embed embed2
  • Sumusubok Tumayo, Pumupulot Ng Mga Bagay, At Iba Pang 8 Month Old Milestones Ni Baby

    Curious sa kanyang paligid ang iyong 8-month-old baby.
    by Anna G. Miranda .
Sumusubok Tumayo, Pumupulot Ng Mga Bagay, At Iba Pang 8 Month Old Milestones Ni Baby
PHOTO BY partystock on Freepik
  • Napaka-exciting talaga ng bagong kabanata sa buhay mo bilang new mommy. Kasama sa mga hamon nito ang pag-aalaga sa iyong baby lalo’t napakaraming inaasahan at pagdaraanan. Ilan sa mga ito ang 8-month-old milestones at iba pang mga pagbabago habang ang iyong baby ay lumalaki.

    Narito ang mga inasahang developmental milestones para sa ika-8 buwan ng iyong anak:

    Paglaki at pisikal na pagbabago

    Ano nga ba ang timbang at gaano kahaba ang 8-month-old baby? Ayon sa Baby Center, sa ganitong edad, ang timbang ng babies ay maaari ding paiba-iba. Narito ang ilang detalye tungkol sa dalawa sa kanilang pisikal na katangian:

    • Baby boys

    Average weight: 18 pounds 15 oz

    Average length: 27 3/4 inches

    • Baby girls

    Average weight: 17 pounds 7 oz

    Average length: 27 inches

    Milestones

    • Nakagagapang
    • Nakauupo nang mag-isa
    • Sumusubok nang tumayo
    • Nakapagro-roll over o nakagugulong

    Ayon sa guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), kaya na ring umupo ng isang 8-month-old baby nang walang suporta mula sa iba, kahit mula sa posisyong nakahiga. Isa ring milestone ang pagngingipin (baby teething). 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga dapat tandaan

    1. Kailangang siguruhing exploration-safe para sa iyong baby ang mga lugar sa inyong bahay. I-secure nang mabuti ang mga area kung saan siya madalas na natutulog at naglalaro.

    2. Mahalagang bantayan ang iyong baby upang maiwasan ang pagtumba niya at iba pang mga aksidente.

    Motor skills

    Tinatawag din ang motor development bilang physical development. Ibig sabihin nito ang physical maturity ni baby, mula sa paglakas ng mga buto at muscle hanggang sa paggawa ng mga galaw na siyang paraan niya para sa interaction.

    Milestones

    • Nakahahawak at nalilipat na ang mga bagay gamit ang kanilang mga kamay (pincer grasp)
    • Nakapupulot na rin ng maliliit na bagay at nailalagay ang mga ito sa kanilang bibig
    • Pagtuturo (pointing) sa mga bagay, tao, hayop, at mga lugar sa paligid

    Mga dapat tandaan

    1. Makatutulong ang angkop na mga laruan para sa iyong baby. Soft blocks ang ilan sa mga ito.

    2. Safe toys at safe place ang pinakamahalaga habang hinihikayat ang baby na makapaglaro na rin nang mag-isa.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    3. Makatutulong ang pagpapakilala ng finger foods sa kanya.

    Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang masusustansyang pagkain kagaya ng prutas, gulay, whole grains, at protina. Maaari ding magsimula sa paunti-unti upang malaman kung may allergic reactions dito ang iyong baby.

    Language development

    Kabilang sa 8 month old milestones ni baby ang mga sumusunod:

    • Nakagagawa na ng iba't ibang mga tunog
    • Nagsisimulang magsalita tulad ng "mama" o "papa"
    • Nakikilala ang sariling pangalan at mga pangalan ng mga tao at bagay sa kanilang paligid

    Mga dapat tandaan

    1. Makatutulong sa iyong baby ang madalas na pakikipag-usap sa kanya.

    2. Bahagi ng pagkatuto ng wika ang pagtawag o pagbibigay ng label sa mga bagay sa paligid kapag nakatingin o nakahawak dito ang iyong anak.

