Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Isa ang G6PD Deficiency sa Dahilan Kaya Mahalaga ang Newborn Screening
PHOTO BY iStock
  • Umaabot nang 400 na milyong tao ang mayroong G6PD deficiency at karaniwan ito sa mga bansang nasa Southeast Asia, Africa, at sa Middle East. Sa katunayan, sa mga konsidyon o consensus ng newborn screening panel sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng 6GPD ang pinakakaraniwang nagiging problema —  mayroon ang 1 sa 56 na baby na sinuri. Kaya narito ang dapat malaman ng bawat Pilipinong magulang tungkol sa sitwasyong ito

    Ano ang G6PD deficiency?

    Kapag ang katawan ay hindi nakakagawa ng sapat na enzyme na glucose-6-phosphate dehydrogenase (G6PD) ito ang nagiging sanhi para magkaroon ng ganitong deficiency ang bata. Mahalaga ang G6PD sa maayos na pag-function ng red blood cells. Binbigyan nya ito ng proteksyon mula sa mga potensyal na mapaminsalang produkto na makikita sa mga pagkain, gamot, at impeksyon ayon sa KidsHealth, isang resource site mula sa Numerous Foundation. Ang mga by-product na ito ay puwedeng makaipon at makapinsala o mas makasira ng pulang selula ng dugo ng mga batang may G6PD deficiency.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang red blood cells ang nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kapag naapektuhan ang sapat na red blood cells, maaari itong magdulot nang hindi kanais-nais na kalagayan gaya ng sintomas ng anemia (pamumutla, pagkahilo, pananakit ng ulo, at iba pa) sa proseso ng tinatawag na hemolysis. Ang  hemolytic anemia ay maaaring maging sanhi ng kamatayan sa mga malalang kaso o sitwasyon.

    Naagapan naman ang kondisyon ng G6PD. Ang isang bata na na-diagnose nito ay maaaring mabuhay nang malusog at masaya basta maiiwasan lamang ang mga bagay na magpapalala ng kaniyang kondisyon.

    More from Smart Parenting

    Sanhi at dahilan ng pagkakaroon G6PD deficiency

    Isang genetic condition ang pagkakaroon ng G6PD deficiency. Ibig sabihin ipinapanganak ang mga bata na may ganitong sitwayon. Walang anumang magagawa ang magulang para maiwasan ito ayon sa National Institutes of Health-Philippines (NIH). Gayunman, ang maagang pagtuklas at pagsusuri ay mahalaga.

    Ang mga bata na may ganitong kalagayan ay normal lamang at hindi kakikitaan ng anumang sintomas hanggang sa ma-expose sila sa mga “oxidative substances” o mga bagay na maaaring magpalala ng kanilang kondisyon (tingnan ang listhan sa ibaba), sabi ng NIH.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya mahalaga sa mga baby na dumaan sa newborn screening na kasama ang pagsususri sa G6PD deficiency. Kailangan lamang ang pagkuha ng blood test sa loob ng 24 na oras pagkapanganak sa baby upang malaman kung mayoon itong metabolic disorder.

    Sinabi ni Dr. Jose Enrique S. Clemente, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center at St. Luke’s Medical Center, sa SmartParenting.com.ph, “Every baby who tests positive is given a complete list of what to avoid to prevent a hemolytic reaction.” (Bawat sanggol na nagpopositibo sa pagsusuri ay binibigyan ng kompletong listahan ng mga dapat iwasan upang mahadlangan ang pagkakaroon ng hemolytic reaction.)

    Dagdag pa ni Dr. Clemente na dapat ipaalam ng mga magulang sa bawat tumutingin sa kanilang anak ang kondisyon nito. May mga partikular na gamot kasi na maaaring mag-trigger sa G6PD ng inyong anak kaya kailangan na malaman ito ng doktor upang matukoy ang gamot na hindi dapat ibigay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang nakapagbubunsod o maaaring makapagpalala sa G6PD deficiency 

    Ganito ang nangyari sa pamangkin ng isa sa mga nagsulat ng artikulong ito. Hindi agad nakuha ang resulta ng newborn screening ng kaniyang pamangkin. Lumabas doon sa resulta na mayroon siyang G6PD deficiency.

    Lumaki nang maayos ang bata. Ngunit, nang makagat ito ng aso nabigyan ito ng injection. Ito ang sinasabing nagpa-trigger sa kaniyang G6PD deficiency hanggang sa napabayaan. Huli na nang matuklasan at malaman na meron pala siyang problema sa G6PD. Nagkaroon siya ng kanser sa atay. Ilang taon din na nakipagbuno sa sakit na ito hanggang sa tuluyang binawian ng buhay sa edad na 4 taong gulang lamang.

