-
DIY Photoshoot: 5 Paraan Para Makatipid Sa Props, Costume, At Iba Pa
by Jhem Bon .
- Shares
- Comments

Nauuso na talaga ngayon ang DIY o iyong do-it-yourself. Mapa-birthday man 'yan, souvenir, gamit sa bahay, o ano pa man, maraming mga nanay na ang mas pinipiling mag-DIY kaysa bumili. Bukod kasi sa matipid ito, nagkakaroon ito ng personal touch at nakasisiguro kang masusunod ang gusto mo, mula sa ayos at disenyo hanggang sa laki at kulay. Masaya rin itong gawin bagamat kailangan ng oras at tiyaga.
Isa na ako sa mga madalas na gumawa ng kung anu-anong DIY. Kabilang sa mga nasubukan ko ay ang DIY photoshoots. Mula sa milestone pictures hanggang sa pre-birthday shoot, ako lahat ang gumagawa. Mas praktikal kasi ito at mas nasusunod din ang gusto ko.
Ginawa ko na ito para sa kaarawan ng aking panganay na anak at pati na rin sa monthly pictures ng aking bunso. Mahilig kasi talaga akong maglitrato kaya naman kahit sa mga anak ko ay inaapply ko ito.
Dahil madalas nga akong mag DIY, dito ko naisip na hindi naman pala talaga kailangang gumastos ng malaki para sa mga magagandang litrato. Kaunting praktis lang at tamang hanap ng props—instant ganda shots na para sa mga bata.
Click lang nang click ng camera para makakuha ng mga candid shots na tulad nito.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito ang ilan sa mga subok ko nang paraan para makatipid sa DIY photoshoots nang hindi mo isinasakripisyo ang kalidad:
Mag-invest sa mga costumes na pwedeng i-mix and match
Mas praktikal ito kaysa sa bibili ka ng costumes na minsan lang magagamit ng anak mo. Mas madali ring isakatuparan ang mga temang gusto mo kung marami ka nang pagpipiliang costumes na ibabagay mo lang sa isa't-isa.
Kung may kaalaman ka sa pananahi, maari ring ikaw na mismo ang gumawa ng kanyang costume gaya ng mga nauuso ngayong gawa sa pamamagitan ng crochet o kaya ay 'yung mga tutu dresses na madali lang din gawin. Ang paggawa naman nito ay karaniwang mapapanood sa YouTube.
Sa aking karanasan, pinili ko ang ternong jumper at sando ng aking anak. Presko kasi itong suotin, sakto dahil sa labas kami magpo-photoshoot at bagay ito sa kanya dahil mukhang batang-bata siya rito.
Cute na cute talaga ang mga kids kapag naka-jumper sila.PHOTO BY Jhem BonCONTINUE READING BELOWwatch nowGumamit ng mga laruan bilang props
Bukod sa hindi mo na kailangang bumili, tiyak na hindi maiinip ang iyong anak habang kinukuhanan ng litrato. Kung gusto mong mas maging makulay pa ang iyong mga litrato, magdagdag lang ng ilang piraso ng lobo.
Bukod sa laruan, maari ka ring gumamit ng kumot o tela bilang background o sapin. Kung gagamit naman ng playmat, tiyaking hindi ito hahalo o magbe-blend sa kulay ng damit ng iyong anak. Sa newborn photoshoot ng aking bunso, ang aking shawl ang ginamit kong pambalot sa kanya at pulang tela naman para sa sapin.
Kung wala kang mapili sa inyong mga gamit, daanin na lang sa pag-edit ang pagdagdag ng disenyo at palamuti sa kanilang litrato.
Piliin ang natural lighting
Kung mahilig kang mag-selfie, alam mo na pinakamatalik nating kaibigan ang magandang lighting. Kaya naman para sa photoshoot ng aking mga anak, mas pinipili kong litratuhan sila sa umaga o hindi naman kaya ay after lunch.
Pumili ng lugar o bahagi ng inyong bahay na may tamang balanse ng sinag ng araw at lamig ng panahon para naman hindi mainitan ang mga bata habang nasa photoshoot. Pwede kang gumamit ng puting tela para makatulong sa pagkalat at pagpantay ng liwanag.
Ngiting tagumpay kaming mag-ina dahil sa kinalabasan ng larawang ito.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Maghanap ng magandang location
Sabi nga nila, hindi man mamahalin ang camera mo, kung maganda naman ang iyong location, maganda pa rin ang kalalabasan ng iyong mga larawan.
Kung sa bahay ka magsho-shoot, pumili ng pwesto na mahangin at maaliwalas para hindi mairita ang mga bata. Siguraduhin mo ring may pagkakabitan ka ng disenyo o background para hindi ka mahirapan sa pagkabit at pagtanggal.
Pwede ka ring magphotoshoot sa labas. Isa sa mga magagandang locations ang parks o hindi naman kaya ay playgrounds. May ilan na pumapayag na libreng makapagshoot sa ganitong locations, habang ang ilan naman ay may kaakibat na kaunting bayad.
Sa aking karanasan, nag-pictorial kami para sa kaarawan ng aking anak sa isang parke. Libre na ang entrance dito, hindi pa sila nagpapabayad para sa photoshoot. May pagkakataon din na kinuhanan namin siya habang naglalaro sa isang indoor playhouse. Maganda ang kinalabasan nito dahil candid ang kuha at instant props na rin.
Magandang location ang mga ball pit!PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagdownload ng maraming editing apps
Marami nang mga libreng apps ngayon na pwede mong gamitin para i-edit ang mga larawang nakuha mo. Nariyan ang Adobe Lightroom, Snapseed, VSCO at iba pa. Bukod pa sa mga ito, marami na ring websites kung saan pwede kang mag-edit ng mga larawan.
Huwag magalala kung hindi ka pa masyadong marunong dahil maraming apps na madaling gamitin at mayroon na ring mga tutorial videos sa YouTube na pwede mong sundan.
Hindi ka rin dapat magalala kung wala kang mamahaling camera. Kahit ang cellphone camera mo ay pwedeng-pwede mong gamitin. Kailangan mo lang hanapin ang tamang anggulo at magandang lighting at kailangan mo lang din ng sapat na kaalaman tungkol sa editing.
What other parents are reading
Kung sakali namang gusto mong kumuha ng photographers, kailangan mong maghanda ng mula Php1,500 hanggang Php4,000—depende sa gamit at karanasan ng mga photographers na kukunin mo. Mayroon ding karagdagang bayad kung sa ibang location pa gaganapon ang shoot, lalo na kung sa labas ng Metro Manila.
Sa mga photoshoots na nagawa ko na para sa dalawa kong anak, nagpapatulong ako sa pamangkin ko para dalawa kaming kumukuha ng litrato. Pagkatapos ay magkatulong na rin kaming nag-eedit para mas magmukhang propesyonal ang mga litrato.
What other parents are reading
Sa panahon ngayon na pataas na ng pataas ang presyo ng mga bilihin at kalimitan ay may kamahalan na rin ang mga serbisyong tulad ng photography at iba pa, kailangan talaga nating maging wais. Isa sa mga kailangan nating gawin ay magtiwala sa sarili nating mga kakayahan. Huwag tayong matakot ilabas ang ating mga tinatagong creativity.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede ka ring mag-explore gamit ang mga apps tulad ng Pinterest para makahanap ng mga ideas at halimbawa na pwede mong gayahin.
Nasubukan mo na bang mag-DIY ng photoshoot ng mga anak mo? Kumusta ang iyong experience? I-share mo na sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mas maraming inspirasyon.
What other parents are reading

- Shares
- Comments