-
Baby-Led Weaning: Mga Dapat Tandaan at Paano Ito Simulan Ayon sa Isang Inang Sumubok Nito
Marami ang hindi nakaaalam sa baby-led weaning dahil sanay tayo na mashed o pureed food.by Mary Jane Pujanes .
- Shares
- Comments

Kapag nanay ka, hindi ka nagsasawang magsaliksik ng iba’t ibang paraan sa pagpapalaki sa ating mga anak lalo na pagdating sa pagpapakain. Narinig mo na ba ang tungkol sa baby-led weaning o “BLW” at ang magandang maidudulot nito?
Ang baby-led weaning ay isang paraan ng pagpapakain sa mga sanggol edad 6 na buwan pataas kung saan hahayaan siyang kumain ng hiniwang pagkain nang hindi sinusubuan. Nagtaas ka ba ng kilay? Ganyan din ang reaksiyon ko noong una.
Marami ang hindi nakaaalam sa baby-led weaning dahil sanay tayo na mashed o pureed food ang kakainin ni baby kapag handa na siya sa solid food. Kailangang durog na durog ang pagkain ni baby para malambot at madali niya itong malunok.
What other parents are reading
Paano simulan ang baby-led weaning?
Sanay din tayo na kapag oras na ng pagkain, uupo lang si baby at mag-aantay sa ating kamay na tila eroplanong magsusubo sa kanya ng pagkain. Ito ay tradisyunal na pagpapakain at nakasanayan ng lahat. Wala masama dito — tayo mga nanay ay produkto ng dinurog na kalabasa o nilugaw na kanin. Pero nang makapagbasa ako ng maraming artikulo tungkol sa traditional weaning at baby-led weaning, napagdesisyunan kong sundin ang BLW, salamat sa suporta ni mister at ng pamilya namin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa baby-led weaning, finger food at hindi mashed o pureed food ang ibibigay sa bata. Hindi ko naranasan ang magdurog ng gulay o gumawa ng puree para sa aking baby. Lahat ng gulay na inihahanda namin, hinihiwa ko lang para maging sticks o strips o yung sakto lang para mahawakan niya. Pero siyempre, sinisigurado rin namin na sobrang lambot ng pagkain.
Sa halip na subuan namin si baby, hinahayaan namin siyang hawakan ang pagkain at siya na ang kusang magsusubo sa kanyang sarili. Nakabantay pa rin kaming mga magulang habang ginagawa niya ito.What other parents are reading
Nagsimula kami sa baby-led weaning noong eksaktong 6 na buwan ang aming anak na si Mav. Nakakatakot isipin sa umpisa dahil sa kanyang edad. Paano kung malunok niya ‘yung pagkain nang buo at mabulunan siya? Nakakakaba rin talaga.
Naging kabisado lang ni Mav ang ganitong pamamaraan ng pagkain pagtuntong niya ng 10 buwan. Kaya kung nahihirapan ka rin at natatakot, normal lang ‘yan. Hindi naman kailangang madaliin. Tandaan na gatas pa rin ng ina ang pangunahing kailangan ng sanggol hangga’t wala pa siyang 1 taon.CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
7 benefits ng baby-led weaning
Mahigit na 2 taon na ngayon si Mav. Narito ang mga bagay na naidulot ng baby-led weaning kay Mav at sa aming pamilya.
Napakadaling ihanda ng pagkain
Hihiwain mo lang ang gulay at ilalaga. Ayos na agad! Hindi na kailangang durugin. Hindi na kailangang gamitan ng blender. Hindi ka rin napagod. Marami ka pang oras na mailalaan sa ibang bagay.
Hindi natutunan ni baby ang pagiging maselan sa pagkain
Dahil nasanay si Mav si finger food, ngayong toddler na siya, kahit anong pagkain, kaya na niyang nguyain at lunukin. Hindi siya natatakot na mabulunan.