    May ilang mga gamot at sakit na may malaking oxidative effect ayon sa NIH. Ang mga ito ay nakapagbubunsod ng paglala ng sitwasyon. Ito ay ang mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • sakit gaya ng bacterial at viral infection (gaya ng flu, pneumonia, at typhoid fever)
    • mga antibiotics, partikular ang mga sulfa group
    • ilang painkiller at gamot sa lagnat
    • gamot sa malaria

    Paalala: ang ibang gamot, gaya ng ascorbic acid (vitamin C), ay ligtas na inumin basta may kontroladong dosage. Hanapin ang listhan ng mga gamot dito at kausapin ang pediatrician ng iyong anak tungkol dito.

    Ayon sa NIH at Department of Health (DoH), ang mga bata na may G6PD deficiency ay kailangang iwasan ang sumusunod:

    • fava beans (na maaaring matagpuan sa mixed nuts)
    • legumes (gaya ng munggo, garbanzos, at abitsuelas)
    • soya food (gaya ng taho, tokwa, soy sauce)
    • ampalaya
    • tonic water
    • blueberry
    • red wine

    Kailangan ding iwasan ang mga mothballs, henna tattoos at menthol (na makikita sa mouthwash, efficascent oil, at liniments).

    More from Smart Parenting

    Sintomas kapag na-trigger ang G6PD deficiency 

    Paano ang formula milk? Pahayag ng NIH, “There has not been any report of hemolysis due to milk products containing soya. Soy lecithin, which is present in different brands, is an important component of milk, but it does not make up the whole milk.” (Wala naman naitatala na kaso ng hemolysis dahil sa mga gatas na nagtataglay ng soya. Ang soy lecithin, na makikita sa iba’t ibang brand, ay mahalagang sangkap ng gatas ngunit hindi naman ito ang kabuuang nilalaman ng gatas).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Muli, ang mga senyales at sintomas ng kondisyon ay lumalabas lamang kapag ang bata ay na-expose sa mga bagay na makapagbubunsod o makapagpapalala ng sitwasyon. Sa ibang mga kaso, ang ma-expose sa kaunti lamang ay maaaring hindi makapagdulot ng anumang sintomas, pahayag ng KidsHealth.

    Subalit, sa ibang mas malalang sitwasyon, maaaring magdulot ng sintomas sa bata ng hemolytic anemia. Ito ang mga sumusunod:

    1. pamumulta, mapapansin ito sa labi at dila
    2. labis na pagkapagod o pagkahapo
    3. mabilis na tibok ng puso o heartbeat
    4. pagkahingal o hirap sa paghinga
    5. jaundice, o paninilaaw ng balat at mata, lalo na sa mga newborn
    6. paglaki ng lapay (spleen)
    7. matingkad, kulay tsaa na ihi

    Mawawala ang mga sintomas kapag hindi na lantad o expose ang bata sa mga bagay na nakapag-trigger o nagpalala ng sitwasyon, kadalasan na umaabot ng ilang linggo, ayon sa KidsHealth. “If symptoms are mild, no medical treatment is usually needed. As the body naturally makes new red blood cells, the anemia will improve.” (Kung may katamtamang sintomas, hindi kailangan ng medikal na gamutan. Ang katawan ay kusang gumagawa ng bagong red blood cells, nagiging maayos ang anemia.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, ang malalang kaso ng anemic ay kailangan ng medikal na atensyon at madala sa hospital. Para sa ibang katangungan sa gamot at pagkain, kasama ang formula milk, na ibibigay sa inyong anak na may G6PD, ikonsulta ito sa inyong pediatrician.

    More from Smart Parenting

    Pangangalaga, pag-iwas at gamot sa G6PD deficiency

    Sabi ni Dr. Mary Anne Chiong, isang pediatrician at geneticist sa panayam sa kanya ng Salamat Dok. “Ang pinakamainam na treatment ay prevention. Umiwas sa mga pagkain at gamot na nasa listahan na binigay sa inyo noong nakumpirma na ang anak niyo ay may G6PD [deficiency] pagkatapos magawan ng newborn screening.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Kapag may napansin ka na senyales ng hemolysis sa iyong anak, lapatan agad ito ng medikal na atensyon. Kailangan na madala siya sa hospital at mabigyan ng oxygen at makapagsalin ng dugo, ayon sa DOH.
    • Mahahalagang paalala sa mga magulang na ang anak ay may G6PD deficiency mula sa NIH:
    • Magkaroon ng listahan ng mga oxidative substance. Magkaroon ng kopya sa bahay (ilagay ito sa pinto ng fridge) at dalhin ito saan ka man magpunta (i-save ito sa iyong cellphone).
    • Huwag hayaan ang anumang impeksyon dahil maaari itong maging sanhi ng hemolysis. Patuloy na pagkakaroon ng lagnat ay senyales ng impeksyon.
    • Kabisaduhin ang mga senyales ng hemolytic anemia (nakalista sa itaas).

    Habang lumalaki ang iyong anak, sabihin sa kaniya ang kaniyang kondisyon para alam niya kung ano ang gagawin at makaiwas sa mga bagay na makapagpapalala ng sitwasyon.

    Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa 

    What to Do if Your Child Is Diagnosed With G6PD Deficiency

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles