embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Road Test! Paano Nahanap Ng Isang Nanay Ang Best Overnight Nappy

    Ikinwento niya sa amin ang kanyang trial and error journey.
    by Ana Gonzales .
Road Test! Paano Nahanap Ng Isang Nanay Ang Best Overnight Nappy
PHOTO BY iStock
  • Mahirap hanapin ang tamang brand ng diaper para kay baby. 'Yan ang sasabihin sa iyo ng kahit sinong nanay na tatanungin mo tungkol sa diapers. Bagaman mayroong mga sinuswerte na nakakahanap agad ng diaper na hiyang si baby, mas marami pa rin ang dumadaan sa tila ba walang katapusang trial and error.

    Relate na relate diyan si mommy Rj Bataan. Sa isang post na ibinahagi niya sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, idinetalye niya ang hirap niya sa paghahanap ng diaper brand, partikular na ang overnight diaper, na hiyang ng anak niya. "[I] didn't realize that the search for the best overnight nappy would be this hard," pagsisimula niya sa kanyang post. "Mahirap mag-trial. Apart [from the fact] that you cannot just buy a few pieces to try, you will also be surprised that sizes really vary!" dagdag pa niya.

    Sa hangaring makatulong sa kapwa niya mga struggling nanay, ibinahagi ni mommy ang kanyang reviews ng apat na overnight nappies na nasubukan nang gamitin ng baby niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Happy Baby Pants (XL 11-15 kilos)

    Ayon kay mommy, budget-friendly alternative at maraming magagandang reviews ang diaper na ito. "It absorbs well without leaks, even up to 10 hours," kwento niya. Ayon pa kay mommy, mas malaki rin daw ito kumpara sa Pampers.

    PHOTO BY courtesy of Aj Bataan

    "I bought the double XL at first but, sobrang laki para kay baby. I had to buy one size smaller, pero hindi pa rin okay kay baby," pagbabahagi ni mommy. "It's a little thick up to the waistband, which makes him feel uncomfortable," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Huggies Dry Pants (XXL > 14 kilos)

    Ito naman ang sunod na sinubukan ni mommy. "It absorbs well and it's comfortable to wear, but it can get too 'lawlaw'!" paliwanag ni mommy.

    PHOTO BY courtesy of Aj Bataan

    Hindi rin daw nagustuhan ni mommy ang disenyo ng diaper. "The color is too loud—bakat na bakat sa mga damit ni baby."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Goo.N (XL 12-17 kilos)

    "I was surprised because it looks smaller than Pampers's XL diaper, but it fits firmly kapag suot na," kwento ni mommy. Dagdag pa niya, brief-style ang diaper kaya mas masikip ito sa bandang hita.

    PHOTO BY courtesy of Aj Bataan
    Plano na ni mommy na subukan ang XL ng Goo.N (15-25 kilos) sa susunod na bibili siya ng diaper ni baby. "I can say that it matches the quality of Pampers Premium, but it's pricey at Php21 each," obserbasyon ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sweety Pantz Gold (XL 14-18 kilos)

    Sa partikular naman na diaper na ito, napansin ni mommy na katulad ng Goo.N, mukha itong maliit, pero kasyang-kasya naman ito sa bewang ni baby kapag isinusuot. "Maliit ang size niya kahit 14 kilos 'yung weight suggestion," paliwanag ni mommy. "It is soft to touch (softer than premium and Goo.N) and it absorbs well overnight," dagdag pa niya.

    PHOTO BY courtesy of Rj Bataan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag pa ni mommy, mayroon din daw itong wetness indicator at tape na ginagawang mas madali ang pagsasara ng mga diapers na gamit na. "This ended the search!" masayang pagbabahagi ni mommy. "It feels dry kahit na pakiramdaman mo 'yung pad sa loob na puno na ng wee wee," pagdedetalye niya. "Must say it is better than premium and is cheaper at on Php15.28 per pad." Ang problema lang na naranasan dito ni mommy ay hindi pa siya nabibili sa mga groceries. "Available lang yata siya online," ayon kay mommy.

    More from Smart Parenting

    Maraming mga nanay ang nag-offer din ng ibang brands sa comments section ng post ni mommy. May mga nagrekomenda ng EQ Pants XXXL, Mamy Poko, Drypers XXL, at Alloves Korean Diaper.

    Nasubukan mo na ba ang mga overnight diapers na ito? Anong diaper ang napili ninyo? Kumusta ang inyong experience? Nahirapan din ba kayong maghanap ng overnight diaper ng baby ninyo? I-share niyo na ang inyong pinagdaanan sa comments section. Pwede mo ring basahin ang Smart Parenting Village Picks para sa listahan ng mga highly recommended baby products na subok na ng mga nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang review na ito ay hango sa experience ni mommy Rj Bataan. Ibinahagi niya ito sa Smart Parenting Village at kinumpirma namin sa pamamagitan ng Facebook Messenger interview. Siya'y isang stay-at-home mom na patuloy na naghahanap ng mga magagandang produkto para sa kanyang anak. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles