embed embed2
  • Simple Pero Effective! Development-Boosting Games Para Sa Babies 0-12 Months

    May mga masasayang activities na makakatulong sa development ni baby.
    by Ana Gonzales .
Simple Pero Effective! Development-Boosting Games Para Sa Babies 0-12 Months
PHOTO BY Shutterstock/takayuki
  • Ayon sa mga pinaka huling brain research, lumalabas na ang edad 0 hanggang 3 ang mga pinaka mahalagang taon sa development ng isang bata.

    Kaya naman importanteng pagtuunan ng pansin at panahon ang mga activities na gagawin ninyo ng anak mo sa edad na ito.

    Hindi kailangang gumastos ng malaki para sa mga activities na ito. Maraming simpleng paraan para mai-boost mo ang development ng iyong anak.

    Narito ang ilang development-boosting games para kay baby

    Birth to 3 months

    Huwag isiping dahil kalalabas lang ng anak mo ay wala ka nang magagawa para sa development niya. Ang magiging focus mo sa edad na ito ay ang pag-stimulate sa kanyang senses—ang touch, sight, smell, at hearing.

    Sayawan with mommy

    Ilagay mo lang si baby sa kanyang carrier at saka kayo mag-sway o sumabay sa ano mang musika na paborito ninyo. Siguraduhin mo lang na susuportahan mo ang leeg ni baby at huwag mo siyang aalugin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo rin siyang hayaang nakahiga sa kama habang ikaw ang sumasayaw sa harap niya. Malimit itong gawin ng mga daddies bilang kalokohan pero malaki ang tulong nito sa development ni baby.

    Tingin-tingin ng mga ordinaryong bagay

    Lahat ay bago sa paningin ng anak mo kaya magandang lagi mo siyang i-expose kahit sa mga ordinaryong bagay lang. Kahit anong bagay ay pwede, mula sa suklay at tela hanggang sa mga kutsara at iba pa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pahawakin siya ng iba't-ibang textures

    Gamitin mo ang ano mang damit na mayroon ka. Hayaan mo lang na hawakan niya ang makakapal mong jacket o malalambot mong cotton shirts. Pwede rin ang silk at lace kung mayroon ka ng mga ito.

    Kantahan mo si baby

    Huwag mong isipin ang ganda ng boses mo. Ang mahalaga ay may naririnig na musika at boses ang anak mo. Pwedeng mga nursery rhymes at pwede rin naman ang mga paborito mong kanta.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4 to 6 months

    Umamoy kayo ng mga pagkain sa kusina

    Malapit nang kumain si baby kaya ito ang magandang panahon para isama mo siya sa kusina. Hayaan mo siyang maamoy ang mga niluluto mo, pati na rin ang mga prutas at gulay na ihinahanda mo para sa kanya.

    Pwede mo ring ipahawak sa kanya ang mga prutas at gulay para maramdaman niya ang mga texture nito.

    Maglaro ng mga bubbles

    Ang simpleng paliligo ni baby ay pwedeng pagkakataon para matuto siya. Kaya na ring mag-focus ng paningin niya sa mga malalayong bagay kaya pwede kang umihip ng mga soap bubbles na titignan at hahawakan niya.

    Bulaga!

    Sa edad na ito ay alam na ng baby mo ang anticipation. Kapag biniro mo siya na paparating ka na at kikilitiin mo siya, alam na niyang i-anticipate ito.

    Tummy time

    Siyempre, hindi mawawala ang tummy time. Magandang gawin ito sa malinis na sahig na may sapin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7 to 9 months

    Maglaro ng mga tumutunog na bagay

    Sa ganitong edad, kapag nakahawak ng gamit ang anak mo, siguradong ipupukpok niya ito. Kaya naman pwede mo siyang paligiran ng mga bagay na iba-iba ang tunog kapag ipinupukpok o ibinabangga sa isa't-isa.

    Ipakita ang ibig sabihin ng cause and effect

    Unti-unti nang nagiging curious ang anak mo sa kung paano gumagana ang mga bagay-bagay. Ito ang magandang pagkakataon para ipakita mo sa kanya kung paano gumagana ang mga light switches, faucets, doorbells at iba pa.

    Siguraduhin lang na hindi mo siya iiwang mag-isa sa mga ganito para hindi siya mapahamak.

    Gumawa ng obstacle course

    Dahil gumagapang na ang anak mo, pwede mong kunin ang pagkakataon na ito para maglagay ng obstacle course sa mga ginagapangan niya. Pwede ang mga malalambot na bagay tulad ng kumot o comforter o hindi kaya ay mga unan.

    10-12 months

    Mag-ayos ng mga bagay-bagay

    Bigyan mo lang ang anak mo ng kahong walang laman at hayaan mo siyang alisin at lagyan ito ng laman. Pwede ka ring gumamit ng mga plastic cups at hayaan mong magsalin ang baby mo ng mga bagay tulad ng tubig, buhangin, cereal at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilayo ang mga laruan

    Unti-unti nang naglalakad ang anak mo sa ganitong edad. Para mas matuto siya, ilayo mo sa kanya ang kanyang mga laruan para puntahan niya ang mga ito.

    Gaya-gaya

    Pwede kayong maglaro ng gayahan ng mukha. I-encourage mo siyang gayahin ang mukha na gagawin mo, pagkatapos ay gagayahin mo naman ang mukha na gagawin niya.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga larong pwede ninyong gawin ng anak mo. Hindi mo kailangang bumili ng mga mamahaling laruan. Ang mahalaga ay engaging ang mga laro at bibigyang pansin mo ang lahat ng mga senses ng anak mo.

    Kayo, anong ginagawa ninyong laro ng newborn mo? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali at magbahagi sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles