagang tandaan na kanya-kanyang pace rin ang development ng babies at hindi lahat ay nagsisimula nang maglakad sa kanilang ika-11 na buwan.

    4. Maglaro at mag-explore

    Hilig na niyang maglaro gaya ng peek-a-boo. Higit ding nagiging curious at adventurous ang iyong baby kaya mas panay ang pag-iikot sa paligid.

    Ayon sa Children's Therapy & Family Resource Center, ang sumusunod ang mga kaya nang gawin ng 11-month-old baby:

    • Abutin, kunin, at ilagay ang mga bagay sa kanyang bibig
    • Kumurot sa mga maliliit na bagay (halimbawa Cheerios) gamit ang kanyang hinlalaki at pointer finger
    • Maglipat ng mga bagay mula sa isang kamay patungo sa isa pa
    • Maghulog at pumulot ng mga laruan
    • Pag-untugin ang dalawang bagay sa isa't isa
    • Bitiwan ang mga hawak na bagay nang sinasadya
    • Maglagay ng mga bagay sa loob ng containers at kunin ulit mula sa loob
    • Kumagat at ngumuya ng mga laruan
    • Humawak ng mga kutsara
    • Humawak ng sariling botelya
    • Magtaas ng kamay at binti kapag nagbibihis
    • Kumaway para mag-hello at magpaalam
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Cognitive development

    May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto. Kaya mas nagiging aware na rin si baby sa kanyang paligid. Kabilang sa cognitive developmental ng 11 month baby milestones ang sumusunod:

    1. Nauunawaan ang simpleng mga bagay na sinasabi mo katulad ng "come here" o "give me the toy"

    2. Nakikilala ang pamilyar na mga mukha at bagay. Kasama rito ang mga mukha ng mga magulang at ang paborito niyang mga laruan.

    3. Maglaro ng cause-and-effect toys. Nahihilig siya sa mga laruang may pinipindot para magkaroon ng tunog. Alam na rin niyang kapag hinulog niya ang bola, tatalbog ito sa sahig.

    4. Paggaya sa mga tunog at gestures na madalas niyang naririnig at nakikita.

    5. Natututuhan na rin niya ang object permanence. Nauunawaan niya na kahit hindi nakikita ang kanilang laruan, halimbawa, ay nakatago lamang ito at kailangang hanapin.

    Language development

    Ilan sa language at communication skills na natututunan ng iyong baby ang sumusunod:

    1. Babbling at gestures. Kasama rito ang pagkaway o waving at pagturo sa mga bagay sa paligid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Makapagsalita. Karaniwang sa buwang ito nasasabi ng 11-month old baby ang kanyang first words. Kasama rito ang "mama" o "papa."

    3. Alam na niya ang kanilang pangalan at may reaksyon na rin kapag naririnig ito.

    4. Nauunawaan ang simpleng mga salita tulad ng “yes” o "no."

    5. Nakahihiligan din niya ang pakikinig kapag binabasahan siya ng kuwento. Ito rin ang panahong nagsisimula na siyang magbuklat ng mga pahina ng aklat.

    Social at emotional development

    Kasama rin sa 11 month baby milestones ang sumusunod:

    1. Pagpapakita ng affection sa pamamagitan ng pagyakap at paghalik sa magulang

    2. Pakikipaglaro sa ibang mga bata

    3. Nakararanas ng separation anxiety

    4. Pag-explore sa kaniyang mga emosyon. Mas kapansin-pansin ang pagtawa at pag-iyak, depende sa sitwasyon

    5. Pagiging mas curious. Mas interesado na siya sa mga tao at lugar sa paligid

    Ganito ang tipikal na schedule para sa iyong 11-month-old baby, ayon sa The Bump:

    Umaga—feeding, playtime, meryenda, naptime

    Hapon—feeding, playtime, naptime, feeding, playtime

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gabi—feeding, playtime, bathtime, storytime

    Bago matulog—feeding, bedtime, sleep

    Mahahalagang paalala ng mga eksperto

    Dahil nagiging mas mobile at curious ang baby mo, importante ring sundin ang safety considerations na ito:

    1. Gawing baby-proof ang inyong tahanan. Kasama rito ang pagtakip sa electrical outlets, pag-lock sa cabinets at drawers, at siguruhing hindi mahuhulog o babagsak ang mga furniture sa bahay.

    2. Bantayan si baby sa kanyang paglalaro. Siguruhing hindi siya makakakain ng maliliit na laruan at iba pang potential hazards.

    3. Pagsunod sa safe sleep practices, tulad ng ang mga baby ay dapat na nakatihaya sa firm at flat na area na hindi maluwag ang bedding. Isa pa, malalambot lang dapat ang mga unan at iba pang bagay tulad ng mga laruan sa paligid.

    Paalala pa ng mga eksperto na general guide lamang ang milestones. Kailangan ang gabay ng doktor sa pagsusuri at pag-interpret sa mga nakikita mong pagbabago at development sa iyong anak. Hindi rin lahat ng mga bata ay nakasusunod sa tipikal na daloy o proseso ng pag-unlad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay Dr. Faith Alcazaren, isang pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts, esensyal ang developmental milestones para sa pediatricians. Nakapagsasabi kasi ang mga ito ng age-appropriate stimulus at environment na makatutulong sa development ng iyong anak.

    Nagsisilbi rin ang milestones bilang checkpoint upang matukoy kung mayroong red flags sa kanyang paglaki. Tandaan lamang na hindi rin dapat ma-stress ang mga magulang sakaling mayroong milestones na hindi pa naaabot ng kanilang anak.

    Paliwanag ni Dr. Alcazaren, “Most typical healthy children will be able to reach their milestones within the specified timeframe. Parents need to remember that babies and children will eventually reach their milestones at some point at their own pace."

    Paano mo matutulungan ang iyong anak?

    Narito ang mga rekomendasyon ng mga eksperto:

    1. Magpatuloy sa pakikipag-usap kay baby. Ipaalam sa kanya na nauunawaan mo siya kahit mga tunog pa lamang at maiikling salita ang kaya niyang sabihin tulad ng "mama."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Makatutulong din ang storytime para ma-develop ang imahinasyon ni baby at ang hilig niya sa pagbasa.

    3. Makipaglaro kay baby. Gumamit ng blocks, tactile toys, at iba pang interactive activities. Hikayatin din siyang matutong magpinta upang maging mas malikhain siya sa kanyang paglaki.

    4. Tulungan ang iyong anak sa pagkilos at pagtayo niya. Ito ang panahon na magsisimula na siyang maglakad. Siguruhing exploration-safe ang paligid.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Kapag kapansin-pansing hindi masaya ang iyong anak kapag may nakikitang mga taong pamilyar sa kanya

    • Walang eye contact
    • Hindi tumitigil sa pag-iyak
    • Hindi pa nagsisimulang gumalaw
    • Hindi pa nakauupo nang walang suporta mula sa iyo
    • Hindi pa nakapagba-babble o nakalilikha ng mga tunog kapag mayroong kumakausap sa kanya

    Mainam ang pagkonsulta sa doktor para magabayan ka tungkol sa age-appropriate support na maibibigay mo bilang magulang. Kailangan ding ikonsulta sa doktor ang tungkol sa mga bakuna para sa iyong baby upang mapanatili silang ligtas mula sa iba't ibang sakit. Makatutulong din ang patuloy na developmental screening upang higit ding mabantayan at ma-monitor ang paglaki ng anak higit pa sa 11 month baby milestones.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang baby milestones sa edad 12 months.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close