    3. Ang mga simple at paulit-ulit ding phrases ang epektibo upang matuto ang baby ng bagong mga salita.

    Social at emotional development

    Ilan sa mga paraan ng komunikasyon sa babies ang mga tunog, gestures, at facial expressions. Kasama sa kanyang 8 month old milestones ang sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Nagsisimulang magpakita ng preferences sa mga tao, laruan, o iba pang bagay
    • Nagsisimulang makaranas ng separation anxiety kapag aalis o iiwan siya sa crib
    • Nakapagpapakita na rin ng mga emosyon gaya ng galak, frustration, at galit
    • Pagkakaroon ng paboritong bagay tulad ng blanket, laruan, o stuffed toy
    • Stranger anxiety at separation anxiety

    Mga dapat tandaan

    1. Maging responsive sa kanyang nararamdaman.

    2. Kapag umiiyak si baby, sikaping intindihin kung ano ang kailangan at ibigay ito kagaya ng gatas o kung dapat palitan ang diaper.

    3. Malaking tulong din ang interaction sa iba pang babies at adults upang mapabuti ang social development ng iyong anak.

    Cognitive development

    May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto. Sa panahong ito, curious sa lahat ng bagay ang iyong 8-month-old baby. Tandaan ding sadyang maikli ang kanyang attention span.

    Milestones

    • Nauunawaan ang cause-and-effect relationships
    • Nakaaalala ng simpleng routines kagaya ng pagkain at paglalaro
    • Malaking tulong ang mga laruan kagaya ng puzzles at block towers
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga dapat tandaan

    1. Higit na makabubuti kung may consistent routine ang iyong baby katulad ng regular na naptime at bedtime routines. Nakadaragdag kasi ito sa pakiramdam niya na siya ay ligtas sa inyong tahanan, kasama ang pamilya.

    2. Maaari na ring simulan ang koleksyon ng mga aklat at laruang makapagpapabuti sa kanyang cognitive at social development.

    3. Exploration at problem-solving skills din ang maaaring tutukan sa panahong ito.

    Ilan pang paalala sa 8 month old milestones

    Talagang iba't iba ang mga pagbabago at milestones sa bawat panahon ng buhay ng babies. Maaari ding magkakaiba ito sa iilan kaya hindi rin dapat ikumpara ang iyong baby sa iba. May kanya-kanya bilis, o pace, ang bawat baby.

    Tandaan ding general guide lamang ang milestones at kailangan ang gabay ng doktor sa pagsusuri at pag-interpret sa mga nakikita mong pagbabago at development sa iyong anak. Hindi rin lahat ng mga bata ay nakasusunod sa tipikal na daloy o proseso ng pag-unlad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainam ang pagkonsulta sa doktor para magabayan ka tungkol sa age-appropriate support na maibibigay mo bilang magulang. Kailangan ding ikonsulta sa doktor ang tungkol sa mga bakuna para sa iyong baby upang mapanatili silang ligtas mula sa iba't ibang sakit. Makatutulong din ang patuloy na developmental screening upang higit ding mabantayan at ma-monitor ang development ng iyong baby.

    Sana ay makatulong ang mga payo at guidelines na ito upang mapanatiling malusog, masaya, at malakas ang iyong anak at ma-enjoy ng buong pamilya ang kanyang 8-month old milestones.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor

    Mainam na kumonsulta sa iyong doktor kung ang iyong baby ay:

    • Walang eye contact
    • Hindi nagpapakita o pagbibigay ng reaksyon kapag tinatawag mo siya o kapag naririnig ang kanyang pangalan
    • Hindi kumakaway (waving)
    • Hindi hinahanap ang bagay na tinatago mo kapag naglalaro kayo
    • Hindi paggapang o pag-upo nang walang suporta

    Basahin dito ang baby milestones ng 9 months.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close