-
May Bagong Panganak Na Sanggol? Ito Ang Inaasahang Milestones At Dapat Gawing Pag-Alaga
May mga paalala at payo ang pediatrician.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Tunay na napakagandang pagmasdan ang bagong panganak na sanggol. Tinatawag siyang newborn sa English sa unang 30 araw ng kanyang buhay pagkapanganak, at infant naman hanggang marating ang isang taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Nakakamangha ring masaksihan ang kanyang paglaki at unti-unting paglago bilang tao habang inaabot ang developmental milestones. Ang mga ito ay "age-specific validated checkpoints on behavior and physical development," ayon kay Dr. Faith Alcazaren, isang pediatrician. Mga kakayahan (skills) din na kayang gawin ng karamihan ng mga bata sa partikular na edad.
Lahad ni Dr. Alcazaren, na miyembro ng Smart Parenting Board of Experts, na mahalagang malaman ng mga magulang na gabay lamang ang developmental milestones at hindi "hard deadlines." Kaya hindi kailangang mataranta kaagad kung hindi pa agad magawa ng anak ang mga ganoong skills.
Ika nga ng pediatrician, maaabot din ng anak ang developmental milestones sa kanyang sariling panahon. Pero may magagawa ka ring tulong para makaagapay siya sa naaayon na bilis, o pace (basahin dito). Mainam din na magkuwento sa doktor ni baby tungkol sa iyong mga obserbasyon nang mapaliwanagan na pa nang husto.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNewborn developmental milestones
Narito ang mga inaasahang magagawa ng bagong panganak na sanggol base sa guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at iba pang sources na may paliwanag si Dr. Alcazaren.
Physical development
Kaya nang igalaw ni baby ang ulo, pakanan o di kaya pakaliwa, habang nakahiga. Kaya na rin niyang itiklop ang mga kamay (fisted) at itupi ang mga braso (flexed). Pero kailangan pa rin ng alalay ang kanyang ulo kapag nakaupo dahil hindi pa ito kaya ng leeg na ibalanse o ipirming nakatuwid.
Sa newborn period, paliwanag ni Dr. Alcazaren, may "primitive reflexes" na ginagawa sa newborn period. Inaasahan naman ang mga ito at nawawala rin sa pagdaan ng mga buwan.
1. Moro reflex
Ito iyong pagiging magulatin ni baby, lalo na kung hindi siya swaddled. Tutugon siya sa tunog o may bilang gumalaw sa pamamagitan ng pag-inat ng mga braso at binti na para bang meron siyang hahablutin at ilalapit sa kanyang katawan. Titigil ang ganitong reflex sa ikalawang buwan (2 month old baby milestones).
CONTINUE READING BELOWwatch now2. Rooting reflex
Kapag hinimas ang gilid ng bibig at pisngi ni baby, bigla niyang binubuksan ang bibig at tumutungo sa kung saan siya hinihimas. Nakakatulong ang ganitong reflex para mahanap ni baby ang suso ni mommy para makadede.
3. Sucking reflex
Sa sandaling lumapat ang nipples ni mommy sa loob ng bibig ni baby, kaagad sumisipsip si baby para makadede. Nade-develop ang ganitong reflex sa ika-36 linggo ng pagbubuntis, kaya ang mga sanggol na napaaga ang panganganak (preterm) ay kadalasang may kahinaang dumede.
4. Tonic neck reflex
Tinatawag din itong "fencing position." Kapag kasi tumagilid ang ulo ni baby, halimbawa sa kanan, biglang umiinat ang kanyang braso sa kanan din. Sa kaliwa naman tumitiklop ang braso sa may siko. Tumitigil ang ganitong reflex sa pagitan ng 5 months at 7 months ni baby.
5. Stepping reflex
Tinatawag din itong walking o di kaya dance reflex. Kapag kasi kinarga si baby at inilapat ang kanyang likod sa tuwid at matigas na bagay, gumagawa siya ng tila dance steps. Tumitigil ito sa ika-dalawang buwan ni baby.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW6. Palmar grasp reflex
Kumukuyom ang mga kamay (fist up) ni baby kapag hinihimas ang kanyang mga palad. Tumitigil ang ganitong reflex sa mula ikalima hanggang ika-anim na buwan.
Cognitive/mental development
May mga bagong pag-aaral na salungat sa iniisip ng karamihan na walang kaalaman ang mga bagong panganak na sanggol at wala pa ring kakayahang matuto (learning). Ipinapanganak daw kasi ang mga sanggol na meron na kaagad ilang antas ng cognitive abilities. Kaya na raw nilang iproseso ang mga impormasyon na kanilang nasasagap at naaaninag ang mga bagay sa pamamagitan ng kanilang senses.
Kaya na ni baby na ikumpara ang mga hugis ng bagay at mukha. Nasasala na raw kasi ng kanilang utak ang mga impormasyon sa tulong ng iba-ibang senses (vision, smell, touch, smell).
Kaya na ni baby na makilala ang mga mukhang pamilyar sa kanya kahit immature pa ang kanyang visual system. Sa katunayan, sa loob lamang ng ilang oras pagkapanganak, mas gusto na kaagad ni baby ang mukha ni mommy kumpara sa mukha ng iba pang babae.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapupukaw na ang atensyon ni baby sa tunog bago pa siya ipanganak. Ito ang lumabas sa mga pag-aaral gamit ang ultrasound machine. Kapag narinig ni baby ang boses ng ni mommy at daddy, biglang bumabagal ang kanyang galaw at saglit na tumatahimik.
Social at emotional development
Pagkapanganak pa lang ay handa na si baby para sa social input, kaya malaki ang epekto ng pagiging maaruga ni mommy sa development ng kanyang anak. Nakikilala na ni baby ang boses ni mommy, at alam niya ang ipagkakaiba nito sa boses ng iba pang babae. Naikukumpara na rin niya ang sariling wika sa banyagang salita.
Mas gusto ni baby ang boses ng tao kesa iyong synthetic voices. Nahahasa pa ang ganitong pagkakilala niya sa boses sa mga susunod na tatlong taon. Natututo rin si baby na tumingin sa mukha ng tao, nakakapag-communicate siya sa kanyang tagapangalaga.
Mas nagbibigay ng atensyon si baby sa direksyon ng tingin ng kanyang tagapangalaga. Kaya mapapansin mong tumatagal ang titig ni baby kapag nakikipagtitigan ka sa kanya. Ang ganitong sensitivity ay makakatulong sa paghubog ng social skills ni baby sa kanyang paglaki.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLanguage at communication development
Lumabas sa mga pag-aaral na ang mga baby ay nagsisimulang makakilala ng wika bago pa sila ipanganak. Nakakatulong ang early learning na ito para mas maintindihan nila ang kanilang mga magulang.
Mas nagbibigay din ng atensyon ang mga bagong panganak na sanggol kapag kinakausap sila sa mabagal, malumanay, at paulit-ulit na paraan. Kilala ito sa mga tawag na “infant-directed speech,” “parentese,” at “motherese.” Kaya naman ganito ang karaniwang pakikipag-usap sa mga baby kahit sa ano pang wika at lengguwahe.
Basahin dito ang infant milestones month by month.
What other parents are reading

- Shares
- Comments