embed embed2
  • Kung Alam Ko Lang! 5 Ginawa Ko Sa Pangalawa Kong Anak Na 'Di Ko Ginawa Sa Una

    May pagkakaiba rin ba ang pagpapalaki mo sa iyong panganay at sa iyong bunso?
    by Ana Gonzales .
Kung Alam Ko Lang! 5 Ginawa Ko Sa Pangalawa Kong Anak Na 'Di Ko Ginawa Sa Una
PHOTO BY Shutterstock
  • Kapag first-time parent ka, malimit ang nagiging gabay mo lang sa pagiging magulang ay ang mga parenting books, websites, at parenting groups. Kaya naman hindi nakakapagtakang may mga magiging pagkakamali ka o may mga hindi ka magagawa para sa panganay mo.

    Pero kapag may pangalawa ka nang anak, dahil na rin sa iyong karanasan, mas alam mo na ang mga gagawin. Mas mawawala na rin ang takot mo pagdating sa pagdedesisyon.

    Naaalala mo pa ba ang mga parenting rules na itinalaga mo sa iyong sarili noong first-time mom ka pa lang? Natatandaan mo rin ba kung gaano mo kabilis na sinuway ang mga parenting rules na iyon nang magkaroon ka ng pangalawang anak?

    Narito ang ilan sa pagkakaiba ng pagpapalaki mo sa iyong panganay at sa iyong pangalawang anak:

    Nagbigay ka ng sugary treats

    Kung sa panganay mo, bawal na bawal ang asukal, sa pangalawa mong anak, alam mo na kung aling age-appropriate sugary treats ang pwedeng ibigay sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pangalawang pagkakataon kasi, mas alam mo na kung anong magiging epekto ng sugary treats na ibibigay mo.

    Hindi ka na mahigpit sa mga naps

    Dati, bawal na bawal ang hindi natutulog sa hapon o hindi nagna-nap. Sa pangalawa mong baby, hindi ka na takot na hindi siya umiidlip. Alam mo na kasi na wala iyan sa tagal o dalas ng tulog, kundi sa kalidad nito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi ka na takot hayaan siyang maglaro

    Hindi ka masisisi ng iba kung naging talagang maingat ka sa panganay mo. Nakakatakot nga namang hayaan siyang maglaro ng mga hindi naman laruan.

    Pero sa pangalawang anak mo, alam mo nang okay lang (at maganda rin) na naglalaro siya ng mga everyday things o iyong mga ordinaryong bagay na makikita mo lang sa bahay.

    Ngayon kasi, alam mo nang may maganda ring maidudulot sa anak mo ang paglalaro at page-explore kahit hindi laruan ang gamit niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Okay na sa iyo ang mga hand-me-downs

    Bago ba lahat ng mga gamit ng panganay mo? Normal lang 'yan. Exciting din kasing mamili ng mga gamit ni baby kaya hangga't maaari ay bago ang ibinibigay natin.

    Ngayon sa pangalawa mo, alam mo nang mabilis lang lumaki ang mga bata at hindi nila kailangan ng napakaraming damit.

    Ngayon din ay alam mo nang malaki ang matitipid mo kung gagamit ka ng mga hand-me-downs para sa mga anak mo—mailalaan mo ang mga matitipid mong ito para sa ibang bagay.

    Hindi ka na takot sa sasabihin ng iba

    O kung may takot ka man, malaki na ang nabawas dito dahil na rin sa experience na naipon mo mula sa pagpapalaki mo sa iyong panganay.

    Malaki talaga ang magiging pagbabago ng pagpapalaki mo sa pangalawa mong anak kung ikukumpara sa pagpapalaki mo sa panganay mo. Sabi nga nila, experience is the best teacher kaya huwag magtaka kung mas may alam ka na ngayon kumpara sa dati.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong pinagkaiba ng pagpapalaki mo sa panganay mo kumpara sa bunso mo? I-share mo na Iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles