-
Nakagagapang Pabalik-Balik, Tumititig Kapag Kinakausap, At Iba Pang 7 Month Old Milestones
Bahagi ng developmental milestones ang paggaya ni baby sa mga tunog.
- Shares
- Comments

Isa sa mga inaabangan nating mga mommy ang patuloy na development ng ating mga baby habang sila ay lumalaki. Ayaw nating ma-miss o hindi masaksihan ang mga bahagi ng kanilang development, tulad ng 7 month old milestones. Proud tayo kahit sa iilang bagay na nakakaya na nilang gawin.
Sa buwang ito, mas marami nang kayang gawin ang iyong baby na nakatutuwa at nakaaaliw. Siyempre isa sa inaabangan natin, ang first word o ang kakayahan na nilang makagawa ng mga tunog. Natutuwa rin tayong mga mommy na panoorin ang ating mga baby na nakikipag-interact sa atin at sa ibang tao.
Ayon sa Stanford Medicine Children’s Health, nagagawa na ng 7 months baby ang paggawa ng 2 pantig o syllables na mga tunog gaya ng ma-ma, da-da. Maririnig din silang bumubuo ng ilang mga tunog na may patinig. Ginagaya o inuulit din nila ang tunog na ginagawa ng iba na naririnig nila.
Bagaman, nae-excite tayong mga mommy sa ganitong development ng mga baby, laging paalala ng mga pediatrician na magkakaiba-iba ang paglaki at karanasan ng bawat baby. Mahalaga pa rin ang pagsangguni sa inyong doktor para matiyak na nasa tama ang paglaki ng iyong anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi rin magkakapareho o sabay ang lalaki at babae sa kanilang paglaki. Gaya sa timbang, may 1 pound kada buwan ang nadaragdag sa kanila pero karaniwang mas mabigat ng 1/2 pound ang lalaki kaysa sa babae.
7 month old milestones
Sa ganitong edad ng iyong baby, mabilis ang pagdebelop ng kanilang physical activities. Mas nagiging malikot na sila kaya mahalaga ang higit na pagbabantay sa kanilang kilos. Narito ang kanilang nagagawa na batay sa pamantayan ng Stanford Medicine Children’s Health:
Physical milestones
- Nakagugulong nang pababalik-balik
- Nakauupo sa tulong ng kamay na walang tulong galing sa iba
- Nakapagkuyakoy ng paa
- Nakagagapang nang pabalik-balik
- Nagsisimula nang tumayo paunti-unti pero natutumba pa
- Naaabot at nahahawakan ang mga bagay nang buong kamay
- Nahahawakan ang bagay sa magkabilang kamay
- Nakakayang humawak ng bote ng gatas
- Lumalabas na ang 2 ngipin sa harapan ng ibabang bagang, 2 sa gitna ng itaas na bagang
- Natututo nang uminom sa cup
- Sinusubo ang anumang mahawakan
- Natutulog ng dalawang beses, minsan 3 beses sa isang araw nang 1 hanggang 2 oras
- Nagsisimulang magising sa kalagitnaan ng gabi at umiiyak
CONTINUE READING BELOWwatch nowSocial milestones
- Nakapaglalaro na ng peek-a-boo
- Nagsisimula nang makipaglaro ng mga laruan pero pinupokpok pa ito sa mesa o sahig
Communication milestones
- Nakatutugon kapag tinatawag o kapag sinabihan nang “hindi”
- Nakatutok ang atensyon kapag kinakausap
- Nauunawaan ang simpleng salita gaya ng “kain”
- Mas gustong sumasama kay mommy kaysa sa ibang tao sa bahay
- Natutuwang makita ang sarili sa salamin
- Natatakot sa ibang tao o hindi nila kilala
- Nakatutugon sa pagbabago ng emosyon ng iba gaya ng pag galit ka, puwedeng umiyak siya
- Nagpapakita ng pagkagusto at pagkaayaw sa pagkain
- Nakakukuha ng atensyon gaya sa pag-ubo o pagbahing
- Nagsisimulang maunawaan ang mga bagay sa kaniyang paligid
- Nakapagbubukas na ng mga laruan na nakasara
- Nakasusunod na sa mga utos na may kasamang senyas gaya ng “kunin ang bola”
Activities para sa development ni baby
Dahil nagagawa na ng iyong baby ang unti-unting pagbigkas ng mga tunog at nakakaya na rin niyang gumaya ng mga tunog na naririnig, mahalaga ang papel ng mga magulang para sa patuloy na development nila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKabilang sa 7 month old milestones ang makipag-usap sa pagbuo ng tunog sa patinig o vowel gaya ng “o” at “a” at nagsisimula na rin silang umusal ng mga tunog ng katinig o consonant gaya ng “mmmmm” at “bbb.”
Kaya naman mas mabuti kung:
1. Kausapin sila nang mas madalas
2. Subukin na ipaulit sa kanila ang ilang mga simpleng salita
3. Basahan sila ng mga libro o magpakita ng mga larawan ng mga bagay
4. Kantahan sila ng mga nursery rhymes
5. Hayaan silang makinig ng mga nursery rhymes music
Bukod pa rito, narito ang ilan pang gawain na makatutulong sa pagpapalaki sa iyong baby:
1. Mahilig sa mga bagay at laruan na may iba’t ibang hugit, kulay, laki at texture kaya maaaring bigyan sila ng mga bagay na makikita sa bahay. Hindi kailangang bilhan sila ng maraming laruan. Maaaring bigyan ng magazine o libro na makukulay ang larawan.
2. Mahilig din sila sa mga bagay na gumagawa ng tunog. Maaaring gumawa ng laruan na tumutunog o kaya pag-inaalog nila tumutunog ito. Maaaring bigyan sila ng mga gamit sa kusina gaya ng kaldero, kawali o kutsara. Tiyakin lamang ang kanilang kaligtasan sa paghawak sa mga bagay na ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaan na mas malikot na sila sa edad na ito kaya mahalagang safe ang kanilang paligid para sa kanilang pag-explore ng mga bagay.
3. Makatutulong din sa iyong baby ang paglalabas sa kanila ng bahay, Paglalakad-lakad sa labas para makakita sila ng ibang tao at makakasalamuha ng ibang baby o bata. Hayaan din silang makipaglaro sa ibang bata.
4. Magkaroon ng bedtime routine na nakaka-relax sa kanila para sa mahimbing na tulog.
5. Ipagpatuloy ang pagbibigay ng solid food pero huwag ipilit ang pagkain kapag hindi nila gusto.
6. Hayaan din sila magtampisaw at maglaro sa tubig habang naliligo para ma-enjoy nila ito.
7. Maglaan ng oras na makipaglaro din sa kanila.
Kabilang din sa 7 month old milestones ang pagiging mas mas aktibo ni baby kumpara sa mga nagdaang buwan at talagang nangangailangan ng mas tutok na pag-aalaga. Mas nagiging malikot sila at mas maraming bagay ang gustong gawin, subukin o i-explore din kasi kaya mahalagang bantayan silang mabuti at tiyaking ligtas ang kanilang ginagalawan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW---
Mga pinagkunan ng impormasyon:
The Growing Child: 7 to 9 Months
https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=the-growing-child-7-to-9-months-90-P02168
Developmental Milestones Table, Washington University
---
Handa na si baby sa susunod na hakbang? Basahin dito ang 8 month old milestones.
What other parents are reading

- Shares
- Comments