-
5 Trendy Baby Girl Baptism Dress Na Pwedeng Gamitin Ulit
- Shares
- Comments

Importante ang kasuotan ng bata sa binyag, hindi lang para cute siyang tignan kundi dahil na rin sa ibig sabihin ng kanyang kasuotan. Ayon sa tradisyon, isang mahalagang simbolo sa binyag ng bata ang kanyang damit. Base sa mga nakaugalian na noon pa, hangga't maaari ay regalo o bigay ng ninong o ninang ang isusuot ng bata. Hindi rin ito maaaring ibenta ng mga magulang o ipamigay sa ibang tao.
Bukod pa riyan, ang tradisyonal na kulay ng damit ng binyag ay puti—sumisimbulo kasi ito ng kadalisayan. Ngunit, sa paglipas na rin ng panahon, unti-unti nang nagbago ito. Pinapayagan na rin ng ilang mga simbahan na magsuot ang mga bibinyagan ng mga damit na iba ang kulay.
What other parents are reading
Una mong kailangang i-klaro sa simbahan ay kung pwede bang magsuot ang anak mo ng ibang variety ng baptismal gown. Mayroon kasing mga simbahan na hindi pumapayag na hindi nakasuot ng tradisyonal na baptismal gown ang mga batang bibinyagan. Kapag nalinaw mo na ito sa simbahan, pwedeng-pwede ka nang mamili ng ibang klase ng baby girl baptism dress.
Kalimitan kasi ay hindi na nagagamit ulit ang mga baptism dresses. Sayang naman, lalo na kung mamahalin ito. Ang ibang mga magulang, pinipiling ibenta ang mga nagamit nang baptism dresses ng kanilang mga anak. Bagaman praktikal ito, magandang ideya rin kung bibili ka ng baptism dress na pwede pang isuot muli ng iyong baby girl. Narito ang ilan sa mga varieties na pwede mong pagpilian:
1. Pink and white tulle dress mula sa SM Babies
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi ka mauubusan ng pagpipilian sa SM Department Store. Kalimitan, nagkakahalaga ng mula sa Php400 hanggang Php800 ang kanilang mga dresses. Ngunit, kapag may clearance sale, bumababa ito ng hanggang Php200.
Good choice ang mga dresses na may tulle o iyong tela na parang net, dahil timeless at elegante itong tignan. Palitan mo lang ang shoes ng baby mo, pwede na niya itong isuot sa party o kahit sa mga araw ng Linggo na nagsisimba kayo.
Alam niyo bang may sarili nang linya ng baptism gowns ang SM Department Store? Ito ang Trajecitos de Bebe.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHindi lang basta puti ang kanilang mga damit, mayroong baby pink, blue, at iba pa.
Available ang Trajecitos de Bebe collection nila sa infant wear department ng SM Stores sa Cubao, Makati, North Edsa, Ortigas, Fairview, Marikina, Manila, South Mall, San Lazaro at Mall of Asia. Sa probinsya naman ay sa SM Stores sa Cebu, Pampanga, Clark, Iloilo, Batangas, Lipa, Naga at Calamba.
What other parents are reading
2. Baptism and birthday dress mula sa Lazada
Halos lahat talaga ngayon ay mabibili mo na online. Kaya naman hindi nakapagtatakang makakahanap ka ng magagandang baptism dresses sa Lazada.
Ang maganda sa damit na ito, pwede mo pa itong gamitin para sa birthday ni baby na princess-themed.
Pwede mong orderin ang damit na ito sa kisskiss baby sa Lazada para sa halagang P892.PHOTO BY Lazada/kisskiss babyADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSiguraduhin mo lang na maaga kang oorder online para dumatin ito bago pa ang araw ng mismong binyag ng iyong anak.
What other parents are reading
3. Cute na terno mula sa Periwinkle
Marami ka ring makikitang magaganda at matitibay na mga damit mula sa Periwinkle.
Timeless din ang kanilang mga designs—ibig sabihin, pwede mo pang gamitin para sa ibang okasyon at pagkakataon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaaring umorder sa kanilang online store o kaya naman ay sadyaing ang kanilang mga botiques. Mayroon silang mga branches sa Robinson's Magnolia, SM Mall of Asia, Trinoma, SM Megamall, at Robinson's Manila Midtown. Marami pang ibang branches na nakalista sa kanilang website.
What other parents are reading
4. Classic baby girl baptism dresses mula sa Ines Moda Infantil
Kung mas gusto mo pa rin iyong mga classic na baptism dresses o iyong mga varities na medyo tradisyonal, makakahanap ka niyan sa Ines Moda Infantil (Facebook: @inesmodainfantilph).
Maaari ring magpa-customize sa kanila ng mga designs para match sa theme na gusto mo ang damit ng anak mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGumagawa rin sila ng hand-embroidered monogramming kaya siguradong magiging elegante ang damit ng anak mo sa kanyang binyag. Hindi rin naluluma ang style ng mga damit nila, kaya kahit na paulit-ulit itong isuot ng iyong anak, hindi ito mawawala sa uso.
5. Floral dresses mula sa Chibifashionistas
Isa sa mga kilalang gumagawa ng custom gowns for all occasions para sa mga baby girl ang Chibifashionistas. Karaniwang mga made to order ang kanilang mga dresses at isang magandang inooffer nila ay ang rush orders. Kung sa tingin niyo ay gahol na kayo sa oras para sa isusuot ng inyong anak sa kanyang binyag, itong shop na ito ang kasagutan sa inyong problema.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami rin silang mga baby girl baptism dresses na ready-to-wear na. Pwede kang makapamili ng mga ito sa shops nila sa Pinagbarilan, Baliuag Bulacan. Pwede mo ring bisitahin ang kanilang Facebook page na @chibifashionistas. Talaga namang cute na cute ang kanilang mga designs at hindi lang din gown ang mayroon sila.
Kung ayaw mo namang bumili, maraming mga stores online na tumatanggap ng pagawa ng customized baby girl baptism dresses. May iba pa ngang mga nanay na pinipiling gamitin ang tela mula sa kanilang wedding dress para gawing baptism dress ng kanilang anak.
May iba naman na taliwas sa tradisyon ang ginagawa. May mga pamilyang mas pinipiling gumamit ng baptism dresses na mula sa lolo at lola—vintage kung maituturing, ngunit magandang pamana sa mga bata.
Tandaan lang na ang pinakamahalagang bahagi ng binyag ng iyong anak ay hindi ang kanyang damit, kundi ang sermenoya ng pagiging bahagi niya ng relihiyong inyong kinabibilangan. Kahit anong damit ang mapili mo para sa iyong anak, pamana man 'yan, ipinagawa, binigay, o binili, ang mahalaga ay magiging bahagi na siya ng inyong pananampalataya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung tutuusin, mas importante pa ngang maging mapili sa mga ninong at ninang ng anak mo, dahil sila ang makakatuwang mo sa pagpapalaki at pag-gabay sa iyong anak. Hindi na baleng simple lang ang suot at ang handaan. Basta't ang mahalaga ay maging makabuluhan ang okasyon para sa lahat ng mga dadalo. Mas importanteng mapalaki ang bata na mabait, may takot sa Diyos, at may respeto sa kapwa.
What other parents are reading

- Shares
- Comments