embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Inspo Alert! Ang Bongga At Daring Ng Nature-Inspired Maternity Shoot Na Ito

    Japan feels ang photoshoot ni mommy dahil sa Sakura flowers.
    by Ana Gonzales .
Inspo Alert! Ang Bongga At Daring Ng Nature-Inspired Maternity Shoot Na Ito
PHOTO BY RA Lee-Blancada
  • Maraming nagbabago sa katawan ng isang babae oras na siya'y magbuntis. Mayroong tumataba, mayroong naglalagas ang buhok, at mayroon iyong umiitim ang leeg at kili-kili. Iba-iba ito para sa bawat buntis ngunit malimit ay pare-pareho lang ang nagiging epekto nito sa kanila—unti-unti silang nawawalan ng confidence.

    Siguro'y dala na rin ng hormones at dami ng mga pagbabagong nararanasan nila kaya hindi maiwasan ng mga nanay na malungkot.

    Kaya naman ang iba'y pinipiling i-celebrate ang kanilang nagbabagong katawan sa pamamagitan ng maternity shoot. Ayon sa mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, isang malaking confidence boost ang maternity shoot. Madalas kasi, hindi nakikita ng mga nanay na pwede pala silang maging ganoon kaganda sa kabila ng bahagyang weight gain, pangingitim ng ilang bahagi ng katawan at hair loss.

    Isa sa mga maternity shoots na hinangaan namin ay ang kay mommy RA Lee-Blancada. Kwento ni mommy sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook interview, pinagtulungan nila ng kanyang photographer ang pagbuo ng konsepto. Karamihan din sa kanyang mga ideas ay mula sa app na Pinterest.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dreamy at maraming natural elements ang maternity shoot ni mommy. Kabilang sa color palette ang browns at greens. Mayroon ding pastels at deep reds.

    Parang sa Japan ang feels ng photo ni mommy dahil sa Sakura flowers!
    PHOTO BY RA Lee-Blancada
    More from Smart Parenting

    Sa Foever21 binili ni mommy ang damit na ito.
    PHOTO BY RA Lee-Blancada
    Nabili ni mommy sa Forever21 ang itim na damit na ito. "Swimming cover-up siya na nakita ko lang na pwede siyang pang-shoot," kwento ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naka-50% off ang damit kaya naman nakuha ni mommy ito sa halagang Php799 lang.

    Pwedeng-pwedeng gawing peg ang photo ni mommy na ito.
    PHOTO BY RA Lee-Blancada
    Sa Forever21 din nabili ni mommy ang damit na ito sa halagang Php500. Naka-sale din kasi ito kaya nakuha niya lang ng mura.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Sobrang stylish naman ng maternity gown na ito ni mommy.
    PHOTO BY RA Lee-Blancada
    Gawa naman ng fashion designer na si Marvin Garcia (Facebook: @MarvinGarciaCollections) ang pulang maternity gown na ito.

    Payo ni mommy, bukod sa paghahanap ng mga damit sa mga sales, makakatulong din para magkaroon ka ng magagandang maternity photos kung mayroon kang pinagkakatiwalaang photographer.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Mags Photography (@magsphoto) ang napili ni mommy na photographer niya. Kwento niya, mula prenup photos nilang mag-asawa hanggang sa newborn photoshoot ng kanilang anak, Mags Photography na talaga ang kinukuha nila.

    Isa ito sa mga concepts na nagustuhan ni mommy mula sa Pinterest.
    PHOTO BY AL Lee-Blancada
    More from Smart Parenting

    Ayon kay mommy, all in all ay nagkakahalaga ng Php10,000 ang kanyang maternity shoot. Ginanap ito sa Champ Aqua Farm sa Balagtas, Bulacan. Isang lumang resort sa Bulacan na hindi na nagooperate, pero open pa rin para sa mga photoshoots. Kwento ni mommy, Php500 lang ang binayad niya para sa location. Para naman sa kanyang headdress, pinaghalo nila ang fresh flowers at fake flowers para mas mukhang natural.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si mommy ay 32-33 weeks nang gawin niya ang kanyang maternity shoot. Ngayon ay malapait nang magdalawang taon ang kanyang anak.

    Kung ayaw mo namang gumastos para sa iyong maternity shoot, pwede mo itong i-DIY. Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mas maraming inspirasyon ng maternity shoots—DIY man 'yan o hindi.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles