embed embed2
  • Experts: Maaaring Expectations Mo Ang Problema, Hindi Ang Sleeping Pattern Ni Baby

    by Ana Gonzales .
Experts: Maaaring Expectations Mo Ang Problema, Hindi Ang Sleeping Pattern Ni Baby
PHOTO BY Unsplash
  • Isa sa mga madalas na pinoproblema ng mga nanay, lalo na ang mga first-time moms, ay ang pagtulog ng kanilang mga anak.

    Ayon sa mga eksperto, madalas na nag-aalala ang mga nanay dahil sa tingin nila ay may mali sa pagtulog ng mga anak nila—mula sa schedule hanggang sa haba at dalas.

    What other parents are reading

    Dagdag pa ng mga mananaliksik, maraming mga magulang ang walang hangganan ang pag-aalala kung 'normal' ba ang sleep schedule ng mga anak nila.

    Lumalabas sa mga pag-aaral na madalas, ginagawa na ng baby mo ang mga dapat niyang gawin. Kung tutuusin, madalas ay wala ka namang dapat ipag-alala.

    What other parents are reading

    Ang frustration na nararamdaman mo ay malimit na nagmumula sa mga cultural expectations at mga biological norms na may kinalaman sa pagtulog ng mga babies at mga toddlers. Ito iyong mga nakasanayan na natin o iyong mga paniniwalang Pinoy. Narito ang ilan sa mga expectations at reality na dapat mong malaman:

    Expectation: Dapat natutulog ng diretso ang anak ko kapag gabi

    Sabi ng mga eksperto, nagmumula ang paniniwalang ito sa pagkukumpara mo sa sleeping habit ng anak mo at sa sleeping habit ng ibang babies. 

    Reality: Maaaring maging pabago-bago ang oras at haba ng tulog niya

    Ang totoo, sa halip na ikumpara mo ang anak mo, mas magandang magsanay ka na lang na magkaroon ng realistic na expectation sa sleeping pattern niya. May gabi na maaaring makatulog siya agad, samantalang may gabi naman na maaaring hindi. 

    Kung regular naman ang checkup ng iyong anak at sinabi naman ng doktor na walang problema, pwede mong isiping bahagi na talaga ng paglaki niya ang pabago-bago niyang sleep pattern. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Expectation: Kayang makatulog mag-isa ng anak ko

    Maraming mga magulang din ang iniisip na dapat ay kayang makatulog ng baby nila nang mag-isa. Malaking tulong nga naman kung hindi mo na iisipin ang pagpapatulog sa anak mo. Iyong ihihiga mo lang siya tapos makakatulog na siya. 

    Reality: Kailangan ng anak mo ng tulong sa maraming bagay

    Pero ang totoo, kailangan ka ng anak mo at mahalagang tanggapin mo na sa unang buwan at taon ng buhay niya ay talagang nakadepende lang siya sa inyong mga magulang niya para sa maraming bagay. 

    Mahirap mang paniwalaan, ngunit ang mga sanggol ay sadya talagang 'needy' o 'demanding'. Natural lang din na magising sila ilang beses sa gabi. Sabi nga ng mga eksperto, nagiging maganda ang paglaki ng mga bata kung may malimit silang contact at connection sa iyo.

    What other parents are reading

    Hindi mo dapat isipin na may pagkukulang ka o may mali sa iyo dahil hindi natutulog nang diretso sa gabi ang anak mo.  

    Sa halip na i-pressure mo ang sarili mo at ang anak mo na gawin kung anong ginagawa ng iba, mas mainam na bigyang suporta mo lang ang mga pangangailangan niya nang hindi tumitingin sa kung ano ang pangangailangan ng iba. 

    Mas mahalagang sundin mo at gawin mo kung ano man ang nararamdaman mong natural sa iyo at sa anak mo. Mahirap itong sundin, dahil bilang magulang, hindi lang naman pag-aalaga ng bata ang dapat mong asikasuhin, nariyan din ang trabaho, pag-lilinis ng bahay, at marami pang iba.

    Napaka-convenient nga naman kung lahat ng ito ay magagawa mo dahil tama ang oras at tulog ng anak mo. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pero sa ngayon, mas magiging magaan ang pagiging nanay mo kung hindi mo pipilitin ang anak mo na gawin ang hindi pa panahon o natural sa kanya. Kung sa kasalukuyan ay hindi pa siya natutulog nang nasa oras, okay lang 'yan. Darating din kayo sa edad na matutulog siya nang tama. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close