embed embed2
Gamitin ang mga Growth Charts na Ito Bilang Gabay sa Timbang at Taas ni Baby
PHOTO BY iStock
  • Regular kaming nakatatanggap ng mga mensahe sa Facebook page ng SmartParenting.com.ph mula sa mga nanay na nag-aalala kung sapat ba at maayos ang paglaki ng kanilang baby. Karamihan sa kanila’y mayroong tanong na katulad ng “My baby is X months old and weighs X pounds. Is this normal?” (“Ang anak ko ay X na buwan at may bigat na X pounds. Normal ba ito?”)

    Bumuo ng growth reference tables ang ating National Nutrition Council (NNC) para sa mga batang may edad 0 hanggang 71 na buwan (o mababa sa 6 na taong gulang) upang ma-check at makita kung sila ba’y lumalaki nang sapat at maayos batay sa kanilang timbang at taas (height). Isa itong set ng anim na table o talahanayan base sa Child Growth Standards ng World Health Organization (WHO) at available rin upang ma-download sa kanilang website

    What other parents are reading

     

    Paalala: Ito ay batayan lamang. Mahalaga na kumonsulta sa iyong pediatrician sa anumang pag-aalala tungkol sa timbang ng iyong anak.National Nutrition Council
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ang “Weight for Age of Girls” table ang nagkukumpara sa edad ng sanggol sa kaniyang timbang upang makita kung siya ay nabibilang sa lubhang kulang sa timbang, kulang sa timbang, normal, o sobra sa timbang.

    Gamit ang “Weight for Age of Girls” table bilang gabay o sanggunian, ang 6 na buwang gulang na baby girl ay dapat na nasa gitna ng 5.7 hanggang 9.3 kilo ang timbang upang masabing normal.

     

    Ang inaasahang timbang para sa mga batang lalaki sa edad na 0-71 buwang gulang.National Nutrition Council

     

    What other parents are reading

    Mayroon ding mga table na nagkukumpara sa edad o timbang sa haba (mababa sa edad 1) o sa taas (edad 1 pataas) upang makita kung ang bata ay nabibilang sa labis na mababa, mababa, normal, o mataas.

     

    Kapag ang anak ay edad 0-23 na buwan, sinusukat ang kanyang haba na nakahiga. Kapag siya ay 24-71 buwan na gulang, sinusukat ang kanyang taas na nakatayo. National Nutrition Council
    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    Gabay para sa haba/taas para sa mga batang lalaki mula pagkapanganak hanggang 6 na taong gulang.National Nutrition Council
    What other parents are reading

    Sa uulitin, hindi ito nangangahulugang maaaring palitan ng growth tables ang pediatrician ng iyong anak. Pagbabahagi ni Dr. Jamie Isip-Cumpas, isang pediatrician mula sa Parkview Children’s Clinic sa Makati, sa Smart Parenting, “The best way to tell if your little one’s growth is on the right track is to bring him to his scheduled well-baby checkups.” (Ang pinakamainam na paraan upang matukoy kung maayos ang paglaki ng iyong anak ay ang pagdala sa kaniya sa mga naka-set niyang check-ups.)

    Ang checkups ng iyong baby ay karaniwang naka-iskedyul pagkapanganak, pagkatapos ng isang linggo mula ipanganak, at isang beses kada buwan. Nakikita ng pediatrician ang kabuuan ng iyong anak — mula sa haba, timbang, sirkumperensiya ng ulo (head circumference), at ang mga developmental milestones nito (pisikal, social, at emosyonal), feeding habits, at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinitingnan din ng pediatricians ang measurements o mg sukat na ito sa paglipas ng panahon o ang tinatawag na “growth curve” o bilis ng paglaki ng iyong baby.

    Narito ang halimbawa upang maisakonteksto ang growth curve: ipinanganak ang iyong baby na mas magaan kaysa ibang mga sanggol ngunit nasa normal pa rin ang kaniyang timbang. Samantala, ang anak ng iyong kapitbahay ay mas mabigat noong ipinanganak ito.

    Sa parehong edad, sabihin nating 6 na buwan, ang dalawang babies ay maaaring magkaroon ng magkaibang timbang at pareho din silang malulusog habang sabay silang lumalaki.

    What other parents are reading

    Pahayag ni Dr. Isip-Cumpas, “Babies can be naturally smaller or naturally bigger than others. Each baby is different. Each baby follows his or her own growth curve. It’s never in comparison with your neighbor.” (Maaaring natural na mas maliit o mas Malaki ang mga sanggol kaysa sa iba. Bawat sanggol ay may sariling daloy ng paglaki. Hindi dapat ikinukumpara sa iba.)

    Ani Dr. Isip- Cumpas, “Pediatricians get concerned if a baby’s measurements start falling or plateauing (when it’s not increasing over time) even if it’s still within the normal.” (Samantala, nagiging sanhi ng pag-aalala ng pediatricians ang pagbagsak o pagtigil ng paglaki ng mga sanggol kahit nasa loob pa rin ng normal.)

    Sa ganitong mga pagkakataon, siguradong maibabahagi ng doktor ng iyong anak sa iyo ang kaniyang pag-aalala at magagawa niyang magbigay ng ekspertong payo.

    Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa 

    Is Your Baby Growing Normally? Use These Growth Charts as a Tool

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Anna G. Miranda, Van (sa kaniyang pamilya), o Vins (sa kaniyang malalapit na kaibigan), ay kasalukuyang nagsusulat ng una niyang aklat na pinamagatang Tawambuhay. Nawa'y matapos niya ito sa gitna ng pagtatanim ng mga cactus, pagtulala, at panonood ng K-drama.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close