-
Delikadong Pagpapadede, Baka 'Di Mo Alam Na Ginagawa Mo Na Pala Ito
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng pagiging magulang ay ang pagpapadede kay baby—breastfeeding man 'yan o formula feeding. Marami kasi itong kaakibat na hamon. Nariyan ang pagkakaroon ng mababang milk supply o 'di naman kaya ay ang hirap sa paghahanap ng hiyang na formula milk kay baby.
Bukod pa sa mga nabanggit, may mga delikado ring aspeto sa pagpapasuso. Isa na riyan ang tinatawag na 'bottle propping'.
Ano ang bottle propping?
Nasubukan mo na bang ipatong ang feeding bottle ni baby sa unan o kumot para makadede siya habang may ginagawa ka? Ito ang tinatawag na bottle propping. Malimit na ginagawa ito sa mga batang wala pang kakayahang humawak sa feeding bottle nila.
Madalas, ginagawa ito ng mga magulang kung kailangan nilang umalis sandali. Ngunit ayon sa mga eksperto, hindi ito ligtas.
Bakit delikado ang bottle propping?
Kung hindi pa kayang hawakan ng baby mo ang feeding bottle niya, ibig sabihin, hindi niya rin ito matatanggal kung nalulunod na siya sa gatas. Halimbawa nito ay kapag nakatulog ang anak mo.
Malimit din, kung nag-bottle prop ka, ibig sabihi'y hindi ka nakatingin sa anak mo. Hindi mo maaalis ang bote kung sakaling mag-choke siya dito.
Paalala ng Academy of Pediatrics (AAP), kailanman ay hindi mo dapat gawin ang bottle propping. Bukod kasi sa nililimitahan o inaalis ng bottle propping ang pagkakataon mong mag-bond sa anak mo. "Propping the bottle also increases the risk of ear infections," paliwanag nila.
Nagkakaroon ng ear infection kapag pinapadede mo ang iyong baby nang nakahiga. Dumadaloy kasi ang gatas mula sa lalamunan papunta sa tenga.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi rin inirerekomenda ng AAP na bumili ka ng ano mang gamit na hahawak ng feeding bottle para sa iyo.
Ayon naman sa Centers for Disease Control (CDC), maaari ring maging sanhi ng tooth decay ang bottle propping. Maaari kasing maipon at mababad sa gatas ang mga ngipin ng anak mo.
Paliwanag pa ng Phoenix Children's Hospital tungkol dito, ang pagkabulok ng ngipin ng anak mo dahil nakababad ito sa gatas ay tinatawag na baby bottle mouth. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi mo dapat hinahayaang makatulog ang anak mo na may feeding bottle sa bibig.
Bukod pa riyan, pwede ring ma-overfeed ang anak mo kung ganito ang style mo ng pagpapadede sa kanya. Hindi mo kasi nakikita ang mga hunger cues ng baby mo, kaya maaaring mas marami siyang mainom kaysa sa kailangan niya.
Gaano man nakakatukso na iwan saglit ang anak mo habang dumedede siya, lalo na kung ihing-ihi ka na, mas maganda at mas ligtas kung hindi mo ito gagawin. Kung kailangan mong umalis sandali, mas maganda kung ihinto mo muna ang pagpapadede o tumawag ka ng hahalili sa iyo.
Bukod pa sa iyo, kailangang alam din ito ng bawat miyembro ng inyong pamilya. Mainam ito para masigurong walang mangyayaring masama kay baby habang dumedede siya.
Mayroon ka bang tips para panatilihing ligtas ang pagdede ni baby? I-share mo na iyan sa comments section.
Kung naghahanap ka naman ng mga breastfeeding essentials, pwede kang pumunta sa ChatnShop. Mabibili mo na ang iyong pregnancy at baby essentials sa Smart Parenting ChatnShop! Pindutin mo lang ang 'ChatnShop Now' button at pwede ka nang pumili ng mga produktong kailangan mo. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng aming community care team mula sa pagbayad at sa pag-ayos ng delivery ng mga pinamili mo. Parang nakikipagkwentuhan ka lang sa kapwa mo Smart Parenting mom!
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading

- Shares
- Comments