Naging maganang kumain si baby
Nakakahanga si Mav. Marami ang natutuwa dahil ang galing niyang kumain. Noong baby pa lang siya, may mga nagtataka kung kaya ba niyang kumain ng buong gulay o prutas. Takot silang baka mabulunan ang bata. Pero nung makita na nila kung paano siya kumain, ang sabi nila, “Pwede pala ‘yun. Ang galing naman!”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAlam ni baby ang tamang paraan ng pagnguya
Kahit puno ng pagkain ang bibig, alam ni Mav kung paano ito nguyain ng maayos. Ang subo niya, subo ng matanda pero kaya niyang nguyain at lunukin. Kaya hindi rin siya kailangang antayin matapos kumain.
What other parents are reading
Alam ni baby ang gagawin kapag nabulunan
Alam niya kung paano iluwa ang pagkain kapag nabulunan siya. Nailuluwa niya kapag alam niyang hindi niya kayang lunukin. Sa Ingles, ito ang tinatawag nating “gag reflex.”
Alam ni baby na pagkain lang ang dapat isubo at kainin
Hindi naging mahilig si Mav na sumubo ng mga laruan o ibang bagay maliban sa pagkain. Kontribusyon ito ng baby-led weaning dahil sa pamamagitan nito, nahawakan niya ang iba’t ibang uri ng pagkain at natutunan ang iba’t ibang texture nito. Kaya alam niya ang pagkakaiba ng pagkain sa ibang bagay na dapat ay hindi isinusubo.
Walang iyakan at pilitan
Umpisa pa lang, hindi namin pinilit si Mav pagdating sa pagkain. Lalo na noong wala pa siyang 2 taon. Natutunan naming magtiwala sa kaniya. Alam niya kapag gutom siya at kapag busog na. Palagi lang naming iniaalok ang pagkain. Kung hindi niya maubos, ayos lang. Alam niya kung hanggang saan lang ang kaya niyang kainin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Mga dapat tandaan bago umpisahan ang baby-led weaning
Kung gusto mo rin ang konsepto ng baby-led weaning, ito ang ilang mga bagay na maipapayo ko base na sa aking mga karanasan.
Magbasa
Magsaliksik ka ng maraming artikulo tungkol dito. Magbasa ka ng mga kwento ng mga magulang na sumusunod at nagpapalaganap ng baby-led weaning. Maghanap ka ng mga batang produkto ng BLW sa Instagram, Facebook, at YouTube.
Alamin mo kung ano ang pagkakaiba ng “gagging” at “choking.” Dapat mo ring pag-aralan kung paano gawin ang first aid kapag ang bata o sanggol ay nabubulunan. Importante ‘yun. (Heto ang ilan sa mga first aid para kay baby na dapat mong matutunan.)What other parents are reading
Maging handa sa kalat
Dahil nga baby-led, hahayaan mong pakainin ni baby ang sarili niya. At dahil kasabay ng baby-led weaning ay ang pag-develop ng motor skills niya, makalat talaga ito pero kapag nagtagal, mamahalin mo na rin pati ang kalat niya dahil alam mong doon siya natututo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagtiwala ka sa anak mo
Sanggol man siya, pero tandaan mong isinilang siyang may espesyal na kakayahan. Isa yan sa mga prinsipyo ng baby-led weaning na palagi kong naaalala. Bakit mo raw pakakainin ng dinurog na pagkain ang iyong sanggol tapos tuturuan mo rin namang kumain ng normal na pagkain pag lumaki? Paano kung masanay siya sa dinurog lang? Kahit grade school na siya, takot pa rin siyang kumain ng bite-sized food dahil hindi siya sanay dito. Bakit hindi mo siya sanayin habang bata pa? Kaya iyon ang ginawa namin. Nagtiwala kami sa kanya pero hindi namin siya
Alamin at timbangin kung ano ang pinakamagandang gawin para sa iyo at sa iyong anak. Kung sa tingin mo hindi mo kayang ituloy ang baby-led weaning, huwag mong pilitin. Kung takot ka talaga, huwag nang ituloy. Kung sa tingin mo traditional weaning ang mas mabuti, iyon ang ituloy mo.
What other parents are reading

- Shares
- Comments