embed embed2
  • Work-From-Home Ang Trending Na Milestone Photo Shoot Theme!

    Silipin ang iba pang mga temang ipinadala sa amin ng mga nanay.
    by Ana Gonzales .
Work-From-Home Ang Trending Na Milestone Photo Shoot Theme!
PHOTO BY courtesy of Andrea Gatdula-Cabunacan
  • Isa sa mga pinakaaabangan ng mga nanay ay ang buwan-buwang pagkakataon nila para idokumento ang mga milestones ng kanilang mga anak.

    May ilang mga nanay na pumupunta sa mga studios para ipagawa ito sa mga propesyonal, habang may ilan naman na pinipiling i-DIY na lang ito sa mga parke, sa beach, o sa iba pang mga kaaya-ayang lugar.

    Ang mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village ay madalas na pinipiling i-DIY na lang ang milestone shoots ng mga anak nila, tulad ng kay mommy Jhem Bon na piniling gawin ito sa park.

    More from Smart Parenting

    Pero ngayong may banta ng COVID-19 at lahat tayo ay naka-quarantine sa bahay, kinailangang mas maging creative ang mga nanay pagdating sa maraming bagay—isa na riyan ang milestone photoshoots ng kanilang mga anak.

    Kaya naman naisip ni mommy Andrea Gatdula-Cabunacan na gawin ang work-from-home themed photoshoot. Sabi niya sa Facebook post na ibinahagi niya sa Village, "Two months from now, [my daughter] will turn one. Unfortunately, we need to cancel everything due to the pandemic."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa niya, gusto niyang magpakalat ng good vibes. "Everyone is working from home due to [the COVID-19] situation. I wanted to share positive vibes to everyone especially to working moms out there," paliwanag niya. "We used my office stuff like tumbler, pens, notebook, and my sister's laptop. My baby wore a pajama to look cozy and comfy. We also put on facial headband to look girly and cute," dagdag pa niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Sobrang cute ni baby! Very convincing na work-from-home!
    PHOTO BY courtesy of Andrea Gatdula-Cabunacan‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Simple lang i-achieve ang temang work-from-home dahil lahat ng mga props na kailangan mo ay mayroon na sa bahay. Sa photoshoot ni mommy Andres, gumamit siya ng laptop, headphones, coffee mug, at mga planners bilang props.

    Maraming style kang pwedeng gawin! Pwede mong iupo si baby sa makeshift desk para kunyari ay nasa home office siya. Pwede mo rin siyang pagsuotin ng pajama—dahil wala naman talagang nagbibihis ng maganda kapag sa bahay nagtatrabaho (LOL!).

    Kwento ni mommy, bago raw ang community quarantine, depende sa okasyon, lagay ng panahon, at milestone ni baby ang tema na ginagawa niya. "I also get ideas from Pinterest. For her 6th month, we used her feeding set as part of her milestone pictorial since that's the first time she will eat solid food."

     

    Mga gamit sa first meal ni baby ang props niya dito.
    PHOTO BY courtesy of Andrea Gatdula-Cabunacan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    More from Smart Parenting

    Bukod sa work-from-home, marami ka pang pwedeng tema na pagpilian na sa bahay lang gagawin.

    Pwede mong gayahin ang ginawa ni mommy Jan Heather Muro Aguila. Mga pangkaraniwang gamit lang sa bahay ang props niya sa monthly milestone shoot ng anak niya. Kabilang sa kanyang mga props ay kumot, twalya, batya, kaldero, sandok at iba pa.

    Little chef ang peg ni mommy sa shoot na ito!
    PHOTO BY courtesy of Jan Heather Muro Aguila
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kumot at kamatis naman ang props ni mommy dito!
    PHOTO BY courtesy of Jan Heather Muro-Aguila
    More from Smart Parenting

    Hindi mo naman talaga kailangang gawin komplikado ang monthly photoshoots ng mga anak mo. Ang mahalaga ay buwan-buwan silang lumalaking malusog at ligtas mula sa kapahamakan. Hindi mo rin kailangang gumastos ng malaki, dahil ang mga kasangkapan mo sa bahay ay props na!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-DIY milestone photoshoot din ba kayo sa bahay? Kumusta ang inyong experience? Ano ang theme na napili ninyo? I-share niyo lang iyan sa comments section.

    Para naman sa iba pang kwento at balitang tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles