-
Unang Ngipin ni Baby: Ang Mga Sintomas at 'Gamot' Sa Sakit ng Pagtubo
Madalas na nagsisimulang tumubo ang mga nasa harapang ngipin sa itaas.by Dinalene Castañar-Babac . Published Dec 9, 2018
- Shares
- Comments

Isa sa mahahalagang bahagi sa paglaki ni baby na inaabangan ng mga bagong mommy ay ang pagngingipin. Hindi nila maitatago ang pananabik na makita ang unang tubo ng ngipin ng kanilang baby. Patunay kasi ito ng patuloy na pagbabago sa yugto ng development ni baby.
Karaniwan na lumalabas ang mga unang tubo ng ngipin kapag nasa apat hanggang pitong buwan (4 to 7 months) na si baby. Kung minsan, may maaga na tatlong buwan pa lamang at may iba namang umaabot hanggang isang taon. Madalas na nagsisimulang tumubo ang mga nasa harapang ngipin sa itaas at sinusundan naman ng nasa ibaba.
What other parents are reading
Sintomas ng pagngingipin
Sa panahon ng pagtubo, mapapansin na iritable si baby — hindi malaman kung ano ang gusto o gagawin niya. Mas nagiging iyakin din siya. Makikita rin ang panggigigil sa mga nakikita o nahahawakan. Nahihiligan niya ang palaging pagsubo ng kaniyang mga daliri o pagkagat nito. Gusto rin niyang isinusubo ang anumang bagay na nahahawakan niya. Kaya nararanasan ng baby ang pagtatae dahil sa nakukuha nilang mikrobyo sa kung ano-anong bagay na isinusubo.
Nagkakaroon din ng labis na paglalaway na minsan nagiging sanhi para maduwal siya o rashes sa leeg kaya kailangan suotan siya ng bib. Nariyan din ang paghila sa kaniyang tenga o palagiang pagkuskos sa mukha upang mabawasan ang sakit. Nahihirapan din sila kung minsan sa pagtulog. Nawawalan din ng gana sa pagkain ang ibang baby sanhi ng sakit ng namamagang gilagid. Nakararanas din ang iba na lagnatin.
Lahat ng baby dumadaan sa stage na ito at makararanas ng magkakaibang sintomas na kadalasan tumatagal ng tatlo hanggang limang araw at kapag tuluyan nang nakalabas sa gums ang tumutubong ngipin. Maaari ding matulungan siya na maibsan ang sakit na nararamdaman. Narito ang ilang payo na maaaring panlunas sa sakit ng nipin.
What other parents are reading
Ano nga ba ang dapat gawin kapag nararanasan ni baby ang mga sintomas ng pananakit ng ngipin?
Nakatutulong ang pagbibigay ng teether.
Makabubuti na ito ilagay sa freezer para malamig kapag kinagat ni baby. Natutulungang mamanhid ang gilagid ng baby kapag malamig ang kanilang kinakagat.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa baby na kumakain na o may anim na buwan pataas, makatutulong din ang pagpapainom ng malamig na tubig para maibsan ang sakit.
Subukin din ang pagpapakain ng malamig na pagkain gaya ng pinalamig na mashed banana, pureed apple, o plain yogurt.
Maaari ding gumamit ng teeting mitts o mittens na sinusuot sa kamay ng baby para ito ang kagat-kagatin nila.
Maaaring makatulong din ang pagpapakagat sa pinalamig na malinis na tela. Puwede rin ang malalambot na laruan subalit tiyakin lamang na malinis ito at ligtas na kagatin ni baby.
Ang mga nabanggit ay pantulong upang mabawasan ang sakit ng ngipin ni baby. Siyempre, higit sa lahat, isa sa the best na gamot ay ang haplos at pagmamahal ng magulang. Ang pagpapadama ng pagkalinga kay baby ay makakagaan sa sakit na kaniyang nararamdaman. Ngunit mahalagang tandaan din, anumang mapansin na labis na kakaiba sa inyong baby habang nagngingipin ito, lalo na kung labis na pagtatae, mataas na lagnat, at pagbaba ng timbang dahil sa pag-ayaw sa pagkain, ikonsulta agad sa inyong doktor upang mabigyan ng tamang lunas o gamot.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading

- Shares
- Comments