embed embed2
Baby Name Blooper! Naipangalan Ng Isang Nanay Ang Anak Niya Sa Isang Rare Pokemon
PHOTO BY Shutterstock, Ken Sugimori
  • Napakahalaga ng pangalan ng isang tao. Sa katunayan, may mga naniniwala pa ngang may kinalaman ang pangalan ng isang tao sa magiging kapalaran niya. 

    Kaya naman lubos na pinag-iisipan ng mga magulang kung anong ipapangalan nila sa kanilang mga anak. Kaya lang, paano kung hindi sinasadyang nagkamali ka sa pagbibigay sa pangalan ng iyong anak? 

    Ilang mga COVID-19-related baby names ang sinasabi na namin sa mga nanay na iwasan na nila—pero anong gagawin mo kung ang akala mong tunay na name suggestion ay biro lang pala?

    'Yan ang siyang nangyari sa kapatid ng Reddit user na si Blade Huraska. Ikinwento ni Blade sa isang sub-Reddit thread na pinamagatang Today I Fucked Up (TIFU), kung paano niyang hindi sinasadyang na-suggest sa kapatid niya na pangalanan ang anak nito sa isang rare Pokemon.

    "Today, I fucked up by accidentally naming my nephew after a Pokemon."

    "I was on a family vacation driving around the mountains and while in the van my little sister had her kid. The family is in celebration and apparently, there was still a discussion on what the child's name would be," kwento niya.

    Gusto raw kasi ng kapatid niya na sa letrang Z magsimula ang pangalan ng bata. Nagkataon namang naglalaro siya noon ng Pokemon Sword sa kanyang Nintendo Switch at 'kakahuli' lang niya sa Pokemon na si Zacian. Doon na niya pabirong sinabi na bakit hindi na lang Zacian ang ipangalan nila sa bata. 

    Sinabi pa niyang 'sword' ang ibig sabihin ng pangalang Zacian—ito tuloy ang pinili ng kapatid niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bago pa man niya i-post sa Reddit ang kwento, alam na ng kapatid niya ang katotohanan sa pangalang naibigay nila sa baby. 

    Samantala, sa dalawang magkahiwalay na TikTok videos, ipinakita ni Blade kung anong naging reaksyon ng pamilya nang malaman nila ang tunay na kwento at ibig sabihin ng pangalan ni baby. 

    @ervingotero

    Part 1 of the reddit story reveal. ##zacian ##babynames ##storytime ##pokemon ##reddit

    ? original sound - Erving Otero

    @ervingotero

    Part 2 of the pokemon name reddit story. ##reddit ##pokemon ##storytime ##babynames ##zacian

    ? original sound - Erving Otero

    Hindi na bago sa mga Pilipino ang mga kakaibang pangalan. Madalas, kung hindi ito sunod sa uso, pangalan ito ng mga sikat na artista, o 'di naman kaya ay hango sa mga karakter sa sikat na palabas. 

    Maniniwala ka bang may magkakapatid na ipinangalan sa alpabeto? Basahin mo ang kwento nila sa baba:

    What other parents are reading

    May mga magulang pang ipinangalan ang mga anak nila base sa kung saan sila nagkakilala, pati na rin sa mga paborito nilang karakter sa mga mobile games. Basahin mo ang kwentong iyan sa baba:

    What other parents are reading

    Tunay talagang hindi matatawaran ang pagiging creative ng mga Pinoy sa ano mang larangan. Ikaw? Kakaiba ba ang pangalan mo o ng mga anak mo? Saan ito hango? Anong ibig sabihin nito? Ikwento mo na iyan sa comments section. 

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mas marami pang baby name inspiration.

     


    This story originally appeared on Esquiremag.ph. It was translated from English to Filipino and edited by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close