;
embed embed2
  • Bungisngis Si Baby? May Sense Of Humor Na Simula 1 Month Old, Ayon Sa Bagong Study

    Malaking tulong ang kaalaman na ito para mas maintindihan ang brain development.
    by Jocelyn Valle .
Bungisngis Si Baby? May Sense Of Humor Na Simula 1 Month Old, Ayon Sa Bagong Study
PHOTO BY Shutterstock
  • Tunay na nakakatuwa si baby kapag sumasagot siya sa mga patawa mo. Napapaisip ka tuloy kung may sense of humor na ba siya.

    Ayon sa isang bagong pag-aaral na ginawa sa United Kingdom, may understanding at appreciation ng humor ang four weeks o one month old na sanggol. Kaya talagang natatawa siya kapag pinapatawa.

    Napag-alaman ito ng mga researcher mula sa University of Bristol sa pamamagitan ng kanilang Early Humor Survey. Nailathala ito noong November 18, 2021 at naiulat kalaunan sa Parent.

    Inobserbahan at pinag-aralan ng mga researcher ang 671 na mga batang may edad 0 hanggang 47 months. Nais kasi nilang malaman kung paano nabubuo ang humor sa mga maliliit na bata, at nakakabilib ang kanilang nadiskubre.

    Lumabas sa kanilang pag-aaral na may higit sa 20 uri ng humor ang nabubuo kahit wala pang isang buwan ang sanggol. Kabilang diyan ang panggagaya ni baby sa jokes mo, pagkiliti, pagsunod sa peek-a-boo, paggawa ng silly expression, at iba pa.

    Lumabas din sa survey na halos kalahati ng mga sanggol na lumahok ay nagpakita ng appreciation sa humor pagtungtong nila ng 2 months old. Nakakagulat nga daw dahil ang dami na palang nagaganap sa napakaliit na mga taong tulad nila.

    Pagtungtong ng 11 months old, kalahati sa mga sanggol na lumahok ay nagsisimula nang gumawa ng sarili nilang jokes. Hindi lang daw sila nagiging creative, pero nagpupursige pa sila na mahasa sa paulit-ulit na paggawa ng jokes sa loob ng tatlong oras.

    Iyong mga sanggol naman na 12 months old, nalilinya sila sa physical comedy kaysa sa verbal. Kaya mas benta sa kanila ang peek-a-boo, funny faces, chasing and tickling, at absurd use of common objects.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero pag lampas daw ng 12 months old, nagbabago ang humor ng mga sanggol. Mas gusto na raw nila ang may panunukso, panggugulat, panggagaya ng animal sounds, at toilet humor.

    Mas nagbabago raw ang humor kapag toddler na. Andiyan ang paggamit nila ng mga salita sa kakaibang paraan para lang maging nakakatawa, kahit na nakakainsulto ang dating sa ibang tao.

    Kapag 3 years old naman, nagsisimula na silang mag-eksperimento sa language. Marunong na silang gumawa ng bugtong (riddles) at verbal jokes, pati na iyong mga bawal na salita (taboo words).

    Nagbigay din ng paliwanag si Dr. Elena Hoicka, ang associate professor sa Bristol's School of Education at pangunahing akda ng pag-aaral. Aniya, "Our results highlight that humor is a complex, developing process in the first four years of life.

    "Given its universality and importance in so many aspects of children's and adults' lives, it is important that we develop tools to determine how humor first develops so that we can further understand not only the emergence of humor itself but how humor may help young children function cognitively, socially, and in terms of mental health."

    Basahin dito at dito para sa iba pang baby milestones.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles