embed embed2
  • May Halak si Baby! May Dapat Bang Ikatakot Kapag May Ganito si Baby?

    May ubo ba si baby kapag siya ay may halak? Ano nga ba eto?
    by Dinalene Castañar-Babac . Published Sep 29, 2023
May Halak si Baby! May Dapat Bang Ikatakot Kapag May Ganito si Baby?
PHOTO BY iStock
  • Ang article na ito ay unang naipublish noong August 31, 2019. Nadagdagan ito ng updates noong September 30, 2023.

    Narinig mo bang may kakaibang tunog kapag humihinga ang iyong baby? Minsan nasasabi natin, “Naku, may halak siya.” Madalas na kinakatakot ito ng iba dahil iniuugnay ito sa pagkakaroon ng ubo. Pero ano nga ba ang halak? May dapat bang ikatakot ang mga mommy kapag may ganito si baby?

    Ano ang halak?

    Ayon kay Dr. Minette Reyes-Bautista, isang pediatrician sa St. Lukes’s Medical Center, ang halak o “gurgly” na tunog na maririnig sa dibdib ay dahil sa nakabarang plema o laway sa itaas o ibabang bahagi ng daluyan ng hangin.

    Sa kabilang banda, ang ating baga ay may nalilikhang iba’t ibang tunog depende sa sakit na tinataglay nito. May tinatawag sa Ingles sa mga tunog na ito: wheeze, crackles, rhonchi, whooping, pleural friction rub, stridor. Bawat tunog na ito at depende rin sa lokasyon nito sa baga ay makatutulong sa doktor na malaman ang kaakibat na sakit ayon sa WebMD. Naririnig ang mga ito sa tulong ng stethoscope at mas malinaw pa sa proseso ng pag-inhale at pag-exhale ng pasyente.

    Pero sa mga ito ang tunog ng stridor ang medical term na maiuugnay sa halak. Gaya ng halak, ito ay maaaring marinig kahit walang stethoscope. Madali itong maririnig kapag pinakinggan mo ng iyong tainga ang likod ng iyong baby. Ayon sa Healthline, mas nararanasan ang stidor ng mga bata kaysa sa matatanda dahil ang daluyan ng hangin nila ay malambot pa at makitid.

    What other parents are reading

    Ano ang sanhi ng halak?

    Paliwanag ng mga eksperto na normal lamang sa mga baby ang pagkakaroon ng halak. Ang madalas na nagiging sanhi raw nito ay kapag nasosobrahan sa pagdede si baby. Maaari daw kasing may puntahan ang labis na nadede ni baby: ang pagluwad o pagsuka, paglabas nito sa ilong, at sa pagpunta nito sa baga. Kaya naman ipinapayo ng mga doktor na tama ang pagitan ng mga oras ng pagpapadede sa mga baby para hindi nasosobrahan at tiyak na na-absorb nila ang kanilang nadededeng gatas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Healthline, kung stridor ang tunog na naririnig, maaaring may kondisyon na tinatawag na laryngomalacia ang bata. Ibig sabihin nito, may bumabara sa daanan ng hangin na nagiging sanhi nito. Karaniwan na nawawala ito sa pagtanda ng inyong anak. Ang ganitong kalagayan ay higit na nararanasan kapag tumuntong na nang 6 na buwan ang inyong baby pero may iba na ilang araw lamang pagkapanganak ay kinakikitaan na nito. Hindi naman ito delikado ngunit kapag napabayaan magdudulot ng ibang komplikasyon.

    What other parents are reading

    Kailan delikado ang halak?

    Ayon sa mga eksperto, delikado ang halak kung may kasama itong pag-ubo. Sinasabi nila na ang ating baga ay may paraan para ilabas ang plema kaya tayo umuubo. Kaya naman kapag ang baby ay may halak na may kasamang ubo, kailangan na patingnan na ito sa inyong doktor.

    Bukod sa ubo, kailangan din ang pagkonsulta sa doktor kapag may kasama pang sipon at lagnat ang halak na naririnig kay baby. Konektado ang mga lagusan sa ating mukha mula sa ilong, bibig, at lalamunan kaya minsan mahirap na matukoy ang sanhi ng halak dahil pareho ang sintomas nito sa ubo, sipon, at iba pang upper respiratory infection. Ang kondisyon ng pagkakaroon ng impeksyon sa mga bahagi ng lalamunan, bibig, at ilong ay maaaring sanhi ng bacteria o viral infection.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ipa-check up ang inyong baby kapag may sintomas ng:

    • May tunog ng abnormal na paghinga
    • Bago lamang napansin ang kondisyon
    • Mataas na lagnat
    • Hirap sa paghinga
    • May matinding pag-ubo
    • Ayaw dumede o kumain
    • Hindi nawawala ang halak, ubo, at sipon
    What other parents are reading

    Ano ang gamot sa halak?

    May mga halak na hindi kailangan ng gamutan dahil kusa itong nawawala, gaya ng halak na sanhi ng labis na pagdede. Ang tamang pagitan ng pagpapadede ay sapat nang gawin para mawala ito.

    Sabi rin dati ng aking pedia nang ikonsulta ko ang naririnig kong halak ng baby ko noong 2 buwan pa lang siya na normal lang daw ito. Minsan, gatas lang ito na naiiwan sa lalamunan ni baby na hindi pa nakakababa sa kaniyang tiyan. Kaya sikapin ko raw na mapadighay rin nang maayos ang baby ko. Tapik-tapikin ko lang din daw nang bahagya ang upper back niya iyong nasa ibaba lang ng batok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagbabahagi rin naman ng ibang mommy sa Smart Parenting Village, paliwanag ng kanilang pedia na sa mga newborn na nakararanas ng halak ito ay dahil daw hindi pa naalis ang lahat ng amniotic fluid na nasa baga niya matapos ipanganak. Samantala, maaari din ang pagpapainom ng sapat na tubig sa mga baby na nasa edad 6 na buwan pataas. Makabubuti rin ang malinis at maaliwalas na paligid, magkaroon ng tamang pahinga si baby, at maginhawa ang kaniyang pagtulog.

    What other parents are reading

    Payo naman ni Dr. Reyes-Bautista, tingnan kung ang iyong baby ay may sipon. Kung mayroon, painumin nang sapat na dami ng liquid gaya ng mas madalas na pagpapasuso. Maaari ding gumamit ng saline solution para matulungang umayos ang kaniyang paghinga pero kumonsulta sa doktor sa tamang paraan.

    Obserbahan din kung madalas na naglulungad si baby. Para tugunan ang kalagayang ito, matapos mapadede si baby hayaan lang na buhat ito nang patayo. Iwasan din ang maaaring magsanhi ng allergy o makakairita kay baby gaya ng usok ng sigarilyo, alikabok, at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Higit na ipinapayo ni Dr. Reyes-Bautista ang pagdadala sa doktor ng inyong baby para maeksamin ito at matukoy kung may iba pang kaakibat na sakit ang sintomas nito. Aniya, ang mga karaniwang sanhi ng pagkakaroon nito ay ang nasopharyngitis, pneumonia, hyperreactive airways, or gastroesophageal reflux (GER). Ang pagtukoy sa sakit ay pagbibigay rin ng nararapat na gamot o paglalapat ng angkop na lunas. Kaya nga, kapag alam nating may impeksyon si baby, huwag basta-basta magpapainom ng kahit anong gamot sa ubo o sipon. Magandang matingnan talaga siya ng doktor at maresetahan ng tamang gamot ang iyong baby.

    FAQs sa halak ni baby

    1. Ano ang mga sintomas ng halak sa mga sanggol?

    Ang mga karaniwang sintomas ng halak sa mga sanggol ay kinabibilangan ng nasal congestion, pag-ubo, hirap sa paghinga, mahinang gana, at pagkamayamutin.

    2. Paano magagamot ang halak sa mga sanggol?

    Ang pamamahala ng halak sa mga sanggol ay nagsasangkot ng kumbinasyon ng mga remedyo sa bahay at mga medikal na interbensyon, tulad ng nebulization, pagtaas ng pag-inom ng likido, steam inhalation, pag-angat ng ulo, saline drops, at pagpapalit ng gatas ng sanggol kung pinaghihinalaan ang mga allergy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Paano maiiwasan ang halak sa mga sanggol?

    Bagama't hindi posible na ganap na maiwasan ang halak sa mga sanggol, maaaring gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang panganib at maibsan ang mga sintomas, kabilang ang pagpapanatili ng malinis at walang alikabok na kapaligiran, pag-iwas sa usok, pagsasagawa ng mabuting kalinisan sa kamay, pagpapasuso, at pagsunod sa inirerekomendang iskedyul ng pagbabakuna.

    Protektahan ang iyong baby sa trangkaso sa pamamagitan ng flu vaccine. Basahin dito ang dapat mong malaman.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close