embed embed2
  • Ang Puwede Ipakain Kay Baby Simula Sa Edad 6 Months (Handa Na Ba Siya Sa Solid Food?)

    Kapag daw kulang ang bata sa nutrisyon, magiging balakid iyon sa kanyang paglaki.
    by Jocelyn Valle .
Ang Puwede Ipakain Kay Baby Simula Sa Edad 6 Months (Handa Na Ba Siya Sa Solid Food?)
PHOTO BY iStock
  • Sa pagtungtong ng sanggol sa ika-6 na buwan, mapapansin ang mabilis niyang paglaki at pagkilos. Magsisimula na ring tumubo ang kanyang mga ngipin para maging handa sa pagsubok ng iba’t-ibang pagkain. Kaya kailangan ng magulang na alamin kung ano pwede ipakain sa baby na 6 months.

    Hindi na dapat nakadepende lamang sa breast milk ang sanggol sa ganitong edad, ayon sa World Health Organization (WHO) — panahon na para sa solid food. Paliwanag pa ng WHO na ang panahon mula pagkasilang hanggang 2 taon ay “critical window” para makamit ng sanggol ang “optimal growth, health, and behavioral development.”

    Kapag daw kulang ang bata sa nutrisyon, magiging balakid iyon sa kanyang paglaki at maaari pang maging sanhi ng problema sa kanyang kalusugan. Halimbawa nito ang “delayed mental and motor development” na baka hindi na matugunan kapag dating niya sa dalawang taong gulang.

    What other parents are reading

    Paano malalaman kapag puwede na pakainin ng solid food si Baby 

    Ngunit bago simulan ng magulang ang pagbibigay ng solid food sa anak, tiyakin muna na handa na talaga ang bata. Nakasaad sa American Academy of Pediatrics (AAP) guidebook, na may pamagat na Nutrition: What Every Parent Needs to Know, ang ilang panuntunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Para makasiguro, obserbahan ang sanggol kung kaya na niyang gawin ang mga sumusunod:
    • Panatiliing nakataas ang ulo. Kailangan kasi siyang paupuin habang pinapakain kaya importante na hindi siya nakatungo.
    • Bumubuka ang bibig kapag sinusubuan. Ibig sabihin gusto na niyang kumain, lalo na kung inaabot na niya ang pagkain at excited siya pag nakakakita ng pagkain.
    • Marahil sa simula ay iluwa niya ang pagkain, pero normal itong nangyayari. Makakatulong na tunawin muna ang pagkain na parang tubig bago unti-unting ipasubok ang totoong itsura nito.
    • Marating ang tamang laki at bigat. Sakto na ang 13 pounds o kaya ay doble ng una niyang timbang. 
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ano ang dapat ipakain kay Baby na 6 months old

    Kung handa na talaga si baby sa solid food, maaari nang simulan ng magulang ang pagbibigay ng pagkain. Wala namang partikular na pagkain na kailangang unahin, sabi ng AAP, pero dapat isang uri lang muna ng pagkain.

    Gulay, karne, o itlog

    Ang unang pagkain ng sanggol ay maaaring gulay, karne, o itlog. Tandaan lang na huwag lagyan ng asin ang pagkain ni baby. Hindi pa kasi fully developed ang kanyang kidney kaya wala pa siyang kakayanan na tunawin ang asin sa katawan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iwasan din ang honey

    May mga bacteria kasi ang honey na ang tawag ay Clostridium botulinum, na kayang gumawa ng lason sa bituka ng sanggol. Dahil dito, baka mahirapan siyang dumumi o mawalan ng ganang kumain. Sa malalang sitwasyon, maaari siyang magkasakit ng infant botulism, pneumonia, o dehydration.

    Bawal muna ang popcorn at ubas 

    Hindi rin rekomendado ang popcorn, ubas, at pagkaing may jelly o ano mang madikit, madulas, matigas, makapal, at bilugan dahil baka mabilaukan si baby. Isama din sa listahan ng bawal ang hilaw o di kaya kulang sa luto na pagkain.

    Isda

    Ang isda naman, ayon sa U.S. Food and Drug Administration (FDA), ay para sa older kids, simula 2 years old. Basahin ang guideline na ito kung anong klaseng isda at gaano karami ang puwedeng kainin.

    What other parents are reading

    Paano pakainin si Baby ng solid food

    Sa simula, bigyan ang sanggol ng dalawa hanggang tatlong kutsara ng solid food at unti-unting damihan ito hanggang isang tasa na 250 ml. Puwede din siyang bigyan ng merienda o snack kung magana siyang kumain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May payo ang AAP para hindi masyadong mag-adjust si baby sa solid food. Umpisahan daw ng magulang na bigyan ang anak ng breast milk at saka pakainin ng kaunting solid food, halos kalahating kutsara ang dami. Pagkatapos bigyan ulit ng breast milk o formula. Kapag umiyak ang sanggol habang pinapakain ng solid food, ibalik na lang muna siya sa exclusive breastfeeding. Sumubok muli sa iba pang pagkakataon.

    Paalala ng WHO na ang mga sanggol na 6 hanggang 8 buwan ay dapat nakakakain ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw kasabay ang malimit na pagdede. Hindi daw dapat itigil ang breastfeeding kahit kumakain na si baby ng solid food hanggang marating niya ang dalawang taong gulang.  

    Sakaling wala pang masyadong kaalaman kung ano pwede ipakain sa baby na 6 months at paano mag-prepare ng mga pagkaing iyon, gumawa na lang muna ng liquid puree. Ang ilan sa suhestiyon ni Dr. Tanya Altmann, isang pediatrician at spokesperson para sa AAP, ay gawing liquid puree ang avocado at green vegetables. May masusundan na recipes dito

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles