embed embed2
  • Walang Mag-Aalaga Kay Baby? Isang Dad Ang Nagtayo Ng 24-Hour Child Care Service

    Mayroon silang center-based at in-home childcare service depende sa iyong pangangailangan.
    by Ana Gonzales .
Walang Mag-Aalaga Kay Baby? Isang Dad Ang Nagtayo Ng 24-Hour Child Care Service
PHOTO BY iStock
  • Maraming aspeto ng pagiging magulang ang unpredictable. Isa na riyan ang paghahanap at pagkakaroon ng kasambahay o iyong katuwang mo sa pag-aalaga sa iyong mga anak. Bukod kasi sa mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaang yaya, challenging din na masigurong hindi sila biglang aalis.

    Alam na alam ni daddy Archie Arizo ang pakiramdam ng experience na 'yan. Katulad ng maraming mga magulang, nahirapan din silang mag-asawa na maghanap ng yaya na makakatulong nila sa pag-aalaga sa kanilang tatlong anak.

    More from Smart Parenting

    "Alam namin na hindi talaga namin hawak ang ugali ng mga yaya," kwento niya. Relate ang mga nanay diyan dahil hindi natin kontrolado ang mga balak nila sa buhay. "Most often, bigla na lang aalis o hindi na babalik kapag day off nila," dagdag pa niya. "Ramdam namin 'yan dati—kinakabahan ka kung babalik pa ba," pagpapatuloy niya. "Apektado ka sa work, quality time ninyong mag-asawa. Lahat magiging complicated na."

    Kaya naman binuo nila ang Amuma Childcare Services. Hango ito sa Visayan word na Aruga na ang ibig sabihin ay 'to nurture with tender, loving care'. Kasalukuyang owner at general manager ng Amuma si daddy Archie. Mayroon silang 24/7 childcare services na pwede para sa mga infants hanggang sa mga babies edad isang buwan hanggang siyam na taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga serbisyong mayroon sila?

    Ayon kay daddy Archie, purely childminding at basic playgroup activities ang inooffer nila. "Kung ano ginagawa nila yaya at mommy kay baby sa bahay, 'yan din ang ginagawa namin in a safe, clean, and comfortable environment," paliwanag niya. "Ang advantage kasi sa ganitong setup, naeexpose si baby sa ibang mga bata at a very young age." Nakakatulong ito para madevelop ang kanyang social skills. Kung hindi kasi ma-screen ng tama ang makukuha ninyong yaya sa bahay, hindi kayo makakasiguro na hindi kung anu-ano ang maririnig at matututunan ni baby.

    Narito ang kanilang mga rates:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung miyembro ka, malaki ang maaari mong makuhang discount. Ang Php8,000 na basic package ay pwede mong makuha sa halagang Php7,000. Kung non-member ka, Php9,500 ang halaga ng kanilang basic package.

    More from Smart Parenting

    Ligtas ba sa Amuma?

    "Mas comprehensive and screening process," pagsisimula ni daddy. "Hindi hamak na mas malaki ang pasahod kaysa sa mga usual na mga yaya." Ayon pa kay daddy, stay out ang mga empleyado nila. "Gusto kasi ng mg workers ngayon na stay out sila para recharged din sila," paliwanag ni daddy. Kwento pa ni daddy, nakafocus lang sa mga bata ang mga carers sa Amuma kaya mas mahaba ang kanilang mga pasensya. "Kasi kadalasan ang mga yaya natin sa bahay ay naglalaba pa, nagluluto, naglilinis. So kumbaga [nabawasan] na talaga ang pasensya ni yaya kay baby dahil sa pagod," sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni daddy, flexible ang mga inooffer na serbisyo at packages sa Amuma. Mayroon silang day care at night care. "May hourly, daily, weekly and monthly.  May basic playgroup activities din po tayo para sa kanila," sabi ni daddy. Ano man ang pangangailangan ninyo, biglaan man 'yan o hindi ay pwede kayong tumawag sa Amuma.

    More from Smart Parenting

    Bukod pa sa mahabang pasensya, ang mga childcare assistants sa Amuma ay mayroon pang iba't-ibang dinaanan na training:

    • mandatory comprehensive health, security, at psychological checkups
    • intensive First Aid training mula sa Red Cross
    • seminar on Child Abuse: Its Scopes and Consequences na pinangunahan ng company lawyer

    Mayroon ding basis first aid kit ang bawat carer bukod pa sa child-appropriate toys na ibibigay sa kanila depende sa edad ng batang ma-aassign sa kanila.

    More from Smart Parenting

    Para kanino ang Amuma?

    Pwede kang tumawag sa Amuma kung kailangan mo ng tulong sa pag-aalaga sa mga anak mo kung may sakit sila. Pwede ka ring humingi ng tulong kung biglang umalis ng walang paalam ang yaya ninyo o 'di naman kaya ay may biglaan kang lakad at wala kang mapag-iiwanan kay baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasubukan mo na bang paalagaan si baby sa Amuma? Kumusta ang inyong experience? I-share mo lang sa comments section. Mayroon ka pa bang ibang alam na childcare services? Pwede mong i-share 'yan sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Mayroong dalawang braches ang Amuma. 

    3F Unit 3U Pacific Square Bldg
    F Cabahug St. Mabolo, Cebu City
    0917 626 6922

    G|F Unit A Panganiban Bldg
    7677 Coronado St Guadalupe Viejo Makati City
    Near Guadalupe MRT
    0917 702 2854


    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles