embed embed2
Wow! Ipinanganak Ang Kambal Na ito Sa Magkaibang Taon, Buwan, At Araw
PHOTO BY Courtesy of People.com / NATIVIDAD MEDICAL CENTER
  • Bihira at nakaka-tuwa ang birthing story na ito kung saan magkaibang araw, buwan at taon ipinanganak ang fraternal twins na sina Alfredo at Aylin.

    PHOTO BY Courtesy of People.com / NATIVIDAD MEDICAL CENTER

    Meet fraternal twins Alfredo and Alwyn ng California. Si Alfredo, ang kuya, ay ipinanganak noong New Year’s Eve, December 31, 2021, sa oras na 11:45 pm. Pagkatapos ng 15 minutes, ipinanganak naman ang kanyang kambal na kapatid na babae na si Aylin sa oras na 12:00 am ng  January 1, 2022!

    Tuwang tuwa naman ang mga magulang ng cute na kambal na ito na sina Fatima Madrigal at Robert Trujillo dahil healthy ang kanilang mga baby. Si Alfredo ay may bigat na 6lbs, habang 5 lbs naman si Aylin.

    Ayon sa press release ng Natividad Medical Center sa California na nailathala sa People.com, hindi makapaniwala ang mga magulang ng kambal sa kaka-ibang birthing story ng kanilang mga babies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "It's crazy to me that they are twins and have different birthdays," ang sabi ni Fatima. "I was surprised and happy that she arrived at midnight."

    PHOTO BY Courtesy of People.com / NATIVIDAD MEDICAL CENTER

    Ayon naman sa doctor ni Fatima, isa daw ito sa mga pinaka-memorable deliveries sa kanyang career. "It was an absolute pleasure to help these little ones arrive here safely in 2021 and 2022," aniya. "What an amazing way to start the New Year!"

    Ayon sa  Centers for Disease Control and Prevention (CDC), halos 120,000 twin births ang nangyayari sa United States kada taon—ito ay 3% ng lahat ng kapanganakan sa bansa. Ang Pilipinas naman ay mayroong total of 126,000 live births kada buwan ayon sa Commission on Population and Development.

    Welcome to the world, Alfredo and Aylin!

    Expecting twins? Here are tips on how to raise twins.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close