embed embed2
  • Six Months Trial And Error Si Mommy Para Mahanap Ang Best Brands Ng Cloth Diaper!

    Ibinahagi niya kung anong mga brands ang pwede depende sa oras at ginagawa ni baby.
    by Ana Gonzales .
Six Months Trial And Error Si Mommy Para Mahanap Ang Best Brands Ng Cloth Diaper!
PHOTO BY courtesy of Mae Flores
  • Bahagi na yata talaga ng pagiging magulang ang sandamakmak na trial and error. Nariyan ang trial and error para sa gatas, trial and error sa pagkain, at trial ang error din sa paghahanap ng diaper. Kaya naman hindi na kami nagtaka ng mabasa namin ang post na ibinahagi ni mommy Mae Burbano Flores sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Ayon sa kanya, anim na buwan ang inabot ng kanyang trial and error journey bago niya nahanap ang "The Ones" ng mga cloth diapers. "We [currently] have about 40 pieces—plus 18 on the way," paliwanag ni mommy.

    Nagsimula siya sa paggamit ng cloth diaper during daytime, Setyembre ng nakaraang taon—13 months pa lang noon ang kanyang anak. Bago pa man daw siya makapanganak ay gusto na niyang gumamit ng cloth diapers. Ngunit sa payo na rin ng kanyang asawa kaya hindi muna sila tumuloy. "We're first-time parents learning about a newborn, plus self care pa, no labandera, and no yaya," paliwanag niya. "[But] once I got the hang of it, I got rid of our [disposable diapers] and went full-on [cloth diapers user]."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Narito ang listahan ni mommy ng mga cloth diaper brands at kung kailan ito best gamitin:

    Daytime / Presko Nappies (Hybrid Fitted)

    Ito ang mga cloth diapers na ginagamit ni mommy na pambahay ni baby.

    • EcoBum Cloth Diaper (Facebook: @EcoBumPh)
    • Nip Nappies (Facebook: @nipnappies)
    • BUTT Talks! Yes, it does! (Facebook: @BUTTTalksbyMommyJosanne)
    • Cottonytail (Facebook: @Cottonytail)
    More from Smart Parenting

    'Pang-alis' Nappies

    Ito naman ang mga brands ng cloth diapers na ginagamit ni mommy kapag lumalabas sila ni baby. "We usually go with ternos or hybrid fitted [ones] good for nighttime use," paliwanag ni mommy.

    • Butt-oms Up (Facebook: @buttomsupbymommycrista)
    • BUTT Talks
    • SBZ.SnuggleBunz (Facebook: @SBZclothdiaper)
    • Sean&Shawn (Facebook: @SeanandShawnOfficial)
    • Celeste's Butt Stuff (Facebook: @celestesbowtique)

    Nighttime Nappies

    Ito naman ang mga brands na katuwang ni mommy kapag tulog si baby.

    • EcoBum Classic Ai2
    • BumGenius with default inserts
    • CT Quokka
    • Flats from ABC by Zoey
    More from Smart Parenting

    Para naman sa mga brands na hindi mawawala sa stash ni mommy, nariyan ang BUTT Talks at Butt-oms Up para sa hybrid fitted at CT Quokka at EcoBum para sa cloth diapers na may PUL (Polyurethane Laminate) fabric. "These are all made by our local WAHMs and they're A-M-A-Z-I-N-G!" excited na pagbabahagi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami kang kailangang matutunan bago ka magsimulang gumamit ng mga cloth diapers. Sabi nga ni mommy, "One important thing to remember, though, is that you're really going to invest quite an amount in the beginning. One piece of CD (cloth diaper) is equivalent to a pack of diapers. But if you're looking at it as a long-term investment, CDs are always more economical."

    More from Smart Parenting

    Php3,500 ang initial na 'investment' ni mommy sa mga pre-loved cloth diapers ng kanyang baby. "I still buy pre-loved but only when I think it's a really good deal," paliwanag niya. Tip niya sa mga nanay: de-stash to re-stash! "I sell the ones we don't use masyado and we use the that money for the ones we're buying. Kaya I can't really say na may nagagastos on a monthly or regular basis," dagdag pa niya.

    "[Using cloth diapers] requires a lot of reading, researching, comprehension, and application," sabi pa niya. Kaya naman hinihimok niya ang mga nanay na sumali sa mga cloth diaper groups tulad ng Cloth Diaper Advocates Philippines (Facebook: @clothdiaperaddictsph). "Joining groups like this would help you get an idea but the best lesson will be taught to you by experience."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasubukan mo na bang gumamit ng cloth diapers para sa iyong anak? Kumusta ang inyong experience? Anong brands ang ginamit ninyo? I-share mo lang sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles